Share

vi: a mini concert

Chapter 6

I stared at my self on the mirror. Scanning my whole appearance. Okay naman. Goods na. 

I'm wearing an above-the-freaking-knee puff dress, medyo maiksi at expose masyado ang legs ko. The floral design on my dress highlights the most. It was cute so I agreed to wear this. It was also Devy's suggestion. 

Pasado alas singko na ng hapon. Kanina, hindi namin nakasabay kumain ang mga lalaki. Huli naming pagkikita nung pumunta ako sa stadium, alas dose pa 'yon, eh. Hindi na namin alam kung saang lupalop na sila dinala ni satanas. 

I reached for my phone when I heard a beep. I wonder who messaged me. Baka si mama.

From: +369*******

I miss you.

It beeped again.

Found you :)

I frowned. Who the heck is this? 

"Who is it?" Wein asked while fixing her make up. 

I just stared at the text message. "I don't know. . . unknown number, eh. I miss you daw." 

All their gaze shifted on me. I chuckled. Mukha silang trinaydor.

Wein looked at me in shock. "Omg ka. May ex ka bang hindi sinasabi sa amin?" 

Napailing ako ng ilang beses sa tanong niya. Anong ex? Nasa iisang tao lang ako naattract noon no! "Wala ah. Baka wrong sent lang 'to." Pero napapaisip ako sa isang message niya. 

Hindi kaya . . . sya 'to? 

Jusko, h'wag naman sana. 

Hindi ko nalang sinabi yung isa pang text dahil baka pinagtrtripan lang ako ng h*******k na 'to.

"I remember that creepy stalker that keeps following Lucy before. That was weird and horrible. Nasaan na kaya yon?" Ani Heaven. 

Hindi ko talaga makakalimutan ang kagaguhan ng lalaking 'yon. Hindi naging kami, hindi rin ako nagkagusto sakanya. I know it's a creepy term, but he was my stalker. First year college palang ako ay palagi akong sinusundan non, he also sends message sa f******k, twitter, i*******m, at nagsesend pa ng email sa'kin. He knows every place I go. Pati ang mga kaibigan ko, kilala niya rin. He looks harmless but what's scary about him is he knows everything about me, kahit oras ng pagtulog ko, alam niya.

Natigil 'yon nung nag third year college ako. The boys made a move to catch him. Nahuli sya ng mga pulis pero hindi namin alam kung ano nang balita sakanya. He probably got out from the jail dahil may kaya rin ang pamilya niya. Fortunately, hindi na sya nagparamdam after that.

May silbi rin ang pagka lalaki nila Blake kahit puro sila kalokohan.

Minutes gone by, it's already 5:30 in the afternoon. Another thirty minutes nalang bago magstart ang sinasabi nilang event. I'm still wondering about what the guys are doing right now. Baka nilamon na yung ng buhangin. 

Lumabas na kami ng hotel. It's starting to get dark. 

Napakadaming tao sa labas, mas dumami ito kesa nung kakarating lang namin. Marahil nasa kabilang parte sila ng resort. Masyadong malaking ang resort ni Ford. Hindi mo malaman kung resort lang ba 'to o isang syudad. 

Kagaya kanina ay dumaan muna kami sa mga tindahan na nagtitinda ng souvenir. Ngayon, nadagdagan ng mga panibagong stall—nagtitinda ng pagkain! Kung sinuswerte ka nga naman, may food truck pa! Malaki ang ngiti ko nang mahagilap ang pangalan ng food truck. 

Korean Feels

Agad akong tumungo sa food truck na 'yon. Unang nakita ng mga makita ko ay ang tteokbeokki—target locked! Saglit akong natigilan nang napansin ko ang napakagwapong nilalang na nakaapron sa loob ng food truck. Siya ata ang may-ari!

"Yes ma'am, can I take your order?" 

Napatitig ako sakanya. 

Lalaki rin pala gusto nito. Halata sa boses, sa ngiti, sa kilos. Babaeng babae! Pero, ang pogi niya, ah. 

"Ah, opo. Medium serve po ng tteokbeokki," ngumiti ako sakanya, ngumiti rin naman siya pabalik. Habang nagprprepare siya, hinahanap ko yung price ng mga pagkain niya pero wala akong mabasa. "Magkano po pala?" tanong ko. 

Bumalik na siya at inilapag ang inorde kong tteokbeokki sa harapan ko. "Ay, ma'am, hindi mo na kailangan maglabas ng pera. Bayad na po ito lahat ni sir. Ford," natatawa niyang sagot sa'kin. 

I blinked. 

Good, then.

Bumalik ako sa gawi nila Devy na ngayon ay abala sa pamimili ng mga souvenir. Nang makita ako ni Heaven ay tumakbo ito agad papunta sa'kin, para lang naman manghingi ng tteokbeokki. Hinayaan ko lang siya dahil partner kami sa pagkain. 

"Ang sarap, saan mo 'to nabili?" 

Ngumuya muna ako bago sumagot. "Dun oh," turo ko sa likod na nilingon niya naman. "Tsaka, hindi ko 'to binili, libre na raw lahat, 'e. Binayaran na raw ni Ford." 

Napaubo naman si Heaven dahil sa sinabi ko. I smiled playfully. Itong batang 'to, ayaw pa aminin na crush niya si Ford, 'e. "Ganun ba?" wika niya saka bago sumubo ulit. 

"Sa'yo nalang 'yan, oh. Parang gutom na gutom ka, eh." Sabi ko saka binigay sakanya yung natira. 

Ang laki naman ng ngiti ng bruha, abot langit. "Wow, thank you!" sabi niya saka pumunta sa kinatatayuan nila Devy. 

Pasunod na rin sana ako nang may marinig akong usap usapan. Hindi ko naman sinasadya na maging chismosa, sadyang malakas lang ang pandinig ko. 

"Narinig ko na yung lead guitarist ng 11:35 yung kakanta ngayon." 

"Talaga? Ang pogi pa naman non!"

"Agree! Nakita ko nga kanina, ang gwapo gwapo, sis! Hindi nakakaumay!" 

"Omg, excited na ako! Diba may mga kasama rin siya? Ang popogi rin!" 

"Hindi talaga tayo nagkamali na pinili ng mapapagbakasyonan!" 

Sunod sunod na chismisan ang narinig ko. Pero, wala naman akong maintindihan. Puro lang pogi at gwapo ang narinig ko. Naexcite na naman tuloy ako, kung sino talaga 'yon, hahatakin ko 'yon papunta sa bahay namin! Iuuwi ko na! 

"Hoy! Lucy! Halika na, magsisimula na yung event!" tawag ni Hannah. Kaagad akong tumungo sakanila, sabay kaming naglakad papunta sa venue. 

"Sino kaya tutugtog?" napatanong si Wein. "Siguraduhin lang nilang maganda, ah. Pag 'yan scam baka ipabankrupt ko itong resort ni Ford." 

"Lead guitarist ng 11:35?" Patanong kong sabi. Sabay sabay naman silang napalingon sa'kin at napatigil sa paglalakad. 

"11:35? 'Yan yung pub na pinupuntahan ng boys, ah?" sabi ni Hannah. 

"Tara, malalaman din natin 'yan." Pag aya ni Nina saka namili kami ng mauupuan. 

Nang makarating kami, akala namin wala na kaming mapwpwestuhan dahil marami nang tao ang nakaupo, may nakatayo na rin sa likod pero may lumapit sa'min na isang staff ng resort. He gestured his hands through the front seats. Bakante ito at walang nakaupo. Sakto lang din sa'ming anim yung seats. 

"V.I.P ba tayo rito?" Birong tanong ni Wein sabay upo sa tabi ni Hannah, nasa gitna naman ako ni Heaven at Nina habang katabi ni Nina si Devy. 

"Ganyan talaga tayo kamahal ni Ford." Sabay sabay kaming natawa sa sinabi ni Nina.

Ilang minuto ang hinintay namin bago nagsimula ang event. Biglang nag iba ang ilaw sa bawat gilid ng stage, naging kulay asul ito, habang may spot light naman sa gitna. May lumabas na pamilyar na lalaki. Sa lakad palang nito, alam na alam na naming magkakaibigan kung sino 'to. 

"Speaking of Ford! Is he the one hosting this event?" Devy, looking at us with a lot ot questions. 

"Obviously, Devy. May dala ngang mic, oh." Pabarang sabi ni Hannah na ikinasimangot ni Devy. 

I caught Heaven's jaw dropped gazing Ford's appearance. My eyes shifted from her to Ford, from Ford to her. They have the chemistry. I would be the happiest if they will end up together. 

"What a dashing night, lovely ladies and gentlemen!" Ford's flirty voice filled the entire place. Sinabayan naman ito ng malalakas na tilian sa likod namin at pati na rin sa mga nakatayo sa magkabilang gilid at pinakalikod. Ford flashed a smile, he cleared his throat. "Ford Larkin at your service! The handsome owner of Deep Blue Sea Hotel and Resort." Pagpapakilala niya sa sarili niya—sa mahangin na pamamaraan. "There might be some of you wondering what's this event for.  Well, it's a special night for all of you!" Lahat ng tao ay naghiyawan sa tuwa. Ganun din kami ng mga kaibigan ko.

"He's still good in hosting, 'no?" sabi ni Nina. 

We all nodded and agreed. 

"Yeah, he's handsome." wala sa sariling ani Heaven. We chuckled because of her clumsy mouth. 

"Now, here's a special performance from the 11:35 lead guitarist at ang mga suki niya!" Pagpapakilala ni  Napa-aw naman ang mga babae sa pagkadismaya dahil akala nila magsisimula na yung kanila pa nila hinihintay. 

Ako rin, may hinihintay ako. Hindi ko alam pero hinahanap siya ng mata ko. Kanina ko pa hinahanap ang presensya niya, gusto ko siya makita. 

"Alam niyo ba na may club na ang tawag ay 11:35? Kase, every 11:35 p.m nagbubukas ang pub na 'yon, wala, share ko lang naman." Ford, shrugged his shoulders. Nag -boo naman ang mga katabi ko maliban sa'min ni Heaven. Si Ford, natawa lang sa reaksyon namin. "Ito na nga, h'wag na natin patagalin. Please help me welcome, our guest... and our new friend from the infamous 11:35, Finley Pariston! together with Collin Andrews, Niccolai Jerson, River  and Blake Montana!"

The lights suddenly fade out. Mas lalong lumakas ang sigawan at hiyawan ng mga audience. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Para na naman akong kinakapos ng hininga, I can't even move an inch. 

I'm just. . . staring at the stage while a familiar tune started to play. 

My friends gasped in surprise. Me, I just remained silent. I do not know how to react. Hindi ito ang iniimagine kong Lucy kanina, what I imagined was an excited Lucy, yelling and cheering her lungs out. Pero ngayon, wala. Parang akong. . . kinakabahan. 

A couple of minutes, the lights came back together with the whole set of band instrument and their player. I saw Collin on the drum set, twirling the drum stick on his hand, while Nico holding a bass guitar, Blake with the keyboard and Fin . . . that looking dashingly cool with his red electric guitar. Their outfit also changed, they look like a typical teenage rock band. And I look at Fin getting closer to the microphone,

as he's now about to sing . . . 

Pwede na ata akong mahimatay. 

"What the actual hell? He can sing?" Hindi makapaniwalang sabi ni Wein. Ako rin, biruin mo yung lalaking walang kakibo kibo, marunong kumanta? 

"I told you, Lucy! He's good for you," Devy spoke, she then, giggled. 

I gulped, I blinked. Kung gaano ako kaexcited kanina, mas dumoble pa 'yon nang marinig kong kumakanta si Fin sa harap ko. 

He has all the charisma. The way he strums his electric guitar with confidence, the way his face makes an expression, the way he performs in front of us. It's giving me shivers, its giving me butterflies that I, myself, can't even handle. 

Five seconds of summer were the band that I started idolizing when I was 12, kumbaga kagaya ng ibang fangirl d'yan, inspirasyon nila yung iniistan nilang grupo o solo artist, ganun din ako. Buong buhay ko, wala akong ibang pangarap kundi ang makita silang live na nagpeperform sa harap ko. 

But when, I saw this side of Fin. 

I think . . . I'm no longer asking for more.  

Parang nasa concert na rin ako ng five seconds of summer. Ibang saya itong nararamdaman ko. 

Patapos na ang kanta. 

How I wish, may kasunod pa. 

I want to listen to his voice more longer. 

More clearer.

The song ended as the audience made a loud noise—shouting Fin's name, I never thought that he's that popular among the girls. Pati na rin sila Collin, River, Nico and Blake. My mind is still on the process in believing that they can still play such instruments. 

And it's a big revelation for me, about Fin . . . that he's a singer from a pub. He can also play an instrument which make him more charismatic. Now, I am now slowly getting to know him better. 

"Magandang gabi." Fin, greeted. Nagsitilian na naman ang mga babae.

"Ang gwapo, putangina!" 

"Shit! Pahingi number ng ibang member!"

"Woooooh! Bibisita na ako ng 11:35!" 

"Anakan mo'ko, Fafa Fin!" 

Napangiwi ako sa mga sigawan ng mga fangirls niya. Iba rin 'tong lalaking 'to. 

"Hindi talaga ako marunong kumanta," he said, chuckled sexily. "Nag-gigitara lang talaga ako, drums din paminsan-minsan pero hindi ako kumakanta."  

"Mas maganda pa boses mo kesa sa mukha ko, Fin!" 

"Alabyu, Fin! More pa!"

"Waaaaah! Hindi 'yan totoo, nakakainlab boses mo!" 

I agree. 

Wait, huh? 

Fin smirked, looking at the huge crowd in front of him. It was like he's hesitating, he sighed. "Ah, 'nga pala, kagaya ng nakikita n'yo—iba mga kasama ko ngayon." he spoke on the mic, habang sumusulyap kina Blake at River pati narin kay Nico at Collin, "Walanghiya kase bokalista namin, tinakbuhan ako. Nagplano na kami na dito tumugtog pero ang gago, nagbibibida-bida na naman." Sabi niya, nagtawanan naman ang mga nakikinig sakanya. Nanatili lang akong  "Kung gusto niyo, idate niyo sila mamaya."

The girls beside me, lost their shit. Bigla silang nagsigawan dahil—hindi ko alam kung sa tuwa ba o hindi sila makapaniwala. 

"Baka bumagsak masira lang image mo, Fin!" sigaw ni Wein. Hinampas naman ni Collin ang drum gamit ang drum stick para makuha ang atensyon ni Wein. Kumindat si Collin sakanya na ikinangiwi ni Wein. "Iuuntog kita d'yan mamaya!" 

Natawa nalang ang ibang boys. 

"So uh, I guess, it's time for the second and last song?" sabi ni Fin. 

Last. Last na? Nakakabitin naman. 

The lights went out again. Nagtagal 'yon ng ilang segundo bago bumalik ang ilaw. More bright and colorful lights.

Tila nagkaroon ng sariling buhay ang mga paa ko nang bigla akong napatayo nang makita kong si suot na ni Fin ang paborito niyang beanie na kinuha niya sa'kin kanina. I saw his eyes glanced at me that made me stiffened. Bago pa man ito inilapat ang tingin niya, nahuli ko s'yang nakangiti. Yung ngiting pilyo at mapangloko. 

Ano na naman kaya ang iniisip ng gagong 'to? 

Pumintig ang tenga ko nang nagsimulang kumanta ng sabay sabay si Collin, Nico, River at Blake. Nagpapaimpress pa ang lokong si River habang kumikindat sa mga babae. 

This time, nagawa ko nang sumabay sa kanta. Ito yung kantang gusto kong marinig ng live sa buong buhay ko. Yung kantang pinapangarap ko na sana kantahin sa harap ko. Hindi ko inaakalang siya pala ang unang gagawa non. 

Hindi man para sa'kin, pero nasa harapan ko s'ya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status