Share

Kabanata 21

Tahimik na nakatayo si Kari sa labas ng pintuan ng lugar na pinagdalhan sa kanya ni Tobias. Pumasok ang binata sa loob kani-kanina lang at sinabing maghintay muna siya roon saglit.

Nilibot niya ang tingin sa paligid habang niyayakap ang sarili, madilim kaya’t hindi maaninag. Pero may ilaw na nanggagaling sa loob kung nasaan si Tobias.

“Oh, brad, bakit bigla mong inaayos ‘yang higaan mo?” Narinig niyang tanong ni Domino, nagulat siya na nandoon pala ito.

“Oh, oh. Bakit tinatago mo ‘yang mga magazines?” Boses naman iyon ni Joaquin.

“Ano naman kung maingay kami? May makakarinig ba?”

Napaigtad siya nang biglang bumukas ang pinto sa harapan niya. Niluwa nito si Joaquin na nakasuot lamang ng boxer shorts at puting shirt.

“Kari!” Halakhak nito habang nakahawak sa frame ng pintuan, napansin niya agad ang nakapulupot na gasa sa kamao nito. “Nandyan ka pala.”

Nahihiyang ngumiti siya at sinilip si Tobias na binato ng damit ang nakahubad na si Domino na nasa loob.

“Pasok ka.” Hinila siya ni Joaq
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status