Share

Say 'I Do', Husband
Say 'I Do', Husband
Author: Maria Angela Gonzales

Prologue

MARAMI mang naitulong sa kanya si Vincent, parang hindi pa rin sapat iyon para may maglandas na luha sa kanyang mga mata. Para ngang ordinaryong bagay lang ang  nakikita niyang ibinababa ang kabaong nito sa hukay. 

Dahil ba sa hindi naman niya ito minahal kahit palagi nitong sinasabi na mahal na mahal siya? O baka naman dahil matagumpay na naituro sa kanya ni Vince kung paanong hindi magpadala sa emosyon. 

Magalit ka! Bulyaw sa kanya ni Vince nang bumalik sa alaala niya ang nakaraan. Ilang beses siyang umiling dahil parang hindi niya kayang magalit sa pinakamamahal niya kahit maraming beses na siya nitong pinaasa at pinagsinungalingan. Bukod doon, pinagtaksilan pa siya nito at pinagtangkaang patayin. 

Napabuntunghininga siya nang malalim nang maisip niyang naniniwala nga pala si Anand na patay na siya. Kaya, maaaring sa panahong ito ay mayroon na itong asawa. 

Bilang biyudo niya, lahat ng pag-aari niya ay pag-aari na nito ngayon kaya kung pinakasalan man ni Anand ang girlfriend nito, siguradung masayang-masaya sila ngayon. Oh, parang gusto niyang batukan ang kanyang sarili sa kaalamang sobra siyang nasasaktan. 

Kung minsan tuloy ay naiisip din niyang masama rin palang maging masyadong mabait. Kahit masyadong malaki ang kasalanang nagawa sa'yo, hindi pa rin napupuno ng hinanakit ang dibdib niya para sa taong mahal na mahal niya. 

"Kailangan mong magalit!" Bulyaw minsan sa kanya ni Vince sabay sampal sa kanya. 

Hindi niya inaasahan na gagawin iyon sa kanya ni Vince kaya masyado siyang nabigla. Gusto niyang tanungin kung anong kasalanan ang nagawa niya para sampalin pero nakita niyang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Bago pa man siya nakapagtanong ay sinampal na naman siya nito. 

"Kung hindi ka magagalit, paano mo maipaghihiganti ang anak mong namatay dahil sa demonyo mong asawa?" Bulyaw nito sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nito.

"Hindi naman ako nakakasigurado na siya nga ang dahilan kaya ako naaksidente, eh," wika niya habang bumubuhos ang luha sa kanyang mga mata. 

"Tangina," singhal nito. Halatang hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi. 

Parang gusto niyang manginig sa galit na nakikita niya ngayon sa mga mata nitong parang nagkaroon ng bolang apoy. Alam niya niyang nasa mood na naman itong manakit kaya muli siyang napatili nang sabunutan siya rito. 

Pakiramdam niya'y hihiwalay na ang buhok niya sa kanyang anit dahil sa pananabunot nito sa kanya. Sinikap niyang makiusap dito na bitawan na nito ang buhok niya dahil sobra na siyang nasasaktan pero parang ayaw nitong intindihin ang sinasabi niya, mas mabuti na raw na maramdaman niya ang matinding sakit dahil makakatulong daw iyon para matauhan siya. Kaya, tili at iyak na lang ang nagawa niya nang kaladkarin siya rito habang sinasabunutan. 

Galit na galit si Vince nang tanungin pa siya nito pagkaraan ang ilang sandali. "Naniniwala ka ba talagang minahal ka ng putanginang Anand Villanueva na iyon," buong panggigigil nitong tanong sa kanya bago siya dinala sa harap ng full length body mirror at nginudngod siya roon. "Tingnan mo sa salamin na 'yan kung gaano ka kapangit. Baka sakaling matauhan ka. Minahal ka lang ng lalaking iyon dahil sa kayamanang nakuha niya sa'yo ng pakasalan ka niya at ng mamatay ka. O mas maiging sabihing ng pinatay ka niya."

Sa loob ng isang taon ay nagmistulan siyang punching bag ni Vince. Walang araw na hindi siya nakakatikim ng sampal at sabunot dito. May pagkakataon din na sinusuntok siya nito kapag nakikita siyang umiiyak. Hindi man kasi siya magsalita ay alam na alam nitong dahil iyon kay Anand. 

"Talagang in love na in love ka pa sa putang inang Anand Villanueva na iyon!" Galit na galit nitong sabi. Palagi nitong sinasabi na sobra itong nagseselos dahil kahit ito ang kasama niya, si Anand pa rin ang nasa puso't isipan niya. 

Hindi niya ito sinagot dahil talaga namang mahal na mahal pa rin niya ang asawa. Sa tingin nga niya'y hindi iyon mawawala hanggang sa huling hininga niya. 

"Kailangan mong makalimutan ang lalaking iyon," mariing sabi ni Vince sa kanya na para bang may solusyon ito kung paano magagawa iyon.

"Anong ginagawa mo?" Manghang tanong niya ng bigla nitong hinubad ang t-shirt na suot nito at hinagis kung saan. 

Sa ilang araw na naririto si Vince ay lagi lang siyang nakakulong. Sa kagustuhan din nito. At hindi siya makatutol dahil wala siyang kakayahang tumanggi. Basta ang nais daw nito ay lagi siyang nakikita. 

"Sa gagawin ko sa'yo siguradong makakalimutan mo siya," mariing sabi ni Vince sa kanya habang titig na titig sa kanyang mga mata. 

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng h***d na katawan ng isang lalaki pero ngayon ay parang gusto niyang mamatay. Hindi niya kasi gustong ibigay ang sarili sa taong hindi naman niya mahal.

"Hindi…hindi ako papayag," wika niya saka sinunod-sunod ang pag-iling. Walang dapat na umangkin sa kanyang katawan kundi ang pinakamamahal niyang asawa. 

Maaari ngang marami itong kasalanan na nagawa sa kanya buhat ng ikasal sila. O mas tamang sabihing mula ng magkakilala sila ngunit hindi dahilan iyon para mawala ang magmamahal na nararamdaman niya rito. 

"May magagawa ka ba?" Naghahamong tanong nito sa kanya. Kung makangisi ito ngayon sa kanya ay parang isang demonyo.  

"Vince…" aniyang nagmamakaawa. Alam niya kasing kapag hindi natauhan si Vincent ay masasaktan siya ng todo. Dahil kahit gustuhin man niya, alam niyang hindi naman siya makakalaban kay Vince. 

Masyadong malakas si Vince para malabanan niya ito. Bukod sa malaki ang katawan nito dahil alaga sa gym, nasa anim na talampakan pa ito. Samantalang siya ay nasa 5"6' lang ang taas tapos balingkinitan pa ang katawan. Kaya, imposible talagang malabanan niya ito. 

"Higa!" Hiyaw nito. 

"No," wika niya. 

Kahit ilang beses pa siya nitong bugbugin papayag siya pero hinding-hindi niya ibibigay dito ang kanyang sarili. Ayaw niyang maging marumi. Si Anand lang ang may karapatan sa kanya. 

"Wala ka nang magagawa pa," wika nito habang palapit nang palapit sa kanya. 

Naisip niyang tuhurin ito para makatakas siya pero parang naisip na nito ang kanyang gagawin kaya nasangga nito ang tuhod siya at nahawakan siya nito sa braso kaya kinaladkad siya nito pahiga sa kama. 

"Para mo ng awa…" wika niya ng itali pa nito ng sinturon ang kanyang mga kamay at inilagay sa kanyang ulunan. Pagkaraan ay pinunit nito ang kanyang damit. 

"Magpapasalamat ka pa sa akin na ginagawa ko sa'yo ito," mariing sabi. Nilalamas nito ang isa niyang dibdib habang ang isa naman ay subo-subo nito. 

Diring-diri siya sa ginagawa nito ngunit nanghihina siya. Kanina pa kasi siya sinasaktan ni Vince kaya parang wala siyang lakas na lumaban. Iyak na lang tuloy ang nagagawa niya ng mga oras na iyon habang patuloy ito sa paglapastangan sa kanyang katawan hanggang sa bumaba ang labi nito sa pagitan ng kanyang mga hita. 

Ayaw niya pero nagawa nitong paghiwalayin ng husto ang kanyang mga hita habang panay ang paghagulgol niya. 

"Damn," wika nito pagkaraan. 

Pagkatapos noon ay biglang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya sabay balikwas nang bangon. 

"Vincent…" tawag niya nang maramdaman niyang pagbabago nito. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status