Share

Chapter 4: Her Plan After

"She's fine, there's nothing to worry about her. Just give her time to rest and she will feel better in no time." Ito ang mga huling narinig kong sinabi ng doktor sa mga nag-aalalang mga magulang ko habang nakahiga ako sa kama sa loob ng isang pribadong silid sa pinakamalapit na ospital mula sa restaurant kung saan doon sana kami maghahapunan.

Binasa niya ang mga resulta ng ilang ginawang test sa akin at wala naman siyang nakitang bagay na dapat naming ikabahala. Bukod sa medyo dehydrated lang ako at bumaba ang dugo. Just eat healthy lang daw at tamang pahinga. Sabi ni Mom sumunod si Finn pero pinaalis ni Dad sa galit niya rito. Agad naman daw sumunod at hindi na nag-eskandalo.

Mukhang natakot masapak ulit ng tatay ko. Tama lang din 'yon dahil ayaw kong makita ang nakasusuya niyang pagmumukha. 

Iniwan na kami ng doktor. I decided sa hotel na lang magpahinga and while Dad settling everything, sa lobby na lang namin naghintayin ni Mommy sa kaniya.

Maayos naman na ang pakiramdam ko. Hindi na 'ko nahihilo. Medyo nangangasim lang ng sikmura dahil hindi pa kami nakapaghapunan. Preoccupied pa rin ang isip ko, iyon bang parang punong-puno pero nalilito naman sa kung ano ang mga iyon. Kanina ko pa nga sinasala, ngunit ang hirap.

"Nga pala anak, tinanong ng doktor kung ano ba raw ang nangyari before kang nawalan ng malay." Nahinto ako sa pag-iisip nang magsalita si Mom. Medyo naalarma ako dahil maaring madagdagan ang problema kapag nakarating sa pamilya ni Finn ang kasiraan sa pangalan nila kapag sinabi ni Mom ang buong nangyari. 

"S-Sinabi n'yo po ba?" tanong ko na may halong kaba sa dibdib.

"S-Syempre hindi, sinabi ko na lang na we were having dinner nang bigla ka na lang mahimatay, na wala namang nangyari na makapagpapasama ng loob mo nang husto. Mukha namang naniwala," sagot niya sa akin at nakahinga ako agad nang maluwag nang marinig ko. 

Kitang-kita ko sa mga mata ni Mom ang lungkot na hindi niya maitago. I know she's hurting as well dahil sa nangyayari sa akin ngayon. Pati sila nadadamay at kailangan niya pang magsinungaling para lang hindi na mapalaki ang gulo sa pagitan namin ni Finn.

"Thanks, Mom!" Niyakap ko siya habang nakaupo kaming pareho sa isang mahabang bench.

I'm thankful na sila ang mga magulang ko. Even I grew up as a brat at bugnutin kapag hindi nakukuha ang mga gusto, hindi sila nagsawa na pangaralan at mahalin ako.

Hello! Wala na silang choice, ako lang ang anak nila. I love them both so much. Hindi ko lang maipakita madalas.

Tama ang ginawa ni Mom. Ayaw kong dumating kami sa point na biglang susugurin ng Dad ni Finn. Gan'yan nila kung pinahalagahan ang mga apelyido nila at halos buong England ay kilala sila ng mga tao lalo na ng mga nasa linya ng malalaking kompanya. Iyan ang isang ayaw ko sa kanila na huli ko na rin nadiskubre. Mag-asawa na kami ni Finn bago ko nalaman.  I found out they're so afraid to put dirt on their name pero sila itong walang takot kung gumawa ng ikasisira nila. Akala yata nila kaya nilang matapalan ng pera ang bunganga ng lahat, just like what they did to those people na sangkot.

I could do that as well. Hindi naman nalalayo ang yaman namin sa kanila. My Dad could use all his power to put their family down if I asked him to, but ayaw ko. I don't want to drag my parents to something I know will also cause something na hindi rin naman namin ikasisiya. Masuwerte sila dahil pinagana ng mga magulang ko utak nila. Mababait pa rin sa kanila despite of what their son did to me. Pero kanina, medyo nagulat ako nang sabihin ni Finn na pag-usapan muna raw namin ang lahat. What he meant was chance.

His reason is already a reason to end things between us. Napakababaw niya para magloko sa dahilan na hindi ko siya mabigyan ng anak. Let me rephrase that—hindi ko pa siya mabigyan ng anak. There are still chances that I could. I still don't understand why he cheated and used that as a reason. Nakaka-frustrate lang talaga nang sobra. Kung pwede ko lang iuntog ang ulo ko kanina sa ulo niya, ginagawa ko na. Nawalan kang ako ng malay bigla dahil sa bigat ng nararamdaman ko while hearing them quarrel in front of me.

Ano 'yon? Nainip lang kaya naghanap ng iba na may kakayahan sa mabilisang paraan? It's just so stupid!

Biglang pumintig ang magkabilang sentido ko sa pag-iisip. Kaya naman bago ako ulit mahimatay ay inunahan ko ng pakalmahin ang sarili ko. Baka mamaya e matuluyan akong dito sa ospital matulog.

Dumating na si Dad at bumalik na kami sa hotel. Pare-pareho kaming gutom dahil hindi pa kami nakapag-dinner. The fastest way para makakain ay mag-order ng late snack sa mismong restaurant ng hotel ang good thing they have a bunch of snacks and sandwiches to choose from.

Magkakasama ulit kaming natulog sa iisang kama ng mga magulang ko. Tulog na sina Mom and Dad, pero ako hindi pa. Punong-puno ang utak ko ng kung ano-anong mga bagay. Palalim na nang palalim ang gabi pero mulat pa rin ako. Thinking of plans to do after ma-approved ng korte ang diborsyo kaso paano ako kikilos kung wala pang pirma mula sa lalaking ‘yon?

I thought of a few, but what made me feel excited was the idea to go back to the Philippines at doon na lamang mag-umpisa. 

I have friends there. The Martincu's siblings. Si ate Lea, at ang kambal na sina Felix at Felip–-mali pala, si Felicity na pala siya ngayon.  An old memory suddenly flashed into my mind, during those times a madalas siya sa bahay noong mga bata pa kami para makipaglaro ng barbie at magbihis babae wearing my clothes and sometimes, we do make-up together.

Istrikto kasi ang Dad nila at hindi niya masabi na he's a gay in a young age. Actually, ako ang unang nakaalam. That became our secrets for a very long time before I convinced him to tell his parents noong high school na kami and as we expected, hindi tanggap ng Dad nila. He became the black sheep of their family and noong college na kami, naglayas ang bakla at kung anong mayroon siya ngayon, pinaghirapan niya lahat and I'm so proud of him.

He's a well-known matchmaker na ng Pilipinas. The first ever matchmaker agency ng Pilipinas ay siya ang may-ari. Not a big agency, but he's earning big enough. Ikaw ba naman ang maging takbuhan ng mayayaman? For sure malaki ang bayad.

Well, Felicity is the kind of sister na mapapangiti ka at magiging partner mo sa lahat ng kalokohan. Among the three Marticu's children, siya ang pinakamalapit sa akin. We stayed in contact pero recently naging busy na halos kami pare-pareho. Ate Lea has her own family na. She just gave birth sa pangalawang anak nila ng asawa niya. Naiinggit nga ako, nakadalawa na kasi siyang anak at ako wala pa— and last among the Marticu's, si Felix, this nerdy and aloof twin brother ni Felicity na mahirap basahin ang nasa utak. 

They are identical twins and mahirap malaman kung sino si Felix at kung sino si Felipe, but for me may paraan ako. Kailangan lang hintayin kung kaninong kamay ang pipilantik at iyon si Felipe at kapag may tumaas ang kilay at biglang nag-walkout, iyon si Felix.

Back to Felix—actually, he's  a type of guy na habulin ng chicks. Snob nga lang at sa pag-aaral naka-focus nang sobra noonpaman. Bilang siya kasi ang nag-iisang lalaki sa mga anak dahil half lang ang isa, sa kaniya umaasa ang Dad nila pagdating sa pagma-manage ng Engineering firm nila. Balita ko nga, he's still single and 36 na ako ngayon, at isang taon ang itinanda nila sa akin magkakambal.

Sometimes it made me wonder na baka may hinihintay siya. Who knows, when we were kids, people around us teased us as childhood sweethearts. Bagay raw kasi kami. Isang gwapo at isang maganda. Thinking about those old times puts a smile on my face. Para akong tanga na napapangiti mag-isa. Kahit napaka-stressful ng araw ko at ng mga araw na nagdaan, I found a reason to smile. 

Ganoon naman dapat. We need to find light even though darkness surrounds us.

I fell asleep after reminiscing about things back in the Philippines and I put it on the top list of the plans I will do once I’m done with him. . I deserve to be happy just like the old times. Babalikan ko muna ang mga makukulit kong mga kaibigan doon. They are my second family noonpaman at for sure sa pagbalik ko ay magiging masaya lang kami. Wala na itong mga problema at makapagsisimula ako nang masaya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status