Share

Special Chapter #1

Sabado nang umaga, maagang nagising si Felipe matapos ang isang matamis na gabi na pinagsaluhan nilang muli ni Elyana. Unti-unti na niyang nagagamit ang mga turo ng pilyong si Florentin. Napakaraming alam ng dating playboy na kanilang kaibigan.

Hindi na niya ginising si Elyana at hindi niya rin sinabi rito ang kaniyang plano para sa araw na iyon. Alas nuebe na nang magising si Elyana. Nagising sa nakasisilaw na liwanag mula sa bintana.

Una niyang hinanap sa kaniyang pagmulat ay si Felipe ngunit wala na ito sa kaniyang tabi. Bumangon na siya sa pag-aakala na baka nauna na sa baba, ngunit matapos niyang makapaligo at makapagbihis ay wala siya nakitang Felipe sa paligid. Wala rin sa nursery nang silipin niya ang kaniyang anak na gising na at pinaliliguan ng kaniyang yaya at ni Daldalita.

Tumuloy na siya sa kusina kung nasaan ang ibang mga kasambahay upang tanungin sila dahil walang alam ang dalawa na nag-aasikaso sa bata.

“Wala bang nasabi sa inyo si Felipe kung saan siya pupunta?” tanong
Wysteriashin

Sorry po at natagalan. Mayroon lang po ang tinapos na ibang trabaho nitong mga nagdaang mga araw. Hindi na po ako mangangako kung anong araw ko po ma-po-post ang kasunod pero asahan po ninyo na may isa pang special chapter bago ko po isara ang librong 'to. Maraming salamat po sa suporta, sa paghihintay, pagbabasa, sa paggamit ng coins sa pag-unlock at sa mga nagbigay po ng gems and comments. God bless po sa inyong lahat! Ingat po lagi.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status