"Alam ko pong sa'yo to pero…" Hindi ko alam kung anong idudugtong ko. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit pinatawag niya ako para mag linis kung gayong hindi naman pala siya umalis ng opisina. Napakamot ako sa aking batok at nahihiyang ngumiti sa kanya. "Ano.."
"Yes? Do you have something to say to me?" Tumaas ang kanyang dalawang kilay."Uh oo, gusto ko sanang sabihin na babalik na lang ako mamaya.""No, you can clean now." Sabat niya at kinuha ang kanyang MacBook. Binuksan niya ito, mukhang may gawain pa siya dito ah. Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi."Mr. D, babalik na lang po ako mamaya para makapag focus ka sa trabaho mo. Besides, hindi naman tama na maglinis ako habang nandito ka diba?" Peke akong tumawa upang mawala ang tensyon na pumapaligid sa amin.Ang kaninang malawak na espasyo ay biglang naging masikip para sa akin ngayong nandito siya. Hindi ko maintindihan kung bakit pabago bago ang aking pakiramdam sa tuwing kasama ko siya. Minsan nalilimutan kong boss ko siya at nakakapagsalita ako ng kung ano-ano. Minsan naman ay naiintimida ako sa kanyang presensya.Nagsimula siyang magtipa sa kanyang MacBook. "You can clean while I'm working. Don't mind me. I know I'm attractive but don't be distracted."Aba! May tinatago pa pala 'tong kayabangan sa katawan. "Excuse me, Mr. D. Hinding hindi ako ma didistract sa'yo."Umirap ako kahit hindi niya ako nakikita. 'Tsk! Hindi ka naman attractive, mayabang ka lang.' Bulong ko sa sarili ko na umabot sa pandinig niya."I am not attractive yet you gave in to me three years ago?" Tumawa siya ng mahina. Umusbong na naman ang inis sa akin."Lasing sabi ako!""Okay okay. So, how long will you reason that 'I'm drunk'? Clearly, even if you're not drunk you will still fall for my attractiveness."Hindi na ako nakaalma pa dahil totoo naman na palagi kong irarason na lasing ako. Padabog kong kinuha ang pang linis sa bintana. Papatunayan ko sa kanyang hindi ako madidistract. Inapak ko muli ang aking mga paa sa upuan at ipinagpatuloy ang pag pupunas ng bintana gamit ang magnetic window cleaner.Habang naglilinis ay hindi ko maiwasang ma conscious sa aking sarili. At dahil nakatalikod ako sa kanya ay hindi ko siya masilip. Hindi ko tuloy malaman kung nakatingin ba siya sa akin o nakatutok sa kanyang ginagawa.Nang makaisip ng paraan para masilip siya ay agad ko itong ginawa. Nagkunwari akong mag pupunas ng aking baba gamit ang bahaging balikat na damit. Hindi ko ipinahalatang umabot sa kanya ang aking paningin. Mula sa aking pwesto ay nakita kong may binabasa siya sa isang document bago nag pirma. Okay, good! Hindi siya nakatingin sa akin. Nakahinga ako ng maluwag matapos makumpirmang hindi nga siya nakatingin sa akin.Matapos ang halos labing limang segundo ay pasimple ulit akong tumingin sa kanyang banda. Ngayon naman ay pinapaikot niya sa kanyang kanang kamay ang ballpen habang ang kaliwang kamay ay may hawak na document at kanya itong binabasa. Sa dulong bahagi ng mesa ay mga dokumento na magkapatong-patong. Marahil ay iyon pa ang kanyang pipirmahan. Habang sa kabilang dulo naman ay mga dokumento na pirmado niya na.Bumalik ang aking tingin sa kanyang kanang kamay. Napaka smooth ng pagpapa-ikot niya sa ballpen at kay bilis din. Tipong hindi mo magagaya kung paano niya paikotin. Kita din ang ugat nito sa kanyang kamay. Isa sa mga gusto ko sa lalaki.Ipinagpatuloy kong muli ang aking paglilinis. Ngunit ang pagsilip ko sa kanya ay naulit nang naulit. Minsan ay nasasaktuhan ko siyang nagpipirma, nagbabasa, umiinom ng tubig o kaya'y nag titipa sa kanyang MacBook. Hindi ako matapos tapos sa pagpunas sa itaas na bahagi ng bintana dahil sa dalas ng pag silip ko sa kanya. Bumuntong hininga ako. Okay, last na to! Isang sulyap na lang at pagkatapos ay 'di ko na siya susulyapan. Don't mind him nga daw diba, Ayumi?Huminga muna ako ng malalim bago dahan dahan binaling ang aking ulo sa kanya. Unang bumagsak ang aking paningin sa kamay niyang may pinapaikot na ballpen. 'Hindi ata matahimik kamay nito kapag walang ginagawa kaya laging ballpen ang pinag diskitahan'. Nailing ako.Nang nilipat ko sa kanyang mukha ang aking tingin ay nagulat ako dahil nakatingin din pala siya sa akin. Napaatras pa ako ng konti dahilan para ma out of balance ako. At dahil nga hawak hawak ko ang panglinis ay hindi ko na suportahan ang aking sarili. Nanlaki ang aking mata ng marealize na mahuhulog na ako sa upuan. Inihanda ko na ang aking pwet sa pagbagsak at pinikit ang mga mata ng mariin."Ayumi!"Narinig ko pang sigaw ni Mr. D ngunit hindi ko na siya pinansin. Sobrang bilis ng pangyayari na halos hindi na gumana ang aking utak at naghintay na lamang ako sa aking pagbagsak. Ngunit bago pa ako bumagsak ay naramdaman ko ang pagsalo ng mga braso sa aking likod at binti. Malakas na tunog din ng pagtama ng metal sa kung saan man ang aking narinig. Nang binuksan ko ang aking mata ay mukha ni Mr. D ang bumungad sa akin. Nakakunot siya ng noo na parang may iniinda. Dun ko lang narealize na tumama pala ang stand ng panlinis na hawak ko sa ulo niya.Pang bridal style ang pagkakasalo niya sa akin kung kaya't magkalapit ang aming mukha. Naamoy ko na naman ang kanyang mabangong hininga.Pigil hininga naman akong nakatitig sa kanya. Ang kulay tsokolate niyang mata ay mas maganda palang tingnan kapag malapitan. Bumagay ito sa kanyang mahabang pilikmata at makapal na kilay. Ganito rin ang kay Kenken ngunit hindi pa masyado halata yung sa kanya.Nang bumaba sa aking labi ang kanyang tingin ay umigting ang kanyang panga at naramdaman ko rin ang paghigpit ng kanyang pagkakawak sa akin. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. Unti unting lumalapit sa akin ang kanyang mukha. Napapikit na lamang ako.Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang pag dikit ng kanyang labi sa labi ko. Kusa namang humawak ang aking kamay sa kanyang damit. Dumaan ang ilang segundo na magkidikit lamang ang aming labi sa isa't isa. Nang ilalayo ko na sana ang aking mukha ay siya namang pag galaw ng kanyang labi. Nalimutan ko agad ang aking sitwasyon nang biglang gumapang sa aking sistema ang pagka excite. Hindi ito ang unang beses na may nakahalikan ako pero para sa akin ay feeling ko first time ko itong mararanasan.Habang siya ay gumagalaw, ako naman ay hindi ginagalaw ang labi. Hinahayaan ko siya sa kanyang ginagawa. Kinagat niya ng mahina ang aking pang ibabang lagi kaya nakagawa ako ng mahinang tunog. Ginamit niya ang opportunity na iyon para ipasok ang kanyang dila. Now, he's exploring his tongue inside my mouth. Unti-unti ko na ring nakukuha ang kanyang galaw kaya't sinabayan ko na siya. Ginalaw ko ang aking labi at nalasahan ko ang kanyang sweet lips.Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa kanyang damit at pinulupot ito sa kanyang batok. Naging aggressive ang aming halikan. He's sucking, biting, licking ang exploring the inside of my mouth. Ganon din ang ginagawa ko sa kanya.Nang maramdaman kong nauubusan na ako ng hangin ay bumitaw agad ako sa aming halikan. Binaba niya na rin ako. Nang maiapak ko ang aking paa sa sahig ay humakbang ako ng ilang beses paatras upang magbigay ng distansya. Saglit akong sumulyap sa kanya. Kapwa kaming naghahabol ng aming hininga."So sweet." He licked his lips. "That was really really good. D*mn it, baby"Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Nasarapan man ako ngunit hindi ko ito kayang sabihin. Nahihiya ako. Gusto ko na lang lamunin ng lupa."Hey, say something." Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin kaya't umatras muli ako. Hindi ko kayang makipag usap sa kanya matapos ang aming aggressive na halikan. Nanatiling sa sahig ako nakatingin. Alam kong mali ito. Hindi dapat ako nagpadala sa aking pagka excite."Hey. Look at me." Biglang nag iba ang tono ng kanyang pakikipag usap. Matigas at commanding. "I said look at me, Ayumi."Nang ibaling ko sa kanya ang aking tingin ay naglakad siya palapit sa akin at bahagyang itinaas ang kamay upang hawakan ako pero bago pa niya magawa ay tumalikod na ako tumakbo palabas.I need space. I need to breathe.Natapos ang araw ng wala ako sa aking sarili. Maka-ilang beses pa akong nagkamali kanina habang naglilinis sa buong floor. Kahit pilit kong libangin ang aking sarili ay talagang bumabalik sa aking alaala ang naging halikan namin. Pumikit ako ng mariin at hinayaan ang aking katawan na makapag pahinga. "Ma… sama kuya Lucas?" kasabay ng tanong ni Kenken ay ang paghila niya ng mahina sa aking damit para maagaw ang aking atensyon. Linggo ngayon kaya sinadya namin agahan ang gising para makapag simba kami ng alas singko.Bumaling ang aking ulo sa kaliwang tabi kung saan nakaupo ang aking anak. Kanina niya pa ako kinukulit pero dahil nagsusuot ako ng sapatos ay hindi ko muna siya pinansin. Besides, hindi rin ako sigurado kung makakasama nga si Lucas sa aming pag simba. Nang maayos ko na ang sintas ay humarap ako sa full body mirror para matingnan ang aking ayos. Suot-suot ko ang isang puting blouse na pinares ko sa isang black fitted skirt na abot hanggang tuhod. Hindi naman kahabaan an
AYUMI HILARYNapabalikwas agad ako mula sa pagkakahiga ng makitang hindi pamilyar ang paligid. Malamig, malinis at maaliwalas. Hindi kagaya ng lagi kong nabubungaran kapag ako'y nagigising. Mahahalata na ako'y nasa isang hotel ngayon dahil na rin sa mga gamit na aking nakikita pati na ang disenyo nito. Munting kaluskos ang umabot sa aking pandinig dahilan para mapatingin ako sa aking kaliwa. Tumambad sa mga mata ko ang likod ng isang lalaki habang nakadapa sa kama at natutulog. I don't know him. Wala itong suot pantaas at may nakabalot na kumot sa kanyang ibabang bahagi. Bigla kong nahugot ang aking hininga ng magrehistro sa aking isip ang sitwasyon ko ngayon. Bukod sa suot na polo na hindi ko naman pag aari ay wala na akong ibang suot pang loob. Marahil ay polo ito ng lalaki. Wala akong matandaan na sinuot ko ang polong ito bago makatulog ngunit naaalala ko ang lahat ng nangyari sa amin kagabi. Biglang uminit ang aking pisngi sa kahihiyan ng mga pinagsasabi at pinaggagawa ko kaga
"AYUMI HILARY SERRA!" Dumagundong sa apat na sulok ng police station ang boses ni Papa dahil sa pagtawag sa aking pangalan. Napapikit naman ako sa hiya at kaba. Pinag titinginan na din ako ng iba pang mga tao at pulis dito sa loob ng istasyon. "Pa! Ma! Umuwi na tayo" pilit kong hinihila ang aking mga magulang palayo sa mga pulis. Kasalukuyan kaming nasa police station sapagkat 'di ko na naabutan ang aking mga magulang sa bahay. Talagang tinotoo nila ang pag report sa pulis huh! At dahil sa pagmamadali ay hindi na ako nakapag palit pa ng damit. Suot suot ko pa rin ang dress kaya lalo kong naagaw ang mata ng mga tao. "Saan ka ba kasi galing, yumi? Hindi ba'y kabilin bilinan ko sa'yo na bago mag hatinggabi ay umuwi ka na? Oh, asan ang mga kaibigan mo?" Tukoy niya sa aking mga kaibigan na si Cheska at Leighton. Sila ang inaasahan ng aking mga magulang na maghahatid sa akin kagabi ngunit anong ginawa ko? Sumama ako sa lalaking estranghero. Worst of all, we both do that thing. Cheska is m
"Buntis ako! At ikaw ang ama ng dinadala ko."Kasabay ng pagbuka ng aking mga labi ay ang malakas na busina ng ambulansya. Mabilis ang takbo ng ambulansya ngunit malakas ang busina nito na kahit malayo na ay maririnig mo pa rin. Nang mapadako ang aking paningin sa mga mata ng lalaking nasa harap ko, nakita ko ang kuryusidad dito. What? Don't tell me hindi niya narinig ang sinabi ko? Napabuntong hininga na lamang ako. "Can you repeat what you're saying?" Ay bwisit! Sabi na eh di niya narinig. Huminga ako ng malalim habang 'di hinihiwalay ang aming eye contact. "Sabi ko, bunti- ""Dion! You're here lang pala. Let's go home?" Naputol ang aking sasabihin sa biglaang pagsabat ng isang babae. Lumapit ito at kumapit sa braso ng lalaki bago bumaling sa akin. Napaatras ako. Her presence intimidated the sh*t out of me. She looks sophisticated and elegant. Lumilitaw ang kanyang maputing balat sa suot na isang vintage long sleeve, black dress. Sa mabagal na paraan, bumaba ang kanyang tingi
"Hello, my baby Kenken!" Masigla kong bati sa aking two years old na anak. Well, it's been three years since I told my parents that I'm pregnant. As expected, they are disappointed in me. I was their hope, but I just ruined it myself. Everything was difficult for me. I stopped studying to find a full time job. Luckily, I got one. "Mama!" Masaya naman akong sinalubong nito at tinaas pa ang kamay upang yumakap sa aking binti. Lumawak ang aking ngiti ng makitang nakalagay ang kanyang mga laruan sa lalagyan nito at nakaayos pa. Napapansin ko na parang advance ang aking anak kumpara sa ibang mga toddler. Sa isang taong gulang niya ay marunong na siyang ibalik ang kanyang mga laruan pagkatapos niya maglaro. "Go with your Lola, baby. Magpapalit lang ng damit at magluluto ang mama, 'kay?" I carried my son to my mother. Pagkabigay ko kay baby Kenken ay nag palit lang ako ng damit atsaka nagsimulang magluto ng aming hapunan. I sighed. Just like the other days, umuwi na naman akong walang ma
DIONYSUSI mentally smirk knowing that my right hand man, Charles Dominguez, isn't going to win with me."You should consider this. For your company."I look at Charles with my poker face. "My company survives and grows even though I'm not showing myself to our clients. You know why? It is because of our high quality products. They came to us because they trusted us. And not because of me!" " Okay, you win again." He said while raising his both hands. Showing his defeat.I walk up to my seat and gently massage my neck. I can feel the fatigue of yesterday's activity. Well, I do really hate associating with others. But since I have the highest donation in the charity, they invited me to join them. I didn't expect that I would be part of their activities. I sighed. Upon adjusting my necktie, I noticed something on the floor. I immediately frowned."Hey dude! What's that?" I asked Charles. He immediately picked it up from the floor. When I saw it up close I realized that it was a woman
Habang naglalakad ako palabas ng building ay pansin ko ang bulong bulungan ng mga empleyado. Hindi ko na lamang iyon pinansin at mas binilisan ko ang aking mga hakbang. Sa aking paghihintay sa jeep ay bigla kong naisip ang mga sinabi sa akin ni Mr. D. Hindi ko alam pero parang may something sa akin nang marinig ko ang boses niya. Where did I hear that voice? His cold and deep voice is something. Or baka naiintimida lang ako sa boses niya. Naputol ako sa aking pag iisip nang makita ang paparating na jeep. Sa wakas ay makikita ko na muli ang aking anak. Siguro ay bibili muna ako ng tinapay sa bakery shop na madadaanan ko para may pasalubong ako sa bahay. Pagka baba ko ng jeep ay nagsimula na akong lakarin ang distansya mula sa aming bahay. Well, hindi naman kasi kami taga high-way kaya kailangan pang lakarin pagbaba ng jeep. Parang eskinita lang. Nadaanan ko na 'din ang bakery shop kaya't bumili ako ng paborito ni Kenken na blueberry cheesecake. Sa aming lahat ay siya lang talaga ang
"Pinapatawag ka muli sa baba. From our boss again." Wala akong magawa kundi ang itigil ang aking ginagawa upang harapin ang aking pagkakamali."Hmm! Siguro sinasadya mong gumawa ng mali upang makausap ang ating boss, 'no? Sorry ka! Di ka mapapansin 'nun kahit isang milyong mali pa gawin mo. Baka nga mauna ka pang matanggal sa kumpanyang ito bago ka mapansin ni Mr. D." Dada ng aming head.Gusto kong magsalita at sabihing mali ang kanyang iniisip pero mukhang useless ang makipag usap sa kanya. Nakarating ako sa baba na ang iniisip ay kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. "Good morning, Mr. D. This is Ayumi Serra, janitress. Gusto mo raw ako makausap." Kahit alam ko naman na ang rason kung bakit niya ako pinapatawag. "Sana po ay huwag mo akong tanggalin sa trab-" nabitin sa ere ang aking mga salita dahil sa kanyang pagsabat. Nakakapanibago ang kanyang tono. "Ayumi."Napakalumay nito. Napakakalma. Ibang iba sa boses niya noong huli ko syang makausap. Iba ito sa inaasahan ko.