Share

So Eager To Please
So Eager To Please
Penulis: twanyo

Kabanata 1

“Are you alone?”

Napalingon si Karisma nang maramdaman niya ang mainit na kamay na dumulas sa  kanyang bewang. An attractive, foreign looking guy smiled at her.

Pinasadahan niya ito mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay matamis na ngumiti. Kilala niya ito. The infamous womanizer, Dice Ferrer.

Gumapang ang titig nito mula sa mukha niya pababa sa kanyang katawan, at nawala ang ngiti niya nang dumapo ang palad nito sa kanyang hita.

Agad niyang tinabig iyon ngunit mas lalo lamang lumawak ang ngiti nito. He’s obviously drunk, and a mess.

“Wanna have some fun tonight?” bulong nito sa kanyang tenga.

Karisma sighed. Hinarap niya ito at hinawi ang mahahaba niyang buhok, tapos ay itinaas ang kanyang kilay.

“Do I know you?”

Mabagal na kumunot ang noo ng binata. Of course, kilala niya nga ito. Pero hindi niya iyon aaminin dahil gusto niyang sirain ang pride nito. She wanted to humble him.

“You don’t know me?” tanong nito.

Mabagal siyang umiling habang sinasalubong ang titig nito. “The question is, do I have to know you?”

Dice almost kept a straight face, he brushed his hair and an amusing smirk slowly formed on his lips.

“Then, let me introduce myself.” Hinaplos nito ang kanyang kaliwang pisngi, hanggang sa naramdaman niya na lang ang labi nito sa kanyang bibig.

To be honest, she has already drunk a lot tonight. Medyo lasing na rin siya at wala nang masyado sa katinuan.

Pinulupot niya ang mga kamay niya sa leeg nito at ginantihan ang halik. He moaned. Niyakap nito ang kanyang bewang para idiin sa katawan nito, at nang maramdaman niya ang kamay nito sa kanyang pang-upo ay tumigil siya sa paghalik.

Lumayo siya at hinabol pa nito ang kanyang labi ngunit tinulak niya ito sa balikat. Mabilis na kumunot ang noo ng binata ngunit hindi niya iyon pinansin.

He bit his lip. “What’s wrong?”

Bumuntong-hininga siya at dinala niya ang likod ng palad niya sa labi niya at pinunasan, na lalong nagpakunot sa noo ni Dice.

“Is that it? Was that all you got?” tanong niya.

Umawang ang bibig nito. “What?”

Hinawi ko niya ang kanyang buhok. “Sorry, I remembered you just now. Dice Ferrer? Not worth the hype.”

Tumayo na siya at tumalikod para iwan ito. Narinig niya ang pagmumura nito ngunit hindi niya na iyon pinansin.

“Shit,” sambit niya. Frankly, he’s good. Muntik na nga siyang madala, ngunit hindi niya iyon aaminin.

Nilibot niya ang tingin sa paligid pagkalabas niya ng club, madaling araw na kaya’t wala nang masyadong tao sa paligid. Ngunit may pailan-ilan sa hindi kalayuan.

Inayos niya ang buhok niya habang tumatawid sa kabilang bahagi ng daan. Umikot ang mata niya nang tumunog ang phone niya, sa ganitong oras— alam niya na agad kung sino ang tumatawag.

Hinanda niya muna ang sarili niya bago sagutin iyon. “Hello—”

“Where the hell are you this time, Karisma Isabelle?”

Napangiwi siya habang nakapikit nang halos mabingi siya sa lakas ng sigaw nito.

“Mommy, be quiet. Natutulog na sila Tori, ano ka ba?” pagsisinungaling niya.

Ang ginawa niya lang naman na dahilan para makaalis siya siya ngayon ay ang nag-sleepover siya sa bahay ng pinsan niya. Pero ito siya ngayon at nasa club.

“Are you sure you’re not lying this time? Kapag nalaman ko lang na wala ka sa bahay ng mga pinsan mo ay alam mo na ang mangyayari!”

She sighed, taking off her high heels. “I’m here! Why would I lie? Matutulog na nga po ako pero tumawag ka pa. .”

Hindi niya matandaan kung kailan ang unang beses na nagsinungaling siya sa mommy niya. Sobrang istrikto kasi nito sa kanya kaya’t gumagawa siya ng paraan para makapunta sa mga parties.

“Make sure of it, young lady. Otherwise, you will be grounded.”

Napanguso siya. “Daddy won’t let that happen. .”

“Huh, you know to yourself that he cannot do anything about my decisions.”

Napairap siya sa hangin at hindi nakasagot. Napalingon naman siya sa bandang kaliwa hindi kalayuan sa kanya nang makaamoy siya ng usok ng sigarilyo.

Doon ay isang lalaki na nakasandal sa dingding, medyo madilim sa lugar na iyon ngunit naaaninag niya ang mukha nito dahil sa ilaw ng phone nito na hawak ng kanang kamay. Ang kaliwang kamay ay may hawak na sigarilyo.

Nakasuot ito ng kulay abong hoodie, may nakapasak na earphones sa tenga. Humithit ito sa sigarilyo bago nag-angat ng tingin at napalingon sa kanya, lumabas ang usok ng sigarilyo sa bibig nito habang nakatitig sa kanya.

Siguro ay naramdaman nito na pinapanood niya ito kaya’t napalingon. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa bago nag-iwas ng tingin na akala mo’y hindi interesado.

Napasinghap siya at nagsalita ulit sa phone niya. “Mom, gotta sleep. Goodnight!”

Bago pa ito makasagot ay pinatay na niya ang tawag at dinampot ang mga heels niya na hinubad niya. Nilibot niya ang tingin sa paligid para maghanap ng taxi.

“Hey!”

Agad siyang napalingon sa entrance ng club nang marinig ang boses na iyon. Nanlaki ang mata niya nang makitang si Dice ang palapit sa kanya, kanina ay halatang lasing na ito ngunit mukhang mas mukhang lasing ito ngayon.

“What do you want?” Inis na tanong niya.

“You!” anito at napahawak sa buhok na parang nagpipigil ng galit.

Hindi niya naiwasang kabahan dahil doon ngunit hindi niya pinahalata. She understands. Nasaktan niya ang ego ng binata dahil sa ginawa niya, ngunit hindi niya maiwasan na matuwa sa reaksyon nito.

He looks mad, and that was her goal. She wanted to hurt his freaking ego. 

Huminga siya ng malalim. “I am done with you, alright? I don’t even know you so get lost!”

“Are you fucking kidding me? I am fucking Dice Ferrer!”

Napangisi siya. “Well, nice to know you, Dice Ferrer.”

Nag-igting ang panga nito sa galit at marahas siyang hinawakan sa braso kaya napaigtad siya dahil sa gulat. “Let’s have fun tonight, and I will make you regret everything you said to me.”

“Shit, bitiwan mo ako!” sigaw niya habang hinihila ang braso niya ngunit masyadong mahigpit ang hawak nito.

Sinisipa niya ang binti nito ngunit nakakalayo lang ito. Pinipilit siya nitong bumalik sa loob ng club!

He grinned. “Stop acting like it’s your first time.”

Hindi na siya nakasagot dahil sa sobrang inis. Huminga siya ng malalim at kinagat ang kamay nito kaya’t napamura ito ng malakas at nabitawan siya.

“Hey, help me!” sigaw niya sa mga bouncer na nakatayo sa may entrance.

Hindi kumilos ang ang mga iyon. Well, this is Dice Ferrer that we’re talking about. He came from a well-known family, a powerful one. That’s why he’s acting like this, trash.

Mali ba siya ng nagawa na asarin ito?

Tinulak niya ito at malakas itong sinampal sa mukha, tapos ay dinuro ito. “Go fucking away!”

Hindi ito sumagot. Halatang lasing na lasing ito. Hinila ulit siya nito sa braso papasok sa loob ng club.

“Let go of me!” Kumapit siya sa gilid ng entrance para hindi sila tuluyang makapasok.

“Stop testing my patience!” anito at tinanggal ang pagkakahawak niya.

Bago pa tumapak ang ang paa niya sa loob ay naramdaman niya na lang ang paghapit ng isang braso sa kanyang bewang. Hinila siya nito palayo kay Dice kaya’t nabitawan siya nito.

Mabilis siyang napayakap sa leeg ng kung sino man ang humila sa kanya, hindi niya na iyon namalayan. Nanginginig siya at ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa nangyayari.

“And who the hell are you?” Hahawakan na sana siya ni Dice ngunit hinawi lang ito ng lalaking yakap niya, at dahil lasing ay tumumba ito.

Binitawan siya no’ng lalaki sa bewang kaya kumalas siya sa pagkakayakap. Hinawakan nito ang kanang kamay niya niya gamit ang kanan din nitong kamay at ang kaliwa ay nakahawak sa likod niya na parang tinutulak siya ng mahina patawid sa kabilang kalsada. Bale nasa likuran niya ito at parang inaalalayan siya.

Lilingon na sana siya para magpasalamat nang hawakan nito ang ibabaw ng kanyang ulo at tinulak pababa para mapayuko siya, napanganga siya nang makitang sinusubukan palang suntukin ni Dice ‘yung lalaki ngunit umilag ito at kung hindi siya pinayuko ay siya naman ang matatamaan.

Namilog ang mata niya nang iharap siya nitong lalaki kay Dice tapos ay hinawakan ng maayos at mahigpit ang pulso niya.

“Clench your fist,” bulong nito sa tenga niya mula sa likuran, nagtayuan ang mga balahibo niya. Agad niyang ginawa ang utos nito.

Napapikit siya nang maramdaman niyang tumama ang kamao niya sa panga ni Dice, muntik na siyang matumba dahil sa malakas na pwersa na nanggaling sa lalaki. Sumakit ang kamao niya dahil sa pagtama nito sa panga.

Napasandal siya sa dibdib ng binata habang nanlalaki ang mga mata na pinapanood si Dice na pinipilit tumayo. Halatang malakas ‘yung pagkakasuntok at lasing pa ito, nahihirapan na itong bumangon.

“Stop it, Dice! I will call the police on you!” sigaw niya kaya masama itong nag-angat ng tingin. Saglit lang sa kanya at lumipat din sa lalaki sa likod niya.

Nag-angat siya ng tingin sa tumulong sa kanya at hindi agad siya nakapagsalita nang makitang ito ‘yung lalaki na nakita niya kanina na nakasandal sa dingding at nagsisigarilyo. Sa pwesto nito kanina, siguradong nakita nito ang buong pangyayari.

And she swore, she almost gasped at the whole sight of his gorgeous face.

He looks so manly. . and dangerous. Dumagdag pa ang kapansin-pansin na mahabang peklat nito sa kaliwang panga, tapos ang maliit na nunal sa ibabang bahagi ng kaliwa rin nitong mata.

Ang tagal niyang napatitig sa binata. Bumalik lang siya sa ulirat nang mag-iwas ito ng tingin at damputin ang nahulog niyang clutch bag sa kalsada, tapos ay napanganga siya nang itaktak nito ang mga laman sa loob.

Nahulog ang lipstick niya, ang wallet, susi, salamin at bago pa mahulog ang phone niya ay nasalo na nito iyon.

“Passcode?” tanong nito at tiningnan siya sa gilid ng mata.

“What are you doing?” Iritadong tanong niya at pinulot isa-isa ang mga gamit niyang nagkalat. 

Naramdaman niyang pinapanood siya nito kaya nag-angat ulit siya ng tingin at inagaw ang phone niya na hawak nito.

“Thank you for saving me,” aniya habang matamis na nakangiti saka ito tinalikuran.

Nagulat siya nang hilahin ulit nito ang phone niya at hinawakan siya siya sa kamay tapos ay idinikit ang daliri niya sa fingerprint kaya nag-unlocked iyon.

Nanlaki ang mata niya. Pinipilit niyang agawin iyon ngunit tinataas lang nito iyon at iniiwas kaya hindi niya makuha, may pinipindot ito. Tapos ay maya-maya ay narinig niyang nag-ring, nahagip ng mata niya ang pangalan ng mommy niya sa screen.

“Hey! What do you think you are doing?”

Hindi na ito nakasagot nang tumigil ang pagri-ring. Tapos ay narinig ni Karisma ang boses ng mommy niya mula sa kabilang linya, napahawak siya sa buhok niya at napapikit ng mariin.

Tinapat ng binata ang phone sa tenga nito habang nakatingin sa kanya, ang isang kamay ay nakapahinga pa sa bewang. Sinenyasan siya nito na huwag siyang isusumbong.

Pinipilit niyang lumapit para kunin ang phone niya ngunit hinahawi lang siya nito. Hindi makapaniwalang sinundan niya na lang ito ng tingin nang lumayo ito sa kanya. Wala na siyang magagawa! Siguradong isusumbong siya nito!

Umupo siya sa gilid ng kalsada. Inis na inis. Yumuko siya dahil lalo lang siyang nagagalit ‘pag nakikita niyang gumagalaw ang labi no’ng lalaki dahil sa pagsasalita. Ni hindi niya ito marinig dahil lumayo sa kanya!

Napaangat na lang siya ng tingin nang tumigil ang pares ng sapatos sa harapan niya. Inis na kinuha niya ang phone niya na binabalik na nito.

“What did you tell her?!”

Pinagmasdan lang siya nito tapos ay nagbuntong-hininga bago siya nito hinila patayo. Napanganga siya nang hilahin nito pababa ang skirt niya na tumaas na kanina, hanggang kalahati ng hita niya lang iyon. Tapos ay napaangat siya ng mga kamay nang hilahin naman nito pataas ang tube top niya para matakpan ang cleavage niya kaya’t halos mahawakan nito ang dibdib niya.

She stared at him. “Why so conservative?”

Napatingin ito sa kanya at hindi nagsalita. He scoffed before he grabbed her arm, again! Pinara nito ang isang taxi at binuksan ang pinto saka siya tinulak sa loob, sapat na lakas lang para naman hindi siya sumubsob. Pinulot nito ang mga heels niya at binato rin sa loob na inilagan pa niya.

Yumuko ito. Ang isang kamay ay nasa pinto at ang isa ay nasa bubong ng taxi, pinagmasdan muna siya nito saglit bago lumingon sa driver.

“Ihatid mo sa bahay nila,” sabi nito sa driver bago marahas na sinara ang pinto kaya’t napaigtad siya.

Napasandal siya. “Damn it!”

Umandar ang taxi kaya’t lumuhod siya sa upuan at pinagmasdan ito na naiwan doon, sinusundan niyon ng tingin ang sinasakyan niya. May lumapit dito na dalawang lalaki na nanggaling sa loob ng club, siguro ay mga barkada nito.

“Ma’am, ano po ang address ninyo?” tanong ng driver kaya napaayos siya sa pagkakaupo.

Sinabi niya ang address niya at maya-maya lang ay tumunog ang phone niya at lumabas ang pangalan ng mommy niya. Napasabunot siya sa buhok niya dahil sa inis.

That man!

Komen (1)
goodnovel comment avatar
tetomak
umpisa palang wild na haa
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status