Share

ii: charades

Chapter 2

"So, you're the guys' new friend," tumabi ako sa lalaking pag mamay-ari ng bonnet sa ulo ko.

He didn'trespond, instead he just drink the last shot of his liquor. Nandito kami ngayon sa outdoor mini bar counter. Nag order lang naman ako ng juice pero itong lalaki na 'to, nag alak na. Jusmiyo marites. Tanghaling tapat, naglalasing?

"Isn't it early to get drunk?" I causally asked as I took a sip of my pineapple juice.

"Isn't it too early to be talkative to someone you just met?," patanong na sagot nito saka napatingin sa'kin. It took me a minute to scan his whole existence.

Okay, wow. He won, he has the looks.

With his hazel brown eyes, thick messy hair, his pinkish thin lips, pointed nose. Ang puti pa. Tisoy!

"Okay na? Gwapo ba?" tanong niya dahilan para makabalik ako sa wisyo.

Was I staring at him for too long?

"Ha? U-uh, What are you talking about?" maang-maangan kong tanong.

"Nevermind, nuisance." He respond, "Hindi ko sila kaibigan, magkakakilala lang kami." dagdag niya pa.

"Edi magkaibigan na kayo tsaka tinuturing ka na nilang kaibigan oh," sabi ko habang ngumunguso sa direksyon ng mga baliw na nag iihaw ng barbecue.

He tsked. "Wala akong tinuturing kaibigan. Kung ganun tingin nila sa'kin, that's not my problem at all."

I grimaced. "Ang engot mo."

"H'wag kang makipagusap kung ganun." Masungit nitong sagot pabalik. Napasimangot naman ako. "Feel na feel mo naman 'yang bonnet ko."

Napahawak ako sa ulo ko bigla. "Malamang, ang ganda kaya." Sagot ko naman.

"Paborito ko pa naman din yan," wika nito saka napailing sa kawalan.

I hissed. "Pakipot ka kasi. Binalik na nga kanina, ayaw mo pa." napairap nalang ako.

Sasagot pa sana ito pero parang pumipikit na ang mga mata n'ya at gumegewang-gewang na ang ulo hanggang sa wala na. Tulog na. Jusko. Sinong hindi makn-knockout sa isang bote ng alak na ininom niya.

---

Pumasok ako sa hotel room ng boys. Nandun kasi natutulog ngayon yung lalaking nilagok ang isa sa pinakamalakas na alak nila Ford dito na pagmamay-ari rin ng beanie na kinagigiliwan ko ngayon.

Naikwento sa'kin ng mga baliw kanina. Finley Pariston daw ang pangalan niya. Napakacute! Parang five years old.

Dala dala ko ngayon ang tray na may chicken soup, perfect para sa ulo niyang mabigat na ata ngayon. Dis' oras na ng gabi pero hindi pa rin gumigising.

Inom pa more.

Inilapag ko nalang ang tray sa maliit na lamesa na katabi ng kama. Napatingin naman ako kay Fin na mahimbing tulog ngayon. Napailing nalang ako habang tinitignan siya.

Wala naman akong mapapala rito kaya umalis na ako sa kwarto. Bumungad naman sa'kin ang mga pagmumukha ni Collin, Devy, Wein at River na may panunuksong ngiti.

Tinignan ko sila ng masama. "Ano? Issue agad? Pinadalhan ko lang ng makakain baka sakaling magising na."

"Wala naman kaming sinsabi, ah," sabi ni River na akala mo naman kapani-paniwala ang pagmumukha niya.

"Oo nga, kinakamusta lang naman namin si pareng Fin 'e, issue daw." sagot naman ni Collin.

Natawa naman ang dalawang babae. "Hay nako, h'wag mo na pansinin ang dalawang 'yan. Tara na, may pa games sa labas." pag aaya ni Devy.

Bigla naman akong naexcite. Pag may games, may prize!

Hindi na nila ako hinintay na sumagot, hinila na ako ni Wein saka nauna nang maglakad. Sumunod naman ang dalawang hunghang habang si Devy naman ay may kinikwento. Tungkol sa laro.

"Charades? Akala ko pa naman kung anong physical activity 'yan," dismayado kong sagot.

"What? Ayaw mo? Nako, sige ka, iiyak si Blake. Siya pa naman namimilit na maglaro tayo n'yan," sambat ni Collin mula sa likuran.

Si Blake? Ah, naalala ko noong mga bata pa kami. Mahilig na mahilig si Blake sa charades pero mahina naman utak sa panghuhula. Hay.

Hindi ko na namalayan, nandito na kami ulit sa dalampasigan. Namangha ako sa bonfire na nasa gitna, sa gilid naman ay may mga malalaking kahoy na pwedeng upuan. I smiled widely when I saw them altogether.

Parang kailan lang busy kami sa kanya kanyang buhay pero ngayon, magkakasama na kami ulit—nadagdagan pa ng isa. Ilang linggo na naman kaya ang hihintayin namin para makapag salo salo ng ganito.

Kinawayan ako ni Nina na ngayon ay nakatabi kay Blake. Uupo sana ako sa tabi nila nang inupuan na ni River. Epal talaga ang isang 'yan, may dala pang barbecue. Hindi pa ata sapat yung sampong inihaw kanina na siya lang ang halos nakaubos. Pero unfairness sa taong 'to, hindi tumataba. Strong mga abs nilang lima.

Meron din kaya sakanya?

Joke lang!

Umupo nalang ako sa buhangin. Komportable naman kahit papano. Ayoko na makisiksik ano. Mukhang partner partner sila 'e. Si Nina at Blake, while si Collin naman at Wein, si River tsaka Devy, habang si Nico naman at si Hannah, tsaka si Ford at Heaven naman ang magkatabi.

Nakakahiya naman. Parang hindi mga kaibigan 'e.

"Hala, walang katabi si Lucy," wika ni Heaven na ikinasama ng tingin ko.

Nagbroadcast pa nga ng walanghiya.

"'Di bale nang walang katabi, matalas naman utak ko sa charades na 'yan." mayabang kong sagot. Sana lang machambahan ko 'to para hindi ako mapahiya.

Napagdesisyuhan na nila na si Blake daw ang unang mag aaction dahil siya raw ang nakaisip ng larong 'to. Mga h*******k talaga.

Nagsimula na ang laro. Tumayo si Blake sa harapan namin at mukhang seryoso. May iniabot si Nina sakanya na isang fish bowl na may mga papel—teka, parang pamilyar 'yon, ah.

"Diba 'yan yung mini aquarium ng clown fish ko? Ba't niyo kinuha?! Nasaan na si Pennywise?"

Natawa kaming lahat sa reaksyon ni Ford. Tama nga, fish bowl ng clown fish niya yung ginamit sa mga huhulaan. Ibinablik na namin ang atensyon namin kay Blake na mukhang alam na ang gagawin niya.

Huminga ito nang malalim saka umupo. Wala na itong ibang clue kundi ang umupo.

"Ano yan? Tamad, ganun?" sabi ni Collin pero mabilis na umiling si Blake.

River snapped his fingers. "Ah, alam ko 'yan! Bato! Steady lang 'e," pero umiling na naman ulit si Blake.

"Tangina, 'e ano yan, nagrerelax?" asar na tanong ni Nico. Nagulat kami nang tumango ng mabilis si Blake habang excited na tinuturo-turo si Nico. "Tama? Relax? Relaxing?" tanong nito saka bahagyang napatayo.

"Tama!" sigaw ni Blake saka nag high five naman silang dalawa.

Napakamot naman ng ulo si Collin. "Putakte, ganun ka mag relax? Nakaupo lang?"

"Bakit? Relaxing din naman nakaupo, ah." sambat ni Niccolai.

Sumang-ayon naman si Ford. "Oo nga, pero mas relaxing kung babasagin ko yang fishbowl na 'yan sa ulo niyo mamaya."

"Chill lang, okay? Ako nagtago kay pennywise," sagot ni Hannah. Lumiwanag naman ang mukha ng pinsan niya.

"Talaga? Nasaan?"

"Nandun," sagot nito habang nakaturo sa dagat, "swim free, pennywise!" sigaw niya habang kumakaway sa dagat.

Ford glared at his cousin. "Sumbong kita kay Tito na may bago ka na namang lalaki—"

"Eto naman si pinsan 'di mabiro, nandun, sa isang fish bowl. Pinakain ko na nga siya 'e." agad na pagbawi ni Hannah.

"Kayo talagang mag-pinsan, masakit sa ulo." reklamo ni Devy.

Nagtawanan na naman kaming lahat saka bumalik na sa paglalaro. Si Wein ang tinulak ni Collin para umakting sa harapan. Inambahan pa ito ng suntok ni Wein dahil sa katarantaduhan niya.

Bumunot na siya ng papel. Pagkatapos ay nagsimula nang umakto na para bang nagpapacute. She rested her chin on her both palm.

Blake suddenly clapped his hands. "Tiktok!" lahat kami ay nakakunoot ang noong nakatingin sakanya.

Paano naging tiktok 'yon? Ang layo, ah.

"Ah! Selfie? Nagseselfie!" sagot na naman ni Blake ulit pero mali pa rin. Nag iba ng posing si Wein, nagmistula itong bulaklak dahil sa dalawa niyang kamay na nasa gilid ng kanyang magkabila pisngi.

"Flower!" sabay sabay naming sagot kaya napatalon si Wein sa saya saka nakipag apir sa amin.

We chuckled at Blake's agony. Kailan kaya siya makakahula ng tama sa charades?

"Alam mo pre, mag alsa balutan ka na dahil mababankrupt ka paglabas natin dito," sabi ni River.

"Hahaha! Ayos! Magkakamotor na ako ulit." sambat naman ni River.

"Daaaamn, makukuha ko na rin ulit ang lambo ko!" sabi naman ni Collin.

"At siya ang magbabayad sa resort—"

Tinaas kaagad ni Blake ang gitna niyang daliri kay Ford. "Hey, fuck you. Sabi mo, libre 'to lahat."

"Okay, buy me a new large aquarium for pennywise nalang." Ford suggested while smiling widely.

"Fuck all of you." Sagot ni Blake na ikinatawa ng malakas ng tatlong boys.

"Ano na naman ba kasing ginawa niyo? Pustahan na naman?" tanong ko sakanila.

"Nakuha niyo pang mag pusta 'e alam niyo namang hindi nakakasagot sa charades 'yan." natatawang wika ni Devy.

Heaven chuckled. "Maawa kayo kay Blake, naiiyak na sya."

Umarte naman si Hannah at Wein na parang umiiyak. Halos kapusin na kami ng hininga dahil sa kakatawa habang nakatingin sa reaksyon niya. Kawawa naman talaga ang lalaking 'to. Naiscam na naman ng kapwa niya adik.

"Anong meron?"

Lahat kami ay napalingon sa kararating lang na si Fin. Mas gumulo ang buhok nito at mas pumungay ang mga mata niya, halatang bagong gising.

Ang pogi.

"Pareng Fin! Halika, join us! Naglalaro kami." pag aaya ni Collin. Itong lalaking 'to, ang daldal. Hindi ko na ito tinignan saka binalik ang tingin sa harapan. Napansin ko naman si Devy at Wein na may nakakalokong ngiti. Sinimangutan ko nalang sila.

"Naglalaro?" rinig kong tanong niya nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko. "Truth or dare? H'wag nalang, I'd rather die."

Umiling si Nico. "Hindi pre, I'd rather die nalang din kung truth or dare ang nilalaro namin ngayon."

"Maganda naman truth or dare, ah." sabi ni Heaven.

"Kaya nga, malalaman namin mga maiitim niyong sekreto," tugon naman ni Nina na ikinatawa namin ulit.

"Anong maiitim? Mukha ba kaming maitim?" tanong naman ni Ford.

"Hay nako, pinsan," buntong hininga ni Hannah.

"Sige na, laro na. Daming satsat 'e— charades pre, ayos ba? Baka nagmana ka kay Blake, ah." Sabi ni River sabay binatukan ito ni Blake na malapit lang sakanya.

"Naririnig kita, dimwit."

"Sure." kaswal na sagot ni Fin.

I moved a bit away from him. His presence suffocates me and I don't know why. Nagustuhan niya kaya yung chicken soup ko? First time ko pa naman gumawa ng ganun para sa isang stranger.

Tumayo na si River para bumunot ng iaact.

River spreads his arms widely as he made a sound with his mouth. Para itong umuutot na ewan ko ba. Nakakairita pakinggan.

"Umuutot na ibon?" Collin, hunched. Pero natawa lang si River saka nagpatuloy sa pagaact habang ginagalaw ang buong katawan niya.

"Ah, airplane!" sagot ko. Mabilis naman na tumango si River pero parang hindi pa tapos. "Ha? Mali?"

"Putangina. Bakit kasi may tunog utot," inis na reklamo ni Nico.

"Electric Fan?" hula naman ni Nina.

"Tama na nga yung airplane 'e," sambat naman ni Ford. "Parang nahahawa ka na kay Blake, ah."

Sinamaan naman nito ng tingin ni Nina.

"Dalian niyo na, nangangawit na ako!" wika ni River kaya nataranta na rin kami.

"Baliw sa daan?"

"Sirang eroplano?"

"Ah, alam ko na—ay parang hindi..."

"Ay, baka ano yan..."

"Bwisit ka, ano ba kasi 'yang nabunot mo?"

"Jetplane."

Tumalon talon naman sa tuwa si River dahil nakasagot ang katabi kong si Fin. "Astig ka talaga, 'pre. Ano gusto mong ipabili kay Blake?"

"Woah, nahulaan mo 'yon?" manghang tanong ni Collin.

"Madali lang, ungas."

"Madali ba 'yon? Muntik ko na s'yang pagkamalang adik 'e." sambat naman ni Nico.

Napailing iling si Devy. "Hay nako, boys, mag alsa balutan na rin kayong lima dahil may matalino na sainyo."

"Iyak~" pang aasar naman ni Hannah.

"Grabe kayo, ah. Wala nga kayong sinagot 'e," sabi ni Collin sabay turo pa sa'min.

"Busy kasi kami sa kakatawa dahil sa sobrang slow niyo," natawa naman kaming mga babae dahil sa sinabi ni Wein.

Ayan na, nagsimula na naman ang world war 3. Batuhan ng mga pang-asar, unang mapikon, syempre talo. At sino sakanila 'yon? Syempre, sila Wein. Pag pang aasar talaga, magaling 'yang mga mokong na yan, pero pag totoong argumento na, aatras na mga lalaki.

Hindi na ako sumali sa sagutan nila. Nilingon ko ang katabi kong may konting ngiti habang nanonood sa world war 3 nila.

Bigla naman akong napangiti na para bang may sariling buhay ang labi ko. Bakit kaya wala s'yang tinuturing na kaibigan? Mukhang nakakasundo niya naman sina Blake. Hindi kaya undercover 'to? Baka pinadala pala ito ng dirty old man niyang boss dahil may kailangan ito sa'min tapos papatayin kami isa-isa.

Joke ulit!

"Ikaw ba nagluto nung sabaw?" tanong nito na ikinabigla ko.

Ba't ba bigla nalang s'yang nagsasalita? Nakakabigla, ah. Hindi mo malaman kung anong isasagot mo agad 'e.

"Oo, bakit? Masarap ba?" wala sa wisyo kong tanong.

"Matabang." seryoso nitong sagot sa'kin sabay bagsak ng mga balikat ko.

Matabang? Hindi naman matabang 'yon, ah. Pinatikim ko pa nga 'yon sa limang ugok dahil parehas ng panlasa itong mga lalaki. Masarap naman daw, ah!

"Ah, okay. Nakulangan lang ata ng asin," sabi ko saka napilitang ngumiti para naman hindi halatang napahiya ako.

Sana pala hindi ko nalang siya ginawan ng ganun. Nagsinungaling nalang sana sya na masarap, 'no. Nakakadisappoint kaya.

Teka, bakit ko ba inaalala 'yon? Wala naman akong pakialam. Edi go, kung ganun panlasa niya. Maputulan sana siya ng dila.

Kumunot ang noo ko nang kumuha ito ng lighter saka bumunot ng isang sigarilyo mula sa dala dala niyang kaha.

Naninigarilyo pala siya.

Umusog kaagad ako palayo sakanya nang sinindihan niya na ang hawak niyang yosi. Napatigil ito nang napansin niyang lumalayo ako sakanya.

"Ayaw mo ng naninigarilyo?" tanong nito sa'kin.

Tumango ako, "mabaho kasi."

"Arte."

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "'E, sa mabaho nga, kasalanan ko ba na nababahuan ako d'yan?"

"Oo na, oo na," tumayo ito saka naglakad papuntang malapit sa dagat.

Pinagmasdan ko lang sya kahit nakatalikod ito.

Ano kayang klaseng pamumuhay meron siya? Kagaya rin ba siya ng mga kaibigan kong lalaki na marangya ang pamumuhay? Parang hindi naman kasi halata sakanya, simple lang siya at parang walang pakialam sa mundo. Ni hindi niya nga raw tinuturing na kaibigan sila Collin, 'e.

Pero mukhang hindi naman siya mahirap pakisamahan. Hindi naman ata siya mahirap kaibiganin.

Welcome s'ya sa barkada namin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status