Share

Kabanata 5

“Anong nangyari, brad?”

Kanina pa nakayuko lang si Karisma habang nakatingin sa kanya ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap niya ngayon. Nasa labas na sila ng club ngayon, matapos siyang hilahin ni Tobias palabas ay tumigil sila rito.

Nag-angat siya ng tingin kay Tobias, nagsalubong ang mata nilang dalawa. Hindi man lang nito nagawang sagutin ang tanong ng kaibigan.

She could see his tongue moving inside his mouth while both of his hands were on his waist, probably thinking of something.

“Ayos ka lang, miss?” tanong ng isang lalaki na may buzz cut na buhok.

Nilingon niya ito saglit at tumango tapos ay ibinalik agad ang tingin kay Tobias.

“Yes. . I’m okay. .” sambit niya.

Hindi nakawala sa paningin niya ang pag-ngisi ng isa pa nilang kasama habang naiiling-iling. Gusto tuloy malaman ni Karisma kung ano ang pumasok sa  isip nito.

“Pauwiin mo na lang muna, Tobi,” anito.

Tobias, being an eerie human being, didn’ say anything again.

“Uh, you come with me.” Mabilis niyang sabi kaya kumunot ang noo ng tatlong lalaki. “I am currently grounded because you didn’t come with me, Tobias. I called the number that you gave me but it was unavailable, mommy thought that I was lying and—”

Napatigil siya magsalita nang bumuntong-hininga si Tobias. Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan, pakiramdam niya’y nasigawan siya nito dahil lang doon.

“Kari?” Agad siyang napalingon sa boses na iyon, tumatakbo papunta sa kanya si Cade. Nag-aalala ang itsura.

“Cade. .”

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “Are you alright? What happened to you? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!”

Kumunot ang noo niya. “Why were you calling me?”

“Auntie’s very mad right now, Kari! She’d been calling me earlier and told me to bring you home!”

Oh, shoot.

Binalik niya ang tingin niya kay Tobias na nandoon pa rin, tapos ay nagpaawa siya. Tumingin ang binata sa mga kaibigan, halatang hindi makapagdesisyon.

Hinawakan niya ito sa kamay kaya napalingon ito sa kanya. “Please, Tobias. I won’t bother you again after this, I promise you. .”

“You can go first,” sambit ni Tobias at lumingon sa mga kaibigan.

Nakahinga ng maluwag si Kari dahil sa pagpayag nito, tapos ay tumingin siya kay Cade at Nigel.

“If mommy called you again, tell her that I’m on my way.”

Tumango ang kanyang pinsan. “Okay, ingat.”

Bumaling siya ng tingin kay Tobias na naghihintay sa kanya. Nilagpasan siya nito at pumara ng taxi kaya sumunod siya, tapos ay binuksan nito ang pintuan at nilingon siya kaya nauna na siyang sumakay.

Pakiramdam niya ay sobrang tagal ng naging byahe nilang dalawa. Nakasandal lamang si Tobias sa upuan habang nakapikit, dumilat lang ito nang magsalita siya para sabihin na nandoon na sila.

Kumakabog ng malakas ang dibdib ni Kari habang papasok sila sa gate, si Tobias ay tahimik na sumunod sa kanya.

“Kari.” Mabilis siyang napalingon sa hagdan nang marinig ang boses na iyon.

“Mommy. .” Agad siyang napayuko nang tumama ang palad ng ina sa kanyang pisngi, sa lakas niyon ay halos mag-echo ang tunog nito sa buong bahay.

“Kailan ka ba matututo, Kari? Nauubos na ang pasensya ko sayo!” sigaw nito. “You thought I was a joke, huh? Hindi ka ba natatakot sa’kin?!”

Nag-angat si Kari ng tingin. Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito dahil sa gulat. Nahihiya siya, sinampal siya nito sa harap ng ibang tao. Sa harap ni Tobias.

“M-mommy.  .”

Pumikit ng mariin ang ina at humawak sa noo. “Go to your room.”

“But. .”

“Go to your room, Kari!”

Napakagat siya sa kanyang labi at umakyat ng hagdan, ni hindi niya nagawang lingunin si Tobias dahil hiyang-hiya siya. Ayaw niyang makita ang reaksyon nito.

Kahit nakarating na siya sa kwarto niya ay hindi pa rin siya umiiyak. Mas lamang ang hiyang nararamdaman niya, tsaka alam niyang kasalanan niya ang nangyari.

“Damn it. .” sambit niya sa hangin.

Magkausap ngayon ang ina niya at si Tobias ngayon, ano kaya ang pinag-uusapan ng mga ito?

Naligo muna siya at nagpalit ng komportable na damit tapos ay nahiga. Naalala niya tuloy bigla si Dice Ferrer, ito ang may kasalanan ng lahat! Sana talaga ay napuruhan iyon sa ginawa ni Tobias.

Napangiwi siya nang humapdi ang kanyang pisngi, bakat na bakat ang pagsampal sa kanya.

Kinabukasan ay tahimik kanyang ina pagkababa niya ng hagdan, nakatulog na lang siya kagabi ng hindi nalalaman ang pinag-usapan ng mga ito.

“Morning. .” Walang ganang bati niya.

Hindi ito sumagot at nagpatuloy sa pag-inom ng umuusok na kape. Alam niyang galit pa rin ito, pero galit din naman siya dahil sinampal siya nito.

Iniisip niya lang na hindi naman siya magsisinungaling kung papayagan siya nito!

She toasted some bread and took a glass of milk. Walang nagsasalita kaya bumuntong-hininga siya at tumayo para umakyat.

“Kari.”

Napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang boses ng ina, nilingon niya ito pero hindi siya bumalik. Nasa tapat na siya ng hagdan.

“Why?” mahinang tanong niya.

“Let’s talk.”

Tumango siya. “I’ll just finish my—”

“We will talk while you’re eating.”

Bumuntong-hininga siya at mabibigat ang paa na bumalik.

“What is it? I need to get ready for school.”

Nilingon siya nito.  “Nagkausap kami ni Tobias Ortega last night.”

Napukaw nito ang atensyon niya,  kagabi niya pa gusto malaman ang pinag-usapan ng dalawa. “Ano po ang pinag usapan niyo?”

“Well,” she paused. “I want him to be your personal bodyguard.”

Napasinghap siya. “What? Why?”

Hindi siya makapaniwala. Hindi niya naman kailangan ng bodyguard, para lang iyan sa mga matataas na tao!

“You know to yourself why, Kari!” Tumaas ang boses nito. “You got almost assaulted! Twice! And you don’t even know who did it to you!”

Hindi siya nakasagot. Hindi niya sinasabi sa ina ang pangalan ni Dice Ferrer, sinabi niya ay hindi niya alam kung sino ang may gawa no’n.

“He refused,” anito. “I offered him a big amount, I even asked him what he wanted but he declined every single thing I offered.”

“Alright.” Tumango siya. “Then why are we talking about this? He declined. Ayaw niya, so why bother?”

“You’re still grounded, Kari.”

Kinagat niya ang aking labi. Alam naman niya, wala siyang kalayaan ngayon lalo pa dahil sa ginawa niya at nangyari kagabi. 

Hindi talaga niya maiwasan na sisihin si Dice! Ito ang may kasalanan ng lahat!

“I want you to force him to be your bodyguard,” saad ng ina. “Wala akong ibang gustong pagkatiwalaan kundi ang taong iyon, do everything in order for him to take my offer. .”

Napanganga siya habang nanlalaki ang mata, hindi siya makapagsalita.

Tumayo ang ina at kinuha ang bag nito. “You know the rules, no Tobias Ortega as your bodyguard— no parties.”

Wala siyang nasabi hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Hindi siya makapaniwala! There is no way!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
pemaci5861
Kasalanan mo yan girl pero atleast nakilala mo si Tobias hihihihi
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status