Share

Chapter 14

Natapos ang araw ng wala ako sa aking sarili. Maka-ilang beses pa akong nagkamali kanina habang naglilinis sa buong floor. Kahit pilit kong libangin ang aking sarili ay talagang bumabalik sa aking alaala ang naging halikan namin.

Pumikit ako ng mariin at hinayaan ang aking katawan na makapag pahinga.

"Ma… sama kuya Lucas?" kasabay ng tanong ni Kenken ay ang paghila niya ng mahina sa aking damit para maagaw ang aking atensyon.

Linggo ngayon kaya sinadya namin agahan ang gising para makapag simba kami ng alas singko.

Bumaling ang aking ulo sa kaliwang tabi kung saan nakaupo ang aking anak. Kanina niya pa ako kinukulit pero dahil nagsusuot ako ng sapatos ay hindi ko muna siya pinansin. Besides, hindi rin ako sigurado kung makakasama nga si Lucas sa aming pag simba.

Nang maayos ko na ang sintas ay humarap ako sa full body mirror para matingnan ang aking ayos.

Suot-suot ko ang isang puting blouse na pinares ko sa isang black fitted skirt na abot hanggang tuhod. Hindi naman kahabaan ang blouse pero tinuck-in ko pa rin para mas malinis tingnan. Sa pang-paa naman ay gumamit lamang ako ng puting sneaker shoes na bumagay sa aking damit.

Nang hindi makuntento sa ayos ko ay kumuha ako ng pang tali ng buhok at ginawang high ponytail ang buhok ko.

Marahan akong umikot habang nakatingin sa salamin. Okay, ayos na to!

Mula sa repleksyon ng salamin ay kita ko kung paano tumitig sa akin si Kenken. At habang tumatagal ay mas lalong lumilitaw ang pagkakahawig nila ni Mr. D.

"Hindi ako sigurado, anak. Daanan na lang natin siya mamaya paglabas," nakangiti kong sagot sa kanya.

Maya maya pa'y lumabas na din kami ng kwarto at sakto namang papalabas na din si Mama sa kanyang kwarto. Palagi talagang maaga gumigising si Mama para mag asikaso sa amin. Si Papa naman ay alas sais nagigising, marahil ay dahil sa laging pagod ang kanyang katawan sa pamamasada.

Nagpaalam lamang kami kay Mama atsaka tuluyang lumabas ng bahay.

Humaplos agad sa aking balat ang lamig ng simoy ng hangin. Napakasarap! Paboritong paborito ko ang ganitong eksena sa aking buhay. Napaka peaceful!

Tahimik. Malamig. Maaliwalas. Wala pang mga sasakyan at mga taong nag iingay dahil maaga pa lamang. At ang pinaka importante ay tulog pa ang mga taong walang ginawa kundi ang mag komento sa buhay ng iba!

Dumaan muna kami sa katabing bahay para tanungin kung makakasama si Lucas ngunit may lakad daw sila ngayon kaya't next time na lang daw makakasama.

Hawak hawak ko ang isang kamay ni Kenken at sabay kaming naglakad patungong simbahan. Maya maya'y kakargahin ko na din siya dahil alam kong mapapagod siya. Hindi naman kalayuan ang bahay namin sa simbahan kung kaya't kayang-kaya itong lakarin. Pero dahil two years old pa lang si Kenken ay paniguradong mangangalay agad ang paa niya.

Nang makarating sa simbahan ay nagsindi agad kami ng kandila.

Hindi masyadong karamihan ang mga nagsisimba sa oras ng alas singko kumpara sa oras ng alas otso at alas kwatro ng hapon. At kung papansinin ay halos mga matatanda at may mga duty ng sunday ang mga narito ngayon.

Syempre mas pinipili namin ni Kenken magsimba sa ganitong oras para hindi kami nakikipag agawan ng upuan.

Gumuhit sa akin ang isang ngiti ng makitang hindi na nagkakamali ang aking anak sa pag cross of the sign.

Alas sais na ng matapos ang misa kaya't lumabas na din kami ng simbahan.

Hawak ko ang kamay ni Kenken at tinanong siya, "Ano ang gusto mong bilhin natin?"

"Puto!" agad nya namang sagot sabay turo sa mga nagtitinda ng puto sa tabi ng simbahan.

Naglakad kami papunta 'dun at bumili ng puto pati na din bibingka para sa aking mga magulang.

"Let's go, anak! Uwi na tayo. Pagod ka na ba maglakad?" kumuha ako ng isang puto mula sa supot at binigay sa kanya na agad niya namang kinuha at sinubo.

"Lakad na lang, ma!"

"Sigurado ka ha?

"Kaya ko pa naman maglakad!" pabibo niyang sabi kaya natawa na lang ako.

Well, that's him. Madalas tahimik pero hindi mawawala sa kanya ang magpabibo.

Napatigil kami sa paglalakad ng may humarang sa amin. I mentally roll my eyes the moment I saw who's in front of me.

"Here we go again!" mahina kong bulong sa hangin.

"May sinasabi ka?" maarteng tanong ng babaeng nasa harapan ko.

"May narinig ka ba? Let's go na anak…"

Nang lalampasan na sana namin ang babae ay bigla ako nitong hinawakan ng mahigpit sa braso. Dahilan para mapatigil kami sa paglalakad?

"Hoy malandi! May sinasabi ka ata?" aniya.

Lumipat ang tingin niya mula sa akin patungo sa anak ko. Ang pukol na binibigay niya ay puro panghuhusga. Hindi na ito bago sa'kin sapagkat noon pa man ay ganyan na siya.

"Kawawa naman itong pamangkin ko… walang ama!" sabay tawa niya ng malakas.

Naramdaman ko agad ang pagtago ni Kenken sa likod ko.

"Kung may problema ka sa'kin, edi sa'kin mo idiretso! Huwag mong idadamay ang anak ko." sabay tabig ko sa kamay niyang nasa braso ko.

She's Kia, pinsan ko. Si mama at ang mama niya ay half-sister. The reason why laging mainit ang dugo niya pati ng mama sa aming pamilya.

We're really not on good terms. Her grandfather cheated on her grandmother with my grandmother. Of course, hindi alam ng lola ko na may asawa na pala iyong lolo niya. Ang ending, nabuntis si lola kaya naging half-sister si mama at ang mama niya.

Palagi kaming pinapahiya sa mga tao at gusto nilang sirain kami sa mata ng mga tao.

Nang makauwi kami ay sinimulan na namin ang usual naming ginagawa sa linggo.

Pagkatapos ko mag ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto para makapag almusal. Tulog pa rin si Kenken dahil maaga pa lamang.

Masaya akong kumakain ng almusal sa kaisipang hindi ko kailangan magmadali ngayon dahil inagahan ko talaga ang gising.

Kasabay ko mag almusal si Mama. Si Papa naman ay lumabas saglit upang bumili ng blueberry cheesecake ni Kenken pati na din tinapay namin.

Nang bumukas ang pinto namin ay iniluwa nito si papa na may dalawang supot na bitbit.

"Pa! Kain na…" aya ko sa kanya.

"Kanino kaya yung magarang kotse na nakaparada sa may labasan?" patanong na kwento ni papa.

Natigil ako sa pagsubo ng may maalala ako. Sana mali ang aking iniisip.

"Baka naman may kapamilya na binibisita?" sagot na tanong ni mama.

"Mukhang may hinihintay, e! Usap-usapan sa bakery na kanina pa yung lalaki na parang may hinihintay. Pogi daw nga, e!"

Then, I lost it. Pagkatapos ko malunok ang sinubo ko ay uminom na ako ng tubig at tumayo. Agad akong nagpaalam sa aking mga magulang at tinahak ang pinto palabas ng bahay.

Tila nagulat pa ang dalawa sa biglaan kong pagtayo at bago ako makalabas ay narinig ko pa si mama, "Anak, hindi ka pa tapos kumain!"

"Busog na ako, ma!" pasigaw kong sabi.

Nang makarating ako sa labasan ay na-ispatan ko agad ang isang pamilyar na kotse. Bumukas ang pinto sa driver's seat at lumabas siya.

His masculinity attracted the audience as he stood. Para siyang artista. Napaka perpekto ng mukha na aakalain mong nililok ng isang mahusay na manlililok.

His deep eyes bore into mine. Kahit sa malayo ay ramdam ko pa rin ang nakaka intimida niyang awra.

Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo nang maglakad ako palayo. Nagsenyas ako na sumunod siya at mukhang nagets niya naman.

Tumigil ako sa paglalakad nang marating ko ang parte na hindi matao. Sa tabi ko ay huminto ang kanyang sasakyan at lumabas siya.

Nag iwas agad ako ng tingin at tinigasan ang mukha para magmukhang galit ako.

Pero bago pa ako makapag salita ay nauna na siya, "What was that?"

Nilakasan ko ang pag buntong hininga para maramdaman niyang galit ako. "Hindi mo ba napansin mga tao kanina? Pinag titinginan ka, oh!"

"And so?"

Napatingin ako sa kanya. Tumaas ang kanyang kilay.

"Anong and so? Akala ko ba you're the anonymous CEO of your company at hindi ka nagpapakita ng mukha sa mga tao?"

Nagpamewang ako at nagpatuloy sa pagsasalita, "Anong headline ng tsismis? May. isang. pogi. ang. naghihintay. sa. kanyang. magarang. sasakyan! Ay bongga ah!"

Bawat salita ay diniinan ko pero wala siyang sinabi.

Hindi nakalagpas sa aking paningin ang pagpigil niya sa kanyang ngiti. Nailing iling siya at parang may binubulong sa sarili pero hindi ako sigurado.

"Oh, come on!" sabay bukas niya sa pinto ng passenger's seat. "Get in."

Nang hindi ako gumalaw ay marahan niya akong hinawakan sa braso at hinila palapit sa pinto.

May kung anong kuryente ang dumaloy sa aking katawan dahilan para bilisan ko ang pagpasok sa kanyang sasakyan at ng mabitawan niya na ako.

Nang masara niya ang pinto ay umikot siya patungong driver's seat at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

He's smiling… widely!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status