Share

vii: intru(ce)der

Chapter 7 

Habang seryosong kumakanta si Fin, nahuhuli ko rin itong sumusulyap sa direksyon ko. Hindi naman sa assuming ako 'no, pero 'yon lang naman ang napapansin ko. Ang pogi niya nga pag ginagawa niya 'yon, 'e. 

Ewan. Wala na akong rason para itanggi na nagw-gwapuhan ako sakanya. Una palang naming pagkita, iba na ang dating ni Fin sa'kin. Sobrang simple lang manamit, sobrang simple niya lang gumalaw pero kahit ganun, aaminin kong ang lakas talaga ng dating niya!

Pagkatapos kong marinig lahat ang mga pinayo sa'kin nila Devy, paulit-ulit lang na bumabalik sa utak ko hanggang ngayon. May point nga naman, nabubulag talaga ako minsan sa sarili kong standards sa mga lalaki na gusto ko kagaya ni Blake.

Wala naman sigurong masama kung crush ko siya diba? Ako lang naman makakaalam. 

Sa sandaling 'to, inaya ko ang mga katabi ko na tumayo at makikanta. "Sumabay tayo sakanila!" Sigaw ko. Nagulat sila pero napalitan din ito kaagad ng pag sang-ayon. 

Everyone went wild in ecstasy. The voices coming out from the audience singing together with Fin made the whole resort looking like a big concert. Even me and my friends, sings together, jumps around and yells at the top of our lungs. 

The song goes on and we're still singing together. Sinasabayan pa namin ng konting pagsayaw tuwing dumarating yung chorus. Hindi ko na rin s'ya tinitignan, hindi ko na pinapansin ang presensya niya hanggang sa papalapit nang matapos ang kanta. 

Ine-enjoy nalang namin ng mga kaibigan ko ang ingay ng buong resort. 

Habang abala sa pagkanta ang mga kaibigan ko ay may nararamdaman akong may nakamasid sa'kin. Napapahinto ako at napalingon sa kung saan saan. 

And there, I noticed a very familiar face. 

That creepy face that I'd encounter for over my college days. Bigla itong nawala sa paningin ko kaya naisipan kong sundan kung saan man ito dumaan. 

Gusto kong makasigurado. 

"Hey, Lucy! Where are you going?" I heard Wein's voice.

Nilingon ko s'ya saglit para ngitian, "banyo lang!" saka sinundan ang lalaki. 

I successfully got out from the crowd. Hindi ko na s'ya nakikita kahit anino ay hindi ko na namamataan. Kailangan ko s'yang paalisin, pag nakita na naman s'ya ni Blake o kung sino man sa barkada namin baka magkagulo na naman. Masyadong masaya ang araw na 'to para sirain ng taong 'to. 

Umabot ako ng lakad patungo sa likod ng stage. Madilim at wala nang masyadong tao dahil abala sa kantahan nila Fin. Medyo nakaramdam ako ng kaba dahil hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa'kin sa mga oras na 'to.

"Lucille." A baritone voice muttered my name that made me jump a bit in surprise. I turned around to face him and my mouth formed an 'O' out of shock. 

Ang laki na ng pinagbago niya. 

"Truce?" 

He smirked. "Oh, you still recognize me." 

"Who wouldn't recognize such memorable face, Truce?" I chuckled a bit. I stopped when I realize he isn't chuckling with me. 

"It's been a long time. How are you?" He took a step towards me but I immediately stepped back to avoid too much from his presence. 

"Uh, I'm great. Very great." I answered. "How did you know that I'm here?" I asked, curiously. He didn't answer but instead he just raised his eyebrow and it was like, he's waiting for me to realize something. "Oh! Yes, I forgot that you're my stalker. Hindi ka pa ba natuto? What are you doing here? If Blake sees you, baka hindi na bugbog ang gagawin 'non." 

"Oh don't worry, we won't be here for too long."

I frowned. Anong pinagsasabi niya? "What do you mean?

He grabbed my wrist as he pulled me closer to him. Pilit akong nagpupumiglas but he's too strong enough to tighten his grip. "Come on, Lucille. . . Just this night." He said  in deep toned. 

Sinubukan kong itulak s'ya pero hindi ko magawa. Following him is sure a bad idea! Wala pa naman akong nakikitang taong dumadaan dahil abala sa kantahan. 

"STOP! HELP! PLEASE, SOMEONE'S ATTACKING ME—" I yelled, enough for someone to hear me as I felt Truce's warm breath on my neck while I kept on pushing him away pero wala talagang talab. 

"You're coming with me tonight. . ." He whispered to my ear. 

Mariin kong pinikit ang mata ko dahil ko masikmura ang pagmumukha ni Truce na malapit sa'kin. "Tulong!" Sigaw ko na mas malakas pa kaysa sa kanina.

Surprisingly, I suddenly felt at ease nang biglang lumuwag ang pagkakahawak sa'kin ni Truce. 

I opened my eyes and I saw Truce lying on the sand. Mabilis ang mga pangyayari kaya nagulat ako nang makita si Fin na hindi maipinta ang mukha. "You did that?" I asked, taking a look on Truce's face. Tulog. 

He was knocked out that fast? "Ako lang naman nandito, may iba pa bang susuntok d'yan?" Pabara nitong tanong. I sighed. Ano pa ba ang aasahan ko sakanya? 

"T-Thank you. . ." I said. 

"Sino ba 'yang putanginang 'yan?" Tanong ni Fin habang tinitignan ang buong mukha ni Truce na nagmamaga na dahil sa lakas ng suntok niya.

"A stalker." I casually replied. 

Suminghal ito. "Stalker? Ngayon lang ako nakakita na yung stalker pa yung sinusundan." 

Gulat akong napatingin sakanya. "You saw me?" I asked. 

"It doesn't matter." He answered. 

Napalunok ako. "Ginawa ko lang naman 'yon para paalisin s'ya . . . Ayoko nang makita s'ya ni Blake, ayokong magkagulo na naman ulit." 

"Tanga, edi nabastos ka na. Kung hindi ko pa napansin na sinundan mo 'tong lalaking 'to, baka hindi lang 'yon aabutin mo." 

"Kaya nga nag thank you, 'e." Sagot ko naman. 

"You're one hell of a brat." Sabi niya. Inirapan ko nalang s'ya. Ewan ko nalang sa lalaking 'to, pasalamat s'ya crush ko s'ya. 

Biglang nagising si Truce, saktong dumating sila Blake at iba pa. Bigla akong kinabahan nang makita ang ekspresyon sa mukha nila. Napaatras ako. Nakakatakot tignan sila Collin, parang papatay na ng tao. Lalo na si Blake! Tumingin ito sa'kin, pero binalik nito agad ang tingin kay Truce. 

Lumapit sa'kin sila Devy. Heaven was also beside me, her eyes were obviously worried. I felt their hands patting and caressing my back. 

"Are you okay, Lucy?" Heaven, asked. 

"Bakit kasi umalis ka nalang bigla?" Devy. 

Hindi ako makasagot. Nakatingin lang ako kay Blake na ngayon ay hawak hawak ang kwelyo ni Truce. "Fuck you. You still have the guts to come here and harassed Lucille?" He's mad. Really mad. 

Sinipa ni Collin si Truce sa gilid ng t'yan, nagising ito. Wein stopped him but he just ignored. Collin, again angrily stumped Truce's stomach.

Wein immediately pulled him away while convincing him to calm.  

Truce grunted in pain. "Come on Blake, s-stop acting like a b-boyfriend. You reiected her, right? I see no reason for you to be mad at a-all. . ." Pilit na pagsasalita ni Truce habang hawak hawak ang tiyan niya. 

"Fin, ilayo mo si Lucy dito." Blake commanded while still looking at Truce. "And you Lucy, let's talk tomorrow." 

Mas lalong nanlilisik ang mga mata ni Blake sa sinabi niya. Hindi nagtagal ay binigyan nito ng malakas na sipa si Truce sa bandang dibdib. Susubukan ko sanang hawakan ang braso ni Blake para pigilan siya ngunit hinila na ako papalayo ni Fin sakanila.

Nagkagulo na tuloy.

I noticed Fin looked at me. Lumapit ito sa'kin saka marahan akong hinila. Hinayaan ko nalang s'ya dahil wala na rin akong magawa. Parang na rin akong nanghihina. 

Habang naglalakad kami ay pinagmamasdan ko lang si Fin. Hinigpitan nito ang pagkakahawak niya sa braso ko pero hindi ako nasasaktan. It still feels gentle even its intentionally tight. 

Napatigil ako sa paglalakad nang lumakas ang simoy ng hangin. Ang lamig lamig na naman, naka dress pa naman ako. Tinignan naman ako ni Fin na salubong ang kilay na tila nagtataka kung bakit ako huminto. I pulled the ends of my dress when a strong wind keeps on flowing it away. 

Minamanyak ata ako ng hangin. 

"Tsk, bakit kasi nag gaganyan pa? Malamig ngayon." Reklamo ni Fin saka binitawan ang pagkakahawak sa braso ko para hubarin ang suot suot niyang oversized sweater.

Ang sexy niya naman maghubad. Parang Christian Grey. 

Kumurap-kurap ako nang tinitignan lang ako ni Fin, nakasuot nalang s'ya ngayon ng simpleng kulay itim na damit. Grabe, sino kaya mama at papa nito? Parang hardworking sila gumawa ng bata, ang gwapo ng finish product nila. 

He stretched his hand, lending me his sweater. "Isuot mo," utos nito. Napatango-tango lang ako saka tinanggap ang hoodie. Sinunod ko naman ang sinabi n'ya na isusuot ko raw. 

Halos umabot na hanggang tuhod ko yung hoodie. Medyo komportable na rin ako dahil sa sobrang lambot nito. "Thank you." Sabi ko sakanya. He just nodded, lazily. 

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nakahawak na naman s'ya sa'kin. Hindi na sa braso kundi sa kamay na. Saglit akong tumigil para ayusin ang pagkakahawak sa kamay naming isa't isa. I intertwined my fingers to his. Ramdam ko na rin ang panginginig n'ya, nilalamig na pala s'ya. 

I decided to insert our hands together inside the hoodie's pocket. Parang sa nakikita ko sa korean telenovela. Sumulyap naman ako kay Fin na baka aayaw s'ya, pero wala lang sakanya at seryoso lang ang mukha. 

I smiled, secretly. We reached the same place where we gathered on our first meet. Nandun pa yung mga kahoy na inupuan namin sa habang naglalaro ng charades at yung outdoor bar counter ni Ford. Pumunta kami malapit sa dagat. Medyo madilim na pero buti nalang may mga lights na nakasabit sa malalaking puno. Ang cute nila tignan. 

I glanced at Fin when he pulled his hand away from holding mine. "Yosi lang ako, d'yan ka lang." Seryoso nitong wika saka may kinapa sa bulsa n'ya. Lumayo ito ng kaunti sa'kin habang kumuha ng isang yosi mula sa dala dala niyang kaha, saka sinindihan ito gamit ang lighter n'ya. 

Kompleto, ah. Mala-doraemon siguro bulsa nito. 

Umupo si Fin sa buhangin habang abala sa yosi n'ya. Ako naman ay nakatayo lang habang pinagmamasdan s'ya. 

I smiled. It feels like we're a little bit close.

Pakiramdam lang naman, h'wag kang ano. 

Tahimik ang buong lugar, tanging tunog lang ng dagat ang naririnig namin. Gusto kong magsalita pero hindi ko naman alam kung anong sasabihin. 

Tanungin ko kaya brand ng kutsara nila? 

"Umupo ka na rin kung nangangawit ka na kakatayo," rinig kong sabi nito. 

Napakagat ako sa aking ibabang labi nang marinig ang boses niya. Kahit siguro magjoke s'ya ng walang kwenta, tatawa ka nalang dahil sa kilig na naramdaman mo galing sa boses n'ya.

Teka, masyado na ata akong halata ngayon. Ang dami ko nang compliment na sinabi ngayong gabi. Napapaghalataan na ba ako? 

Napansin kong tapos na si Fin sa yosi n'ya nang ibato n'ya 'yon sa kung saan. Dinala ito ng alon ng dagat. Napailing ako. Water polution 'yon! Wala ba s'yang pakialam kay mother earth?

"Tapos na, tumabi ka rito." Sabi niya na hindi ako nililingon. Nataranta naman ako at naguguluhan sa kung anong gagawin. 

Nasanay akong palagi ko s'yang kabangayan. Bakit ganito nalang s'ya umasta ngayon sa'kin? Bakit n'ya ako pinapatabi sakanya? Baka iprprank lang ako ng mokong 'to, ah. 

"Tumabi ka rito. Wala akong gagawin." Napatanga ako. From singer to mind reader? Real quick. 

Huminga ako nang malalim saka pumayag sa gusto n'ya. Umupo ako sa tabi n'ya na s'yang ikinabilis ng tibok ng puso ko. I pursed my lips. His presence really suffocates me. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Nababaliw na naman ata ako. 

"Um. . ." Anong pwedeng topic? Suggest kayo. "A-Anong favorite ulam mo?" Nautal pa nga, Lucille. Naconyo pa. 

"Ha? Baket? Lulutuan mo ulet ako?" 

Napatingin ako sakanya. "Hindi 'no! Nagtatanong lang." Pagtotodo tanggi ko. 

He tilted his head a bit. "Buti naman. Ayoko na makatikim ng sinabawang tubig."

Kumunot ang noo ko bigla. "Tubig? 'E, inubos mo nga yung niluto kong sabaw! May patabang-tabang ka pang nalalaman, inamin mo ring nasaparan ka."

"Sino?" Tanong niya. 

"Ikaw!" 

"Sino nagtanong?"

At dahil binara na naman n'ya ako ay hindi ko na napigilang hampasin ang balikat n'ya sa inis. Bahagya itong natawa na ikinabigla ko. "Puro ka pambabara." Inis kong wika. 

He sexily chuckled. "Gusto ko, 'e. Mapipigilan mo ba ako?" Inirapan ko nalang s'ya at hindi pinansin ang tanong n'ya. Baka barahin na naman ako nito. 

"Open ba yung pub na pinagtrtrabahuan mo ngayon?" Tanong ko. 

"Baket mo natanong?"

"Gusto ko lang. Mapipigilan mo ba ako?" Ganti ko sakanya.

Ngumisi s'ya bago magsalita. "Mamaya pa, alas onse." Sagot nito sa tanong ko. 

Napatingin ako sa dagat. "The song that you were singing awhile ago . . . I always wanted to hear it live." I smiled at him. "Thank you . . ." I said. 

"Talaga? Corny naman ng music taste mo." Sinamaan ko sya ng tingin. Natawa lang sya sa reaksyon ko. "Biro lang. Salamat din. Masaya akong successful gig ko rito kahit nagkaproblema at ako lang mag isa sa banda namin ang nakapunta. Salamat sa mga kaibigan mo." Napangiti na lamang ako habang nakikinig sakanya. Grabe, ganito pala sya kaheart to heart talk? Ang pogi! "Sosolohin ko talaga yung kikitain ko rito."

Natawa ako. "You deserved it. You should treat yourself a celebration for having a successful performance." I suggested. But it looks like he refused. 

"'Di na, iniipon ko 'yan." 

Napangiti ako. I suddenly remember what Wein told me lately. ' Who knows? Baka may side pala si Fin na magpapabago ng perception mo sa lalaki. '   Now, I get what they told me. Everything they adviced. I get it all now. 

He's not really hard to like. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status