Habang naglalakad ako palabas ng building ay pansin ko ang bulong bulungan ng mga empleyado. Hindi ko na lamang iyon pinansin at mas binilisan ko ang aking mga hakbang.
Sa aking paghihintay sa jeep ay bigla kong naisip ang mga sinabi sa akin ni Mr. D. Hindi ko alam pero parang may something sa akin nang marinig ko ang boses niya. Where did I hear that voice? His cold and deep voice is something. Or baka naiintimida lang ako sa boses niya.Naputol ako sa aking pag iisip nang makita ang paparating na jeep. Sa wakas ay makikita ko na muli ang aking anak. Siguro ay bibili muna ako ng tinapay sa bakery shop na madadaanan ko para may pasalubong ako sa bahay.Pagka baba ko ng jeep ay nagsimula na akong lakarin ang distansya mula sa aming bahay. Well, hindi naman kasi kami taga high-way kaya kailangan pang lakarin pagbaba ng jeep. Parang eskinita lang. Nadaanan ko na 'din ang bakery shop kaya't bumili ako ng paborito ni Kenken na blueberry cheesecake. Sa aming lahat ay siya lang talaga ang mahilig sa blueberry cheesecake. Bumili na din ako ng pandecoco para sa amin ng mga magulang ko.Sa labas pa lamang ng aming bahay ay naririnig ko na ang boses ng aking anak. Malakas na iyak. Napatakbo agad ako sa kaba. Pagbukas ng pinto ay tumambad agad sa aking paningin ang aking anak na nakikipag agawan ng cellphone kay Lucas. Oh, here we go again. Lucas is our close neighborhood. He's 13 years old. Madalas siyang tumambay dito sa aming bahay kapag wala ang kanyang mga magulang.Lumapit agad ako sa kanila."Anak, ibigay mo na kay kuya Lucas ang cellphone. Look oh! I have your favorite blueberry cheesecake." Masigla kong sabi sa kanya sabay pakita ng dala dala kong supot.Agad namang tumigil sa pag iyak si Kenken kung kaya't kinuha ko na ang pagkakataon na iyon para kunin sa kamay niya ang cellphone. Pagkabigay ko kay Lucas ay humingi na din ako ng pasensya."Sorry tita, pinahiram ko naman siya kanina eh. Pero kung ano ano na pinag pipindot kaya kinuha ko na. Baka may mabura na mga pictures eh." Nakayuko niyang sabi. Well, Lucas is sweet and a good boy. Kapag busy ang aking ina ay siya ang naglilibang sa aking anak."Shhh! Alam ko 'yun Lucas. No need to be sorry." Nakangiti kong tugon. "Oh halika may merienda akong dala."Dalawang taon pa lamang ang aking anak ngunit gusto niya na mag cellphone. Hindi ito ang unang beses na nag agawan sila ng cellphone. Pinapahiram naman ni Lucas si Kenken. Pero kapag kung ano-ano na ang pinag pipindot ni Kenken sa cellphone ni Lucas ay binabawi niya na ito. At kapag ayaw ni Kenken ay nauuwi sila sa agawan.Sa kabilang banda ay hindi ko rin masisisi ang aking anak. Pansin ko ang kanyang pagiging advance kumpara sa ibang mga bata. Dapat ngayon nga ay laruan pinapabili niya sakin. Pero ang hinihingi niya na ay cellphone. Sino namang 'di magugulat. Parang sa isang iglap ay mabubutas ang aking bulsa.Sumapit ang gabi at inaayos ko na ang aming kama. Magkatabi kami Kenken sa iisang kama. Kasya naman kami. Dalawa lamang ang kwarto dito sa bahay. Yung isa, para sa aking mga magulang."Anak!" Tawag ko kay Kenken.Dali dali naman itong lumapit bitbit ang kanyang pamalit na damit at toothbrush. Ang pinili niyang damit pantulog ay isang pares ng sando at pajama na kulay blue. Favorite color talaga ng aking anak ang blue. Maging sa ibang gamit ay gusto niya color blue.Nang matapos mag ayos ay bumalik na kami sa kama. Pansin kong kakaiba ang kanyang pagiging tahimik. Tila rin may gusto siyang sabihin sa'kin pero mas pinipili niyang itikom ang bibig."Ma..""Yes, baby ko? May masakit ba sayo?" Lambing kong tanong sabay kandong sa kanya at hinalikan ang noo. Umiling naman siya agad."Mama, may papa ko?" Hindi ko gaanong naintindihan ang kanyang sinabi sapagkat sobrang liit ng boses niya at mahina pa."Ano yun, anak?""Papa… bakit wala akong papa?" Nagulat ako sa kanyang tanong.Nagpatuloy siyang muli. "Kita ko mga kalaro ko kanina sa plaza. May kasama silang papa. Ma, asan ang papa ko? Bakit wala siya dito sa ating bahay?"Puno ng kalungkutan ang kanyang boses. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. This is the first time he asks about his father. And for God's sake! He's only two! Paanong nagkamalay siya agad tungkol diyan?Hindi ko inaasahan na mag tatanong siya kaagad tungkol sa kanyang ama. I'm not ready for this! And he's not also ready to hear about the truth. Masyado pang maaga. Anong sasabihin ko? Na hinding hindi na mangyayari yun kasi may iba na siyang pamilya? For sure, may anak na din yun. The last time that I've seen him, he's with his fiancee. And three years had passed! Paniguradong kasal na sila."Anak, I think this is not the right time for this. Let's not talk about that 'kay?""Pero gusto ko rin ng papa. Lahat ng kalaro ko ay may papa." Nakita ko ang pagtulo ng luha ka kanyang mga mata.I'm sorry, baby. That night was a mistake. But you are not a mistake. You are my world. I'm sorry that you can't have your papa. But I promised that I will love you always. I will love you as a mother and your father. I will fill you with love, care and support.Pagdating ng panahon ay maiintindihan mo rin. Sa ngayon, mas mabuti pang wala ka munang alam. I don't want to break your heart.Kinaumagahan ay late akong nagising. Kumuha na lamang ako ng sandwich sapagkat hindi na ako makapag almusal sa pagmamadali. Ayokong ma-late sa aking trabaho. Lalo pa na traffic ngayon dahil may parada na ganap sa sentro.So loob ng jeep ay kinain ko ang aking dala dalang sandwich. At sa kamalasan nga, ay na traffic talaga kami dahil sa parada. Anak ng tokwa naman oh! Malapit ng mag 7 am. Kagat kagat ko na ang aking dila sa kaba.Haba naman ng parade! Umabot ng 20 minutes bago makausad ang jeep na sinasakyan ko.Pagbaba ko ng jeep ay tinakbo ko na ang building. Actually, sa likod dapat ang daan namin pero dahil sa nagmamadali ako ay sa usual na daanan ako dumaan. Matatagalan pa kasi ako kapag sa likod pa ako dadaan.Nadaanan ko ang mga empleyado sa desktop na gulat na gulat sa akin sapagkat ang tungo ko ay sa elevator imbis na sa hagdan. Isang liko na lang ay mararating ko na ang elevator. Ngunit pagkaliko ko ay saktong bumagsak ang aking pwet sa sahig. Ang sakit!Kasabay ng pagbagsak ko ang sigaw ng iilan. Napatingala ako at doon ay nakita ko ang isang lalaki na nakatulala sa sahig. Sinundan ko ang kanyang tingin. Isang laptop ang nakabuka. Sa katabi ng lalaki ay dalawang babae na nakatakip ang bibig sa bibig. Gulat na gulat at hindi makapaniwala. Sila marahil ang sumigaw.Wait! Bumalik ang tingin ko sa lalaki, sa laptop na nasa sahig, at sa dalawang babae. Agad akong napatayo ng sumagi sa isip ko kung ano ang nangyari. Pagkaliko ko pala ay nakabangga ko ang lalaking nasa harapan ko at mukhang naghulog ang laptop.Agad ako humingi ng tawad. "Sorry po!" Pinulot ko din ang laptop at inabot sa kanya. Pag angat ko ng tingin ay galit na mga mukha ang nabungaran ko."Anong magagawa ng sorry mo? Alam mo ba kung kanino yan!?" Pasigaw na sabi ng babae."Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo!?" Sigaw naman ng isa pang babae."This is owned by Mr. D! Look what have you done!" Nanghihinang bumagsak ang kamay ko sa may bandang puson. Hawak hawak ko pa rin ang laptop na iaabot sana sa lalaki.Ba't ang malas malas ko naman? Late na nga ako tapos may ganitong insidente pa akong madadaanan!Pabalang na kinuha ng isang babae ang laptop sa aking kamay at sinabing "Di ka kasi nag iingat eh! Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo." Nanlilisik ang kanyang mga mata."Mamaya na natin yan intindihin, unahin na muna natin ang iniuutos sa atin ni Mr. D. Mauubos lang oras natin kung papatulan pa natin siya." Nagsimula na silang lagpasan ako ngunit narinig ko pa ang kanilang pag uusap."Sa tingin mo 'di naman siguro ito nasira, ano?" " Ewan ko, check natin pagdating sa sasakyan."Hiyang hiya ako. Hanggang sa makarating sa 2nd floor ay 'di pa rin ako maka move on sa nangyari. Paano nga kung nasira iyon?"Pinapatawag ka muli sa baba. From our boss again." Wala akong magawa kundi ang itigil ang aking ginagawa upang harapin ang aking pagkakamali."Hmm! Siguro sinasadya mong gumawa ng mali upang makausap ang ating boss, 'no? Sorry ka! Di ka mapapansin 'nun kahit isang milyong mali pa gawin mo. Baka nga mauna ka pang matanggal sa kumpanyang ito bago ka mapansin ni Mr. D." Dada ng aming head.Gusto kong magsalita at sabihing mali ang kanyang iniisip pero mukhang useless ang makipag usap sa kanya. Nakarating ako sa baba na ang iniisip ay kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. "Good morning, Mr. D. This is Ayumi Serra, janitress. Gusto mo raw ako makausap." Kahit alam ko naman na ang rason kung bakit niya ako pinapatawag. "Sana po ay huwag mo akong tanggalin sa trab-" nabitin sa ere ang aking mga salita dahil sa kanyang pagsabat. Nakakapanibago ang kanyang tono. "Ayumi."Napakalumay nito. Napakakalma. Ibang iba sa boses niya noong huli ko syang makausap. Iba ito sa inaasahan ko.
"We should talk about us." Saad nya sa mababang boses. Kalmado lang ang kanyang postura at tono ngunit ang kanyang titig ay salungat. Sa hindi malamang dahilan ay parang biglang sumikip ang room kung nasaan kami. Marahil ay dahil sa tensyon na namamagitan sa amin kaya't ang hirap huminga lalo na titig na titig siya.Matapos ang ilang taon kong pag hihirap ay biglang sasabihin niya na kailangan namin mag usap? Taas-noo kong hinarap ang kanyang titig. Hindi dapat ako magpa intimida sa kanya kahit boss ko pa siya. "Wala na tayong dapat pag usapan pa. Kung ano ang nangyari noon, hanggang doon na lang 'yun." Gigil kong sabi. Ngayon na nagkita na kami ay bumabalik sa aking alaala ang mga pinagdaanan ko. Naisip ko si Kenken. Gusto niyang makita ang kanyang ama. Gusto niyang may makakalaro din siya gaya ng ibang mga bata. Ngunit wala pa akong balak na ipakilala ang lalaking nasa harap ko bilang ama ng anak ko. Hindi niya deserve! Makakaya kong buhayin si Kenken kahit walang sustento galin
Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko sila sa kusina at patapos ng kumain. Dumiretso ako sa aking mga magulang para magmano bago pumunta sa tabi ni Kenken. "Oh iha, ba't kakauwi mo lang? Hindi ka na namin nahintay kasi gutom na ang anak mo." Nag aalalang tanong sa akin ng aking ina. "Overtime, ma. Kailangan eh." Sabi ko sabay baling sa aking anak. Agad kumurba ang aking labi ng makitang gulay ang nasa ibabaw ng kanyang plato. Kahit sa murang edad niya ay alam niya ng mas masustansya kainin ang mga gulay. Hindi siya mapili pagdating sa mga pagkain."Galing naman ng baby ko. Kaya mo na ba kumain mag isa?" Lambing ko sa kanya. Tumango lang siya at kumuha ulit ng maliit na parte ng pritong kalabasa at sinawsaw sa ketchup bago sinubo. Mayabang siyang humarap sa akin at nag akto pa na busog habang hinihimas himas ang kanyang tiyan. I understood the assignment. Alam kong nais niya na purihin ko siya. Bilang ina ay pumalakpak ako ng malakas at sinabing, "Wow! Very good, anak. Good boy
Kinabukasan ay tinotoo nga niya ang pagsundo sa akin. 6:30 am nang mag abang ako ng jeep sa labasan. Kalapit ito ng bakery na kung saan 'dun ako binaba ng ihatid niya ako kahapon. At nagulat na lamang ako ng makitang muli ang isang black porsche. Nandoon na pala siya at kanina pa naghihintay. Patay malisya akong tumayo sa pwesto. Kunwari ay 'di ko siya nakikita. Diretso lamang ang aking tingin sa daan. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng isang sasakyan na marahil ay pag aari niya. Ngunit hindi ko mapigilang bumaling sa kanya. Nakita ko itong naglakad papalapit sa akin. "Good morning," bati niya ng makalapit na sa akin. Pansin ko ang pag tingin tingin ng mga bumibili ng tinapay sa banda namin pati na ang mga nakatambay na malapit sa aming pwesto. Napapikit ako ng mariin ng may marealize ako. Kaagad ko siyang hinawakan sa palapulsuhan. Wala na akong choice kundi ang hilahin siya papunta sa kanyang kotse para lamang makaiwas sa mga chismosang tao. Baka mamaya niyan maririni
"As I've told you, I will make things up to you." Sa kalagitnaan ng kanyang pagmamaneho ay sa wakas nagbukas siya ng topic. "This… is one of my ways." Tukoy niya sa pagsundo sa akin. "I know it's your first time." Mabilis siyang sumulyap sa akin pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yun. Nagtataka akong napatingin sa kanya. First time na ano? Nang pumasok sa aking utak kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa katagang iyon ay namula ang aking pisngi sa hiya. First time to experience s*x. Sana naman 'wag niya ng sinasabi ang mga ganyang klaseng bagay."It must have hurt you. And I know you treasure your virginity." Pagpapatuloy niya. Hindi ako makapagsalita sapagkat hindi ko rin alam ang aking sasabihin. Muli siyang nagsalita. Ang mga mata ay tutok sa aming dinadaanan ngunit nahuhuli ko siyang paminsan minsang pag sulyap sa aking gawi. "In just one night, I took away your treasure. So, please, allow me to help you as my compensation. I'm responsible for the mistake I made.""Pag
"Ayumi, tapos ka na ba maglinis sa buong 10th floor?" Pagpasok ko sa janitor's room ay iyon agad ang bungad sa akin ng aming head. Tulak-tulak ko ang lalagyan ng mga pang linis.Inangat ko ang aking tingin sa kanya at nagsalita, "Kakatapos ko lang po, ma'am."Tumango-tango naman siya bago tumingin sa akin at sa dala kong mga pang linis. "Bawasan mo ang mga 'yan." Turo niya dito. "Kakailanganin mo lang ang pang linis sa sahig at bintana. Ikaw ang naatasan na maglinis sa office ni Mr. D." Pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad paalis. Agad naman akong naalarma at hinabol siya."Teka lang po, ma'am." Hinawakan ko ang kanyang braso upang mapigilan siya sa paglalakad. "Bakit naman po ako ang maglilinis eh hindi ba may naka assign 'dun na iba?" Nang humarap ito ay tumingin pa siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya kaya't dali dali ko naman itong tinanggal. Nang tinaas niya ang kanyang tingin sa aking mukha ay blanko lamang ito. "Ah sinusuway mo ba si Mr. D? Sino ka ba sa akala m
"Alam ko pong sa'yo to pero…" Hindi ko alam kung anong idudugtong ko. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit pinatawag niya ako para mag linis kung gayong hindi naman pala siya umalis ng opisina. Napakamot ako sa aking batok at nahihiyang ngumiti sa kanya. "Ano..""Yes? Do you have something to say to me?" Tumaas ang kanyang dalawang kilay. "Uh oo, gusto ko sanang sabihin na babalik na lang ako mamaya.""No, you can clean now." Sabat niya at kinuha ang kanyang MacBook. Binuksan niya ito, mukhang may gawain pa siya dito ah. Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi."Mr. D, babalik na lang po ako mamaya para makapag focus ka sa trabaho mo. Besides, hindi naman tama na maglinis ako habang nandito ka diba?" Peke akong tumawa upang mawala ang tensyon na pumapaligid sa amin. Ang kaninang malawak na espasyo ay biglang naging masikip para sa akin ngayong nandito siya. Hindi ko maintindihan kung bakit pabago bago ang aking pakiramdam sa tuwing kasama ko siya. Minsan nalilimutan kong boss ko s
Natapos ang araw ng wala ako sa aking sarili. Maka-ilang beses pa akong nagkamali kanina habang naglilinis sa buong floor. Kahit pilit kong libangin ang aking sarili ay talagang bumabalik sa aking alaala ang naging halikan namin. Pumikit ako ng mariin at hinayaan ang aking katawan na makapag pahinga. "Ma… sama kuya Lucas?" kasabay ng tanong ni Kenken ay ang paghila niya ng mahina sa aking damit para maagaw ang aking atensyon. Linggo ngayon kaya sinadya namin agahan ang gising para makapag simba kami ng alas singko.Bumaling ang aking ulo sa kaliwang tabi kung saan nakaupo ang aking anak. Kanina niya pa ako kinukulit pero dahil nagsusuot ako ng sapatos ay hindi ko muna siya pinansin. Besides, hindi rin ako sigurado kung makakasama nga si Lucas sa aming pag simba. Nang maayos ko na ang sintas ay humarap ako sa full body mirror para matingnan ang aking ayos. Suot-suot ko ang isang puting blouse na pinares ko sa isang black fitted skirt na abot hanggang tuhod. Hindi naman kahabaan an