Share

Chapter 7 

KAHIT gusto na ni Faye na magmalaki, alam niyang mapapahiya lamang siya. Tiyak kasi niyang maraming mga mata ang nakasunod ng tingin sa kanila ni Anand, partikular na sa kanilang mga kamay na magkahawak.

Sa higpit nang pagkakahawak sa kanya ni Anand, parang sinasabi nitong 'huwag kang mag-alala, akong bahala'. Kaya, wala na siyang nagawa kundi pagkatiwalaan si Anand, ang kanyang boyfriend.

Talagang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagmamahalan sila ni Anand. Buong akala niya kasi'y mananatili lang pangarap ang pagmamahal niya para kay Anand.

"Susunduin kita mamaya, ha," masuyong sabi sa kanya ni Anand nang maihatid na siya nito sa kanyang classroom.

"Sige," sabi na lang niya. Hindi man siya lumingon sa paligid, alam niyang maraming mga mata ang nakatingin sa kanila. Hindi lang ang mga nasa loob ng kanilang classroom, pati na rin iyong mga nasa labas.

"Wala ba akong kiss, Love?" Buong paglalambing na tanong sa kanya ni Anand.

May kalakasan ang pagkakasabing iyo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status