Mas lalong sumidhi ang pagnanais kong pasundan ang asawa ko nang magbigay ng update ang private investigador. Gusto kong alamin kung saan sila pupunta pagkatapos nilang naglampungan sa parking area, nang sa ganoon ay ako mismo ang bubulaga sa kanilang dalawa dahil nais kong ako mismo ang makakikita ng mga gulat at takot sa kanilang parehong mukha.
Maraming mawawala kay Finn. Hindi ko basta-basta na lamang palalagpasin ito.
"Don't lose sight of them. Follow them wherever they go," nanggagalaiti kong utos sa imbestigador.
I will pay him threefolds basta sundan lang niya ang asawa ko at ang babaeng 'yon. Walang halaga ang pera kung ganito rin naman ako lokohin ng asawa ko.
Matapos kong ibigay ang utos, lumabas na 'ko ng kwarto at sa pagbaba ng magarang hagdan ay mabilis akong sinalubong ng isang maid upang sabihin na handa na ang almusal.
"I'm not going to eat, thank you," wika ko na lamang sa kaniya na hindi maitago ang aking pagkairita nang umagang iyon dahilan para mapaatras siya.
Dumiretso na 'ko sa labas ng bahay at mabilis na nilapitan ng driver ko upang pagbuksan ng sasakyan. Lagi niyang maagang ipinaparada roon ang sasakyan upang hindi na ako paghintayin kapag kinukuha niya sa garahe na may kalayuan sa malaking bahay ng walang-hiya kong asawa.
Sa pagsulpot niya ay bigla akong natauhan. Naalala kong hindi nga pala ako makakapagmanehong mag-isa. Wala akong lisensya dahil nawala at nag-agree ako kay Finn noon na kumuha ng lamang ng driver pero duda ako sa driver na 'to noonpaman. Mukhang nag-re-report kasi kay Finn lagi kung nasaan akong nagpupunta at ngayon na may plano akong puntahan kung nasaan siya ay hindi ko kailangan ng driver niya.
Pagpasok ko sa sasakyan ay nagkunwari akong may nakalimutan. Nang sumakay na siya sa driver's seat ay inutusan ko siyang kunin ang cellphone ko sa kwarto kahit na nasa bag nang dala-dala ko. Pagbaba niya ay mabilis akong lumipat sa driver's seat mula sa likod at minaneho ang sasakyan paalis.
Nagawa ko siyang takasan. Isumbong man niya ako sa amo niya na tinakasan ko siya ay hindi naman niya alam kung saan ako pupunta.
Nasa highway na 'ko nang magpadala ulit ng mensahe ang private investigator. Paalis na raw sina Finn at Diane sa coffeeshop. Binigay niya rin kung saang kalsada ang tinatahak nila kada ilang minuto at habang nagmamaneho ako at binabasa ko isa-isa ang mensahe upang maging gabay kung saan ako pupunta.
Sa ruta nila ay nakuha ko kung saan sila paparoon.
"Mali ka ng niloko, Finn. I'm a Filipina, may dugo ni Gregoria Silang at Andres Bonifacio," usal ko sa hangin habang nagtatagis ang panga sa galit sa kaniya.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela at diniinan ang accelerate. Halos paliparin ko na ang sasakyan, ngunit dahil wala akong lisensiya, binagalan ko ulit nang nasa lugar na ko kung saan may speed meter na nasa gilid lang ng kalsada mismo.
Muling nagpadala ng mensahe ang contact ko at tama nga ako kung saan sila papunta, sa resthouse na pagmamay-ari ko pa.
Oo, akin dahil sa akin nakapangalan. Ako rin ang nag-design ng bahay roon. Regalo ni Finn sa akin ang lugar na iyon on our first wedding anniversary at tila iyon ang ginagawa nilang hideout dalawa.
"Mga walang hiya!" malakas kong sigaw sa loob ng sasakyan. "Mga baboy! Sa mismong resthouse ko pa!" sunod kong sigaw at nang makalayo sa lugar na may speed meter ay binilisan kong muli ang takbo.
I slowed down nang malapit na ko para hindi marinig ang makina ng sasakyan. I saw a car on the side of the road at dumungaw ang imbestigador sa bintana. Huminto ako at hindi pa ako nakapagtatanong ay sinabi na niya ang sagot sa akin.
Naroon daw ang dalawa sa loob.
Nag-park ako di kalayuan sa resthouse at naglakad na mula roon dala lang ang cellphone ko at lakas ng loob. Naroon nga ang BMW ni Finn na isa sa mga paborito niyang gamitin nitong nakaraan dahil sa tinted nang husto ang mga salamin at with purpose dahil hindi makikita ang loob at hindi malalaman kung may kasama siya.
Kaya naman pala paborito, ayaw malaman na may ibang isinakasay sa loob. Matalino ngang tunay ang asawa ko.
Naglakad na ko diretso sa bahay. Ang mga siraulo, iniwang bukas ang pinto.
Pumasok na 'ko at nakarinig ng kalabog from up stairs. Sinundan ko ang ingay na may kasamang mahinang halinghing ng mga walanghiya. Ang bigat ng mga paa ko na tila ayaw akong paakyatin sa taas, ngunit pinilit kong humakbang. Kung bukas ang front door sa ibaba, mas bukas na bukas ang pinto sa kwarto kung saan galing ang mga halinghing at kalabog ng dingding sa sahid at dingding na animo'y may wrestling.
Kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko sa gigil sa dalawa. Gusto kong umiyak, ngunit ayaw kong ipakitang ako'y mahina sa harapan nila.
Tama nga, may wrestling na mga pusa.
"WHAT IS THE MEANING OF THIS, FINN?" malakas kong tanong nang makapasok sa loob at makita silang dalawa na magkapatong.
Sinadya kong sumigaw nang pagkalakas-lakas upang hayaan ang galit na mabawasan sa ganoong paraan. Naudlot ang kanilang pagroromansa sa pagdating ko. Napabalikwas ng bangon ang asawa ko na nasa ibabaw ni Diane at napalayo rito.
"W-What are you doing here, Elyana?" tanong ng walang-hiya. Mabilis na hinila ang kumot upang maitago ang hubad nilang mga katawan.
"This is my house! Am I not allowed to come here whenever I want? If there's anyone not allowed in here, that's her!" Turo ko sa h*******k na si Diane. "What are you two doing here, huh?! For how long you've been cheating on me? A month? A year? Years? TELL ME!" Hindi ko na napigilan. Sumabog na ako sa kanilang harapan. Ang mga luha ko ay nag-uunahan na sa pagdaloy.
Hindi makasagot si Finn sa mga tanong ko. Halata sa mukha niya na hindi niya inasahan ang pagdating ko at dahil mukhang wala siyang balak sumagot, mabilis kong dinampot ang mga saplot nilang nasa paanan ko isa-isa.
"W-What are you doing?" tanong niya nang makita ang ginagawa ko. Ako naman ang hindi sumagot sa pagkakataong 'yon.
Nililinis ko lang ang kalat.
Mabilis akong humakbang palapit sa binata at inihagis ang mga damit nila pareho sa labas. Ilog ang naroon sa parteng 'yon at sa tubig ang bagsak ng mga damit nilang dalawa.
Akmang lalapit sana si Finn sa akin. Walang pakialam kung nakikita ang kahubdan niya at ang sandata niyang akala ko'y ako lang ang nagmamay-ari. Nakita ko ang isang kopita sa ibabaw ng dresser kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha. Mabilis kong dinampot iyon at inihampas sa dresser at initutok sa kaniya mismo.
"Don't go near me, Finn! I won't think twice to pin this glass on your freaking skin!" Banta ko sa kaniya at agad naman siyang natinag.
Pinanatili kong natutok sa kan'ya ang basag na baso at naglakad na ko patungo sa pinto. Umiiyak pa rin at hindi makapaniwala sa nalaman ko nang araw na 'yon at bago ako tuluyang lumabas ay binigyan ko muna ng isang sulyap si Diane.
"Slut—," sambit ko nang mahina, ngunit tiyak na sapat upang kan'yang marinig.
Nilisan ko na ang lugar. Hindi na muling nilingon ang resthouse na kailanman ay hindi ko na nanaising puntahan. I went straight home na halos wala sa sarili. Mabuti na lang at nagawa ko pang makauwi ng ligtas at buo ang sasakyang minaneho at hindi nababangga.
Nasalubong ko pa ang driver at pilit akong kinausap, ngunit hindi ko siya pinansin. Tiyak na lagot siya sa manlolokong iyon 'pag uwi niya at bago pa kami magkaabutan, umalis din ako matapos kong kunin lahat ng mga importante kong mga gamit at ilang pirasong damit.
Sa hotel na 'ko na check in. I paid cash nang sa ganoon hindi niya malaman kung nasaan ako. Tiyak na gagawin niyang ma-trace kung credit cards ang gagamitin ko.
Nang parehong araw, I called my lawyer to help me in filing a divorce paper as soon as possible. I sent him copy of evidences to prove that my husband is cheating on me. The agent sent more pictures sa resthouse na kinuha niya nang nakaalis na 'ko. I paid him more than enough for him to live a life nang ilang buwan saan niya gusto.
Sa araw rin na 'yon, I called my parents the news. Pareho silang nagalit kay Finn at sa buong phone call na 'yon ay umiiyak ako.
My parents instantly flew from Turkey to England just to be with me. Madaling araw sila dumating at sa isang VIP room kung saan ako nag-check in sama-sama kaming natulog tatlo.
I felt I was there little girl again on the moment. Hinayaan lang nila akong umiyak nang umiyak. Sinasabayan ng mommy ko ang pag-iyak ko, while dad stay quiet, but deep into his eyes, I know how much he was hurting for me.
I felt I was in a safe haven after I fell asleep on my mom's lap. Nasa gitna ako ng malaking kama sa VIP room ng isang five star hotel where I checked in matapos kong umalis sa bahay ng asawa kong walanghiya.My parents on both sides of the bed when I fell asleep, but Dad wasn't there when I woke up and I was hugging a pillow and Mom just came out from the bathroom. Umalis daw si Dad sabi niya at hindi alam ni Mom kung saan nagpunta. May breakfast na nang magising ako at kahit walang ganang kumain ay napakain ako dahil mayroong dragon na nagbabantay at handang suminghal sa akin kapag hindi ko siya sinunod.Mabuti sana kung nandito si Dad, hahayaan niya lang ako at kakampihan, but my Mom is like a monster when she's mad kaya iniiwasan kong magalit siya. She's not my mortal enemy, hindi ko rin best friend. Nanay ko pa rin kaya mahal ko at sadyang ganoon lang talaga si Mom mag-show ng care and love niya. Unlike my Dad na showy and sweet sa lahat ng oras.Habang kumain kami ay panay ang k
"She's fine, there's nothing to worry about her. Just give her time to rest and she will feel better in no time." Ito ang mga huling narinig kong sinabi ng doktor sa mga nag-aalalang mga magulang ko habang nakahiga ako sa kama sa loob ng isang pribadong silid sa pinakamalapit na ospital mula sa restaurant kung saan doon sana kami maghahapunan.Binasa niya ang mga resulta ng ilang ginawang test sa akin at wala naman siyang nakitang bagay na dapat naming ikabahala. Bukod sa medyo dehydrated lang ako at bumaba ang dugo. Just eat healthy lang daw at tamang pahinga. Sabi ni Mom sumunod si Finn pero pinaalis ni Dad sa galit niya rito. Agad naman daw sumunod at hindi na nag-eskandalo.Mukhang natakot masapak ulit ng tatay ko. Tama lang din 'yon dahil ayaw kong makita ang nakasusuya niyang pagmumukha. Iniwan na kami ng doktor. I decided sa hotel na lang magpahinga and while Dad settling everything, sa lobby na lang namin naghintayin ni Mommy sa kaniya.Maayos naman na ang pakiramdam ko. Hind
DALAWANG ARAW NA ANG LUMIPAS, wala pa ring balita kung pinirmahan na ni Finn ang divorce papers namin. The court is asking that as requirement and my lawyer told me na mukhang iniipit kami dahil hindi naman na kailangan may pirma ng both parties, pero mas mapabibilis sana kung ganoon na lang ang mangyayari at approval na lang sa korte, pero ano ito? Ayaw nilang padaliin. Gusto ko na sanang maniwala na he really want me to give him a chance pero I don't feel it's real. My iba namang paraan according to my lawyer and we will use the very reason kung bakit gusto kong makipaghiwalay sa kaniya and that's infidelity.May natatanggap akong mensahe sa loob ng dalawang araw na 'yon, that Diane been visiting Finn sa office niya. I couldn't believe na ganoon kakapal ang mukha ng dalawa. Ang tatapang nila na ipakita sa marami na mayroong namamagitan sa kanila. Hindi niya iyon magawa nang naroon pa 'ko.Some employees na close sa akin are asking kung nasaan na raw ba ako at kung babalik pa ba ako
IT WAS THE MOST TIRING and longest week of my life. Hindi pa rin ako tinantanan ni Finn kahit na nagkaharap na kami. Hindi ako baliw para kalimutan na lang ng ginawa niya sa akin. Hindi ako gaya ng kawawang Mommy niya na ilang ulit nang niloko pero hindi pa rin hiniwalayan ang asawa. Finn doesn't deserve a second chance and I don't feel his sincerity whenever he tries to ask for forgiveness. Tiyak akong ang Daddy niya lang ang nag-uudyok sa kaniyang makipag-ayos sa akin for the sake of their reputation at sa assets na pwedeng mawala sa kanila.That manipulative man is thinking he could use me as one of his puppets. Kita naman sa anak niyang hindi makatanggi sa utos niya na kahit nag-asawa na ay pinakikialam niya pa ang desisyon nito kaya kapag opisyal na kaming hiwalay ni Finn ay matutuwa akong he's no longer my in-law. Mabuti sana kung bago pa lamang ang relasyon nila ni Diane, baka mapatawad ko pa siya at iurong ko ang diborsyo, pero hello—isa't kalahating taon na nila akong nilo
Umuwi na sa Turkey ang lawyer na tumulong sa akin. He doesn't know how grateful I am with his help. Si Dad na raw bahala sa bayad sa kaniya. Lihim akong natuwa dahil nakalibre ako. Hindi, biro lang. Ang totoo ay nahihiya akong magdagdag sa bayad sa kaniya dahil hindi ko siya gaanong kilala kaya mabuti na rin na sila na lang ni Dad ang mag-usap dalawa. After getting the divorce papers, sunod kong ginawa ay umpisahan ang pagbebenta ng assets ko, including those na nakuha ko galing kay Finn. Lumipat din ako ng hotel and made sure na hindi niya na ako masusundan. Wala na rin naman siyang dahilan para hanapin at puntahan ako dahil tapos na at naresolba na ang lahat sa pagitan namin, at oo, I received a huge amount for him after combining both of our assets. Malaking panghihinayang sa side niya dahil malaki ang nawala sa kaniya gaya nang sabi ko noong una.Ang pinakauna kong ibinenta ang resthouse, huwag niyo na akong tanungin sa dahilan. Kung hindi lang ako nasasayangan ay baka pina-bull
Napakainit na umaga ang gumising sa akin kinabukasan. Sadya pa akong nagulat sa bagong atmospera't panahon. Akala ko tuloy panaginip lang iyong masarap kong hapunan kagabi. Napakarami nga ang kain ko, I even forgot the proper table etiquette dahil nagkamay na akong kumain ng naglalakihang mga oysters ang lobsters. I don't know why, pero may kakaibang lasa talaga ang pagkaing Pinoy. Kahit ang mga seafoods kaya naka-mi-miss ang lasa. Daig ko pa tuloy iyong hindi kumain ng ilang araw. Sana lang hindi ipagkalat ng mga newly hired kasambahay ni Mom ang nangyari kagabi dahil nakakahiya.Kaya pala mainit na, 10:00 am na nang magising ako. Hindi ko binuksan ang aircon nang matulog ako kaninang madaling araw kaya mainit sa loob ng kwarto. Tagaktak tuloy ang pawis sa buo kong katawan. Gising na ko, ngunit parang tulog pa ang diwa. Nanatili nakahiga kahit pawisan na, ngunit nang maalala ay napabalikwas ako ng bangon bigla.Muntik ko nang makalimutan ang plano kong puntahan at nang maalala ko ay
"Magsikain na nga muna kayo. Mamaya na ang kwentuhan," awat ni tita sa amin ni ate Lea dahil pinauulanan niya ako ng mga tanong. Mula kasi nang naupo kami ay hindi pa kami nakasisimula sa pagkain. Ako naman, panay din ang sagot sa lahat ng mga gusto niyang malaman tungkol sa akin sa nakalipas na mahigit limang taon. Iba rin iyong kaharap mo na sila kahit na may chat and calls naman kapag may importanteng okasyon. Limited lang din kasi ang oras kaya naman hindi mo ko nagagawang ikwento sa kaniya ang buonh detalye. "Si Mama talaga killjoy," ani ate habang nakabusangot. Nabitin sa pakikipagchikahan sa akin."Alam mo, kung ikaw lang sana ang magugutom ay hahayaan kitang magdadal maghapon. Kawawa ang apo ko na walang madededeng gatas mamaya kapag nagising at nagutom," sermon ni tita sa anak niyang—ano bang tawag sa mga tsimosa ngayon? A! Marites nga pala.Dahil sa sinabi ni Tita ay nanahimik na lang din ako. Mamaya na lamang namin ipagpapatuloy pagkatapos kumain. Kapapanganak lang kasi n
"So, kumusta ka naman, Felix?" pagbasag ko ng katahimikan matapos ang ilang minutong nagdaan na tila ba wala akong kasama sa loob ng sasakyan. "I'm good," matabang nitong sagot habang nakatingin sa daan na para bang walang ganang makipag-usap sa akin, ngunit hindi ko 'yon pinansin dahil may mga bagay na gusto kong malaman mula sa kaniya ngayon din."And why you seemed you're not good at all? Stressful ba ang paghawak ng isang kompanya?" tanong ko para bumuwelo sa mga susunod pang mga katanungan."Well, yeah. Stressful minsan kapag maraming paper works pero dahil kapalit naman noon ay maganda, ayos lang ma-stress," sagot niya. Ganoon pa rin ang tono ng pananalita, parang tinatamad makipag-usap at nakatingin lang sa tinatahak naming daan."And how's your love life? Single ka pa rin until now?" Ang totoo ay ito talaga ang gusto kong malaman kanina pa. Gusto kong ikumpira ang sinabi ni ate Lea tungkol sa babaeng nakatira ngayon sa isang isla.I heard so much from ate Lea to start wonderi