Share

v: pretty boy fin

Chapter 5

AYOKO NA!

"Omg! Anong feeling naka-karga kay Fin?" malisyosang tanong ni Wein sa'kin.

Malalim naman na huminga si Hannah na may pagkadismaya. "Nakakainggit naman."

"Hoy!" pinalo ni Devy si Hannah. "Ang dami mong lalaki d'yan, nakuha mo pang mainggit."

"Walang nakakainggit." seryoso kong ani. Totoo naman. Walang nakakainggit! Nakakailang lang! "Ayoko na sya makita!" sabi ko saka tinakpan ng unan ang buong mukha ko.

"Hala siya, kinarga ka na nga, eh." si Devy.

"Oo nga, 'e kung wala sya dun, baka kinain ka na ng pating!" pananakot ni Wein sa'kin pero hindi ko siya pinansin.

"At babalik kang walang pang itaas!" Singit pa ni Devy. Naalala ko na naman!

Gugustuhin ko nalang magpalamon sa pating kesa sa kahihiyang 'yon. Ngayon ko lang naramdaman 'yon sa buong buhay ko.

I sighed. "Volleyball tayo later?" rinig kong pag aaya ni Heaven habang dinig kong ngumunguya ito ng chichirya.

Bumangon ako kaagad saka lumapit kay Heaven. "Pahingi!" Binigyan niya naman ako dahil parehas naming paborito ang chichiryang yon.

"Hoy, volleyball! Anyone?" pag uulit ni Heaven habang inaabot sa akin ang hawak niya.

"Heaven, hindi kami marunong sa mga bola. Wala kaming sports, remember?" sagot ni Hannah.

Natawa naman ng bahagya si Wein. "Ibang bola kase nilalaro mo, sis."

"H'wag ka ngang mamersonal."

Sabay na napakunot ang noo namin ni Heaven sa kanilang dalawa. Napaisip naman ako, anong bola kaya tinutukoy niya? Masaya kaya laruin 'yon?

"Ilang araw pa ba bago tayo makakauwi?" nanlulumo kong tanong. Parang hindi ko na kaya ang mga nangyayari sa'kin kapag kasama ko si Fin. Mababaliw ako dahil sakanya.

"Uwian na agad iniisip mo? Alam mo, mabuti pa, magswimming nalang tayo."

Umiling ako kay Devy. "Ayaw, kakaswimming ko lang kanina."

Sabay sabay naman silang natawa. Ewan ko ba kung anong nakakatawa sa mga ganap sa'kin. Tawanan ko nalang kaya rin ang sarili ko? Baka sakaling maintindihan ko kung anong nakakatawa sa'kin.

Napagdesisyunan nila na maligo ng dagat. Nagpaiwan lang ako rito sa bench habang nakayakap sa unan na galing sa room namin. Yung mga lalaki? Hindi namin alam kung nasaan na, ang paalam nila ay mangchichix daw sila.

Edi, goods para may ma-adobong manok kami mamayang gabi.

Echos lang.

Naisipan kong mag ikot ikot sa buong resort. Narinig kong may mini stage ito sa likod dahil may mga musician ding nagpeperform dito. Tumungo naman ako roon para makita kung gaano ito kalaki at kaluwag. Medyo mainit na ngayong araw, hindi kagaya kahapon na maulap at mahangin. Kaya nakausot nalang ako ng dolphin shorts at pulang sleeveless para presko.

Echos lang ulit.

Marami akong nadaanan na tindahan. May mga nagtitinda ng souvenirs gaya ng mga damit bracelet at pamaypay na may nakalagay na Deep Blue Sea, napailing ako habang iniimagine ang mukha ni Ford na nagsusuggest ng pangalan na 'yon. Buti naman sang-ayon ang papa niya sa pangalan 'no?

"Woah," My mouth formed an 'O' when a set of band instruments are arranged on a large stage. May drums, kulay black ito at halata na mukhang bagong bago pa. May keyboard naman sa gilid, tsaka napansin ko ring may tatlong stand ng microphone.

May outdoor concert kaya? Shit! Nakakaexcite! Sino kaya magpeperform? Pwede kayang mag request ng kanta?

"'Gawa mo rito?"

Nakangiti akong nilingon ang pamilyar na boses sa tabi ko. My excited aura immediately faded away when I saw him, well dressed. He's wearing plain white shirt, pairing with a beige trousers and a black converse shoes.

Nandito na naman sya!

His hair are in a proper hairstyle, hindi magulo. Mas lalo s'yang gumwapo. Parang mas nakakasuffocate ang itsura niya ngayon. Nakakakapos ng hininga. Malayong malayo sa una naming pagkita na nakasimpleng pantalon at damit na tinernuhan ng varsity jacket—pero ang lakas pa rin ng dating. Hindi ko itatanggi.

Jusko. Huminga ka muna, Lucille.

"Nevermind. 'Nga pala, nasa'yo pa ba bonnet ko?" tanong niya. Napataas ako ng kilay.

"Ha? Ah, oo, bakit?"

He clicked his tongue. "Susuotin ko lang mamaya."

"At bakit? Sabi mo, sa'kin na 'yon, eh." Pagsusuplada ko. Aba, ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat yung binabawi yung binigay na sa'kin.

"Hihiramin ko lang, ungas."

Tumango lang ako saka binalik ang tingin sa entablado. Ayoko na muna s'yang pansinin masyado, para akong kinakapos ng hininga kapag nandyan siya sa tabi ko. Dahil ba 'yon sa kahihiyan kanina? Huhu, kalimutan mo na 'yon Lucy, please!

"'Pre, ready na?"

Napalingon ako sa kararating na si Collin, nasa likod niya si River, Ford saka Nico. Nakaporma sila lahat, namangha naman ako. Anong meron? Siguro ito yung sinasabi nilang pangchchix kanina.

"Ayos, ah. Bihis na bihis, hindi halatang hindi kayo naliligo." pabiro kong sabi nila.

"Grabe ka talaga sa'min, Lucy," sabi ni Ford na may halong pagtatampo sa boses.

"Harsh talaga sa'tin 'yan," sambat naman ni River.

"Si Fin lang kasi mahal n'yan, eh."

Kunot noo ko s'yang tinignan bago mapasulyap kay Fin na wala man lang reaksyon sa mukha. Pinakita ko kay Collin ang kamao ko habang tinitignan ko siya na may pagbabanta. Ngumiti naman ito sa'kin habang nap-peace sign. Nako, pag 'yan nachambahan kong mag isa, ipapalagari ko dila n'yan.

"Hoy, ano nga? Ready na?" tanong ulit ni Collin.

"Oo, ayos na. Kayo? Baka manginig kayo mamaya, ah." asar ni Fin sakanila. Natawa naman sila.

"Baka si Nico, kanina pa 'yan nanginginig." turo ni River kay Ford.

Nico glared at River. "Hindi, ah. Magaling ako mag keyboard."

Keyboard? As in, yung instrument o gadget? Hindi ko pa naman siya nakikitang tumutugtog ng kahit anong instrumento, keyboard sa computer shop, pwede pa. Mukhang call of duty pagmumukha n'yan, eh.

"Anong gagawin niyo? Tsaka, nasaan si Blake? Hindi niyo kasama?" sunod sunog kong tanong.

"Secret, malalaman niyo mamaya," kumindat naman si Nico sa'kin. "Tsaka, si Blake—nandun, kasama si Nina. Parang may something nga, eh."

Magkasama na naman sila? Kaya pala wala ang bruha kanina. Magkasama naman pala sila ni Blake. Wala akong pakialam, ah? Ma-issue pa naman kayo.

Napatango nalang ako dahil wala akong masasabi. Yung utak ko puno ng imahe ni Fin. Nakakapanibago kasi ang itsura niya ngayon. May date ba siya? May date ba silang lima?

"Rehearse muna tayo, sandali. Alas sais pa naman ng gabi magsisimula."

"Sige, mauna na kayo, may kailangan pa ako kay Lucia."

I frowned at Fin. And who's Lucia? 'Yan ba pangalan ng kadate niya?

"Lucy nga, pre. Hindi Lucia." pagtatama ni River.

Lucia, amputek. Akala ko pa naman kung sinong nilalang 'yan.

At ayon, umalis na sila Collin, naiwan si Fin sa tabi ko. Hindi ko alam kung saan ito nakatingin pero ramdam kong parehas kami ng tinitignan. Sa entablado.

Nakakaexcite naman. Hindi pa ako nakaattend ng mini concert. Pangarap ko talaga makita yung 5 seconds of summer! Crush ko pa dun si Calum Hood. Yie! Kung sino man bokalista mamaya, idedate ko!

Lumingon ako sa katabi ko. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin din sa entablado. "Manonood ka rin mamaya?" tanong ko. Kinapalan ko na mukha ko, alangan namang iiwan ko siya rito bigla.

"No. Not a fan of bands." sagot niya sa'kin.

Ay, sabi ko nga. Puro lang naman lang ata pag aadik ang inaatupag niya. "Try mo manood mamaya, kasama naman natin sila, eh." sabi ko na tinutukoy ang mga kaibigan namin. "Tsaka ano ba yung sinasabi niyo kanina?"

"Wala tsaka kayo nalang, busy ako." masungit niyang sagot saka lumingon sa'kin. "Akin na muna yung bonnet ko," ani niya sabay lahad ng kamay. Napansin ko namang may mga band aid yung ilan niyang daliri.

Mukhang totoo nga sinasabi niya kanina—na mahapdi kamay niya. Napano kaya siya? Kung ano man yung rason, wala akong pakialam.

"Ang atat mo naman,"

"Talaga."

---

"Hoy, anong ginawa niyo sa kwarto, ha?"

Ang issue naman talaga ng mga tao ngayon. Kakalabas lang kasei ni Fin galing sa room namin dahil binigay ko sakanya yung bonnet na kanina niya pa hinihingi, sakto namang dumating na ang bruha na may mga nakakalokong tinginan.

"Kinuha niya lang yung bonnet niya, h'wag ka ngang malisyosa." sagot ko kay Wein. Tinignan niya naman ako na para bang hindi naniniwala. "Oo nga, jusko naman. Bakit niyo ba ako tinutukso sakanya? Hindi ko siya gusto, okay? Wala sakanya ang mga hinahanap ko sa lalaki. Gusto ko yung kagaya ni Bl—"

"Blake? Si Blake na naman?" singit ni Devy, "my god, Lucille Jean, akala ko ba moved on ka na kay Blake?"

I feel stiffened. Parang napako pwet ko sa pagkakaupo rito sa kama habang nakatingin kay Devy. Nakamove on naman ako, ah. Nakakatakot lang kaya mahulog loob mo ulit.

Pero, hindi pwede. "Devouhgn Rodge," pang-gagaya ko sakanya. "We just met yesterday. You can't just shoot your shot when you don't even know every inch of him. I don't even know where's he from and what kind of life does he have. Okay, fine, I admit, he's not hard to like. But he's kind of complicated and confusing, so I can't."

Heaven sat beside me. She flashed a sweet smile and lay her head on my shoulder. "I, also don't want you to get hurt."

Napangiti ako. "I will not let my self get hurt, you'll cry," I jokingly answered.

Umupo naman si Wein sa tabi ko. Pinagitnaan na ako ng dalawa. "Sorry, we were just really happy seeing you goofing with someone else. I find Fin really good for you, hindi lang halata kasi mukhang pilyo rin siya kagaya nila Collin, but who knows? Baka may side pala si Fin na makakapagbago sa perception mo sa lalaki. Hindi ka naman namin basta basta pinipair sa ibang lalaki kung alam naming wala namang magandang maidudulot sa'yo. But Fin. . . we were observing him, especially when he's with you. He's very gentle when he's beside you, pero kapag sila Collin, napakalakas ng saltik. Napatunayan namin 'yan nung jetski tayo, I saw Fin's smile while resting on your back. He's very genuine every time he's with you. So what kung kahapon mo lang siya nakilala? It's not a matter of time, Lucy. What your heart shouts matters the most."

Hannah clapped her hands in a slow motion while shaking her head. "Thank you candidate, number 69." biro niya, natawa naman kami nang winagayway ni Devy ang kamay niya na para bang beauty queen.

I just smiled while watching them laughing ang giggling at each other. I've never knew that they were more thoughtful than how they usually was. Wein and Devy, hindi ko sila nakilala na kagaya ni Heaven. The both of them are wild like Hannah. Weinstein wasn't raised with her biological family, she was adopted when she's still a baby. She is a well-raised, well-dressed, well-mannered woman, but she rebelled when she knew about her origin—but eventually, she changed afterwards because that's how life works. We get disappointed but we can't turn back time. Devy, she's somehow like Wein. But Devy's family is really rich, more wealthy than Ford's. She is the spoiled, very spoiled, super spoiled, only daughter of Edgar Rogde—the very famous bussinessman in our town. Pero, tulad nga ng sabi ng iba—money can't buy happiness, that's what Devy thought. She run away from her house, and what happened after is how we met. Heaven, she was from a catholic school—her life was tragic and it's not my story to tell. But Heaven, she's a cry baby! She's very fragile and vulnerable. Things about her slowly changed when she met Wein and Hannah, you know those girls are a huge riot. But her, being a cry baby, didn't change after all. Hannah, I met her when I once tried bar hopping in my college days together with Devy and Wein—of course, hindi kasama si Heaven. She's an innocent one. So ayon nga, Hannah, she's also from a wealthy family alongside with her cousin, Ford. She's good with boys, but bad in academics. She didn't finish college, she choose to be a model. Her family accepted it, her family was very understanding. Nina? Siya yung type ng babae na pwede mong maging ate, nanay at barkada. Nina's a good friend. Siya lang normal mag isip sa aming dalawa and now, seeing her happy with Blake, I can tell that she's on a good hands. She is safe.

Our friendship grew even more when we met the boys.

We stopped from talking when someone opened the door. It was Nina, smiling widely at us. I guess, she's having a good time with Blake.

"Blake said we need to get dressed up, may event mamayang six p.m," she announced.

Napatingin naman kami sa isa't isa. "Yeah, we heard it too." Hannah answered.

"About the event?" Nina, asked.

"Yes. But the idea of dressing up, nope." Ako naman ang sumagot. Ano namang susuotin ko, aber? Magpapajama kaya ako? Tutal, gabi naman na. Baka malamok pa mamaya.

Wein giggled. "Oh my god! That's exciting! Tara, let's choose some outfits at kami ni Hannah at Devy ang mag me-make sainyo."

"Make up? Hibang ka ba? Gabi na mamaya, madilim na. Hindi na kailangan n'yan," sabi ko habang nakasalubong pa ang kilay.

Nagtaas ng kamay si Heaven. "Me! Me! Gusto ko mag make up, put some!"

"Sure, Heaven—at ikaw naman, Lucy, h'wag mo'kong galitin. No no's, no buts. Pagagandahin kita lalo ngayong gabi nang mashookt si Fin!" si Devy. Nagsitilian naman sila na parang wala nang bukas.

Bumagsak ang mga balikat ko dahil parang wala akong ibang choice kundi sundin ang mga bruhang 'to. 'Di bale, madilim naman na mamaya. Hindi halata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status