Share

Chapter 7

"Pinapatawag ka muli sa baba. From our boss again."

Wala akong magawa kundi ang itigil ang aking ginagawa upang harapin ang aking pagkakamali.

"Hmm! Siguro sinasadya mong gumawa ng mali upang makausap ang ating boss, 'no? Sorry ka! Di ka mapapansin 'nun kahit isang milyong mali pa gawin mo. Baka nga mauna ka pang matanggal sa kumpanyang ito bago ka mapansin ni Mr. D." Dada ng aming head.

Gusto kong magsalita at sabihing mali ang kanyang iniisip pero mukhang useless ang makipag usap sa kanya.

Nakarating ako sa baba na ang iniisip ay kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari.

"Good morning, Mr. D. This is Ayumi Serra, janitress. Gusto mo raw ako makausap." Kahit alam ko naman na ang rason kung bakit niya ako pinapatawag.

"Sana po ay huwag mo akong tanggalin sa trab-" nabitin sa ere ang aking mga salita dahil sa kanyang pagsabat. Nakakapanibago ang kanyang tono.

"Ayumi."

Napakalumay nito. Napakakalma. Ibang iba sa boses niya noong huli ko syang makausap. Iba ito sa inaasahan ko.

"Sir? Hello! Mr. D andyan po ba kayo?" Paninigurado ko. Baka kasi mamaya ay hindi naman pala siya 'yung boss namin kaya mahinahon ang pagkakabigkas niya sa pangalan ko. Narinig ko ang mabigat na buntong-hininga sa kabilang linya.

"Atlast! I found you. I looked for you everywhere for a year. I will do everything to compensate for my mistake."

Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng nasa kabilang linya. Boss pa ba namin to? Lakas ng trip ah!

"Huh? What do you mean po, Mr. D?"

Katahimikan…

"Nothing. You can go back to your work." Biglang bumalik ang pagka bossy tone niya. Akala ko ay ibababa na niya ang linya ngunit ay may dagdag sinabi pa siya na lalong nagpa gulo sa akin.

"But don't tire yourself. If you want to rest, you can stop cleaning and rest your body for a while. And, uh, let me know if you need something. That's it."

Dumaan pa ang ilang segundo bago natapos ang linya. Hindi ko alam pero parang nag iba ang trato ng aming boss sakin. May sakit siguro siya. Nakakapagtaka kasi na dapat ay napagalitan ako dahil sa nagawa ko. Marahil hindi pa nakakarating sa kanya ang balita.

Sa mga sumunod na araw ay naghihintay ako na ipatawag muli. Hindi pa rin ako maka get over sa nasira kong laptop ni Mr. D. Ngunit wala akong naririnig na balita tungkol doon. Sa halip ay nakakatanggap ako ng lunch pack kada tanghali. Kung kanino galing ay 'di ko na alam.

Palagi kong hinahanap kung may kasama bang letter o pangalan kung kanino galing ngunit wala akong makita. Minabuti ko na lamang na 'wag ito kainin. Baka mamaya may lason pala ang pagkain na 'yun.

Dumaan ang linggo na ganun ang set up. Inaasar na nga ako ng mga kasamahan kong janitress at janitor. Binabalewala ko na lamang sapagkat hindi rin sila naniniwala kapag sinasabi ko na anonymous ang nagpapadala ng lunch pack.

"Ayumi! Tapos na ang meeting sa taas. Maglilinis ka ba roon?" Tanong ni Marj, isa sa mga kasamahan ko na madalas kong makausap.

"Ah oo."

"Halika sabay na tayo paakyat".

Sabay kaming pumasok sa elevator. Habang nag hihintay ay 'di namin maiwasan mag kwentuhan.

"Talaga? May anak ka na rin? Luhh! Di halata." Gulat na gulat si Marj ng sinabi ko na may anak na ako. Tumango tango lang ako. Ang daldal pala talaga ni Marj kahit saan. Ngunit nakakatuwa siyang kasama.

"Same pala tayo eh. May anak na rin ako. Yung ama ayun puro sugal. Kaya no choice. Kailangan ko mag trabaho." Diretsong kwento niya. "Ikaw ba?"

"Anong ako?" Tanong ko sa kanya.

"Anong trabaho ng ama ng anak mo? Di ka pa kasal diba? Wala kasi akong nakikitang singsing sayo." Tumatawa niyang sinabi ang huling pangungusap.

Natawa na rin ako.

Oo nga naman. Wala akong suot na singsing kaya ang tingin ng iba naming kasamahan ay single or kaya may manliligaw ako. Well, si Marj pa lang ang nakakaalam tungkol sa anak kong si Kenneth.

"Wala siyang ama.."

"Huh? Pwede ba 'yun? Ano nagsarili ka at tsaka lumobo ang tiyan mhmm-" bigla kong tinakpan ang bibig ni Marj bago pa makapasok ang ilang empleyado na paakyat din. Hindi ko kinakaya mga pinagsasabi niya. Baka may makarinig pa. Masyadong awkward.

"Ano ka ba! Ang bibig mo uy! Baka marinig nila tayo." Pabulong kong saway sa kanya. Tumigil naman sya sa pagdaldal at naghintay na lamang kami na makarating sa aming floor na lilinisan.

"Ipagpatuloy natin ang kwentuhan mamaya, ha." Pahabol na sabi ni Marj bago siya lumabas kasama ang ilang empleyado. Nag thumbs up sign lang ako sa kanya bago pa sumara ang pinto ng elevator. Naiwan naman akong mag isa sa loob.

Tumunog ang elevator tanda na narating ko na ang aking destinasyon. Saktong pagbukas nito ay tumambad sa harapan ko ang isang likod ng papalayong lalaki. Ito rin ang likod na nakita ko noong unang araw ko sa trabaho. Bahagya itong tumagilid dahilan para makita ko ang kanyang side view. Kahit malayo ay kitang kita pa rin ang ganda ng kanyang features. His defined jawline… the pointed nose…

Biglang lumingon ang kanyang ulo sa akin. His eyes locked on mine. Napatigil siya sa paglalakad gayon din ako. Bakit biglang bumilis tibok ng puso ko? I can feel something nang bigla siyang tumitig sa mga mata ko. Who is he?

-Sa loob ng meeting room-

Habang nag lilinis ay iniisip ko pa rin ang lalaking 'yun. Malakas ang kutob ko na naka engkwentro ko na siya kung saan man. Oh well, siguro ay isa siya sa mga higher ups ng kumpanyang ito. Marahil ay nakita ko siya sa kung saan man na okasyon o kaya'y isa siya sa mga naging sponsor ng mga charity.

'Di pa man ako natatapos sa aking paglilinis ay nararamdaman kong parang may nagmamasid sa akin. Lumingon lingon ako upang hanapin kung sino ito. Walang ibang tao sa meeting room bukod sa aking sarili. Siguro ay guni guni ko lamang ito. Hanggang sa matapos ako ay hindi nawala ang pakiramdam na 'yun.

Palabas na ako ng room ng may nagsalita sa likod ko. Deep, bossy and manly voice. Kaparehong boses ng nakausap ko sa intercom. Wait, is this Mr. D? Siya ba ang nagmamasid sa akin habang ako'y naglilinis?

Unti-unti akong humarap sa kanya ng nakababa ang ulo. It feels like looking at him is forbidden. Besides, wala pang nakakakita sa kanya na mga empleyado.

"Uhm akala ko po walang ibang tao ngayon dito sa meeting room. Kaya…"

"It's okay, Ayumi. Raise your head. Look at me." Pinanindigan ako ng balahibo. Sarap sa tainga pakinggan ang pangalan ko kapag siya ang bumabanggit.

Still, hindi ko pa rin inaangat ang paningin ko. Nang mapansin niyang wala akong balak umangat ng tingin ay humakbang siya papalapit sa'kin. Kitang kita ko ang nagningning niyang black shoes sapagkat sa baba ako nakatingin.

"I said look at me." Hinawakan niya ang aking baba at itinaas dahilan para mapatingin ako sa kanya.

This man… nanlalaki ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon. Kilala ko ang mukha na'to.

At dahil nga nakahawak siya sa baba ko ay magkalapit lamang ang aming mga mukha. Amoy na amoy ko ang kanyang mabangong hininga. Para ako natutunaw sa kanyang mga titig. Ilang sandali pa bago ko marealize ang lahat. Lumayo naman agad ako sa kanya.

"You! You!" Hindi ako makabuo ng sasabihin.

" Oh I'm glad you remember me. I looked for you but I couldn't get even a glimpse of you."

Yes. He's the man whom I shared a night before. He's the father of my child. Hindi ko inaasahan na magkikita muli kami. At ang mas nakakagulat pa ay sa kumpanyang ito. Kung siya si Mr. D, ibig sabihin ay boss ko ang ama ng anak ko? Kaya pala pamilyar ang kanyang boses ng mag usap kami sa intercom. Pati na rin ang kanyang likod ng makita ko siya sa palapag na ito.

"Yes. Hindi ko makakalimutan ang mukhang 'yan." Sabay turo ko sa kanya. "Because you took advantage of me while I was drunk. Dahil sa'yo ay naghirap ako at hindi nakapagtapos ng pag aaral."

"I'm sorry. But now that we met again, I promise I will compensate for my mistake. I'm really sorry, Ayumi."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status