Share

Kabanata 8

“Bakit?”

Matapos ng mahabang katahimikan ay ayon lamang ang lumabas sa bibig ni Tobias, hindi niya matantya ang emosyon ng mukha nito. Dahil doon ay hindi agad nakapagsalita si Karisma.

“Uh. . Mommy wants you to be my bodyguard. .”

Naglabas ng buntong-hininga si Tobias at pumikit bago tumingala. Nakatingala rin siya sa binata dahil bukod sa matangkad ito ay nakatayo ito sa mas mataas na baitang sa kanya.

“Sinabi ko nang hindi ako pumapayag,” saad ng binata at saka siya nilagpasan kaya hinabol niya ito at hinawakan sa kamay na nagpatigil dito.

“Hey, wait!”

Lumingon muli ito sa kanya kaya pinalambot niya ang kanyang mukha, nagbabakasakali na maawa sa kanya. Ngayon ay siya na ang nasa mataas na baitang, kaya’t magkapantay na ang mga mukha nila.

Lalo tuloy siyang na-intimidate. Hindi niya lang kung anong meron ang binata at ganito ang epekto nito sa kanya.

“Tobia—”

“Makinig ka dahil huli na ‘to, miss,” anito sa mahinang boses. “Ayoko ng may ibang iniintindi bukod sa sarili ko. Naiintind
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status