Share

Chapter 10 

MANINIWALA ba siya talaga? Tanong ni Faye sa kanyang sarili.

Sabi ng utak niya, huwag kang magpautong pangit ka. Walang sinumang lalaki ang magmamahal sa'yo, subalit kumontra ang isang bahagi ng kanyang vital organ – ang kanyang puso. Damang-dama naman kasi niya ang katapatan ni Anand.

Kung wala itong pagmamahal sa kanya, siguradong hindi na siya maililigtas pa. Maaari naman kasi siya nitong pabayaan ngunit, hindi nito ginawa. Bumalik ito para hanapin.

"Faye…." Wika nitong hirap na hirap.

Tumingin siya rito.

"Naniniwala ka naman sa akin, hindi ba?"

Gusto niyang sabihing 'oo, naniniwala ako sa'yo' pero para pa ring may nakabara sa kanyang lalamunan. Para tuloy nilamutak ang kanyang puso nang makita niya ang sakit sa mukha ni Anand.

"Kaya ba hindi mo ako hinintay nu'ng sinabi kong susunduin kita? Kasi, hindi ka naniniwala na mahal kita," hirap na hirap na wika nito.

"No," wika niya. Napangiwi siya nang mapagtanto niyang mali ang kanyang salitang nabitawan. Ang sakit kasing nakiki
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status