Share

Once Upon A Summer
Once Upon A Summer
Author: norqaeda

i: his beanie

Chapter 1

"Yes, ma. I already packed my important stuff and come on, that will only be one week. Why so worried?" I hugged my mother from the back, wrapping my arms around her shoulders.

"I'm not worried. Wala lang akong mauutusan dito sa bahay." She said that made me pout. Kaagad akong kumalas sa pagkayakap sakanya. She just chuckled afterwards. "Biro lang, anak. Basta ah, paki kamusta mo ako sakanila, especially kay Blake." She smiled, playfully.

Kunot noo ko s'yang tinignan habang inaayos ang mga gamit ko. "Ma, stop it." I said. "It sounds weird mentioning Blake habang ganyan ka makangiti." Dagdag ko pa saka binitbit na ang aking bag.

"Why? Isn't he your childhood crush?" She poked my nose while giggling. I glared at her.

Ayan na naman sya. Ayaw mag move on.

"I was just a 10 year old naive kid that time, Ma. Nakamove on na ako, kaya dapat ikaw din," sagot ko sakanya saka naunang lumabas ng kwarto.

Habang pababa ako ng hagdan ay nadatnan ko ang bagong boyfriend ni mama na feel at home na kumakain sa sala namin.

"Ayos ah, bahay mo?" I asked, sarcastically. Narinig ko ang ilang yapak ng tsinelas ni mama habang pababa na rin ng hagdan. Nauna itong nakababa at sinalubong ang jowa niya.

"Hi baby!" Masiglang bati ni mama na para bang kinikiliti sya. Sinalubong naman ito ni Port ng yakap si mama. Kumunot nalang ang noo ko habang nakatingin sakanila. "Dito muna sya magsstay while you're not around, Lucy." Wika ni mama. Nang tuluyan na akong makababa ng hagdan ay pinagkrus ko ang aking dalawang braso at tinignan silang dalawa.

"Ayoko na ng kapatid." Sabi ko na hindi maipinta ang mukha. "Lalo na sa ibang lalaki."

Natawa naman si mama. "Ano ka ba, Lucy! Hindi mangyayari yan, okay? Safe kami palagi." Sagot niya sabay kindat.

"I won't do anything to your mom, Lucille." Sumingit naman ang boyfriend. Napabuntong hininga nalang ako.

"Aba, dapat lang." Masungit kong tugon kasabay naman non ang malakas na busina na nanggaling sa labas. Sila Hannah na ata yun! "I better get going, ma." Ani ko at lumapit kay mama para halikan sya sa pisngi.

"Enjoy kayo," sabi niya sabay yakap sa akin.

"Ma ha, behave kayo." Sabi ko habang tinuro turo pa silang dalawa bago lumabas ng bahay.

Kitang kita ko na kaagad ang van na di kalayuan sa bahay namin. I smiled out of nowhere thinking that we're reuniting again. It's been such a long time since we were together.

I saw Wein rolled down the windshield from the front seat. "Lucy! Hop in!" She yelled, having this big smile on her face. Wein has been a good friend of mine long before I met the others. She agrees with all of my opinions! And very bratty din.

"Hey Lucille!" Nina, also yelled, lurking from Wein's back. Good thing na sya ang driver for today. Masisiguro kong safe ang byahe namin. She's like a mother to us. She's always there when you need someone to talk to.

Pumunta na ako sa kinaroroonan ng sasakyan. Pinagbuksan naman ako ni Hannah ng pintuan saka ako pumasok. "Namiss kita, girl!" She exclaimed as she kissed my cheeks.

"Ang plastic mo!" Pabirong sabi ko. Natawa naman si Hannah. I usually throw jokes at Hannah. She's cool and a care free woman. Sya ang malakas manglalaki sa amin. D'yan sila nagkakasundo ng mama ko.

"Hi, Lucy!" Heaven greeted me with her usual sweet smile. Magkatabi sila ni Hannah kaya tumungo pa ako sa back seat para ako lang mag-isa.

I giggled at Heaven. "You look prettier today! Inspired?" Heaven's the most sweetest and innocent person I've ever known. She's way different from us, good different.

"Inspired kasi kasama ko kayo ulit!"

"Suuus! Miss mo lang pinsan ko, eh." Singit naman ni Hannah. She's talking about Ford. May iba pa kaming kasama at puro sila boys.

Heaven lightly slapped Hannah's shoulders. "Asa!"

Nagtawanan naman kami lahat sa cute niyang reaction. Ilang segundo ay may narealize ako. Parang kulang kami?

"Nasaan si Devy?" Tanong ko.

"Ay. Nauna na sa resort, teh." Sagot naman ni Wein. Tumango lang ako bilang sagot. Malapit din naman kasi ang bahay nila sa resort.

"Grabe 'no? Ngayon lang natin naexperience na yung boys nagp-plano ng lakad natin." Wein wondered. Kagabi rin ako napapaisip dahil d'yan.

"Namimiss na ata tayo." I jokingly answered.

Sabay namang napatingin si Hannah tsaka si Heaven sa'kin. "Miss mo ba si Blake?" Biglaang tanong ni Heaven.

"Of course," I smiled. "Pero walang malisya, okay? Itong tingin ni Hannah, mapanghusga, eh." Ani ko sabay turo sakanya.

"Baka lang naman may something pa." Aniya. Nagulat nalang kami nang biglang huminto ang sasakyan. Napalingon kaming lahat kay Nina na nakapoker face lang.

"Anything wrong, Nin?" Wein checked up on her, placing her hand on Nina's shoulder.

Nina just shook her head. "Nothing. I suddenly felt dizzy lang."

"What's wrong? Are you sure that you can still drive?" Heaven sounded very worried.

Nina nodded. "Yes, malapit naman na tayo. I'm sorry about that girls."

"Don't hesitate to tell us what's going on ha." Sambit ko naman. Nina is not really open about her own problems but tries her best to be vulnerable in front of us sometimes. Kaya inaantay nalang namin na sya ang unang lalapit kaysa sa pilitin pa namin.

Umandar na ang sasakyan ulit at nagpatuloy sa pagbyahe.

"Anyways, I heard din from Ford na kasama nila yung nakilala nila sa tinatambayan nilang pub." Hannah spoke.

Wein took a glimpse at the rear mirror to look at Hannah. "New friend?"

Hannah just shrugged.

After that, hindi na ako nagsalita.

Hindi ko maipinta ang sarili kong mukha. Akala ko pa naman kung ano na, 'yon lang pala. Ano naman ngayon? Edi maganda, madadagdagan kami.

Napagpasyahan ko nalang kunin ang earphones ko sa bag, kinapa ko naman ang phone ko sa bulsa saka sinaksak ang earphone doon. I clicked 5 seconds of summer's she looks perfect.

Napabuntong hininga nalang ako saka isinandal ang ulo ko sa headrest.

I've never been into a relationship. Buong buhay ko ay si Blake lang ang hinahanap ng mga mata ko.

Blake is a very loving son to her mother. Alam na alam ko 'yan dahil sabay lang naman kaming lumaki. He's a well-educated type of a guy, hindi basag ulo, walang bisyo, at family oriented na lalaki.

When I was 7, I witnessed how abusive my father was to my mama. Tuwing gabi ay nag aaway sila, nagbabatuhan ng mga masasakit na salita at kung ano ano pa. Dahil sa nakita ko ay natatakot na rin ako sa mga lalaking katulad niya. That's why, I promised myself not to marry a man like him.

And then there's Blake. Siya ang pinupuntahan ko tuwing hindi maayos ang magulang ko. His family and mine are very close friends and so are we. Nagmana siya sa daddy niya na mabait din, walang gulong nangyayari sa bahay nila. They are the happy family that I always wanted to have.

When I turned 10, I started to have feelings towards Blake. Napakabata mang pakinggan pero oo, nagkagusto na ako sakanya ng ganun kaaga.

Tumagal 'yon hanggang nag 17 ako. I was there beside him at every inconvenience in his life but never really happened between us. I gave up when I turned 18, I decided to focus on my own. Mas dumami kaming magkakaibigan, kaya hindi ko na siya naiisip dahil may iba na akong napapag-abalahan.

And now, I'm already 20. Still jobless at wala pang alam na pwedeng kuning trabaho. I actually finished Fashion Merchandising since my mother is a well-known fashion designer. Yes, she is. Kaya feeling bagets pa rin sya dahil malakas talaga appeal ni mama.

"We're here!" Heaven, excitedly exclaimed. Siya ang nagbukas ng pintuan at naunang bumaba. Sumunod naman sakanya si Wein saka si Hannah na katabi ko. I followed too.

"How 'bout the van?" I asked.

"Mga tauhan na raw nila Ford ang bahala sa sasakyan natin." Hannah, answered.

Cool. Galante talaga ang mokong na 'yon pero hindi marunong mag pangalan ng resort.

Yes, pagmamay-ari ng pamilya ni Ford ang resort na pagbabakasyonan namin. But he's now managing it more often. Busy sa ibang matters ang parents niya and we're proud that Ford's a responsible man right now.

Pero seriously? Deep Blue Sea? Pagmamay-ari ata ito ng isang 7 years old.

"Wooow!" Manghang-mangha si Heaven nang makarating na kami sa buhangin.

It's a white sand, a very white sand. Purong puro ito, para kaming nasa boracay, ah.

Ikaw ba naman nasa Deep Blue Sea, mamamangha ka talaga.

"Oh, I received a text," Nina, spoke while looking at her phone. "It's Blake, they're here." I gulped. I can't believe we're seeing each other after awhile.

Matagal na rin kaming hindi nagkikita. Sa group chat nalang kami nagkakausap, madalang pa.

Napatango tango naman si Hannah habang nguya nguya pa rin ang chewing gum niya. "Itapon mo na nga 'yan, Hannah. Wala na atang tamis yan 'e." reklamo ko.

"Parang kami lang ni Klein baby," she pouted.

I frowned. "Klein? Sino na naman yan?"

"Bagong lalaki niya." Heaven, replied.

Natawa naman kaming lahat. See? She has her own factory of boys. Hindi siya nauubusan.

"Bitcheees!"

Sabay sabay kaming napalingon sa pamilyar na boses na nasa isang malaking cottage. Nadatnan namin si Devy na nakatayo roon habang kumakaway sa'min.

"Early bird ang bruha," singhal ni Wein.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kinatatayuan ni Devy. Napatingin naman ako sa maasul na dagat na sumasayaw kasabay ang mga puno na natatamaan ng malakas na hangin. Hindi masyadong mainit kaya walang mah-heatstroke sa lagay na 'to.

Bago pa man ako makarating sa kinaroroonan ng isa naming kaibigan ay biglang nag vibrate ang phone ko. I glanced at the caller ID and saw that it's my mother.

Hindi na ako nagpaalam sakanila kaya tumalikod ako saka bumalik sa direksyon namin kanina. I answered the call and her worried voice greeted me.

"Musta? How is it going? You okay there? Nagkita na kayo ni Blake? Pasensya na kanina, ha. Hindi ko kase alam na darating siya. . ."

"Ma, ma, slow down. Will you?" naiinis kong tugon. "It was fine, ma. No need to worry."

"How's the girls? And Blake, yes, Blake and the boys, nandyan na?"

"The girls are complete and the boys are. . ." napatigil ako sa pagsasalita nang mamataan ang mga lalaki na pinangungunahan ni Blake.

He looks more handsome and more built. But wow, I don't feel anything at all.

"Hey, Lucy. Long time no see!" Collin, greeted me as he raised his fist, gesturing me to fist bump him. And I did what he wanted to happened.

"Y-yeah, long time no see." I greeted him back, with an awkward smile on face.

I saw Ford's jaw dropped. "Yo, your hair. . . you painted it black!"

I chuckled. "Yeah, why? Any problem?"

Napailing ito. "Angas ah, kamukha mo yung baliw sa'min," he casually said while attempting to touch my hair pero agad kong tinapik ng malakas ang kamay niya.

Nasanay na kasi silang paiba iba ang kulay ng buhok ko, eh.

"H'wag ka ngang basag trip. Baka gusto mong ipatumba ko itong baduy mong resort, napakabaduy ng pangalan."

Nagsitwanan naman ang mga ulupong.

"Baduy pala tol, 'e," River, laughed.

Umakbay naman si Nico kay Ford. "Kaya h'wag natin banggain ang mga babae, tol. Mahirap sila kaaway."

"Tangina niyo, sumbong ko kayo sa doberman namin." Kunwari itong mangiyak-ngiyak habang tumatakbi papunta sa kinaroroonan ko kanina. Natawa na lamang ang iniwan niyang mga ulupong din.

"Sige, Lucy. Mauna na kami, usap na kayo ng mama mo ulit." Blake approached me. Nanlaki naman ang mata ko nang mapagtantong kausap ko pa pala si mama.

"Sige, sige," I nodded.

Bago sila umalis ay isa isa nilang ginulo ang buhok ko na ikinasimangot ko. Mga baliw talaga. Inayos ko muna ang buhok ko bago binalik sa aking tenga ang telepono.

"Hello?"

"Oh, musta d'yan? Nandyan na sila Blake? Kung ano ano na naririnig ko kanina, ha. Take care, okay? Make sure that-"

"Ma, I told you, I'm fine. . . and yes, the boys are already here."

"Oh my god! Balitaan mo'ko about kay Blake, okay? Grandchildren on the way!"

"What? No!"

"Whatever, I need to go, sweetie. Have fun!"

And thankfully, the call ended! Holy heavens, ano bang pinapakain ng bagong boyfriend ni Mama sakanya? She's very vulgar today. Grandchildren? Jusko, no. Not at this state. I'm still young and unemployed.

I looked around and noticed that I'm already back at the entrance. Hindi ko na namalayan na nakarating ako rito habang nakikipagusap kay mama. Napakadaldal naman kasi.

I turned around and saw a guy wearing a black beanie. May inaayos ito sa loob ng sasakyang mukhang pamilyar sa'kin. Parang ito ata yung sinakyan ng mga boys kanina. Bakit pinapakialaman ng lalaking 'to? Hindi kaya magnanakaw 'to?

Napahinto ako nang biglang lumakas ang ihip ng hangin sa buong lugar. May lumipad pa na dahon at dumapo sa mukha ko, inalis ko 'yon agad dahil sa inis. Ano ba? Summer ba talaga ngayon o bagyo?

Napatingin naman ako sa sahig at nakita ang beanie ng lalaki na ngayon sinara na ang sasakyan. May bitbit na itong gitara habang pinagmamasdan ako.

I stretched my arms, handling him his beanie. Pero naka-poker face lang s'ya. Ayaw niya ba tanggapin?

"I assumed that this is yours," wika ko habang iniabot sakanya ulit ang bonnet.

"Itapon mo nalang 'yan."

I frowned at him. "Ha, bakit?"

"May germs na. Hinawakan mo kasi." He answered. I just blinked a couple of times, processing what he said.

I frowned. Seryoso ba sya? Anong tingin niya sa'kin, hindi naliligo? "Germs mo mukha mo." Sabi ko saka pinagpag nalang ang beanie dahil may konting alikabok pa dulot nung hangin kanina.

"Throw it or keep it." Kaswal nitong sabi.

Tutal ay mahilig naman ako sa kulay itim ay napagpasyahan kong isuot iyon sa ulo ko. Kung ayaw niya, edi akin nalang.

"I'll keep it. Thanks!" I said. Inunahan ko na siyang maglakad pabalik sa kinaroroonan namin kanina habang masayang hinahawakan ang beanie sa ulo ko. "This is very comfy," wika ko saka nilingon siya.

I giggled at him and noticed his reaction. I thought he finds it cute but he's just frowning. Bahagya akong natawa. Nauna nalang ako maglakad nang mabilis hanggang sa tumakbo na ako para maabutan sila.

So, first day of vacay. I got my self a beanie from a total stranger.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status