Share

Kabanata 3

Hindi alam kung paano ipapaliwanag ni Kari sa mommy niya na hindi pwede si Tobias ngayong araw. Sinabi nito ay may kailangan daw itong gawin ngayon.

“So, where is he?”

Nakita niya na lang ang sarili niya na nakaupo sa sofa, ang mommy niya ay nakatayo sa harapan niya at nakahalukipkip habang nakatingin sa kanya. Kauuwi lang nito galing sa opisina.

She sighed. “I saw him earlier, sinabi niya na bawal daw siya today kaya hiningi ko na lang ang number—”

“Did you really think that I would believe that?”

“Mommy!” Frustrated na sigaw niya. “Believe me! We met earlier, his name is Tobias Ortega. He’s with his friends pa nga! Cade and Tori saw them too!”

“Then, why is he not here in front of me?”

Napanguso siya. “Because he said he was busy but he gave me his number!” Nilabas niya ang phone niya at nilapit sa mommy niya. “Go, call him! You remember his voice naman siguro, diba? Nakausap mo po siya sa phone that night.”

Tumango ito. “Okay, dial the number.”

“Fine.” She rolled her eyes, she’s confident. Nagsasabi naman kasi siya ng totoo, kinuha niya ang agad ang number sa phone ni Tori kanina.

Tinawagan niya ang phone at nag-angat ng tingin sa mommy niya, hinihintay na mag-ring iyon. But she felt a lump on her throat when the call didn’t go through. It means the number is not available.

Napatingin agad siya sa screen dahil doon. Oh no! Tinext niya agad si Tori dahil baka mali ang number na nakopya niya, at nag-reply naman agad ito ng parehas na number. Mali ang binigay ng lalaking iyon sa kanya?

“Damn that guy. .” she hissed under her breath.

“That’s it, Karisma. You’re groun—”

“No! No way!” Napatayo agad siya mula sa pagkakaupo. “Believe me, i saw him earlier! He just gave me a wrong number and it’s not my fault!”

Her mother sighed. “Grounded ka hangga’t hindi mo siya nadadala sa harapan ko.”

“M-mommy. .” Nanghihinang sambit niya.

“Don’t you dare give me that kind of face, Karisma! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito, tapos na ako sa pagiging maluwang sayo. I gave you so many chances but you took it for granted!”

Hindi siya nakapagsalita. Napayuko na lang siya at hindi na kumibo. Oo na, kasalanan niya! Pero nagsasabi naman talaga siya ng totoo ngayon!

“Find him first then we will talk.”

Napapikit siya ng mariin. Hindi niya talaga maintindihan ang gustong mangyari nito, ano bang gusto nito sa lalaki na iyon at gusto pa nitong makita? Hindi pa ba sapat na nakauwi siya ng maayos ng gabing iyon?

She buried her face on her pillow that night, thinking about that guy. Naiinis siya dahil niloko siya nito! Mali ang number na binigay nito sa kanya, halatang wala itong balak na makipag-usap sa mommy niya.

“So, you’re grounded right now. .” ani Cade kinabukasan nang magkita sila sa school. Katabi nito ang boyfriend nitong si Nigel ngayon.

“I told you, you will be grounded someday and right now is that someday,” he laughed.

Umirap siya dahil doon.

“Baka hindi mo masyadong ipinaliwanag kay tita?” tanong ni Tori habang inaayos ang pagkakatali ng buhok nito.

“I did, hindi lang siya nakinig sa’kin.”

Wala na. . hindi na available ‘yung mga cards niya, kinumpiska na rin ng mommy niya ang susi ng kotse niya at binigyan lang siya nito ng three hundred pesos ngayong araw. Hinatid siya ng driver kanina papunta sa school at susunduin siya mamaya pag uwi niya.

She’s so frustrated.

“Hey, treat me for lunch,”  sabi niya sa mga kasama niya.

Tumawa ang mga ito. “Sure, princess.”

Ni hindi rin niya magawang kumain ng maayos. Naaalala niya ‘yung panloloko sa kanya ng Tobias Ortega na iyon.

Iyon ba talaga ang tunay na pangalan nito? Pati iyon ay pinagdududahan niya na rin.

Whoever he is, fuck him, she thought. She will surely find and choke him so bad he couldn’t breath. Inis na inis talaga siya.

“How about the party tonight, Kari?” tanong ni Cade.

“She couldn’t make it, obviously. .”

Party! May party nga pala tonight! How come she forgot about that?! Napapikit siya dahil sa stress, gusto niyang magpunta ng party na iyon.

Party is an essential in Karisma Isabelle’s life.

She sipped her fruit juice and grinned. “I can make it.”

“How?” Sabay na tanong no’ng tatlo.

Kumindat siya. “See you at the party tonight.”

Uwian ay wala pa siya sa gate na naaninag niya na agad ang kotse na nakaparada sa labas ng gate ng school nila.

“Ma’am Karisma,” bati ng driver nila sa kanya.

“Pakisabi kay mommy ay may gagawin kaming group thesis sa house ng classmate ko,” sabi niya. “You can go.”

“Pero kabilin-bilinan ni mada’am na huwag akong babalik nang hindi kita kasama.”

Huminga siya ng malalim. “Then, you come with me.”

“Sige—”

“It's overnight, Mang Raul. Puro kami girls, go back alright?” agap niya at inilabas ang phone niya. “Or do you want me to call mommy right now for confirmation?”

Tumango ito. “Gusto ko po munang malaman ang sasabihin ni mada’am. .”

She scoffed. Wala na ba talagang tiwala sa kanya ang mga ito?

Nagpanggap siyang tinatawagan ang number ng mommy niya tapos ay nilagay ang phone sa tenga niya.

“Mommy!” pagbati niya kunwari, tumingin siya kay mang Raul na tahimik na nakatingin sa kanya.

“Sabi ko kay Mang Raul na umuwi na siya dahil may group thesis kami sa bahay ng classmate ko tonight. .” Tumigil pa siya saglit para kunwari ay nagsasalita ang kausap niya sa kabilang linya. “Yes, mommy. But it’s overnight, kaya natatakot siyang umuwi kapag hindi ako kasama dahil baka pagalitan mo raw siya.”

Ngumiti siya sa driver nila. “Okay, okay. I’ll tell him to go back. Alright, alright. Love you!”

Tinapos niya ang kunwaring tawag at nilingon ang driver. “You can go back, mang Raul. Sorry for wasting your time going here. .”

Napakamot ito sa ulo. “Sige, ma’am. Mag ingat na lang kayo.”

Ngumiti siya ng matamis. It worked! Kumaway siya nang sumakay na ito sa kotse, sinundan niya ng tingin iyon palayo at nang wala na ay pinawi niya ang matamis na ngiti sa labi niya at kinuha ang phone niya para tumawag.

“Nathan! I will go there now, is it ready?”

“Yes, babe. Please come here.”

I smiled. “I’ll be on my way, wait for me.”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status