Share

xx: jelly

Chapter 20

Lucille's point of view.

I woke up with a smile on my face. It was just really heart pounding last night. He was my first kiss! Fin's my first kiss!

Napatakip nalang ako ng unan sa mukha saka tumili ng malakas. Akalain mo yon, pinagtataguan lang ako ng lokong yon pero nahahalikan ko na ngayon. Pag sinuswerte ka nga naman talaga.

"Hoy Lucille! Mga kaibigan mo, nasa baba." Tawag sa'kin ni mama. Kinunutan ko lang sya ng noo. Mga kaibigan? Kailan pa nila sinabi na pupunta sila ngayon?

"Kainis naman!"

Nagmamadali akong bumangon at bumaba. Andito nga sila pero si Devy, Wein at Heaven lang. Anong meron? May general assembly ba?

"Woke up like this ang peg oh! Ang ganda pa rin!" Sabi ni Devy, may palakpak pang kasama. Kinunutan ko lang sila lahat ng noo.

"Anong meron?"

"You haven't read the GC yet?" Tanong ni Heaven.

I tilted my head on the side for a second. "Ahh. . . nakatulog na ako kaagad kagabe eh." Ikaw ba naman hindi mapagod sa nangyare kahapon. Buti nalang may kiss.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status