Say 'I Do', Husband

Say 'I Do', Husband

By:  Maria Angela Gonzales  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
6 Mga Ratings
13Mga Kabanata
954views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Pangit man si Faye sa paningin ng lahat nakuha pa rin niya ang pag-ibig ni Anand Villanueva, ngunit, bakit bigla itong nag ago kung kailan kasal na sila at magkakaanak na? Maniniwala na nga ba siyang pinakasalan lang siya nito dahil isa siyang Galino – ang tagapagmana at magmamay-ari ng Diwata Toy Store?

view more
Say 'I Do', Husband Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
dolly Colance
Ang tagal na nitong story mo author may balak Ka pa bang I continue ito? sayang kc Mukhang maganda sya
2023-02-27 04:06:56
0
user avatar
Mimi Ku
kailan po next update mo?
2022-07-07 19:55:21
1
user avatar
EmotionlessMissK
Ang Ganda ate keep writing ............
2022-05-23 20:36:01
0
user avatar
Mimi Ku
manyak ba si luther haha? bukas ulit abangan ko sya.
2022-05-20 15:04:09
1
user avatar
Mimi Ku
maganda. aabangan ko si Tricia. mukhang nasa loob ang kulo!
2022-05-16 08:26:58
1
user avatar
Khala Castro
Good luck ate. .........
2022-05-16 00:36:39
1
13 Kabanata
Prologue
MARAMI mang naitulong sa kanya si Vincent, parang hindi pa rin sapat iyon para may maglandas na luha sa kanyang mga mata. Para ngang ordinaryong bagay lang ang nakikita niyang ibinababa ang kabaong nito sa hukay. Dahil ba sa hindi naman niya ito minahal kahit palagi nitong sinasabi na mahal na mahal siya? O baka naman dahil matagumpay na naituro sa kanya ni Vince kung paanong hindi magpadala sa emosyon. Magalit ka! Bulyaw sa kanya ni Vince nang bumalik sa alaala niya ang nakaraan. Ilang beses siyang umiling dahil parang hindi niya kayang magalit sa pinakamamahal niya kahit maraming beses na siya nitong pinaasa at pinagsinungalingan. Bukod doon, pinagtaksilan pa siya nito at pinagtangkaang patayin. Napabuntunghininga siya nang malalim nang maisip niyang naniniwala nga pala si Anand na patay na siya. Kaya, maaaring sa panahong ito ay mayroon na itong asawa. Bilang biyudo niya, lahat ng pag-aari niya ay pag-aari na nito ngayon kaya kung pinakasalan man ni Anand ang girlfriend nito,
Magbasa pa
Chapter 1
"ANG pangit… ang pangit, ang pangit-pangit mo!" Wika ng mga estudyante ng Unibersidad of the Philippines sabay palakpak. Malalim na buntunghininga na lamang ang kanyang pinawalan ni Faye sa halip lingunin niya ang mga kumakanta. Alam na alam naman kasi niyang siya ang pinapatungkulan ng mga ito, lalo na't ang ilan sa mga ito ay kaklase niya. Siya si Faye Galino, kumuha siya ng kursong Business Management dahil mayroon siyang negosyong pamamahalaan pagdating ng araw. Pag-aari ng mga Galino ang Diwata Toy Store na sikat na sikat hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. "Faye," sigaw ng kanyang kaklase na si Luther. Ayaw sana niya itong pansinin pero muli na naman itong sumigaw. "Ang pangit mo talaga, nakakasuka!"Napabuntunghininga na lang siya sa halip na patulan ang pambu-bully nito. Saka, wala rin naman siyang laban sa mga ito dahil hindi lang pang-aasar ang kayang gawin ng mga ito, kundi pananakit din. Frat members ang mga ito kaya kung hindi niya iiwasan ang mga ito, kapaha
Magbasa pa
Chapter 2 
"ANONG drama mo?"Abala si Faye sa kanyang ginagawa kaya naman sa halip na lingunin si Tricia, tiningnan lang niya ito buhat sa salamin. Iniwas lang niya ang mata na tumingin sa kanyang sarili dahil nasasaktan siya. Hindi dahil sa pangit siya kundi dahil sa mga sugat na iyon sa kanyang mukha ay ipinapaalala noon na siya ang dahilan ng kamatayan ng kanyang ina. "Saan?" Tanong niya kahit gusto rin niyang itanong kung bakit ang study table ng kanyang Tita Amanda ay may salamin pa. Ipinilig lang niya ang kanyang ulo nang maisip niyang gusto nitong ipakita lagi sa kanya kung gaano siya kapangit. Ipinilig niyang muli ang ulo sa kaisipang iyon. Mabait naman kasi ang kanyang madrasta kaya ayaw niyang isipin na kinakalaban siya nito ng pailalim. May mga pagkakataon naman kasing ipinagtatanggol pa nga siya nito sa kanyang ama at kung absent ang kanyang ama sa mahahalagang okasyon sa kanyang buhay, naroroon naman ito para pasayahin siya. "Wala ka naman sigurong amnesia para makalimutan mong
Magbasa pa
Chapter 3 
"KUNG magsalita ka naman parang close tayo," hindi napigilang sabihin ni Faye pagkaraan ng ilang sandali. Itinuon niya ang atensyon sa pag-inom ng juice. Tapos na siyang kumain pero hindi pa niya magawang tumayo at umalis. Fifteen minutes pa bago magsimula ang susunod mong klase, paalala niya sa sarili. Gusto niyang isipin na iyon ang dahilan kaya nanatili siyang nakaupo roon. Ngunit, ang mapanuksong puso niya ay nagsasabing gusto lang niyang makasama pa ang kanyang crush. Hindi na kasi niya alam kung mauulit pa ang mga sandaling iyon. Baka nga iyon na ang una at huling beses niyang makakasabay si Anand na kumain. Feeling mo nagdi-date kayo? Sarkastikong tanong niya sa sarili. Kunsabagay, wala namang pagkakakaiba sa nagdi-date ang pwesto nila ngayon. Nakaupo ito sa harap ng kinauupuan niya. "Done?" Tanong nito. Bigla tuloy siyang napapitlag sa tanong nito. Wari'y nagtataka ito kung bakit hindi pa siya umaalis gayung tapos na siyang kumain. Kahit hindi siya nakaharap ngayon sa
Magbasa pa
Chapter 4 
I LOVE you? Manghang bulalas ni Faye. Ilang saglit tuloy siyang natulala. Talaga kasing hindi niya inaasahan na maririnig niya ang mga salitang iyon kay Anand. Bahagya siyang umiling dahil ayaw niyang paniwalaan ang sinabi ni Anand. Marahil, nagbibiro lang ito o kaya naman sinabi lang ang mga salitang iyon dahil malapit sila sa isa't isa. Sa pagkakaalam niya kasi ay kaibigan lang ang turing nito sa kanya. May palagay nga siyang naaawa lang ito sa kanya kaya lagi siyang sinasamahan. Duda rin niya ay pinakiusapan lang ito ni Tricia na bantayan siya at laging protektahan. Hindi man kasi sila magkadugo ni Tricia, parang tunay na magkapatid ang kanilang turingan kaya lahat din ay gagawin ng kanyang stepsister para mapaligaya lang siya. Malalim na buntunghininga tuloy ang pinawalan niya pagkaraan. Naisip kasi niya na hindi naging mabuti na nalaman nito na may gusto siya kay Anand, sa kaibigan nito."Anong ginagawa mo rito?" Gilalas na tanong niya kay Anand nang malabasan niya ito. Nakaha
Magbasa pa
Chapter 5 
MARAHANG kagat sa pang ibabang labi ni Faye ang naging daan para siya ay matauhan. Bahagya tuloy niyang itinulak si Anand para malayo ito sa kanya pero parang gawa sa bato ang katawan nito dahil ni hindi man lang ito natinag.Hinawakan pa nga nito ang mga kamay niya na parang inaawat siyang palayuin ito. "Anand…" wika niya. Kahit may gusto pa siyang sabihin ay parang hindi na niya kaya pang ibulalas. Parang ang mga kamay ni Anand na nakahawak sa kanyang kamay ay may kakayahang sunugin ang mga nararamdaman niyang negatibo. Ang mga eksenang tulad kasi nito ay matagal na niyang in-imagine na mangyayari sa kanyang isipan. Kaya, parang gusto niyang sampalin ang sarili para mapagtanto niyang hindi lamang ilusyon ang nangyayari. Ngumiti ito sa kanya. "Tayo na.""Ha?""Mahal kita. Mahal mo ako. Dapat lang tayong magsama," nakangiting sabi ni Anand habang hinahaplos ang kanyang pisngi. Hindi niya napigilan ang mapasinghap sa ginagawa nito. Para ring may malaking kamay na humahaplos sa kany
Magbasa pa
Chapter 6  
ANG akala ni Faye ay didiretso na sila ni Anand sa eskuwelahan pero nagkamali siya dahil pinark ni Anand sa isang fastfood ang kotse nito. "Pasensiya ka na kung sa Jollibee lang muna ang first date natin, mali-late ka kung magha-hanap pa tayo ng ibang kakainan," wika ni Anand sa napakalambing na tono. "Kahit naman hindi tayo kumain ay okay lang," nahagilap niyang sabihin. "Hindi magandang pumasok na walang laman ang tiyan," wika ni Anand. Natutop niya tuloy ang tiyan dahil sa sinabi ni Anand. Alam niyang kaya nabuking ni Anand na hindi pa siya kumakain dahil nag-iingay na ang mga buwaya niya sa kanyang tiyak. Masaya kasing nag-uusap-usap kanyang Papa, Tita Amanda at si Tricia habang nag-aalmusal at alam niyang masisira ang mood ng kanyang ama kapag nakita siya nito kaya minabuti na lamang niyang umalis ng hindi nag-aalmusal. "Love," wika ni Anand. "Love?" Wika niya. "Tayo na kaya ang endearment ko sa'yo Love. Ikaw, anong itatawag mo sa akin?" malambing na tanong nito sa kanya.
Magbasa pa
Chapter 7 
KAHIT gusto na ni Faye na magmalaki, alam niyang mapapahiya lamang siya. Tiyak kasi niyang maraming mga mata ang nakasunod ng tingin sa kanila ni Anand, partikular na sa kanilang mga kamay na magkahawak. Sa higpit nang pagkakahawak sa kanya ni Anand, parang sinasabi nitong 'huwag kang mag-alala, akong bahala'. Kaya, wala na siyang nagawa kundi pagkatiwalaan si Anand, ang kanyang boyfriend.Talagang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagmamahalan sila ni Anand. Buong akala niya kasi'y mananatili lang pangarap ang pagmamahal niya para kay Anand. "Susunduin kita mamaya, ha," masuyong sabi sa kanya ni Anand nang maihatid na siya nito sa kanyang classroom. "Sige," sabi na lang niya. Hindi man siya lumingon sa paligid, alam niyang maraming mga mata ang nakatingin sa kanila. Hindi lang ang mga nasa loob ng kanilang classroom, pati na rin iyong mga nasa labas. "Wala ba akong kiss, Love?" Buong paglalambing na tanong sa kanya ni Anand. May kalakasan ang pagkakasabing iyo
Magbasa pa
Chapter 8  
"OH, My God!" Bulalas ni Faye nang mapagtanto niyang alas-siyete na pala. Hindi niya namalayan ang oras dahil gusto niyang tapusin ang lahat ng assignment niya. Dahil third year na siya ay pahirap na rin nang Nawala tuloy sa isipan niya na susunduin nga pala siya ni Anand. Masyado siyang nasanay na mag-isa sa loob ng labing siyam na taon kaya nakaligtaan niyang iba na pala ang sitwasyon ngayon, mayroon na siyang boyfriend. Wala mang ligawan na nangyari sa pagitan nila pero naging magkaibigan naman sila. At talagang mahal niya si Anand Villanueva. Hiling lang niya ay ganoon din sana ang nararamdaman nito sa kanya. Napa-oh no siya nang tingnan niya ang kanyang cellphone. Naka-20 missed calls na si Anand at nakatanggap din siya ng sandamakmak na text buhat dito. Nilagay niya kasi iyon sa silent mode dahil nga nasa library siya. Andito pa ako sa library. Don't worry, pauwi na rin ako, nakangiwi niyang sabi habang tinitext iyon. Malapit na rin kasing ma-lowbatt ang kanyang cellphon
Magbasa pa
Chapter 9 
NANG maalala ni Faye ang nangyari, bigla siyang napahagulgol. Ayaw din niyang tingnan ang sarili at ang paligid dahil natatakot siyang makumpirma ang nangyari.IAng una kasing pumasok sa isip niya ay nagtagumpay ang mga buhong sa paglapastangan sa kanya. Dahil sa nerbiyos niya kanina ay nawalan siya ng malay kaya hindi na niya matandaan pa ang nangyari. Ngunit, ano pa ba ang magaganap kung wala siyang lakas para lumaban. Siyempre, nagpasasa na lang ang mga ito sa kanyang katawan. Ang sabi niya kasi sa kanyang sarili, ibibigay lang niya ang sarili niya sa taong mahal niya. Siyempre, si Anand ang kanyang naisip. Ito naman kasi ang mahal niya at sa tingin niya ay wala na siyang ibang mamahalin kundi ito lang. Sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ay naramdaman na niyang maybpagtingin siya rito. Talagang hinangaan niya ang kaguwapuhan nito tapos nagkaroon pa siya ng pagkakataon na makilala ito.Kahit sabihing hindi niya alam ang buo nitong pagkatao dahil hindi naman siya ipinakiki
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status