"Ayumi, tapos ka na ba maglinis sa buong 10th floor?" Pagpasok ko sa janitor's room ay iyon agad ang bungad sa akin ng aming head. Tulak-tulak ko ang lalagyan ng mga pang linis.
Inangat ko ang aking tingin sa kanya at nagsalita, "Kakatapos ko lang po, ma'am."Tumango-tango naman siya bago tumingin sa akin at sa dala kong mga pang linis."Bawasan mo ang mga 'yan." Turo niya dito. "Kakailanganin mo lang ang pang linis sa sahig at bintana. Ikaw ang naatasan na maglinis sa office ni Mr. D."Pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad paalis. Agad naman akong naalarma at hinabol siya."Teka lang po, ma'am." Hinawakan ko ang kanyang braso upang mapigilan siya sa paglalakad. "Bakit naman po ako ang maglilinis eh hindi ba may naka assign 'dun na iba?" Nang humarap ito ay tumingin pa siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya kaya't dali dali ko naman itong tinanggal. Nang tinaas niya ang kanyang tingin sa aking mukha ay blanko lamang ito."Ah sinusuway mo ba si Mr. D? Sino ka ba sa akala mo para kwestyunin ang pinapagawa sa'yo?""Hindi naman po sa nang kwekwestyun ako, naguguluhan lamang ako sapagkat hindi naman sa akin naka assign 'yun. Atsaka, anong ibig mong sabihin na sinusuway ko si Mr. D?" Pagpapaliwanag ko agad bago pa siya magalit. Baka mamaya niyan bigla siyang maging dragon at bugahan ako ng apoy. Mainitin pa naman ulo niya."Well, si Mr. D mismo nag request na ikaw ang maglinis ng office niya. Ayusin mo trabaho mo ah."Ano na naman bang pakulo 'to? Kung parte ito sa sinasabi niyang "babawi" ay ano namang gagawin niya? Napa buntong-hininga na lamang ako bago isa-isang binaba ang mga pang linis na hindi na kailangan. Tahimik namang umalis ang aming head na siyang pinagpasalamat ko. Ibinalik ko sa tamang lalagyan ang mga binaba kong panlinis saka tumulak patungong 11th floor.Pagdating sa tapat ng office ng aming boss ay kumatok muna ako para masiguradong wala nga siya sa loob. Nagkwento kasi ni Marj na nagpapalinis lamang sa office ni Mr. D kapag wala siya. Kaya kahit ang mga janitor at janitress na naglilinis sa kanyang office ay hindi pa rin siya nasisilayan.Nang walang nagsalita ay nakumpirma kong wala ngang tao kaya binuksan ko na ang pinto. Buti hindi naka lock. Pagpasok ko ay namangha agad ako sa nakita ko. Napakalawak ng espasyo. Parang mas maliit pa ang bahay namin sa kabuuan ng office ah. Sa kaliwang bahagi ay may waiting area or resting area dahil sa chaise longue na nagiging higaan. Meron ding sofa set na pakurba sa katabi nito at kakasya ang sampung katao. Sa gitna ng sofa ay mayroong tempered glass center table at sa ibabaw nito ay isang maliit at magandang vase na may bulaklak. Sa itaas nito ay nakasabit ang mamahaling chandelier na may kakaibang disenyo. Agaw pansin din ang mga paintings na nakadikit sa pader. Ang ilan sa mga paintings ay mga sikat at kilala sa buong bansa.Sa dulong bahagi naman ng sofa ay mayroong water dispenser at coffee maker. Napapagitnaan nito ang lalagyan ng baso at tasa. Isang tingin pa lang ay mahahalata mo ng organisado ang lahat ng bagay sa loob kaya't napakaganda at napaka aliwalas nitong tingnan.Sa gitna ay may glass wall na naghihiwalay sa resting area at working space ng aming boss. At dahil nasa kaliwang bahagi ang pinto ay madadaanan ko muna ang sofa bago makarating sa mismong office.Humakbang ako para makapunta sa kanang bahagi at doon magsimula ng paglilinis. Kung sa kaliwang bahagi ay nakakamangha ang disenyo, dito naman sa kanang bahagi ay mas lalong kamangha-mangha. Ang lahat ng furniture ay may kakaibang disenyo na bumabagay sa tema ng office. Ang kulay ng pader ay pinaghalong dark brown, honey brown at dirty white.Sa gitna ay naroon ang malapad na mesa. Sa likod nito ay isang desk chair na kulay brown na siyang upuan ni Mr. D. Sa harapan naman ng mesa ay dalawang magka harapan na upuan na nakahugis mani. Napaka estitik ng mga disenyo. Sa likurang pader ay may mini bookshelf at tsokolate ang disenyo nito. Sa harapang pader naman ay naroon ang malaking TV.Sa sobrang lawak ng office na may nakakamanghang furniture ay para akong nahihilo. Hindi ako sanay sa ganitong tanawin lalo pa at nakabukas ang aircon. Napa isip tuloy ako kung may dumi pa ba dito. Parang hindi naman kasi 'to kinakapitan ng dumi eh. Pero kahit na malinis na ang office ay kailangan ko pa ring mag linis kasi kung hindi ako lilinis edi wala akong trabaho. Kapag walang trabaho, wala din pera.Humakbang ako patungong bintana. Katulad sa mga building na madalas kong makita ay isa rin itong transparent kung kaya't mula sa loob ay kitang kita ko kung ano ang nasa labas. Kinuha ko agad ang magnetic window cleaner upang malinisan ang magkabilang gilid ng bintana. At dahil may built-in water storage sponge na ito ay hindi ko na kailangan pang magpabalik balik para lang mag restore ng tubig sa sponge.Nang maipagkabit ko na ang isang side ng magnetic window cleaner sa labas ng bintana at sa isang side na hawak ko sa loob ay sinimulan ko na ang pag pupunas. Inuna ko sa taas ngunit kahit may nilagay na akong extended stand ay hindi pa rin nito maabot ang dulo. Kumuha ako ng upuan na maaring magamit. Inapak ko ang aking mga paa dito para tumaas at hindi naman ako nabigo dahil naabot ko nga ang dulo.Habang nagpupunas ay pakanta kanta ako sa sikat na kantang "enchanted" ni Taylor Swift. Ito ang aking paboritong kanta kahit na 'di naman ako maka relate. I just love the meaning and the rhythm."This is me praying that, This was the very first page, Not where the story line ends, My thoughts will echo your name, Until I see you again…" Dumating na ako sa pinaka paborito kong parte ng kanta kaya lalo kong nilakasan ang aking boses. Ginagawa ko pang mic ang isa kong kamay. Anyway, wala namang ibang tao dito sa loob kaya okay lang."These are the words I held back, as I was leaving too soon, I was enchanted to meet you, ohh, Please don't be in love with some- ay kabayo!"Nagulat ako nang may tumikhim sa aking likod. Napapikit ako ng mariin at humawak sa aking dibdib. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso dahil sa gulat. Ang inaakala kong walang tao ay mukhang pagkakamali. Dahan dahan akong tumingin sa aking likod at tumama agad ang aking paningin sa dalawang pares ng mata na nakatutok sa akin. Bahagya siyang nakangisi bago kinuha ang isang baso ng tubig at uminom. Nang maibaba niya ang baso ay nagsalita siya. Ako naman ay pinoproseso pa ang lahat."Nice voice… and nice butt." Biglang lumawak ang pagkakangisi ng taong nasa likuran ko.Dali dali naman akong bumaba sa upuan at tiningnan ko siya ng masama. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka kanina pa siya nakahandusay."Sabi na eh pervert ka talaga!" Bintang ko agad sa aming boss na siyang kaharap ko ngayon. Tinaas niya naman ang kanyang dalawang kamay. "Woah, chill little girl. Di kita sinisilipan."Inayos ko ang pagkakasuot ko ng damit lalo na sa pwetan na bahagi. Hindi ko pa rin inaalis sa kanya ang masamang tingin. Akala ko ba walang tao dito? Nang biglang ma conscious sa kung ano ang aking itsura kanina ay napatanong ako sa kanya."Kanina ka pa ba nandito sa loob?""Yes." Agad niyang sagot."Gaano katagal ka ng nandito sa loob?" Please lord sana kakarating niya lang. Sa aking isip ay halos paki-usapan ko na ang lahat ng mga diyos at diyosa na sana ay hindi niya narinig ang pagkanta ko."Hmm, let's say long enough to hear how you sing." Naglakad siya papunta sa kanyang desk chair at naupo.Ako naman ay hindi malaman ang gagawin ngayong nandito na siya sa loob. Siguro ay aalis na muna ako at babalik na lang kapag nakaalis na siya. Magpapaalam na sana ako sa kanya na aalis ngunit naunahan niya ako sa pagsasalita."Besides, I was here the whole time. It's just, I'm inside the CR when you come in. You probably think no one's here." Nilipat niya ang tingin sa akin. "So, yes, I saw the whole thing you did.""Akala ko ba wala ka dito ngayon kaya cleaning time na. Eh bakit ka nandito?" Nahihiya man ay hindi ko maiwasang magtanong."You're asking me why I am here? Of course, it's my office.""Alam ko pong sa'yo to pero…" Hindi ko alam kung anong idudugtong ko. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit pinatawag niya ako para mag linis kung gayong hindi naman pala siya umalis ng opisina. Napakamot ako sa aking batok at nahihiyang ngumiti sa kanya. "Ano..""Yes? Do you have something to say to me?" Tumaas ang kanyang dalawang kilay. "Uh oo, gusto ko sanang sabihin na babalik na lang ako mamaya.""No, you can clean now." Sabat niya at kinuha ang kanyang MacBook. Binuksan niya ito, mukhang may gawain pa siya dito ah. Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi."Mr. D, babalik na lang po ako mamaya para makapag focus ka sa trabaho mo. Besides, hindi naman tama na maglinis ako habang nandito ka diba?" Peke akong tumawa upang mawala ang tensyon na pumapaligid sa amin. Ang kaninang malawak na espasyo ay biglang naging masikip para sa akin ngayong nandito siya. Hindi ko maintindihan kung bakit pabago bago ang aking pakiramdam sa tuwing kasama ko siya. Minsan nalilimutan kong boss ko s
Natapos ang araw ng wala ako sa aking sarili. Maka-ilang beses pa akong nagkamali kanina habang naglilinis sa buong floor. Kahit pilit kong libangin ang aking sarili ay talagang bumabalik sa aking alaala ang naging halikan namin. Pumikit ako ng mariin at hinayaan ang aking katawan na makapag pahinga. "Ma… sama kuya Lucas?" kasabay ng tanong ni Kenken ay ang paghila niya ng mahina sa aking damit para maagaw ang aking atensyon. Linggo ngayon kaya sinadya namin agahan ang gising para makapag simba kami ng alas singko.Bumaling ang aking ulo sa kaliwang tabi kung saan nakaupo ang aking anak. Kanina niya pa ako kinukulit pero dahil nagsusuot ako ng sapatos ay hindi ko muna siya pinansin. Besides, hindi rin ako sigurado kung makakasama nga si Lucas sa aming pag simba. Nang maayos ko na ang sintas ay humarap ako sa full body mirror para matingnan ang aking ayos. Suot-suot ko ang isang puting blouse na pinares ko sa isang black fitted skirt na abot hanggang tuhod. Hindi naman kahabaan an
AYUMI HILARYNapabalikwas agad ako mula sa pagkakahiga ng makitang hindi pamilyar ang paligid. Malamig, malinis at maaliwalas. Hindi kagaya ng lagi kong nabubungaran kapag ako'y nagigising. Mahahalata na ako'y nasa isang hotel ngayon dahil na rin sa mga gamit na aking nakikita pati na ang disenyo nito. Munting kaluskos ang umabot sa aking pandinig dahilan para mapatingin ako sa aking kaliwa. Tumambad sa mga mata ko ang likod ng isang lalaki habang nakadapa sa kama at natutulog. I don't know him. Wala itong suot pantaas at may nakabalot na kumot sa kanyang ibabang bahagi. Bigla kong nahugot ang aking hininga ng magrehistro sa aking isip ang sitwasyon ko ngayon. Bukod sa suot na polo na hindi ko naman pag aari ay wala na akong ibang suot pang loob. Marahil ay polo ito ng lalaki. Wala akong matandaan na sinuot ko ang polong ito bago makatulog ngunit naaalala ko ang lahat ng nangyari sa amin kagabi. Biglang uminit ang aking pisngi sa kahihiyan ng mga pinagsasabi at pinaggagawa ko kaga
"AYUMI HILARY SERRA!" Dumagundong sa apat na sulok ng police station ang boses ni Papa dahil sa pagtawag sa aking pangalan. Napapikit naman ako sa hiya at kaba. Pinag titinginan na din ako ng iba pang mga tao at pulis dito sa loob ng istasyon. "Pa! Ma! Umuwi na tayo" pilit kong hinihila ang aking mga magulang palayo sa mga pulis. Kasalukuyan kaming nasa police station sapagkat 'di ko na naabutan ang aking mga magulang sa bahay. Talagang tinotoo nila ang pag report sa pulis huh! At dahil sa pagmamadali ay hindi na ako nakapag palit pa ng damit. Suot suot ko pa rin ang dress kaya lalo kong naagaw ang mata ng mga tao. "Saan ka ba kasi galing, yumi? Hindi ba'y kabilin bilinan ko sa'yo na bago mag hatinggabi ay umuwi ka na? Oh, asan ang mga kaibigan mo?" Tukoy niya sa aking mga kaibigan na si Cheska at Leighton. Sila ang inaasahan ng aking mga magulang na maghahatid sa akin kagabi ngunit anong ginawa ko? Sumama ako sa lalaking estranghero. Worst of all, we both do that thing. Cheska is m
"Buntis ako! At ikaw ang ama ng dinadala ko."Kasabay ng pagbuka ng aking mga labi ay ang malakas na busina ng ambulansya. Mabilis ang takbo ng ambulansya ngunit malakas ang busina nito na kahit malayo na ay maririnig mo pa rin. Nang mapadako ang aking paningin sa mga mata ng lalaking nasa harap ko, nakita ko ang kuryusidad dito. What? Don't tell me hindi niya narinig ang sinabi ko? Napabuntong hininga na lamang ako. "Can you repeat what you're saying?" Ay bwisit! Sabi na eh di niya narinig. Huminga ako ng malalim habang 'di hinihiwalay ang aming eye contact. "Sabi ko, bunti- ""Dion! You're here lang pala. Let's go home?" Naputol ang aking sasabihin sa biglaang pagsabat ng isang babae. Lumapit ito at kumapit sa braso ng lalaki bago bumaling sa akin. Napaatras ako. Her presence intimidated the sh*t out of me. She looks sophisticated and elegant. Lumilitaw ang kanyang maputing balat sa suot na isang vintage long sleeve, black dress. Sa mabagal na paraan, bumaba ang kanyang tingi
"Hello, my baby Kenken!" Masigla kong bati sa aking two years old na anak. Well, it's been three years since I told my parents that I'm pregnant. As expected, they are disappointed in me. I was their hope, but I just ruined it myself. Everything was difficult for me. I stopped studying to find a full time job. Luckily, I got one. "Mama!" Masaya naman akong sinalubong nito at tinaas pa ang kamay upang yumakap sa aking binti. Lumawak ang aking ngiti ng makitang nakalagay ang kanyang mga laruan sa lalagyan nito at nakaayos pa. Napapansin ko na parang advance ang aking anak kumpara sa ibang mga toddler. Sa isang taong gulang niya ay marunong na siyang ibalik ang kanyang mga laruan pagkatapos niya maglaro. "Go with your Lola, baby. Magpapalit lang ng damit at magluluto ang mama, 'kay?" I carried my son to my mother. Pagkabigay ko kay baby Kenken ay nag palit lang ako ng damit atsaka nagsimulang magluto ng aming hapunan. I sighed. Just like the other days, umuwi na naman akong walang ma
DIONYSUSI mentally smirk knowing that my right hand man, Charles Dominguez, isn't going to win with me."You should consider this. For your company."I look at Charles with my poker face. "My company survives and grows even though I'm not showing myself to our clients. You know why? It is because of our high quality products. They came to us because they trusted us. And not because of me!" " Okay, you win again." He said while raising his both hands. Showing his defeat.I walk up to my seat and gently massage my neck. I can feel the fatigue of yesterday's activity. Well, I do really hate associating with others. But since I have the highest donation in the charity, they invited me to join them. I didn't expect that I would be part of their activities. I sighed. Upon adjusting my necktie, I noticed something on the floor. I immediately frowned."Hey dude! What's that?" I asked Charles. He immediately picked it up from the floor. When I saw it up close I realized that it was a woman
Habang naglalakad ako palabas ng building ay pansin ko ang bulong bulungan ng mga empleyado. Hindi ko na lamang iyon pinansin at mas binilisan ko ang aking mga hakbang. Sa aking paghihintay sa jeep ay bigla kong naisip ang mga sinabi sa akin ni Mr. D. Hindi ko alam pero parang may something sa akin nang marinig ko ang boses niya. Where did I hear that voice? His cold and deep voice is something. Or baka naiintimida lang ako sa boses niya. Naputol ako sa aking pag iisip nang makita ang paparating na jeep. Sa wakas ay makikita ko na muli ang aking anak. Siguro ay bibili muna ako ng tinapay sa bakery shop na madadaanan ko para may pasalubong ako sa bahay. Pagka baba ko ng jeep ay nagsimula na akong lakarin ang distansya mula sa aming bahay. Well, hindi naman kasi kami taga high-way kaya kailangan pang lakarin pagbaba ng jeep. Parang eskinita lang. Nadaanan ko na 'din ang bakery shop kaya't bumili ako ng paborito ni Kenken na blueberry cheesecake. Sa aming lahat ay siya lang talaga ang