Share

Chapter 5 

MARAHANG kagat sa pang ibabang labi ni Faye ang naging daan para siya ay matauhan. Bahagya tuloy niyang itinulak si Anand para malayo ito sa kanya pero parang gawa sa bato ang katawan nito dahil ni hindi man lang ito natinag.

Hinawakan pa nga nito ang mga kamay niya na parang inaawat siyang palayuin ito.

"Anand…" wika niya. Kahit may gusto pa siyang sabihin ay parang hindi na niya kaya pang ibulalas. Parang ang mga kamay ni Anand na nakahawak sa kanyang kamay ay may kakayahang sunugin ang mga nararamdaman niyang negatibo.

Ang mga eksenang tulad kasi nito ay matagal na niyang in-imagine na mangyayari sa kanyang isipan. Kaya, parang gusto niyang sampalin ang sarili para mapagtanto niyang hindi lamang ilusyon ang nangyayari.

Ngumiti ito sa kanya. "Tayo na."

"Ha?"

"Mahal kita. Mahal mo ako. Dapat lang tayong magsama," nakangiting sabi ni Anand habang hinahaplos ang kanyang pisngi.

Hindi niya napigilan ang mapasinghap sa ginagawa nito. Para ring may malaking kamay na humahaplos sa kany
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status