"AYUMI HILARY SERRA!" Dumagundong sa apat na sulok ng police station ang boses ni Papa dahil sa pagtawag sa aking pangalan. Napapikit naman ako sa hiya at kaba. Pinag titinginan na din ako ng iba pang mga tao at pulis dito sa loob ng istasyon.
"Pa! Ma! Umuwi na tayo" pilit kong hinihila ang aking mga magulang palayo sa mga pulis. Kasalukuyan kaming nasa police station sapagkat 'di ko na naabutan ang aking mga magulang sa bahay. Talagang tinotoo nila ang pag report sa pulis huh! At dahil sa pagmamadali ay hindi na ako nakapag palit pa ng damit. Suot suot ko pa rin ang dress kaya lalo kong naagaw ang mata ng mga tao."Saan ka ba kasi galing, yumi? Hindi ba'y kabilin bilinan ko sa'yo na bago mag hatinggabi ay umuwi ka na? Oh, asan ang mga kaibigan mo?" Tukoy niya sa aking mga kaibigan na si Cheska at Leighton. Sila ang inaasahan ng aking mga magulang na maghahatid sa akin kagabi ngunit anong ginawa ko? Sumama ako sa lalaking estranghero. Worst of all, we both do that thing.Cheska is my friend simula pa noong High School kami. Si Leighton naman ang isa pa naming kaibigan na nakilala namin sa unang araw ng pasok sa aming kolehiyo. Kami ngayon ay nasa ikalawang taon na. Magkaklase kaming lahat sa kursong Bachelor of Fine arts major in interior design.Ang aking ina, si Alice Serra, ay hindi makapagtrabaho dahil sa kanyang pilay sa kaliwang paa. Kaya, palagi siyang nasa loob ng aming bahay, gumagawa ng mga bagay na maaari niyang gawin tulad ng pagtatahi at pagluluto ng aming pagkain. Habang ang aking ama, si Eduardo Serra, ay isang taxi driver. Ang kanyang kinikita ay sapat lamang sa aming pang-araw-araw na pamumuhay kaya't hindi sakop ng kanyang kita ang mga gastusin sa aking pag-aaral.Upang maipagpatuloy ko ang aking pag aaral ay nag working student ako. Nagsisimula ang duty ko mula 5 pm hanggang 10 pm, tuwing Lunes hanggang Sabado. Kaya diretso na ako galing sa aking school papunta sa cafeteria kung saan ako nagtatrabaho. Limang oras na pagtatrabaho sa kada araw. Ayos lamang sa akin ang set up basta't kumikita ako ng pera para suportahan ang aking pag-aaral.Kung hindi ako magsisipag paano na kami sa hinaharap? Kaya't kahit mahirap kinakaya ko. Kahit napapagod ako ay 'di ako sumusuko.I don't blame my parents for what we have today, for what we are now. Mahal na mahal ko sila kahit mahirap lang kami. Sa totoo lang, ipinangako ko sa sarili ko na mag sisipag ako sa pag aaral para guminhawa ang aming buhay. Na hindi ako mag aasawa agad at magpapabuntis ng hindi ko pa naibabalik ang lahat ng sakripisyo nila sa akin.Ngunit ang lahat ng aking mga pangako sa sarili ay parang bulong na lang sa hangin na dinala sa kung saan para 'di ko makita at mahawakan. 7 weeks after that night, I felt like I'm always having fatigue. I'm feeling nausea and vomiting, as well as food cravings. I also missed my period.Sa una ay 'di ko masyadong pinagtutuunan ng pansin 'yun ngunit makalipas ang isang linggo ay hindi pa rin tumitigil ang pagkakaroon ko ng sick morning.Parang gumuho ang aking mundo nang makita ang dalawang pulang linya sa bagay na hawak ko. Sinubukan kong muli ang dalawa pang pregnancy test na binili ko. After 5 minutes, the same results were seen. Two red lines!I didn't notice that I was crying myself not until a tear fell on the pregnancy test. This is the fault of that man. He took advantage of a drunk girl. How could he! Nanghina ang aking tuhod dahilan para mapaupo ako sa katabing kama.I don't know what to do. Paano ko sasabihin sa lalaking iyon na buntis ako kung hindi ko naman siya kilala?I immediately called my friends to asked for help. Our meeting place is in the coffee shop near the plaza. Pagdating ko doon ay nandun na silang parehas."Hey, Yumi, what's the matter?""Spill the tea, girl! Hindi ka tatawag sa amin kung wala kang sasabihin. We know you, you're a busy person kung kaya't bibihira ka lamang tumawag at makipagkita." Ani Leighton."I'm pregnant." Diretso kong sabi. Walang punto kung mag paligoy-ligoy pa ako.Parang may dumaan na anghel sa mesa namin dahil sa pag tahimik. Nakita ko si Cheska na hawak ang baso sa hangin. Mukhang iinom ata siya ng tubig ngunit 'di natuloy. Sa katabi naman nito ay si Leighton na kung saan ang kaninang malawak na ngiti ay napalitan ng pagnganga."Don't joke like that. It's not you.""Kaya nga! Trip mo ba kami ngayon, huh?"Umiling iling ako. A tear fell from my right eye. Seconds passed, I burst out crying. They comforted me. Dumaan ang ilang minuto na ganoon lamang ang aming posisyon. Walang nagsasalita. Hinayaan nila akong umiyak at ilabas ang sama ng loob.When I'm feeling okay and ready to speak, I told them what happened that night outside the club. At first, they didn't believe me. Syempre, ang pagkakakilala nila sa akin ay hindi talaga ako nakikisama sa mga estranghero. To the point na hindi lang pag sama ang ginawa ko, pumayag din ako na mag advantage sa akin ang lalaki.This is because of the effect of alcohol. Oo, aminado akong nag enjoy ako. Pero lasing ako 'nun eh! Dapat nag pigil siya! Kung hindi naman gano'n mga pinag sasabi niya eh 'di naman ako maaakit di'ba?Nagbigay sila ng advice sa akin na hanapin ang lalaki at sabihin na buntis ako. And so, I did. Well, tama naman. Hindi ko naman kakayanin na buhayin ang bata ng mag isa lang.However, one week had passed since I started looking for him but I couldn't get even a glimpse of him. Nakapag ultrasound na din ako. Ilang gabi na akong nag pabalik balik sa club, umaasang makikita siya roon. Mabuti na lamang at sinasamahan ako ng mga kaibigan ko sa aking paghahanap.Saturday night came, habang naglalakad ako pauwi sa amin ay napahinto ako bigla. Lumabas sa isang convenient store ang lalaking pamilyar na pamilyar sa akin. Ang kagwapuhan nito na nangingibabaw sa lahat, ang kanyang katawan na well-muscled na nakaka agaw ng atensyon ng iba, at ang mata nitong nakakatunaw kapag tinitigan ka.He's wearing a black suit, halatang kagagaling lang sa trabaho. May bitbit din siyang isang paper bag habang papunta sa kanyang kotse.Dali dali akong tumawid sa daan upang makalapit sa kanya. Nakita kong binuksan niya ang pinto ng driver's seat at papasok na sana sya sa kotse nang magsalita ako. "Pwede ka bang makausap?"Lumingon siya sa akin habang naka handa ng pumasok sa kotse. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo, parang pilit na inaalala kung sino ako. Hindi pa nagtagal ay biglang nanlalaki ang kanyang mga mata. Bumukas ang kanyang bibig ngunit walang salita na lumabas. Nakatitig lamang siya sa akin at ganu'n din ako. Para akong tinakasan ng mga salita sapagkat ang mga gusto kong sabihin sa kanya ay bigla na lamang nagsi-atrasan.Nauna siyang makabawi sa'min dalawa. "You're that girl, right? Why did you leave me without saying anything? After you begged and moaned for me… you will just run away."Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil nailang ako matapos niyang sabihin ang huling mga salita. God! Did I really beg for him?He closes our distance. Ngayon, magkaharap na magkaharap na kami. Tumaas ang kanyang kilay, nagtatanong kung ano ang sasabihin ko."We need to talk." Sa wakas ay may lumabas na salita sa aking bibig."Well, we're talking right now.""We need to talk privately." Giit ko pang sabi sa kanya.Nangatog na ang aking tuhod dahil sa kaba. Gusto kong umalis na sa harap niya ngunit hindi maaari.Nakita ko ang pag seryoso ng mukha niya. Mukhang na gets naman niya na importante ang aking sasabihin."This is about what happened to us. You know we did the wrong thing. Pero wala na tayong magagawa kasi nangyari na 'yun. Ang kaya na lang nating gawin ay maging accountable sa mga pagkakamali natin, right? I know you're aware of that.""Hmm, so, where do you want us to talk? In a hotel?" Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa tanong or nang aasar.I gritted my teeth in annoyance. Tumingin ako sa paligid upang alamin kung meron bang tao na malapit sa amin. Nang makumpirma na wala ay hindi na ako nakapigil at sa mahinang boses ay sinabi ko ang gusto kong sabihin."Buntis ako! At ikaw ang ama ng dinadala ko.""Buntis ako! At ikaw ang ama ng dinadala ko."Kasabay ng pagbuka ng aking mga labi ay ang malakas na busina ng ambulansya. Mabilis ang takbo ng ambulansya ngunit malakas ang busina nito na kahit malayo na ay maririnig mo pa rin. Nang mapadako ang aking paningin sa mga mata ng lalaking nasa harap ko, nakita ko ang kuryusidad dito. What? Don't tell me hindi niya narinig ang sinabi ko? Napabuntong hininga na lamang ako. "Can you repeat what you're saying?" Ay bwisit! Sabi na eh di niya narinig. Huminga ako ng malalim habang 'di hinihiwalay ang aming eye contact. "Sabi ko, bunti- ""Dion! You're here lang pala. Let's go home?" Naputol ang aking sasabihin sa biglaang pagsabat ng isang babae. Lumapit ito at kumapit sa braso ng lalaki bago bumaling sa akin. Napaatras ako. Her presence intimidated the sh*t out of me. She looks sophisticated and elegant. Lumilitaw ang kanyang maputing balat sa suot na isang vintage long sleeve, black dress. Sa mabagal na paraan, bumaba ang kanyang tingi
"Hello, my baby Kenken!" Masigla kong bati sa aking two years old na anak. Well, it's been three years since I told my parents that I'm pregnant. As expected, they are disappointed in me. I was their hope, but I just ruined it myself. Everything was difficult for me. I stopped studying to find a full time job. Luckily, I got one. "Mama!" Masaya naman akong sinalubong nito at tinaas pa ang kamay upang yumakap sa aking binti. Lumawak ang aking ngiti ng makitang nakalagay ang kanyang mga laruan sa lalagyan nito at nakaayos pa. Napapansin ko na parang advance ang aking anak kumpara sa ibang mga toddler. Sa isang taong gulang niya ay marunong na siyang ibalik ang kanyang mga laruan pagkatapos niya maglaro. "Go with your Lola, baby. Magpapalit lang ng damit at magluluto ang mama, 'kay?" I carried my son to my mother. Pagkabigay ko kay baby Kenken ay nag palit lang ako ng damit atsaka nagsimulang magluto ng aming hapunan. I sighed. Just like the other days, umuwi na naman akong walang ma
DIONYSUSI mentally smirk knowing that my right hand man, Charles Dominguez, isn't going to win with me."You should consider this. For your company."I look at Charles with my poker face. "My company survives and grows even though I'm not showing myself to our clients. You know why? It is because of our high quality products. They came to us because they trusted us. And not because of me!" " Okay, you win again." He said while raising his both hands. Showing his defeat.I walk up to my seat and gently massage my neck. I can feel the fatigue of yesterday's activity. Well, I do really hate associating with others. But since I have the highest donation in the charity, they invited me to join them. I didn't expect that I would be part of their activities. I sighed. Upon adjusting my necktie, I noticed something on the floor. I immediately frowned."Hey dude! What's that?" I asked Charles. He immediately picked it up from the floor. When I saw it up close I realized that it was a woman
Habang naglalakad ako palabas ng building ay pansin ko ang bulong bulungan ng mga empleyado. Hindi ko na lamang iyon pinansin at mas binilisan ko ang aking mga hakbang. Sa aking paghihintay sa jeep ay bigla kong naisip ang mga sinabi sa akin ni Mr. D. Hindi ko alam pero parang may something sa akin nang marinig ko ang boses niya. Where did I hear that voice? His cold and deep voice is something. Or baka naiintimida lang ako sa boses niya. Naputol ako sa aking pag iisip nang makita ang paparating na jeep. Sa wakas ay makikita ko na muli ang aking anak. Siguro ay bibili muna ako ng tinapay sa bakery shop na madadaanan ko para may pasalubong ako sa bahay. Pagka baba ko ng jeep ay nagsimula na akong lakarin ang distansya mula sa aming bahay. Well, hindi naman kasi kami taga high-way kaya kailangan pang lakarin pagbaba ng jeep. Parang eskinita lang. Nadaanan ko na 'din ang bakery shop kaya't bumili ako ng paborito ni Kenken na blueberry cheesecake. Sa aming lahat ay siya lang talaga ang
"Pinapatawag ka muli sa baba. From our boss again." Wala akong magawa kundi ang itigil ang aking ginagawa upang harapin ang aking pagkakamali."Hmm! Siguro sinasadya mong gumawa ng mali upang makausap ang ating boss, 'no? Sorry ka! Di ka mapapansin 'nun kahit isang milyong mali pa gawin mo. Baka nga mauna ka pang matanggal sa kumpanyang ito bago ka mapansin ni Mr. D." Dada ng aming head.Gusto kong magsalita at sabihing mali ang kanyang iniisip pero mukhang useless ang makipag usap sa kanya. Nakarating ako sa baba na ang iniisip ay kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. "Good morning, Mr. D. This is Ayumi Serra, janitress. Gusto mo raw ako makausap." Kahit alam ko naman na ang rason kung bakit niya ako pinapatawag. "Sana po ay huwag mo akong tanggalin sa trab-" nabitin sa ere ang aking mga salita dahil sa kanyang pagsabat. Nakakapanibago ang kanyang tono. "Ayumi."Napakalumay nito. Napakakalma. Ibang iba sa boses niya noong huli ko syang makausap. Iba ito sa inaasahan ko.
"We should talk about us." Saad nya sa mababang boses. Kalmado lang ang kanyang postura at tono ngunit ang kanyang titig ay salungat. Sa hindi malamang dahilan ay parang biglang sumikip ang room kung nasaan kami. Marahil ay dahil sa tensyon na namamagitan sa amin kaya't ang hirap huminga lalo na titig na titig siya.Matapos ang ilang taon kong pag hihirap ay biglang sasabihin niya na kailangan namin mag usap? Taas-noo kong hinarap ang kanyang titig. Hindi dapat ako magpa intimida sa kanya kahit boss ko pa siya. "Wala na tayong dapat pag usapan pa. Kung ano ang nangyari noon, hanggang doon na lang 'yun." Gigil kong sabi. Ngayon na nagkita na kami ay bumabalik sa aking alaala ang mga pinagdaanan ko. Naisip ko si Kenken. Gusto niyang makita ang kanyang ama. Gusto niyang may makakalaro din siya gaya ng ibang mga bata. Ngunit wala pa akong balak na ipakilala ang lalaking nasa harap ko bilang ama ng anak ko. Hindi niya deserve! Makakaya kong buhayin si Kenken kahit walang sustento galin
Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko sila sa kusina at patapos ng kumain. Dumiretso ako sa aking mga magulang para magmano bago pumunta sa tabi ni Kenken. "Oh iha, ba't kakauwi mo lang? Hindi ka na namin nahintay kasi gutom na ang anak mo." Nag aalalang tanong sa akin ng aking ina. "Overtime, ma. Kailangan eh." Sabi ko sabay baling sa aking anak. Agad kumurba ang aking labi ng makitang gulay ang nasa ibabaw ng kanyang plato. Kahit sa murang edad niya ay alam niya ng mas masustansya kainin ang mga gulay. Hindi siya mapili pagdating sa mga pagkain."Galing naman ng baby ko. Kaya mo na ba kumain mag isa?" Lambing ko sa kanya. Tumango lang siya at kumuha ulit ng maliit na parte ng pritong kalabasa at sinawsaw sa ketchup bago sinubo. Mayabang siyang humarap sa akin at nag akto pa na busog habang hinihimas himas ang kanyang tiyan. I understood the assignment. Alam kong nais niya na purihin ko siya. Bilang ina ay pumalakpak ako ng malakas at sinabing, "Wow! Very good, anak. Good boy
Kinabukasan ay tinotoo nga niya ang pagsundo sa akin. 6:30 am nang mag abang ako ng jeep sa labasan. Kalapit ito ng bakery na kung saan 'dun ako binaba ng ihatid niya ako kahapon. At nagulat na lamang ako ng makitang muli ang isang black porsche. Nandoon na pala siya at kanina pa naghihintay. Patay malisya akong tumayo sa pwesto. Kunwari ay 'di ko siya nakikita. Diretso lamang ang aking tingin sa daan. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng isang sasakyan na marahil ay pag aari niya. Ngunit hindi ko mapigilang bumaling sa kanya. Nakita ko itong naglakad papalapit sa akin. "Good morning," bati niya ng makalapit na sa akin. Pansin ko ang pag tingin tingin ng mga bumibili ng tinapay sa banda namin pati na ang mga nakatambay na malapit sa aming pwesto. Napapikit ako ng mariin ng may marealize ako. Kaagad ko siyang hinawakan sa palapulsuhan. Wala na akong choice kundi ang hilahin siya papunta sa kanyang kotse para lamang makaiwas sa mga chismosang tao. Baka mamaya niyan maririni