Share

iv: fin being fin .2

Chapter 4

"Since it's our second day in this summer vacation, jetski tayo!"

"Kain muna tayo, Wein, 'no?" pabarang sambat ni Devy.

Inirapan ito ni Wein. "Excited lang ako, okay?"

Ngumisi naman si Collin. "Bakit? Para makaangkas ka sa'kin?" pilyo itong ngumiti kay Wein.

"Yuck!" singhal naman ni Wein sabay bato kay Collin ng balat ng saging. Natawa kaming lahat sa inasta ng dalawa. May mga oras talaga na hindi sila nagkakabati.

Nandito kami ngayon sa dining hall ng hotel. Nasa long table kami para sabay at magkasama kami lahat na kumakain. Nasa kanang banda kaming mga babae at kaharap ko pa si Fin. Tahimik lang itong kumakain.

Napapasulyap ako sakanya paminsan minsan. Paano ba naman kasi, marunong siya magbukas ng alimango. Ako, kanina pa ako nakatitig sa crab ko pero hindi makain-kain dahil hindi ako marunong magbukas!

Oo, naiinggit ako! Gusto ko magpatulong!

Pero dahil may inaalagaan akong pride, h'wag nalang. Hahanap ako ng sarili kong paraan, makain lang ang alimangong 'to.

Kumuha ako ng table knife saka malakas na hinampas ang matigas na shell ng alimango. Pero walang epek, nakatingin lang sa'kin ang mga kaibigan ko. Wala akong pakialam sakanila, takam na takam na ako sa buttered crab.

Mariin kong sinaksak ang shell ng alimango pero sobrang tigas talaga nito, hanggang sa mainis ako kay tumalsik nalang ang ilang kanin na pinatungan ko ng alimango sa plato ko.

"'Pre, tulungan mo nga 'yan," rinig kong sabi ni River. "Baka pati tayo, saksakin." pabirong pa nitong dagdag. Sinamaan ko siya ng tingin na agad niyang iniwasan at ibinalik ang atensyon sa pagkain.

Narinig kong humagikgik ng tawa ang mga loka-loka sa tabi ko. Edi tumawa sila d'yan, basta ako, I tried my best but I guess my best wasn't good enough.

"Akin na," inilahad ni Fin ang palad niya sa harap ko. Nagtataka ko siyang tinignan. "Ako na, utos ng kaibigan mo." dagdag pa niya.

"Hindi na, kaya ko." pagmamatigas ko saka sinubukang buksan ang shell ng alimango gamit ang kamay ko pero hindi pa rin kaya.

"Fine. Ang sarap pa naman ng pagkakaluto." pagpapainggit nito sa'kin sabay s****p nung sabaw na nasa loob ng alimango.

Napabuntong hininga ako sa inis. Pag ako talaga nag asawa, papakasalan ko yung marunong magbukas ng pisteng alimangong 'to!

Inis kong nilagay ang crab ko sa plato niya. "Bilisan mo, naglalaway na ako."

Mahina siyang tumawa saka agad na binuksan ang shell. Manghang-mangha naman ako dahil sa ugat ng mga kamay niya. Maliban kase sa maputi siya, maugat pa ang kamay.

"Oh," he stretched out his arms to hand me the crab. Kinuha ko 'yon agad saka hinigop ang sabaw na nasa loob nito.

I gladly savoured the tasty juices from the buttered crab. "Sarap!"

"Pwede ka na maging boyfriend ng kaibigan namin." Nabilaukan naman ako sa sinabi ni Heaven. Pinagsasabi ng bruhang 'to? "Oh, dahan dahan."

I glared at her. Pwede ba bigyan nila ako ng oras para malasap ang sarap ng alimangong 'to?

"Fin plus Lucy, LuFin?" sabi naman ni Wein.

"Bet! LuFin Shippers, mag ingay!" sigaw naman ni Devy.

"Tangina, 'tol! Amazona pa naman 'yan si Lucy, ingat ingat!" pag akbay ni Collin na malapit sakanya.

Ngumisi lang si Fin habang umiinom ng tubig.

"Sweet naman 'yan, ah. Binilhan niya nga ako ng goldfish noong 18th birthday ko, 'e." ani naman ni Ford. Wow, naalala niya pa 'yon? Sabagay, pag usapang isda, hindi niya talaga nakakalimutan.

"Agree ako d'yan. Binilhan niya rin ako ng iPad nung grumaduate tayo."ani Nico.

Nagtaas naman ng kamay si River. "Ako rin! Nagregalo siya sa'kin ng ducati noong first place ako sa motorcycle exhibition pero ngayon, sira na." napailing nalang ito pagkatapos niyang magkwento. Binatukan naman siya ni Nico na katabi niya. "Masakit, ah!"

"Disgrasya pa more." natatawang pang aasar ni Devy.

Napakunot ako ng noo. "Talaga? Binibigyan ko pala kayo ng regalo?" pagbibiro ko.

"Tarantado, ah. Kami lang ata ni Blake walang natanggap na regalo mula sa'yo." sabi ni Collin na napakamot ng ulo.

"Lucy used to bake some cookies for me whenever I feel down. We were eight year old that time, marunong na siya magluto."

All their mouth formed an 'o' while listening to Blake. Ano? Idol niyo na naman ako.

"Pucha, ako, Lucy? Kailan mo'ko lalambingin?"

Binelatan ko naman si Collin. "Bayaran mo muna yung inutang mong bente pesos."

"Takte, utang mo, bente pesos?" si River.

Natatawa naman si Nico. "Nagcornetto na naman ata ang puta."

"Tangina niyong dalawa."

Heaven giggled. "Ang sweet naman pala talaga ni Lucy, pero walang jowa."

Napaismid ako. "Parang ikaw, meron."

"Kayong dalawa, wala!" ani Hannah.

"Mamigay ka naman kasi." marahan na pinalo ni Wein sa balikat si Hannah.

"Ayoko. Possessive ako sa sampo."

"Hello, Tito Hanx? Opo, may bago pong lalaki si Hannah" biro ni Ford, na umaarte na may kausap sa kamay niya.

"Hmp. Subukan mo talaga, ipipirito ko yung pennywise mo." banta naman ni Hannah na ikinapikon ni Ford.

Nagtawanan na naman kaming lahat dahil sakanilang dalawa, maliban kay Fin. Tumayo ito bigla saka pinunasan ang kamay niya bago kinapa ang phone sa kanyang bulsa.

Mukhang may tumatawag sakanya.

"Oh? Gago ka ba? Teka," lumingon ito sa'min. "Excuse me." paalam niya bago tumayo at lumayo ng konti sa'min. Mukhang seryoso ang mukha nito at hindi nakikipagbiruan.

"Baka may problema na naman sa pub." ani River.

Collin sighed. "'Yaan mo, yayain nalang natin uminom mamaya."

Magtatanong sana ako kung anong nangyare kaso nagsalita si Hannah. "What happened?" she asked.

"Secret! Ang makulet, panget!" Nico, mocked her.

"Letche ka!" inis na sigaw ni Hannah sakanya.

"Nasa hapagkainan tayo, oy!" sita naman ni Wein.

"Kanina pa tayo nagsisimurahan, ngayon niyo lang napansin?" Collin.

"Manahimik na nga kayo." sita ko sakanila. "Pagbuksan niyo nga ako ng crab, ubos na kasi sa'kin, 'e." tipid ko silang ngitian pero sabay sabay silang umiling.

"Nandyan si Fin, oh." turo ni Devy sa nakatalikod na si Fin habang may kausap sa telepono.

"Hintayin mo nalang na makabalik." kumindat naman ang mokong na si Ford.

I pouted. Mga kaibigan ko ba talaga 'to? H'wag na nga lang, letche. Hipon nalang kakainin ko, mas madali pa.

                                                           

                                                           ---

Pag minamalas ka nga naman.

Magkasama na naman kami ni Fin. Nag aya kasi ng jetski ang letche kong friend. And what's worst 'e ako pa magdrdrive kasi masakit pa raw ang kamay ng Fin niyo.

Oh, edi dahil mabait akong anak ng panginoon ay pumayag nalang ako dahil mukhang kanina pa siya badtrip at ayoko na dumagdag sa sakit ng ulo niya.

Nagsisakayan na ang mga lalaki. As usual, si Blake at Nina, Collin at Wein, Ford at Heaven, River at Devy habang si Hannah naman at Niccolai. At ako, alam niyo na. Kanina pa.

Nakatwo-piece pa si Wein, Hannah at Devy habang si Nina at Heaven naman ay naka see-through long cardigan na nakaone-piece swimsuit sa loob. Ang mga lalaki naman ay topless, tanging beach shorts lang ang suot nila habang binabalandara ang makikisig nilang katawan.

Ako, nakatunganga lang. Hindi maproseso sa utak ko na ako ang magdrdrive. Ano ba naman kasing alam ko sa pagmamaneho ng jetski aber? Baka matumba lang kami mamaya.

Nakatwo piece swimsuit din ako pero nagdenim shorts ako sa ibaba habang nakabukas ang zipper— wala, trip ko lang.

"Tara." rinig kong pag aaya ni Fin. Walang gana ko naman s'yang nilingon ngunit mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha ko nang bumungad sa'kin ang six pack abs niya.

His broad shoulders were so fine. I can't almost take off my eyes on him. That was just so sudden. Bakit kasi sumusulpot nalang siya bigla?

"Ah— oo, tara." inayos ko na ang sarili ko saka huminga nang malalim. Nakakasuffocate talaga pag nandyan siya, ihulog ko kaya 'to sa gitna ng dagat para hindi na kami magkita?

Nakita kong nagsisialisan na ang iba at mabilis na humarurot sa sakay nilang jetski. Ako naman ay paupo palang. Nakakakaba kaya, akala niyo madali lang 'to?

Naramdaman ko namang sumakay na rin si Fin pero nakatalikod ang posisyon niya sa'kin. Biglang uminit ang pisngi ko when I felt his back were against mine but I managed to ignore what I feel.

I shouldn't let my self be affected when I'm with him.

When I started the engine, it moved like a speed of an usain bolt. Mabuti nalang at marunong ako mag kontrol ng manibela dahil kung hindi, babangga kami sa mga bangka.

"Wooooh!" hiyaw ko habang mabilis ang takbo ng jetski namin.

"Stop shouting." sinita naman ako nitong angkas ko.

Aba, nakiki-angkas lang siya! Wala s'yang karapatan para pigilan ako.

Nakita ko ang mga bruha na masayang nakaangkas sa partner nila. May pataas-taas pa ng kamay habang humihiyaw sa tawa. Edi, sana all.

Habang umiikot kami, ineenjoy ko nalang ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko. Habang tumatagal, nararamdaman ko ang ulo ni Fin na nakasandal na sa likod ko. Ginalaw ko naman ang balikat ko para paalisin ang ulo niya pero hindi ito tumalab.

"H'wag kanf magalaw, komportable na ako rito." ani nito na ikinakunot ko ng noo.

"Wow, ha. Iba ka talaga. Mamaya, patingin ng kamay mo. Pag 'yan hindi naman malala, puputulin ko 'yang mga daliri mo."

"Sabihin mo nalang na concern ka sa'kin. Thank you in advance."

Napasinghal naman ako sa kakapalan ng mukha niya. Itong lalaking 'to, ubod ng kayabangan.

Napatahimik kaming dalawa. Tanging tunog lang ng makina ng jetski at alon ng dagat ang naririnig namin. Malayo-layo na rin kami mula sa pinanggagalingan namin. Nakikita pa rin namin ang iba, malayo rin sila sa'min pero nakahinto ang jetski nila dahil abala na sa pag tatampisaw sa tubig.

"Pahintuin mo muna rin yung makina," utos ng isa sa likod ko.

Sumunod ako sinabi niya dahil mukhang magandang ideya rin 'yon. Makapagswimming na nga rin.

"Gusto kong lumangoy." Ani ko. Ramdam ko kaagad ang paglayo ng ulo niya sa likod ko. Sa wakas, gumaan na rin.

"Sige lang," pagpayag niya. Pero nag bago ang isip ko.

"Ay, h'wag nalang. Baka iwanan mo'ko rito, talipandas ka pa naman."

"Hindi, puta. Pinapalangoy ka na nga, 'e. Nagduda pa."

"Ah, basta, ayoko."

"Edi, h'wag. Pasandal nalang ulit sa likod mo." pasandal na sana ito nang bahagya akong yumuko.

"Close ba tayo? Friend kita?" pabara kong tanong.

"Tsk. Nagpasandal ka na kanina tas ngayon, aayaw ka na." bwelta niya naman.

"Syempre, nagmamaneho ako kanina! Edi, nahulog na tayo kung likot ako nang likot." Aba, hindi ako nagpapatalo, 'no. Wala pang nananalo sa'kin, maliban nalang kay mama. God tier 'yon, 'e.

I heard him smirked. "Magaling ka sumagot, 'no?"

"'Naman,"

'Di nagtagal, hinayaan ko nalang s'yang sumandal sa'kin-pero hindi ako nagpatalo, sumandal din ako. Nagsandalan kaming dalawa sa isa't isa.

Natahimik na naman kaming dalawa at walang umiimik sa'min. Hindi naman awkward pero gusto ko siya marinig-magmura! Ganun. No malice.

"Paano mo nakilala sila Blake?" pangbasag ko sa katahimikan.

"Sa pub na pinagtrtrabahuan ko."

"Ah, anong ginagawa mo dun?" tanong ko.

"Bakit? Interesado ka na sa'kin?"

Hah. Eto na naman siya. Ihulog ko kaya siya ngayon? "Ang kapal talaga ng hilatya ng pagmumukha mo." Pagsusungit ko sakanya, "ano nga? Gusto ko lang naman malaman since sumasama ka na rin sa'min, parte ka na ng barkada."

"Sinabi ko na sa'yo, wala akong tinuturing na kaibigan at hindi ko rin obligasyon na mag bigay ng detalye sa'yo. Tanong mo nalang sa mga kaibigan mong lalaki, madalas kaming nagsasama sa pub."

Huminga ako nang malalim. Ang tigas ng ulo niya. Mas matigas pa sa shell ng alimango kanina.

Bakit ganito nalang siya mag isip? Sigurado akong may rason siya kung bakit siya ganyan sa mga nakapaligid sakanya. Baka may trust issues? Nako, nako.

"Pabalik na sila, alis na rin tayo." sabi ko saka paandarin ko na sana ang jetski nang pinigilan ako ni Fin.

"Ako na d'yan," alok niya sa'kin.

Napataas ako ng kilay. Totoo ba 'to? 'O guni guni ko lang? Ah, baka may masamang balak pala 'to.

"Pag ikaw gumawa ng kahibangan, ipapablatter kita." pagbabanta ko.

"Pfft. Hindi, tanga."

Makatanga talaga siya, oh. "Oh, paano 'yang kamay mo?"

"Concern ka talaga sa'kin, 'no? H'wag ka mag alala, gamutin ko nalang mamaya."

Hindi ko na pinansin ang kakapalan ng mukha niya at tinanggap nalang ang kanyang alok. Kaya sabay kaming tumayo saka dahan dahan na nagpalit ng pwesto.

Pero dahil nga malas ako ngayon at hindi ko alam kung anong klaseng sumpa ang nagpaparusa sa'kin ngayong araw, 'e muntik lang naman akong madulas.

Kaagad naman akong hinila ng malakas ni Fin dahil parehas din kaming naalarma nang gumalaw ang jetski. Sa lakas ng pagkakahila nito sa'kin, parehas kaming nahulog at bumagsak sa tubig.

Agad ako nakaramdam ng pagkataranta dahil may iba akong nararamdaman! Parang lumuluwag yung bikini top ko rito sa ilalim ng tubig! Hindi ko ata 'to natali nang maayos tapos ang likot pa ni Fin sa likod ko kanina. Strapless pa naman ito kaya mabilis lang matanggal!

I'm freaking doomed. Gusto ko nalang umiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil kinakapusan na ako ng hininga. I tried to swim upward with my one hand while the other one is covering my boobies but it doesn't work! Dahil sa takot kong malunod ay nabitawan ko ang bikini top ko para lumangoy pataas.

While I'm trying to reach out from the water, I suddenly felt a hand on my waist. Fin. He's holding my waist— more like carrying me under water. I felt his hand find its way through my right leg, wrapping it around his hips, ganun din sa kaliwa kong binti.

Now, I can finally breathe! Hinahabol ko ang hininga ko habang nakakapit kay Fin. But. . . my top!

I was clueless of what to do so I hugged him para wala syang makita sa hinaharap ko.

"F-Fin..."

"Hold up. Ang bigat mo."

I gulped. I suddenly felt strange around my body. Surprisingly, this is the first time that I felt something like this. "Fin! I lost my top!"

"Alam ko kaya h'wag kang malikot." Sabi niya habang lumilingon lingon sa kung saan. "Kailangan natin mga kaibigan mo nang mapadalhan ka ng saplot." Seryoso nitong wika. Ayaw pa nito tumingin sa'kin. Nakakailang!

"I'm s-sorry. . . "

Nakuha ko ang atensyon niya. "Ako dapat humingi ng pasensya."

"B-Bakit?"

Hindi maipinta ang mukha niyang nakatingin sa akin. "Hindi ako nakapikit sa ilalim ng tubig."

Biglang uminit ang magkabila kong pisngi. So he saw it! Now, I'm embarrassed!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status