Share

Chapter 11

"As I've told you, I will make things up to you." Sa kalagitnaan ng kanyang pagmamaneho ay sa wakas nagbukas siya ng topic.

"This… is one of my ways." Tukoy niya sa pagsundo sa akin.

"I know it's your first time." Mabilis siyang sumulyap sa akin pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yun. Nagtataka akong napatingin sa kanya. First time na ano?

Nang pumasok sa aking utak kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa katagang iyon ay namula ang aking pisngi sa hiya. First time to experience s*x. Sana naman 'wag niya ng sinasabi ang mga ganyang klaseng bagay.

"It must have hurt you. And I know you treasure your virginity." Pagpapatuloy niya. Hindi ako makapagsalita sapagkat hindi ko rin alam ang aking sasabihin. Muli siyang nagsalita. Ang mga mata ay tutok sa aming dinadaanan ngunit nahuhuli ko siyang paminsan minsang pag sulyap sa aking gawi. "In just one night, I took away your treasure. So, please, allow me to help you as my compensation. I'm responsible for the mistake I made."

"Pagkakamaling nagbunga," sabi ko sa isip ko.

"What did you say? I didn't hear you."

"Huh? Wala akong sinabi."

"Oh no, I heard you mumble something."

Crap! Na isatinig ko ata ang dapat na sa isip ko lang. Buti na lang at hindi niya narinig.

"Wala 'yun. Ang sabi ko lang ba't ang ganda ko." Diretso kong sabi upang 'di mahalatang kabado. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Oo nga, ang ganda mo."

My mouth almost dropped to the car floor after hearing what he said! Hindi ko alam kung saan ako mas dapat na magulat, sa sinabi niyang maganda ako o dahil sa pag tagalog niya. Tumingin ako sa backseat. Walang tao. Binalik ko sa kanya ang tingin. Ang mga mata ko'y nanlalaki sa gulat at malaki rin ang pagkakabuka ng aking bibig. Hindi ako sigurado kung siya ba ang nagsalita o ano.

"Ikaw 'yung nagsalita?" Parang tanga ako sa sarili kong tanong. Kaming dalawa lang naman sa loob ng sasakyan kaya't walang duda na siya ang nagsalita. Pero mahirap paniwalaan.

Tumango siya. May maliit na ngiti sa kanyang labi. Pero nang mapansin niyang nakatingin ako ay biglang nawala ang pagkaka kurba sa kanyang labi. Tumikhim siya at umayos ng pagkaka upo.

"Marunong ka pala mag tagalog. At… first time kong marinig na magsalita ka ng tagalog." Puna ko. "Mukha kang mayaman na napadpad sa probinsya. Pero ang bongga ah mas lalo kang nakakaakit kapag nagsasalita ka ng tagalog."

Huli na ng marealize ko kung ano ang mga sinabi ko. Pero imbis na bawiin ay umakto na lang ako na parang wala lang sa'kin ang mga pinagsasabi ko. Kita ko ang pagpipigil niya ng ngiti. Kinagat niya pa ang kanyang pang ibabang labi para lamang 'di lumitaw ang kanyang ngiti.

May sakit ba siya? Bakit parang ibang katauhan siya ngayon? Hindi ko maimagine kung paano siya ngumiti ng todo. Ang isipin na 'yun ay nagpa kuryuso sa'kin.

Lumipas ang sandali ay bumalik na naman sa dati ang aming pinag uusapan.

"You lost your virginity because of me," pilit niyang saad.

Ako naman ay hindi ko malaman kung saan ipupukol ang mata. Palipat lipat ang aking tingin. The topic makes me uncomfortable. Lalo na't hindi niya lang kinuha ang virginity ko, nag iwan rin siya ng anak. Lintik na sperm cells na yan! Galing lumangoy, nagbunga tuloy.

"Why are you silent?" Pansin niya sa pagiging tahimik ko.

"Ahh wala lang. Di ko lang trip magsalita?" Patanong kong saad. Halatang hindi ako sigurado sa sasabihin. Kumunot ang kanyang noo at maya maya pa'y nanlalaki ang kanyang mga mata.

"Don't tell me the topic makes you uncomfortable?" Tompak! Sana kanina mo pa 'yan naisip.

"Uh a little bit," pagsisinungaling ko.

Nang humupa ang aming pag uusap ay ako naman ang nag salita.

"Naiintindihan ko kung bakit mo gustong bumawi. Pero hindi na talaga kailangan. Okay na 'yung hindi mo ako tatanggalin sa trabaho ko." Tipid akong ngumiti sa kanya.

It's true. Hindi ko na kailangan ang tulong niya. Magkakaroon lamang kami ng koneksyon sa isa't isa.

Natahimik siya. Maya maya'y nagkibit balikat na lamang.

Nakarating na kami sa D.E.M Furniture company at doon na ako nag pababa sa may harap ng building. Hindi ako pwedeng sumama sa kanya sa parking lot sa underground floor dahil bukod sa nakakahiya ay baka may makakita pang iba sa amin.

Nagsimula na rin agad ako maglinis ng meeting room at pagkatapos ay sa hallway, bintana, sahig at comfort room naman ako nag pukos.

Nang dumating ang oras ng tanghalian ay saktong may dumating rin na lunch pack para sa'kin. Pareho ito ng mga naunang lunch pack na natatanggap ko. Napabuntong hininga na lamang ako. Ang akala ko ay titigil na siya sapagkat mukhang sumang-ayon naman siya kanina.

At dahil alam ko na kung kanino nanggaling ang lunch pack ay nagdalawang isip ako kung itatapon ko ba o kakainin na lang.

Tumunog ang aking cellphone sa bulsa kaya't dali dali ko itong kinuha at binuksan. Isang mensahe galing kay Mr. D.

"Eat your lunch." Napairap ako. Ang gulo din niya kausap eh. Kainis!

Naisipan kong idagdag sa contacts ang kanyang numero at nilagyan ng pangalan. Nag tipa ako ng "boss". Nang pipindotin ko na ang save button ay may naisip akong pangalan na mas babagay sa kanya. Binura ko ang "boss" at pinalitang "virginity sucker". Ayan! Mas bagay nga.

Binalik ko sa bulsa ang aking cellphone at tumingin sa lunch pack. At dahil tipid ako ay naisipan kong kainin na lang. Pag bukas ko pa lamang ay nanuot na agad sa akin ang masarap na amoy. Naglalaman ng kanin, beef steak at side dish na mixed veggies ang lunch pack. Nakakatakam ang amoy kaya't hindi ko na pinaghintay ang pagkain.

Habang kumakain ay biglang pumasok si Marj. Mukhang kakatapos niya lang maglinis. Kaya pala hindi ko siya makita dito sa loob.

"Ay bongga si madam! Kinain ang lunch pack na pinadala. Oh, ba't di mo tinapon?" Malakas at masigla niyang sabi. Ngumiti siya ng malawak at tumaas baba pa ang kanyang kilay.

"Baka gusto mong i-share sa'kin kung kanino 'yan galing, Ayu? Friends tayo diba." Nang aasar niyang turan. Hay! Wala talaga akong takas pagdating sa kanya.

Imbis na sagutin siya ay niyaya ko na lamang siyang kumain. Hindi pa rin nawawala ang mapang asar niyang ngiti sa akin habang papunta siya sa kanyang locker at kinuha ang kanyang baon na lunch. Palagi talaga siyang nagdadala ng lunch, mas tipid raw kasi. Ako naman ay minsanan lang. Madalas ay lumalabas ako ng building sapagkat mayroon ding karinderya sa harap ng building na ito.

Habang kumakain ay pinipilit niya akong mag kwento. Nakakapagtaka raw kasi na dati ay tinatapon ko ang lunch pack na dumadating tapos ngayon ay sarap na sarap akong kumakain.

"Wala nga. Tipid ako. Siguro blessing 'to sakin."

"Asusss sure kang hindi mo kilala ang nagpapadala?" Tumango lamang ako sa kanya.

"Okay sabi mo eh." Pagsuko niya.

Natapos kami sa pagkain na kung ano-ano ang pinag uusapan. Habang nag aayos para sa mga susunod na gawain ay nabanggit ni Marj ang tungkol sa anibersaryo ng kumpanyang ito.

"Next next week na pala 'yun. Kaya sobrang busy ng mga tao dito sa building. Pinaghahandaan kasi talaga 'to. Siguro ay nagsisimula na sila sa preparation." Kwento ni Marj.

Nagpatuloy siya. "Isang linggo ang pagdiriwang ng anibersaryo. Ngunit isang araw lang nagkakaroon ng program para sa mga empleyado dito sa kumpanya. Kasama lahat pati tayo. Pero syempre trabaho pa rin natin ang tumulong sa pag aayos sa event hall pati na ang paglilinis pagkatapos ng program."

"Ano bang mga ganap sa program?" Di ko maiwasang magtanong.

"Hmm.. as usual lang. May nagbibigay ng mensahe… tapos kainan, may palaro at mayroon din pa ruffle. Ang premyong binibigay ay mga items na gawa sa ating kumpanya."

Mukhang masaya to ah! Pero mas masaya kung makakakuha ako ng premyo.

"Sino ang nagbibigay ng mensahe, si Mr. D ba?" Habang nagtatanong ako ay kinuha ko ang aking toothbrush sa locker upang makapag toothbrush na ako.

"Naku, Ayu! Asa ka pa 'dun. Hindi naman siya nagpapakita eh kahit sa anibersaryo ng kanyang kumpanya. Sa tagal ko na dito, never ko pa siyang nakita."

Napatango-tango ako. Ngayon pa lang ay iniisip ko ng magiging tahimik ang buhay ko dahil hindi ko siya makikita sa araw ng anibersaryo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status