Share

Chapter 9: Disappointment

"Magsikain na nga muna kayo. Mamaya na ang kwentuhan," awat ni tita sa amin ni ate Lea dahil pinauulanan niya ako ng mga tanong.

Mula kasi nang naupo kami ay hindi pa kami nakasisimula sa pagkain. Ako naman, panay din ang sagot sa lahat ng mga gusto niyang malaman tungkol sa akin sa nakalipas na mahigit limang taon. Iba rin iyong kaharap mo na sila kahit na may chat and calls naman kapag may importanteng okasyon. Limited lang din kasi ang oras kaya naman hindi mo ko nagagawang ikwento sa kaniya ang buonh detalye.

"Si Mama talaga killjoy," ani ate habang nakabusangot. Nabitin sa pakikipagchikahan sa akin.

"Alam mo, kung ikaw lang sana ang magugutom ay hahayaan kitang magdadal maghapon. Kawawa ang apo ko na walang madededeng gatas mamaya kapag nagising at nagutom," sermon ni tita sa anak niyang—ano bang tawag sa mga tsimosa ngayon? A! Marites nga pala.

Dahil sa sinabi ni Tita ay nanahimik na lang din ako. Mamaya na lamang namin ipagpapatuloy pagkatapos kumain. Kapapanganak lang kasi n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status