Share

iii: fin being fin

Chapter 3

Nauna na akong pumasok sa hotel para magpahinga. Iisang room lang din kami nila Wein, maluwag naman atsaka kasya kahit limang tao. Good for barkada raw sabi ni Ford kasi ganun din yung sakanila.

Habang naglalakad sa pasilyo papunta sa room 401, may nakasalubong akong isa sa mga tauhan dito sa resort. May dala itong bowl at tray, parang pamilyar ito sa paningin ko.

"Excuse me, miss," salubong ko sa babae.

"Po?" Nakaturo lang ako sa bowl pero walang salita ang lumalabas sa bibig ko. "Ah, ito po ba? Ito po yung nilagyan niyo ng sabaw kanina, kinuha ko na po, nagr-room service na po kasi kami," sagot nito.

Nakatingin lang ako ngayon sa bowl na ngayon ay wala nang laman. Transparent ito kaya kitang kita kahit gaano ka pa kalayo na wala na talagang laman.

Akala ko ba hindi masarap? 'E, bakit ubos 'to?

"Ah, sige po, ma'am," paalam ng babae saka mabilis na naglakad palayo.

Nagustuhan niya ba luto ko? Pero sabi niya matabang. Baka wala s'yang choice o baka tinapon niya?

"Nagutom ako."

"Ay, demonyo!" Napalundag ako sa gulat nang may nagsalita sa tabi ko. Si Fin lang pala.

Si Fin! Nandito na naman sa tabi ko. Pero wala nang yosi at wala ring amoy mula sa hininga niya.

"Nag candy ako para mabango." masungit nitong sagot.

"W-Wala naman akong sinasabi . . . " Siguro trabaho nito psychic? Alam na alam nasa utak ko, eh.

"Sige na, pumasok ka na." wika nito sa'kin sabay pasok sa pintuan na malapit lapit lang sa kinatatayuan ko.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka mastress pa ako dahil sakanya.

---

"Lucilleeee~ Wakey, wakey!"

Heaven.

Nakakabwisit talaga pag isip bata ang gumigising sa'yo. Sa aming magkakaibigan, si Heaven at Ford ang isip bata. Kulang nalang pag uuntugin ko silang dalawa.

Binato ko siya ng unan dahil tumatalon talon ito sa kama na akala mo naman ang gaan gaan niya, baka makasira pa ito. Wala pa naman kaming pambayad.

"Bumaba ka nga, Heaven. Pag 'yan nasira, ikaw ang ibabayad namin kay Ford." pang aasar ko sakanya. Nagsi-ingayan naman ang ibang bruha.

"Ayieeeeee~"

"Bagay pa naman sila ni Ford, 'no?" sabi ni Wein na ngayon ay abala sa pag liliptint.

Umagang umaga, nagliliptint.

"Agree! Baby kaya sila sa barkada," natatawang sabi ni Devy na naka bathrobe pa.

Padabog na bumaba si Heaven. "Ayoko dun, puro isda lang naman gusto non 'e,"

Natatawa akong bumangon saka nagstretching. Ngayon lang napasarap tulog ko, ah. Iba talaga pag nakahotel 'e.

"'E, ikaw, Nina, gusto mo ba si Blake?" biglaang tanong ni Wein. Bigla namang naintriga ang tenga ko dahil sa sinabi ni Wein.

Nina chuckled. "What do you think?"

Devy sighed. "Jusko naman, Nina. Aminin mo nalang, okay? Sa kilos mo kagabe kay Blake, halos mag one night stand na kayo sa harap namin." Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig ko.

One night stand? Si Nina at Blake?!

"Fine," tila pagsuko ni Nina, "I kinda like Blake. . ." she answered, she smiled.

Wala sa sarili akong napatango tango. Tama, wala namang namagitan sa'min ni Blake noon dahil crush ko lang sya. Kaya ayos lang na magkagusto sakanya si Nina.

"Woooh! I knew it, mukhang magkakatotoo na ang sumpa ko." sabi ni Wein.

"Ayan ka na naman sa sumpa mong bruha ka!" inis kong sabi sakanya. Sinong hindi maiinis kapag pinapaalala sa'yo yung ayaw mong marinig?

Yung sumpa niyang nasa barkada lang ang makakatuluyan namin. Over my dead but gorgeous body! Kahit gaano pa kagwapo at kayaman itong si River, Collin, Ford at Nico. Hindi ko 'yan papatulan!

"Oh, galit na galit naman itong si mareng Lucy, palibhasa kase in denial siya kay Fin."

I rolled my eyes at Devy. "Pwede ba? H'wag siya, please lang." H'wag na h'wag!

"Oh, why? He looks pogi naman, ah." sambat ni Heaven.

Hannah suddenly arrived while giggling. "I agree, he looks hot. Add to list ko na 'yan si daddy Fin kung ayaw mo sakanya."

"Like I care!"

Inis akong lumabas ng kwarto dahil wala namang kwenta ang mga sinasabi nila. Ako? magkakagusto sa lalaking 'yon? Ayoko nga.

"Maraming chix dun pare, ano ba mga type mo?" umalingaw-ngaw sa buong pasilyo ang mga tawanan ng mga baliw. Hindi ko sila nilingon pero ramdam na ramdam ko sila sa likod ko.

Sino ba sila para lingunin?

"Goodmorning, Lucy!" rinig bati ni River at Collin sabay gulo ng buhok ko. Sumabay ito ng lakad sa'kin habang kinukulit ako.

"Tumigil nga kayong dalawa!"

"Aga aga, high blood!" wika ni River.

"Tsk, paamuhin mo nga, Fin!" sabi naman ni Collin sabay lingon sa likuran. Nakita ko itong may sinisenyasan sa likod kaya napalingon na rin ako.

Si Fin, na naka checkered pajama.

Ang cute!

"Nakacouple pajama pa kayo, ah." sabi naman ni Nico kaya napatingin din ako sa pajama ko.

Bwisit. Couple pajama nga, parehas pa ng kulay.

Kaagad naman akong napatakbo sa hiya. Gago talaga. Konti nalang ileletchon ko 'yang nga 'yan. Nakakagigil na!

"Lucy!"

Napalingon lingon ako sa kung saan nang mamataan ko si Blake sa cottage. Nakadamit ito pero ang laki naman ng butas sa gilid. Wala ring kwenta pagdadamit niya.

Pumunta nalang ako sa kinaroroonan niya saka padabog na umupo sa harap niya. Gawa sa bamboo ang cottage pero mukhang mamahalin tignan.

"Oh, what's with the frowning face?" tanong nito habang sinusundan ng tingin ang mga mata kong nakatingin sa alon ng dagat.

"Wala," sagot ko.

I heard him chuckled a bit. "May surprise ako sa'yo." I turned my gaze directly to him. May tinatago pa ito sa likod niya.

"Ano na naman 'yan?" suspetya kong tanong. Pag ganitong may surpresa surpresa s'yang sinasabi, it's either tumakbo ka na o susuntukin mo s'ya.

Natrauma na ako. Ilang beses na ako hinagisan nito ng gagamba.

"Surprise!" sigaw nito sabay spray ng whipped cream sa mukha ko.

Kumalat 'yon sa buong mukha ko! Pero kalma lang, Lucille. Wala ka sa mood para patulan ang adik na 'yan.

"Ang saya mo naman, porket may—"

Naputol ang sasabihin ko nang dumating na sina River. "Anong nangya— Oh!" humagalpak ng tawa ang tatlong kutong lupa nang makita ang nangyare sa mukha ko.

Hinampas hampas pa ang mesa na gawa rin sa bamboo na nasa gitna namin habang tumatawa. Nasulyapan ko rin si Fin na mukhang nagpipigil din ng tawa. Ano? Sasali sya? Parang hindi nakinabang sa luto ko kagabi, ah.

"Hayop ka 'pre, anong ginawa mo kay Lucy," natatawa pa rin si Collin habang paupo sa tabi ni Blake. Sumunod naman sakanya si River at Nico sa pag upo, habang si Fin, nakasandal lang sa bamboo habang pinagmamasdan din ako.

Hala, sige. Pagtulungan niyo ako. Mga letche.

"Collin," tawag ni Blake sakanya. "River, Nico," dagdag niya pa. "Surprise, dimwits!" sigaw nito sabay spray sakanila ng whipped cream. Hindi pa nakatakas kaagad ang tatlo, pero saka pa sila nakaiwas nang puno na ng whipped cream ang mukha nila.

Hinabol naman sila ni Blake at mabilis na tumakbo sa isa isa sakanila.

Ako naman, eto, tawa na rin nang tawa. "Ayan, namnamin niyo 'yan!" wika ko habang natatawa.

Napansin ko naman si Fin na parang lumalayo sakanila. Parang umiiwas. Pwes, damay ka rin.

Tumayo ako saka lumapit sakanya. Nasa naghahabulan na mga tukmol ang atensyon niya kaya nang maramdaman niyang nasa likuran niya ako kay kaagad kong ipinahid sakanya ang whipped cream na galing sa mukha ko.

Tinuro ko siya habang natatawa. "Para 'yan sa sabaw ko kagabi na sinabihan mo ng matabang!"

He hissed. "Inubos ko naman, ah." sagot niya pero hindi ako nakasagot kaagad. "See? Wash my face, ayokong sumali sa kahibangan niyo." reklamo niya.

Napangiwi naman ako. Ako pa maghuhugas sa mukha niya? Luh, asa naman sya 'no.

"Bakit ako pa?" masungit kong tanong. "Kita mong parehas tayong may whipped cream sa mukha kaya huhugasan ko rin ang sarili ko!" wika ko saka tumalikod sakanya, bago pa man makapaglakad palayo ay hinila niya ang pulsuhan ko pabalik sakanya.

His eyes, were too smoky. "Mahapdi kamay ko, ayokong mabasa."

"Oh? Kasalanan ko ba?"

"Hindi, pero responsibilidad mo yon," rebutt niya. Inis kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Oo na!" sabi ko sabay tumungo sa may dagat.

Hindi na masyadong malakas ang alon ngayon dahil alas sais na ng umaga. Mas lalo ring malamig ang simoy ng hangin at paaraw na. I stepped my right foot to the water and I mmediately backed out when I felt that it was too cold.

"Sabi ko nga, dun nalang sa gripo," sabi ko sa sarili ko saka tumalikod nang mabangga ako sa isang matigas na bahagi ng katawan.

Ang dibdib ni Fin. Anong iniisip niyo?

"Saan ka pupunta?" tanong nito sa'kin. Napaatras naman ako kaagad dahil sakanya.

"Ano pa? Edi huhugasan 'yang mukha mo," inis kong sagot.

"Ba't hindi pa rito? tutal nandito na tayo." Sabi niya saka naglakad papalapit sa tubig.

Umalon ito bigla ng malakas kaya muntik nang napunta sa kinatatayuan ko ang tubig. Bahagya naman akong napalundag dahil baka malamigan na naman ang paa ko. Hindi ko kaya yung lamig!

"Ah, nalalamigan ka?" sabi naman ng adik na ngayon ay nakalubog na ang mga paa sa tubig.

"H-Hindi, ah! Ayoko lang mabasa paa ko," pagtatanggi ko.

He smirked. "Arte, halika na, hugasan mo 'to." pag aaya nito sabay turo sa mukha niya, "pati na rin 'yang mukha mo, mapagkamalan ka pang multo ng mga kaibigan mo."

I glared at him. Ang lakas naman mang-asar ng bwisit na 'to. "Bwisit ka talaga." Wala na akong choice kaya sumugod na ako sa dagat kahit nabasa na itong pajama ko. 'Di bale, ngayon lang naman 'to. Bwisit. "Lumapit ka!" Sinunod naman ako nito saka lumapit sa'kin.

Yumuko ako saka sinimulang hugasan muna ng mukha ko. Medyo naglalagkit na ito pero madali lang naman mawala. Ramdam ko naman ang pag iling-iling niya sa tabi ko. Nako, h'wag niya akong inisin pa, dahil baka ilunod ko siya rito ng bonggang bongga.

Binasa ko na ulit ang mga kamay ko para siya naman ang hugasan ko. Ginawa pa ako ng yaya nito, ano ba kasing nangyare sa kamay niya?

"Yuko ka, hindi kita abot." seryoso kong utos saka sumunod naman ito. Woah, obedient, ah.

Malapit kami sa isa't isa ngayon, medyo naiilang ako pero kailangan ko na itong tapusin bago pa ako mabaliw!

I rubbed my hands against his face. I felt the softness of his skin. Parang may skincare routine 'to, ah. Matanong nga mamaya.

Habang hinuhugasan ko ang mukha niya ay hindi ko mapigilang mapalunok. Ang gwapo kasi, jusko.

"Nag eenjoy ka ba at ayaw mo nang tantanan ang mukha ko?" napatigil naman ako bigla nang magsalita siya.

"Tapos na nga, oh." Sabi ko naman saka tumigil na. Sayang, ang kinis kinis ng mukha, 'e. Ang gaspang naman ng ugali.

"Parang gusto mo pa, eh, pwede pa naman—"

"Hindi na, nauumay na ako sa pagmumukha mo," inis kong sagot saka hinugasan pa ang mukha ko ulit.

Narinig ko naman s'yang tumawa. "Nauumay daw, pero gaya gaya naman ng pajama."

Inis ko s'yang tinignan. "Excuse me, hindi pwedeng nagkataon lang? Tsaka ba't naman kita gagayahin, kilala ba kita?"

"Hindi,"

"Hindi naman pala, 'e—"

"—Hindi ko tinanong." pambabara nito sa'kin kaya winisikan ko siya ng tubig dahil sa inis. "Fuck—malamig!"

"H'wag mo kasi akong iniinis para hindi ka malilintikan sa'kin!"

"'E, hindi ko naman kase talaga tinanong— hey! Fucking stop—Putang—" sunod sunod nitong mura habang pinauulunan ko siya ng tubig dagat gamit ang kamay ko. Halos maligo na kami sa sobrang basa. Napapaatras naman siya, muntik pang matumba. "Stop—please, mahapdi kamay ko," seryosong wika nito sa'kin.

Tumigil naman ako. "Ano ba kasing nangyare sa kamay mo?"

"Why? Are you concern?" Tanong nito habang may mapanlokong ngiti.

"Wow, ang kapal naman talaga ng pagmumukha nito," napapalakpak pa ako sa mangha. "Nagtatanong lang ako no! Chismosa ako 'e," sagot ko naman.

Bahagya naman itong natawa. "Kunwari pa. Concern ka nga nung naknock out ako."

"Hoy! Hindi ah! Sadyang mabait lang talaga ako." Wika ko sabay pinandilatan ko s'ya ng mata. Kapal kapal ng mukha 'e. Totoo naman ang sinabi niya pero h'wag na sana iannounce diba?

"I lied." He muttered.

Napatingin naman ako sakanya. "Lied about what?"

"About your soup." He answered, "I actually liked it."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status