Share

Chapter 5: Try Harder, Finn.

DALAWANG ARAW NA ANG LUMIPAS, wala pa ring balita kung pinirmahan na ni Finn ang divorce papers namin. The court is asking that as requirement and my lawyer told me na mukhang iniipit kami dahil hindi naman na kailangan may pirma ng both parties, pero mas mapabibilis sana kung ganoon na lang ang mangyayari at approval na lang sa korte, pero ano ito? Ayaw nilang padaliin. 

Gusto ko na sanang maniwala na he really want me to give him a chance pero I don't feel it's real. My iba namang paraan according to my lawyer and we will use the very reason kung bakit gusto kong makipaghiwalay sa kaniya and that's infidelity.

May natatanggap akong mensahe sa loob ng dalawang araw na 'yon, that Diane been visiting Finn sa office niya. I couldn't believe na ganoon kakapal ang mukha ng dalawa. Ang tatapang nila na ipakita sa marami na mayroong namamagitan sa kanila. Hindi niya iyon magawa nang naroon pa 'ko.

Some employees na close sa akin are asking kung nasaan na raw ba ako at kung babalik pa ba ako. I took those chances para alamin ang balita sa kompanya and to my surprise, bali-balita na roon ang pakikipaghiwalay ko sa aking asawa.

Nakakainis at nakakukulo ng dugo pero wala na akong magagawa,  I'm just waiting for him to sign the paper and aalis na talaga ako. I will never go back in here at ayaw ko ng makita ang pagmumukha niya–nila ni Diane.

Yesterday, someone texted me na mukhang nag-away raw si Finn at Dad niya sa loob ng opisina and on that same day, ilang tawag mula kay Finn ang natanggap ko pero ni isa ay hindi ko sinagot. Nang mainis ako ay binlock ko ang numero. Imposibleng may kailangan siyang related sa trabaho. Hindi na ako pumasok sa opisina para hindi siya makita. Hindi naman na ako kakailanganin doon dahil nasa table naman ang mga files na kailangan nila at na-email ko na kay Lucy ang lahat ng mga tinatrabaho ko. 

Same day, yesterday, we were having lunch sa labas nang nakatanggap ako ng tawag galing kay Lucy. Naisip kong sagutin sa harapan ng mga magulang ko sa pag-aakalang baka may kailangan siyang importante. Thinking na baka may hinahanap na files at hindi niya makita mula roon sa mga pinadala kong emails.

"Hello, Lu-" 

"Did you block me?" Naputol ang pagbati ko nang biglang may magsalitang lalaki mula sa kabilang linya. Kahit hindi na magpakilala, kilala ko na kung sino. Akmang papatayin ko na sana ang tawag, ngunit bigla siya ulit nagsalita. "Don't end the call, Elyana!" anito na tila galit na galit sa ginawa kong pag-block sa numero niya. 

Prang pinipiga ang puso ko nang marinig ko ang boses niya, ngunit hindi dahil na-mi-miss ko siya. Ginising niya lang ang sakit ng ginawa niya sa akin at sa pagsira ng kasal namin. Gusto ko rin siyang saktan sa inis at bigat ng nararamdaman ko. Siya pa ang may lakas-loob na pagtaasan ako ng boses gayong siya itong may malaking atraso sa akin.

Pinilit ko na lamang na maging matigas at huwag maiyak. Masyado na 'kong maraming iniluha para sa kaniya nang nagdaang araw para magsayang muli ng luha. Isa pa, nasa public place ako at baka may makakilala sa akin dito.

I took a deep breathe. Sinubukang pakalmahin ang aking sarili. Napabaling sa akin ang mga magulang ko dahil sa ginawa kong paghinga nang malalim. Nagtatanong ang kanilang mga mata ngunit nang magsalita na ako ay nasagot naman na ang mga tanong nila.

"There's nothing we need to talk about, Finn. Sign the paper and you're free to do all you want. I know those papers won't matter that much to you," usal ko at tiniyak na walang ibang nakarinig dahil nasa bandang sulok kami ng restaurant nakapwesto at may isang table na bakante mula sa table na may mga tao.

"I know you know the reason why we need to talk about this, right? You know the law England has when it comes to divorce." Bigla akong napangisi sa sinabi sa kabilang linya.

Oo nga pala, paghahatian namin ang lahat ng assets naming pinagsama kapag naghiwalay kami. Malulugi siya kapag nagkataon. If my assets are worth billions of dollars, his is more than that. 

"Have you ever thought of that before you started sleeping with her?" Sa inis ko ay natanong ko sa kaniya ito. Ang mga magulang ko ay tahimik lang na nakatingin sa akin. Mukhang tinitignan nila if I could handle may soon-to-be-ex husband.

"Listen! This is not the right time and place to talk about these things. I will return Lucy's phone, just agree and let's meet somewhere. Give the time and place—" aniya na hindi ko na pinatapos.

"I don't want to see you, wherever this will take us, be it. You deserve it, Finn," usal ko at hindi na nagdalawang isip na pindutin ang end sa screen.

Akala mo kung sino mag-utos. Sa tingin niya ba kailangan ko ng perang maari kong makuha sa kaniya? I don't need money! Gusto kong makalayo sa kaniya, makalaya!

Kung pwede ko lang isigaw sa loob ng restaurant ang mga nasa isip ko ay ginawa ko na pero hindi ito ang lugar dahil maraming mata ang ama niya sa paligid.

Matapos iyon ay muling nag-ring ang cellphone ko. Nakita kong kay Lucy ulit ang nakarehistrong numero. Alam ko naman nang si Finn iyon kaya naman hindi ko na sinagot ulit at iniwan ang cellphone sa loob ng bag na naka-silent mode.

Magdusa  siya, kahit anong gawin niyang pangungulit, my decision is final. 

After kong hindi sagutin ang pangalawang tawag na ‘yon,  I saw how proud my parents are while looking at me. Halos mangiyak-ngiyak pa nga ang Mommy ko. 

“Why does it seem you're about to cry, Mom?” tanong ko sa kaniya na medyo natatawa pa dahil sa itsura ng aking ina at sa paraan niya kung paano ako tignan.

I just want to lighten the mood. Nakaka-stress kasi at alam kong pati sila ay ganoon din ang nararamdaman.

“I-I’m just so happy you’re so brave, anak,” sagot niya sa akin at pumatak na ang mga luha na kanina'y nagbabadya pa lamang. Pati tuloy ako nahahawa na rin sa kaniyang ka-drama-han.

Happy lang ako na proud sila sa akin, hindi dahil iniiyakan ko na naman ang Finn na ‘yon.

Habang umiiyak si Mom ay hinahagod naman ni Dad ang likod nito at maya-maya ay dinagdagan ang sinabi ng ina ko. “I’m also glad that you have so much courage to leave that man after what you saw, just by that you already made us proud. You didn't do anything absurd that will make things harder not only for you, but for us, your parents. You're indeed smart, Elyana," aniya nang may ngiti sa kaniyang mga labi. 

Hindi naman totoo na wala akong ginawa. Hindi nga malala na ikakukulong ko pero tiyak naman ang kahihiyan nila pareho kung sakaling may taong nagawi sa parehong lugar. Wala pa naman ding mga damit doon sa resthouse. I'm not sure kung may roba o tuwalya pa ba roon. Maswerte sila kung mayroon. 

Nagpatuloy na kami sa pagkain matapos ng eksenang iyon. Bumalik na rin sa hotel pagkatapos maglakad-lakad sandali sa isang parke. I have an appointment with my lawyer at pupunta ako sa kaniyang opisina. I decided to go alone para makapagpahinga naman ang mga magulang ko.

Mula sa hotel room ay sumakay ako ng elevator pababa sa lobby. It was empty kaya sa gitna mismo ako tumayo. I pressed the L and waited for the doors to close. I saw my reflection nang tuluyan na itong nagsara at sinipat ko ang aking kabuuan mula roon para matiyak kung mukha na akong presentable. 

Nanatili akong nakatingin sa sarili kong repleksyon while fixing my clothes a little. Medyo tumabingi ang mangas kaya inayos ko muna bago pa may makakita sa akin.

"Better," sambit ko nang matapos at pinilit ang isang ngiti. 

Lumalaki na ang eyebags ko at kung hindi ako naglagay ng lipstick ay kitang-kita sana kung gaano kaputla iyon. Napabuntong-hininga na lamang ako. Sana'y maayos na lahat. Saktong ito ang nasa isip ko nang bumukas ang pinto ng elevator. Halos malaglag ang panga ko nang makita kung sino ang lalaking nakatayo mismo sa harapan ko. He'll be the very last person na hihilingin kong makitang muli. 

Kung ako nagulat, siya naman ay mistulang nanlilisik ang mga mata. Binigyan niya ako ng masamang tingin dahilan para mapaatras ako papasok sa elevator. 

"H-How did you find me?" nautal kong tanong nang mahimasmasan mula sa pagkagulat dahil nantunton niya kung saang hotel ako naroroon.

"That's not important. Let's talk!" galit niyang sagot at utos sa akin. Tinangka niya pang hablutin ang braso ko ngunit mas mabilis ako at nakalayo ako agad.

Mabilis akong lumabas sa elevator at iniwan siya sa loob. Mabilis naman siyang humabol at hinarang ang daraanan ko. Mukhang walang pakialam kahit may makakita man sa kaniya na kausapin ako at pagtaasan ng boses gaya kanina.

"I already said no, Finn. Leave and give me the paper signed as soon as possible, and don't try to make a scene here. I won't think twice to call the security," untag ko't pagbabanta na mukhang hindi naman epektibo.

"Do you think I'm scared to be dragged by them? I could even call the owner and tell him to kick his security right now if I want to," anito nang may pagmamayabang. 

Muntik ko na halos makalimutan na halos mga tuta ng ama niya ang ilang mga negosyante rito sa England at parang gusto niyang sabihin sa akin na he also has that kind of power over these businessmen.

"But your father doesn't have control with cops?" Nag-iba ang ekspresyon sa kaniyang mukha nang banggitin ko 'yon. A sarcastic question and it seems his silence means yes. "Am I right?" mapang-asar kong tanong.

"For what reason, harassment?" taas kilay niyang tanong sa akin na may mala-demonyong ngisi sa kaniyang labi.

"More than that if you'll try to lay your filthy hands on me. You don't know what a brat like me could do, Finn. So, get out of my way and stop showing around and calling me. I don't need your money, just sign the paper and send it back to my lawyer's office. Once the process is done, I will only take what's mine." Nakita ko mismo kung paano siya natigilan nang seryoso kong sabihin ang mga ito sa kaniya.

Hindi ko alam kung nagulat ba siya na kaya kong maging matapang sa sitwasyon naming dalawa. Maging ako rin naman ay nagulat. Hindi ako ng breakdown sa harapan niya. Dahil hindi na siya umangal, iniwan ko na siya. Hindi naman na ito humabol ngunit hati ang naramdaman ko matapos dahil hindi niya ginawa. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status