Share

Kabanata 19

Nagpaalam si Kari kay Tobias nang madilim na. Sinabi niya ay uuwi na siya kahit hindi naman, kahit kasi umiyak siya sa harapan nito ay hindi nito tinanong ang dahilan niya.

Gusto niya iyon, ayaw niyang mapag-usapan kung gaano kagulo ang kanyang pamilya. Well, hindi naman magulo, ayaw lang talaga sa kanya ng mga ito.

Nandito siya ngayon sa parking lot ng school na pinapasukan niya, doon niya napagpasyahan na iwan ang Bentley ng kanyang Kuya Felix para hindi makita ng mommy niya tapos ay saka siya sasakay ng taxi pauwi.

Iyon ang plano niya. Pero ayaw niya pang umuwi, ayaw niya na ro’n dahil sumasama lamang ang loob niya.

Sumandal siya sa backrest ng drivers seat, pumikit ako at wala nang nagawa kundi bumuntong-hininga. Pagod siya at walang gana.

Nami-miss agad niya si Tobias, nang kasama niya ito kanina ay nakalimutan niya ang lahat. Ang galing niya nga dahil hindi nito napansin na iika-ika ang lakad niya, tiniis niya iyon ng husto kanina.

Napadilat siya ng mata nang mag-vibrate ang ph
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status