Share

My Anonymous Boss
My Anonymous Boss
Author: Aliella

Chapter 1

AYUMI HILARY

Napabalikwas agad ako mula sa pagkakahiga ng makitang hindi pamilyar ang paligid. Malamig, malinis at maaliwalas. Hindi kagaya ng lagi kong nabubungaran kapag ako'y nagigising.

Mahahalata na ako'y nasa isang hotel ngayon dahil na rin sa mga gamit na aking nakikita pati na ang disenyo nito.

Munting kaluskos ang umabot sa aking pandinig dahilan para mapatingin ako sa aking kaliwa. Tumambad sa mga mata ko ang likod ng isang lalaki habang nakadapa sa kama at natutulog. I don't know him. Wala itong suot pantaas at may nakabalot na kumot sa kanyang ibabang bahagi.

Bigla kong nahugot ang aking hininga ng magrehistro sa aking isip ang sitwasyon ko ngayon. Bukod sa suot na polo na hindi ko naman pag aari ay wala na akong ibang suot pang loob.

Marahil ay polo ito ng lalaki. Wala akong matandaan na sinuot ko ang polong ito bago makatulog ngunit naaalala ko ang lahat ng nangyari sa amin kagabi.

Biglang uminit ang aking pisngi sa kahihiyan ng mga pinagsasabi at pinaggagawa ko kagabi. Lalo na ng maisip ko ang lalaking nasa tabi ko. His moan, kisses, touch, breath, and sweat on my body. It feels like those were already imprinted on my mind.

It's not me! This is not me! Why did I allow a stranger to take away my virginity? D*mn that alcohol! I was really drunk, which caused my sexual desire to aroused.

'Argh! Malandi ka talaga Yumi! Ba't ka pumayag na makuha ang virginity mo!" Sisi ko sa aking sarili at napa sabunot pa sa inis.

Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang sakit sa aking gitna. Maluha luha ko namang tinitigan ang lalaki sa aking tabi. I was drunk! He shouldn't took advantage of me.

Memories of last night flooded my mind. I was walking out of boredom while waiting for the taxi that my friend grabbed. It was my friend's birthday and she wished to celebrate it in the club. So here I am, drunk and helpless.

Sa aking paglalakad ay 'di ko inaasahang mabangga sa isang may matikas na katawan. Napahawak agad ako sa dibdib nito upang 'di lubusang matumba. Sh*t! Lasing na talaga ako. Kaunting galaw lang sakin ay matutumba na talaga ako.

Pag angat ko ng tingin ay nagulat pa ako sapagkat ito ang lalaking nakita ko sa ikalawang palapag ng club na nakatitig sa akin. 'Di ko alam kung gaano na siya katagal nakatitig sa akin ngunit alam kong ang titig na iyon ay may kahulugan.

Nakita ko ang pag igting ng panga ng lalaki habang ang mga mata nito'y nakatitig sa aking katawan. His jawline is pretty attractive. 'Yun agad ang napansin ko.

"Ahem!" pilit kong ubo para agawin ang atensyon niya kasabay ng pag bitaw ko sa kanyang dibdib. Umatras ako ng ilang hakbang upang bigyan ang sarili ng distansya. Well, sa totoo lang 'di ko lang talaga kaya lumapit sa kanya dahil naiilang ako sa kanyang titig.

Ngayon na malapitan na kami ay saka ko lamang natitigan ng mabuti ang lalaki. Ito ay napaka gwapo, moreno, malinis ang hair cut, matangkad at walang balbas na makikita sa panga. Amoy mayaman. Ngunit sa hula ko ay nasa late 20's or early 30's na ito.

"You seem drunk" his lustful eyes roamed all over my body while saying it.

Napatikhim ako matapos marinig ang boses ng lalaki. Buong buo ito at napaka manly. Malalim din ito na parang nang aakit.

"Uh, hindi ah! Madilim lang kaya hindi kita nakita. Pasensya na." Tanggi ko agad kahit alam kong hindi kapani paniwala.

"You should go home. It's getting late. I will give you a ride" anito sabay hila sa akin papunta sa katabing kotse. It's a black porsche sports car. Tama nga ang hula ko na ito'y mayaman. Pagkabukas niya ng pinto ay sinenyasan niya ako na pumasok.

Ngunit dahil sa epekto ng alak ay umandar ang pagka naughty ko.

"Ride?" Tanong ko habang nakangiti ng malawak. "Saan ba ako sasakay? Sa kotse mo or sayo?" Ani ko at humawak pa sa dibdib nito.

"Wow! Tigas ng dibdib ah halatang nag gy-gym." Walang hiya kong sabi at pinisil pisil ang kanyang dibdib.

Biglang nilapit ng lalaki ang kanyang mukha sa tabi ng aking tainga at bumulong. "Your choice, which of us do you want, hmm?"

Nagdulot ng init ang hininga nito sa aking buong katawan. Dahilan upang tumaas ang aking sexual desire at walang pag aalinlangan sumagot. "What if I want you?"

"My pleasure, baby" aniya habang nakatitig sa may bandang dibdib ko.

Bigla naman akong tumawa ng malakas. "Sorry, Mister. But I'm not like the others. I will never have a ride with a stranger." Madiin kong sabi sa mukha nya.

"Really? Then why are your hands on my chest? If you want, I can take off my polo." Nakangisi nitong saad at mas lalong lumapit sa aking mukha.

Agad ko namang binaba ang aking kamay at humakbang paatras ngunit mabilis ang mga kamay nito para ikulong ako. Ang kanang kamay niya ay nakahawak sa nakabukas na pintuan ng kotse at ang kaliwang kamay naman ay nasa tabi ng aking balikat. He totally entrapped me.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko agad dahil para akong di makahinga sa lapit ng aming mga katawan. Ang mga titig nito'y para akong nilulunod. Mas lalo ako nalasing ng malanghap ko ang kanyang manly scent.

"I know you want me. I can feel it. I can see it on how you look at me."

"No. Nagsisinungaling lang ako kanina. Wala akong planong sumama sayo. Isa kang stranger at hindi dapat ako sumama sayo. Bitaw na. Kaya kong umuwi mag isa." Nahahapo kong sagot sa kanya sapagkat sobrang lapit pa din niya sa akin. Di pa nakakatulong ang init na aking nararamdaman.

Napansin ko ang pag higpit ng hawak nya sa pintuan ng kanyang kotse. Mula sa aking mga mata ay bumaba ang kanyang paningin sa aking labi. Mga limang segundo ang lumipas ng maramdaman ko ang paglapat ng aming mga labi. He kissed me! Awtomatikong dumapo ang aking kamay sa kanyang dibdib upang itulak siya ngunit di ko natuloy dahil sa sumunod na kanyang ginawa. Ginalaw niya ang kanyang mga labi dahilan para matigilan ako lalo. Nag iinit ang aking buong katawan at parang isang kalabit na lamang ay bibigay na ako.

His perfectly proportioned lips are so soft that I couldn't resist his kiss. Kahit gustong gusto ko siyang itulak ay hindi ko magawa.

Nang maghihiwalay na sana siya sa akin ay hindi na ako nakapigil. Wala pa sa isang segundo ang pag hawak ko sa collar ng kanyang polo at pag higit sa kanya palapit sa akin. Tumugon ako sa kanyang halik. Kahit 'di ko alam kung paano humalik or tama ba ang ginagawa ko ay nagpatuloy pa rin ako.

Naramdaman ko ang pag ngisi niya sa aking labi.

"See?" Mahinang bulong na sabi niya nang hindi inihihiwalay ang aming mga labi.

Dahil sa kasabikan ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa isang hotel.

"Lay down there on the bed, baby."

Parang tuta naman akong sumunod sa utos nya.

"You're really gorgeous and hot, baby, did you know that? Hmm? I was watching you at the club the whole time. And I promise myself to take you tonight. Now, please be a good girl and I will do the rest" He said in between his kisses on my neck.

I can't think straight. I didn't even try to resist. Talagang pinaubaya ko sa kanya ang aking katawan.

Napabalik ako sa reyalidad ng tumunog ang aking cellphone. Doon ko lamang naalala ang aking mga magulang. Dali dali kong hinanap ang aking dress na suot ko pa sa pagpunta ng club at saka nagpalit. Pagkatapos ay umalis na ako ng hindi nagpapaalam sa lalaki.

Well, sino ba naman sya para magpaalam ako. Isa siyang lalaking nag aadvantage sa lasing na babae. He took away my virginity. Lasing ako, at nasa tamang kamalayan siya ngunit bakit di siya nagpigil? I was really frustrated and I'm blaming him for that. Nagsisisi rin ako na naganap pa ang gabing iyon.

Labis labis ang aking kaba habang pauwi sa aming bahay. Sigurado akong nag aalala na ang aking mama at papa. Nang buksan ko ang aking cellphone ay tumambad sa akin ang 82 na mensahe at 24 na missed calls mula sa aking mga magulang at mga kaibigan.

Biglang na lamang akong nanlumo ng mabasa ang kahuli huling mensahe galing sa kay papa.

"Pag sumikat na ang araw at wala ka pa dito sa bahay ay mag rereport na kami ng mama mo sa pulis"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chin Chin
Nice story!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status