Share

Kabanata 2

“You lied to me, Karisma! Sinabi mo na nandoon ka sa mga pinsan mo, but you were in a club!”

Kabababa pa lang ng taxi ni Karisma ay boses agad ng mommy niya ang bumungad sa kanya. Wala naman siyang magagawa, kasalanan niya iyon dahil nagsinungaling siya.

“Nabastos ka pa! And you almost got rape, for pete’s sake!” Nakahawak sa noo ito habang pabalik-balik na naglalakad, tapos ay  tumigil ito at galit na pinagmasdan siya. “Paano kung walang nagmagandang loob? Paano kung walang tumulong sayo?”

Napakagat siya sa kanyang labi. Totoo naman ang sinabi ng kanyang ina, kahit naiinis siya sa lalaki na iyon dahil sinumbong siya ay totoo naman na malaking bagay na tinulungan siya nito. Hindi niya alam kung ano nang mangyayari sa kanya kanina. Pero hindi ba pwede bang iligtas siya nito nang hindi siya sinusumbong?!

“Who is he?” tanong nito.

Napaiwas siya ng tingin, hindi niya alam kung bakit ayaw niyang sabihin ang pangalan ni Dice Ferrer. Makapangyarihan ang pamilya nito at baka magkagulo pa.

“I don’t know. .”

“No, the one that helped you,” anito. “I wanna know his name.”

Nagbuntong-hininga siya. “I don’t know him, kanina ko lang nakita ang lalaki na iyon.”

“Gumawa ka ng paraan para malaman mo.” Hindi pa rin kumakalma ang boses nito.  “I was so nervous earlier that I forgot to thank him, I want to meet him. And he sounds like a decent man.”

“I don't even remember his face!”

She lied, she remembers that man’s face. The man was hella gorgeous. Hindi mo basta-basta makakalimutan ang gano’ng mukha. Kahinaan niya ang mabangong lalaki, at sobrang mabango ito.

“Kari, I am giving you two days to find him. .” Her voice is finally calm. “If you fail, you will be grounded for the whole semester.”

Halos malaglag ang panga niya dahil sa gulat, hindi siya nakagalaw habang sinusundan ito ng tingin paakyat ng hagdan. Paano niya hahanapin ang lalaking iyon? Ni hindi niya alam ang pangalan nito.

Naligo na lang siya para mahimasmasan. Isang spaghetti strap at underwear lang ang sinusuot niya kapag natutulog.

Pero hindi niya alam kung anong oras na siyang nawalan ng malay dahil sa kaiisip kung saan niya hahanapin ang lalaking iyon.

“A man with a long scar on his jaw?” Nagtatakang tanong ng pinsan niyang si Tori nang tanungin niya ito kung may kakilala ba itong lalaking may mahabang peklat sa panga.

Desperada na siya, halos lahat yata ng nakikita niya na kakilala niya ay tinatanong niya kung may kilala ba silang lalaki na may peklat sa panga.

“Yes.” Nagpangalumbaba siya at hinipan ang mahaba na niyang bangs. “Pinahahanap sa’kin ni mommy ang lalaki na iyon at grounded ako kapag hindi ko siya nakita sa loob ng dalawang araw. .”

“Oh, sucks to be you.” Kinagat nito ang hawak na burger kaya napairap si Karisma.

Napasabunot siya sa buhok niya. “I don't know what to do. This sucks but being grounded for whole semester will be the suckest of all sucks!”

“You can ask your brothers, alam mong maraming kaibigan ang mga iyon. Malay mo ay kakilala nila or may kakilala sila na kilala ang hinahanap mo.”

That rings a bell. Agad niyang kinuha ang phone niya at pinindot ang nakalagay na pangalan ng kapatid niya sa phone niya na si Gideon, ang  kanyang kakambal.

Tatlong ring pa lang ay sumagot na ito. Narinig niya agad ang hagalpakan ng tawa ng mga barkada nito mula sa kabilang linya.

“Hello!” pag-agaw niya sa atensyon ni Gideon.

“Oh, hey. What’s up?” sagot nito sa kabilang linya. Halatang natatawa pa rin ito sa hindi niya malaman na dahilan.

“May kilala ka bang lalaki na may mahabang peklat sa mukha?”

Saglit itong hindi nagsalita bago sumagot. “Wala, why asking?”

I sighed. “Sila Wyan, may kilala ba sila?”

Tinanong nito ang mga barkada nito, naririnig niya. Pero walang kilala ang mga ito kaya sawi na naman siya.

Nagpaalam siya kay Gideon, walang naitulong ang kakambal niya at sigurado siyang lalong hindi kilala ng kuya Cameron niya ang lalaki na iyon.  Cameron and Felix are their older brothers.  Masyado nang matataas ang mga iyon dahil nasa business world na ang mga ito, samantalang sila ay third year college pa lamang. 

Hindi niya tuloy maiwasan isipin kung saan nag-aaral ang hinahanap niya.

“Is he hot?” tanong ni Tori.

Tumango siya ng mabagal at umikot ang kanyang mata. “Very. .”

“So, what does he look like?”

“He is tall, hanggang leeg niya lang yata ako. I can’t explain but he has this tiny mole under his left eye, hindi ko alam. Madilim noon.”

Tumango ito. “Is he like a model type, an actor type, maybe athletic?”

“Hmm. .” Napaisip siya. “His build, maybe athletic. But his face, definitely a model.”

“Maybe he’s someone famous!” Maligayang sabi nito at hinarap ang laptop. Searching like. . a model with a scar on the jaw, an athlete with a scar on the jaw. 

Sinilip niya ang ginagawa nito, pero nabigo lang sila dahil hindi naman nila ito nakita.

Naiinis siya. Isang araw na lang at kapag hindi niya pa nahanap iyon ay grounded na siya, alam niyang gagawin iyon ng mommy niya sa kanya!

Kinabukasan ay naghanap ulit siya. Kulang na lang ay ipa-drawing niya ang mukha nito para maidikit sa mga poste para lang mahanap ito!

Kapag na-grounded siya ay mawawala sa kanya ang lahat, hindi siya makakalabas ng bahay at isasara ang lahat ng credit card accounts niya, kukunin ang kotse niya at ibang gadgets maliban sa kanyang phone.

“I literally have five hours to find the guy!” sabi niya kina Tori na tahimik na iniinom ang kanilang iced coffee, sumandal siya sa upuan niya at humalukipkip.

Cadence laughed, her cousin. “Seriously? Inorasan ka talaga ng mommy mo?”

“Kaya nga sobrang desperada na.” Pag-ngiwi ni Tori.

“Hindi niyo ako naiintindihan dahil wala kayo sa sitwasyon ko.  .” aniya.

“It’s your fault, Kari! Pa-club club ka pa kasing nalalaman.”

Napairap siya. “Coming from you, Cade? Baka nakakalimutan mo na sayo ako natuto!”

“Sinama lang kita, just one time! Hindi ko sinabi na halos araw-arawin mo and that was ages ago. .” depensa nito. “Minsan na lang ako magpunta ngayon doon dahil may boyfriend na ako, pinagbabawalan na ako ni Nigel.”

“Well, wala akong boyfriend na magbabawal sa’kin,” sambit niya kaya’t tumawa ang dalawa.

Dalawang taon na yata sina Cadence at ang boyfriend nito, nauumay na nga si Kari kapag magkakasama sila. He’s the sweetest kasi.

Si Tori naman ay tamad sa mga gano’ng bagay, kaya kapag may nanligaw ay tinataboy nito agad palayo. Hindi pa gumagawa ng moves ay nakasampal na agad sa mga ito na basted sila. Naghihinala na nga ang parents nito na baka tomboy ang dalaga, pero hindi naman. She’s actually kinda girly.

“Kailan ka magbo-boyfriend, Tori?” tanong niya bigla, curious lang.

Napatigil ito sa pagtitipa sa laptop at nag-angat ng tingin, nagkibit balikat ito at uminom ng kape.

Cade scoffed. “Ano ba ang type mo? Ga-graduate na tayo ng college pero kahit yata crush ay wala akong narinig sayo!”

“May crush ako nung highschool ‘no!” agap nito. “Pero model siya. .”

“Really?” ani Cade. “So, what’s your type?”

“Uh. .” Luminga-linga sa paligid si Tori tapos ay nanlaki ang mata at may itinuro sa labas ng coffee shop kung nasaan sila. “That man! The one in white shirt, he’s my type.”

“Holy, mother of God!” Biglang napatayo si Kari at tumumba pa ang inuupuan niya nang makita ang lalaki na tinutukoy ni Tori.

The man that she’s been looking for! He’s wearing a white graphic shirt and a khaki shorts. Kasama nito ang dalawang lalaki na nakita niya rin noong gabi na iyon.

“What? Why?” Gulat na tanong ng dalawa niyang kasama.

“That’s him!”

Nanlaki ang mata ng mga ito at nagmamadali naman siyang lumabas ng coffee shop dahil paalis na ang mga ito. Hinabol siya nina Tori, naiwan niya pa ang phone at wallet niya sa table kaya hinihiling niya na sana ay dinampot iyon ng mga pinsan niya.

“Hey! Hey!” sigaw niya nang halos limang hakbang na lang ang pagitan niya sa tatlo.

Lumingon saglit ang isa sa mga ito, the man with a buzz cut and earrings on his ears.

“Hey!” sigaw niya ulit dahil nag-iwas lang ito ng tingin, ngayon ay lahat na ito ay lumingon.

Naramdaman niya agad ang mata ng isa na pumasada sa kabuuan niya,  hindi niya pinansin iyon at sinalubong ang tingin ng lalaki sa kaliwa. Ang hinahanap niya.

Kanina nang hindi pa siya nakikita ay nakangiti ito, ngayon ay nawala ito nang makita siya. His hand on his left pocket, sa kanan ay hawak ang phone.

Dahil maliwanag na ngayon, lalo siyang namangha sa itsura nito. Hindi niya nakita ang buhok nito ng gabing iyon dahil nakasuot ito ng hoodie. His hair is kinda curly, and he has siren eyes. Karisma felt intimidated but she pretended that she’s not.

At hinanap agad ng mata niya ang mahabang peklat nito sa panga, at nandoon nga iyon.

“You!” sambit niya at hinila ito sa braso.

“Woah, woah.” Na-aamaze na sumunod ang dalawa nitong kaibigan. Napatigil naman sa paglalakad sina Tori at Cade habang nakatingin sa hinihila niya.

“Miss, teka lang. .” Pagpigil sa kanya ng hinihila niya nang buksan na niya ang pinto ng kotse niya.

Napatigil siya at nilingon ito. “You need to come with me, alright?”

His eyebrows arched. “Bakit?”

Binitawan niya ang braso nito at tinuro ang sarili. “Hindi. . mo ba ako natatandaan?”

Kumunot ang noo nito at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Mabuti na lang ay naka-uniporme siya ngayon, disenteng-disente ang suot niya.

Tumango ito maya-maya at bahagyang ngumuso. “The woman that night, who lied to her mother that she was in her cousin’s house. But the truth is, she was in a club and kissed a man that attempted to—”

“Hoy!” Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito at narinig niya ang mahinang tawa ng mga pinsan niya.

Lumalim ang tingin nito sa kanya, ang kamay niya ay nasa bibig pa rin nito. Hinawakan nito ang pulso niya at tinanggal ang kamay niya bago nagsalita.

“Hindi ikaw ‘yon?”

Napasinghap siya at dinaanan ng tingin ang mga kaibigan nitong nagtataka sa nangyayari.

“That was me. .” Nahihiyang sagot niya.

Bumaba ang magkabilang gilid ng labi nito at tumango-tango habang pinagmamasdan siya.

“Anong kailangan mo sa’kin?” tanong naman nito. Umatras si Kari ng konti dahil lumapit yung mga kaibigan nito.

Inakbayan ito no’ng isa na buzz cut ang buhok. “Anong meron, tol?”

“Siya ‘yon,” anito.

Kumunot ang noo no’ng dalawa at pinagmasdan si Kari. “The hot girl that you were talking about?”

Tumaas ang kilay nito at bumaling sa kanya. “I didn’t say that.”

Tumawa ‘yung isa. “He did say that.”

Siniko nito ang kaibigan kaya naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya. So, hindi lang pala siya ang nakaisip no’n.

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. “Uh, gusto ka kasi makilala ni mommy. .”

Napanganga siya nang bigla itong maubo, dahil yata sa gulat sa sinabi niya. Tapos ay tumawa ng labas sa ilong ang dalawa nitong kaibigan.

She  cleared her throat. “Gusto niyang magpasalamat dahil you saved me, gusto ka niyang makilala.”

Tumango ito ng isang beses. “Wala iyon, pakisabi na lang para sa’kin. Hindi ako makakasama sayo dahil may gagawin ako ngayong araw.”

“Hindi pwede. .”

“Bakit?”

“E, sabi niya ay dalhin daw kita sa kanya. Gusto ka niyang makilala, can you come with me? Please?” Pinilit niyang palambingin ang boses niya para maawa ito sa kanya. Kapag hindi niya ito nadala sa kanila ay lagot siya sa mommy niya.

Nilingon nito ang mga kaibigan ngunit walang sinabi ang mga iyon, halatang nag-iisip ito. Maya-maya ay binalik nito ang tingin sa kanya.

“Sa susunod na lang, hindi talaga ako pwede ngayon.”

Napahinga siya ng malalim. “Can I get your number instead?”

Tumango ito at mabilis niyang hinila ang phone ni Tori na katabi niya, nataranta pa siya dahil hindi niya nabuksan dahil may fingerprint pala. Hinila niya ang daliri ni Tori na natutuliro rin kaya nakita niya ang maliit na ngisi ng kaharap niya habang pinapanood siya. Nang mabuksan ay inabot niya ito sa binata at pinanood niya ito habang tinitipa ang number.

“That’s not my phone, tatawagan kita or ite-text sa number ko. And please, mag-reply ka naman. Gusto kang makilala ni mommy,” aniya.

Inabot nito ang phone sa kanya at sinalubong ang tingin niya. “‘Wag kang mag-alala, magpapakilala ako kay mommy.”

Humalakhak ang mga kasama nito at parang nabulunan sina Tori, naramdaman niya na naman ang pag-iinit ng mukha niya. Tinuon niya na lang ang paningin sa screen ng phone.

“Anong pangalan mo?” tanong niya para mai-save niya ang number nito, nilahad niya ang kamay niya. “I am Karisma Basco.”

Bumaba ang tingin nito sa kamay niya, tinanggap nito iyon at naramdaman niya agad ang init ng palad nito.

This is really him, she thought. The man who saved him that night.

“Tobias,” he grinned. “Tobias Ortega. .”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status