Share

Miss Misunderstood
Miss Misunderstood
Author: Wysteriashin

Chapter 1: Question got Answered

"Where are you going today? How about let's have a breakfast together first before you leave?" tanong ko't alok dahil lagi na lamang akong mag-isa na kumakain sa hapag dahil madalas siyang wala sa bahay.

"I'm in a hurry right now. I'm going on a business trip. Let's eat outside once I came back," sagot niya sa akin na hindi man lang ako binalingan at ipinagpatuloy niya lang ang paglalagay ng kaniyang neck tie.

"But you just came—" pagproprotesta ko sana pero hindi ko na itinuloy. Alam ko na kasi kung saan posibleng mauuwi iyon sa pagtatalo.

"O-Okay," matamlay kong sagot kahit deep inside ay pinipiga ang puso ko dahil once again I was rejected by my husband who doesn't have time for me anymore.

Lumabas na siya ng kwarto na hindi man lang humalik gaya nang dati. Napansin kong iniwan niya ang iba niyang gamit na karaniwan niyang dinala kapag may lakad siyang business related. Hindi ko tuloy mapigilang maghinala. Sinilip ko na lamang ang sasakyan niya mula sa bintana ng aming silid at nanatili roon hanggang sa hindi ko na matanaw ang kaniyang sasakyan.

LIMANG TAON... limang taon na 'kong kasal sa asawa kong si Finn pero hindi pa rin kami nabibiyayaan ng anak. We've been trying so hard in past few years pero wala talaga. We already went to different doctors na mga kakilala rin ni Finn to make our situation confidential dahil may reputasyon siyang pinangangalagaan kuno.

Wala naman daw problema sa aming mag-asawa ayon na rin sa kanila. Maraming nag-suggest na method for us to conceive with the help of science na noong una ay okay sa aming dalawa pero binawi rin niya kalaunan ang planong iyon dahil napakalaki raw ng magagastos at oras namin na masasayang kapag pinagtuunan namin ng panahon na totoo naman dahil napakaraming mga proseso at appointments sa doktor.

Sinabi niya sa akin na subukan na lang namin ulit sa natural na paraan at maghintay. We're both healthy pero ganoon siguro talaga may tamang panahon sa lahat ng bagay at dapat lang maghintay nang tamang panahon.

I understand his frustration, nag-iisa siyang anak and my in-laws are pressuring us to have a baby as soon as possible. Well, higit na pressure and Dad niya na may edad na rin kasi ngayon.

Ako rin naman, nag-iisang anak ako pero ni minsan ay hindi ako minamadali ng mga magulang ko pero nitong nakaraang buwan ay napansin ko ang pagbabago kay Finn. Kapag tinatanong ko siya kung may problema, sasabihin niya naman wala.

Akala ko okay kami, pero hindi pala.

Dahil ayaw niyang sabihin sa akin kung ano ang problema, I hired an agent to spy on him. I know it's too much pero kasi—hindi ako mapalagay na panay na lang siya iwas. He always make himself busy sa trabaho at halos hindi na kami nagkakausap o nagkakatabi sa pagtulog and last night, he came home. I tried to be sweet because I missed him a lot. I'm missing his smell, his touch, but he made an excuse na pagod siya. He didn't even kiss me to say good night.

I fell asleep with a heavy heart. That wasn't the first time he did that at mas lalo akong kinutuban na may nangyayari ngang hindi ko alam.

Nagising akong paalis na siya. Nakaligo na at amoy na amoy sa buong kwarto namin ang pabango niya na tila inubos na niya ang isang bote sa katawan niya nang umaga na 'yon. Mukhang ibang pabango rin ang ginamit niya. Hindi ang pabango na alam kong paborito niya at gusto ko dahil hindi matapang ang amoy at hindi masakit sa ilong.

Dumiretso na ako sa banyo para maligo at maghanda sa pagpunta sa opisina ngayong araw.

I'm working in the same company, his family's company to be exact. We're in the same fields, we're both civil engineers. Kaya we got along easily the first day we met ay dahil pareho kami halos ng mga interests, but it seems right now his interest already changed.

Pilit kong kinalimutan ang paghihinala ko, ngunit binabagabag naman ako at nang hindi ko na talaga matiis, I immediately called his secretary kahit na roon din naman ako pupunta ngayong araw para magtrabaho.

Hindi na makapaghihintay ang tanong ko, I just want to confirm something, but before that, kailangan ko mung suhulan ang sekretarya niya para makakuha ako ng impormasyon.

"Hello, Lucy! Good morning! Can you please order me a coffee? Order yourself too, my treat!" hingi ko ng pabor at panunuhol sa kaniya.

"Sure, ma'am!" masiglang sagot nito mula sa kabilang linya. Mabuti at hindi umangal at nagduda na siya ang inutusan ko kahit na may sarili naman akong sekretarya.

"Thank you! By the way, can you please check my husband's schedules today? He just came back home, I'm planning to prepare an early dinner for us both, but I'm not sure if it could be possible with his hectic schedules," pagsisinungaling ko.

"About that, ma'am—Sir Finn cancelled all his engagements today, so your plans could be possible," magalang na sagot ng sekretarya niya na mukhang na-excite sa naisip kong alibi.

"Oh my! That would be great then! Thanks, Lucy! Is he there?" Itinuloy ko lang pagpapanggap ko, but a grin was already forming on my lips right after hearing what my husband did that I don't think he did for me.

"Sir Finn didn't arrive yet, ma'am," mabilis niyang sagot at napaawang na lamang ang labi ko dahil hindi naman kalayuan ang company at hindi gaya sa Pilipinas ang traffic dito sa England kaya mabilis siyang makararating.

"Okay, Lucy. Thanks again!"

"No worries, ma'am," anito at doon ko na tinapos ang tawag.

I dialed another number, na agad sinagot ng may-ari ng numero.

"It seems my husband is somewhere today. I want you to follow him. He's alone and using the black BMW," utos ko.

"Right away, ma'am," sagot naman nito agad nang wala ng tanong-tanong.

Matapos ko siyang makausap ay sinipat ko ang oras sa cellphone na hawak ko at tinapos na ang paghahanda para sa pag-alis. I planned to go to the office pero nagdadalawang isip ako.

I took a seat muna sa single seater na upuan na nasa loob lang ng kwarto naming mag-asawa. Sitting there and staring blankly on the king size bed na ako mismo ang nag-ayos kanina. I'm slowly tapping one of my fingers on the armrest habang nanghihintay ng balita.

A few minutes passed. I heard the message tone of my phone at agad tiningnan kung kanino galing at kung ano ang laman.

"He's in a coffeshop with a lady right now," basa ko sa mensahe.

I sent a reply right away. Asking him to send me a picture of my husband and the person he was with at maya-maya lang ay natanggap ko na ang litrato. He sent me five pictures na iba't-iba ang ayos nila.

Mabilis niyang nahanap si Finn dahil sa tracking device na nilagay ko sa sasakyan niya. The agent gave me that device for future purposes at hindi ko akalain na ngayon na namin mapakikinabangan iyon.

I know who is with him. She's a so-called friend, ayokong bigyan ng malisya ang pagkikita nila pero—there's something off about them in those pictures.

I told him to follow them and update me about what they were doing. Nanatili akong nakaupo habang nag-iisip kung pupunta ba ako sa office o hindi na. The day felt frustrating even wala pa namang nangyayari.

A few more minutes passed. Naghintay ako ng update kung ano na ang nangyayari roon. Kinakain na ako ng kaba sa paglipas ng mga minuto. Kinukutuban at hindi na mapakali like my instinct was telling me there's something absurb going on already—at heto na nga. Another message came and those were also pictures.

I wasn't prepared to see any of those. My world was shaken in an instant as my knees trembled at nasusuka na hindi ko malaman.

Finn and Diane was too close, not just close. They were kissing at nasa parking area pa sila ng sikat na coffeeshop. Kung sinuman ang makakikita sa kanila, ang unang maiisip ay para silang magkasintahan na kay tagal na hindi nagkita sa mga itsura nila.

They were making out in public na walang katakot-takot at mukhang miss na miss ang isa't-isa! Nasaan na ang Finn na may reputasyon na pinangangalagaan kun at takot na masira? Sa mga itsura nila, para silang mga hayop na gutom at hindi na makapaghintay na magawa na maibsan ang nararamdaman na pangungulila sa isa't-isa at doon na lamang iraraos ang dapat iraos.

Finn and I never did that to me. Hindi sa naiinggit ako. Sadyang hindi lang ako pinalaki ng mga magulang ko na basta-basta na lang at kung saan-saan papatol na parang walang breeding.

Never in my entire life I would. Kahit pa sa asawa ko at sa taong mahal na mahal ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status