Share

Chapter 3: His Unreasonable Reason

I felt I was in a safe haven after I fell asleep on my mom's lap. Nasa gitna ako ng malaking kama sa VIP room ng isang five star hotel where I checked in matapos kong umalis sa bahay ng asawa kong walanghiya.

My parents on both sides of the bed when I fell asleep, but Dad wasn't there when I woke up and I was hugging a pillow and Mom just came out from the bathroom. Umalis daw si Dad sabi niya at hindi alam ni Mom kung saan nagpunta. May breakfast na nang magising ako at kahit walang ganang kumain ay napakain ako dahil mayroong dragon na nagbabantay at handang suminghal sa akin kapag hindi ko siya sinunod.

Mabuti sana kung nandito si Dad, hahayaan niya lang ako at kakampihan, but my Mom is like a monster when she's mad kaya iniiwasan kong magalit siya. She's not my mortal enemy, hindi ko rin best friend. Nanay ko pa rin kaya mahal ko at sadyang ganoon lang talaga si Mom mag-show ng care and love niya. Unlike my Dad na showy and sweet sa lahat ng oras.

Habang kumain kami ay panay ang kwento ni Mom about my childhood at kung gaano ako ka-picky sa pagkain nang bata ako. Hanggang ngayon naman pero mas na-explore ko ang iba't-ibang cuisines nang mapangasawa ko si Fi—

Forget it— nasa harap tayo ng pagkain at kabilin-bilinan ng nanay ko na don't say bad words sa harapan ng grasya.

Alam kong dumadaldal lang siya para mag-ingay at huwag akong hayaang mag-isip ng kahit anong makasasakit lang ng damdamin ko. Before lunch na nang makabalik si Dad. Mukhang may nangyaring hindi maganda base sa sugat sa kamao niya.

"What happened to your hand, Dad?" tanong ko nang mapansin ko iyon and Mom rushed to check it at agarang nagpadala ng yelo sa kwarto namin.

Ayaw niyang sabihin kung napaano siya pero dahil sa kinukutuban ako na may nangyari nga ay hindi ko siya tinigilan.

"This is nothing, sweetheart," nakangiti niyang sagot sa akin habang naghihintay kami ng yelo. He sat on the sofa at si Mom nagpunta ng banyo para manguha ng tuwalya na paglalagyan ng ice.

Dad seemed frustrated. May katandaan na ang mga magulang ko pero hindi sila gaya ng mga kaedad nilang napabayaan ang katawan. They workout together to maintain their body at kahit malapit na silang maging senior citizen ay hindi halata.

"D-Dad naman e—, tell me what happened?" ulit ko sa kaniya dahil pakiramdam ko he did something to someone.

"I punched a wall, not someone else's face," maya-maya ay sabi niya nang makulitan sa akin at mahalatang nagdududa ako sa nangyari sa kamay niya pero ewan ba—parang medyo nadismaya ako na pader lang sinapak ng tatay ko. Hindi ko na lang pinahalata.

Dumating na ang yelo na nasa bucket kaya naman nilublob na lang ni Dad kamao niya roon to numb the tingling pain. Naging kulay ube na kasi at may maliliit na sugat. Sinamahan siya ni Mom sa clinic ng mismong hotel kaya naiwan akong mag-isa nang ilang oras sa kwarto.

Nakababaliw pala kapag walang kausap. Pakiramdam ko kawawang-kawawa ako.

Nakatingala lang sa kisame habang nakahiga sa malaking kama. Questioning my worth and what I did wrong to deserve to be cheated. I felt worthless, useless and ugly. Lahat na ng masasakit na salita ay tinawag ko na ang sarili ko. Hindi naman ako pangit at kapalit-palit pero nagawa akong lokohin ng asawa ko.

My tears started falling. Parang tubig sa bundok matapos ang malakas na ulan.

Hindi naman dahilan iyon para maghanap siya ng iba lalo na kung wala naman kaming problemang malala para isipin na hindi kami makabubuo ng anak while we're together. Mabibigyan ba siya ng anak ng babaeng kasama niya? Nakadidiri ba ako na he couldn't no longer kiss me?

Mas nakadidiri siya. Tumatabi siya sa iba na ni minsan hindi ko ginawa. He was my first even I wasn't his. I was clean when he married me pero ito lang pala ang kahahantungan ng limang taon ng buhay ko kasama siya. 

I just cried. Sinamantala na wala pa mga parents ko at nang maisipan kong baka bumalik na sila ay sa banyo ako nagtago at naglublob sa maligamgam na tubig sa tub.

I stayed there for more than half a hour at hindi ko namalayan na gabi na nang lumabas ako at wala pa sila Mom ang Dad. Nagbihis ako at nang matapos ay roon ko lang naisip na buksan ang cellphone ko na iniwan kong nakasara mula pa kahapon.

I received message from Finn, but I didn't bother to read it. I also received a message from Mom telling me to meet them sa isang restaurant malapit para roon na kami mag-dinner at hihintayin daw nila ako roon. 

Ayaw ko sanang lumabas pero parang masisira ang ulo ko na mag-isa lang doon at napakatahimik pa. Pinuntahan ko ang restaurant kung nasaan daw sila ang I didn't even bother to put anything on my face para magkabuhay naman ang maputla kong balat. I didn't also bother to wear something fancy. Isang simple dress lang na plain at kulay itim pa. 

Tama lang dahil may pinagluluksaan naman talaga ako. 

Dahil hindi naman kalayuana ang restaurant ay nag-decide akong maglakad na lang. It only took me more or less ten minutes. Pagpasok ko sa restaurant ay natanaw ko agad ang lamesa kung nasaan ang mga magulang ko and to my surprise, may kasama pa silang ibang tao. Hindi lang isa, tatlo, at kahit na malayo ay kilala ko ang isa sa mga nakatalikod sa direksyon ko. Sa itsura ng mga magulang ko, mukhang hindi sila masayang kaharap ang tatlo katao. Kahit ako naman.  

I suddenly froze nang makilala ko kung sino ang mga kasama nila and the first thing I thought of doing was to walk away at hindi na lang magpakita sa kanila. Nang maigalaw ko na ang mga paa ko ay agad akong umikot. Hindi pa man nakahahakbang palayo ay narinig ko ang boses ng Dad ko at tinatawag ang pangalan ko. 

Ayokong lumingon. Batid kong sa paglingon ko ay mga mata ng mga taong iyon ang makikita ko na nakatunghay sa akin. Kumilos na ako at sinubukang takasan ang lugar, ngunit nagawa akong maabutan ni Dad.

“E-Elyana!” tawag niya sa'kin, ngunit hindi pa rin ako huminto. 

Kung hindi lang ako binusinahan ng sasakyan na daraan sa harapan ko ay didirediretso lang ako sa pagtakbo. Naabutan ako ng tatay ko at wala na akong nagawa kundi ang harapin siya. Niyakap niya ako at doon na ako humagulgol nang sobra. 

"D-Dad—" sambit ko habang nakasubsob ang mukha sa dibdib niya.

"I'm just heart, sweetheart," basag ang boses namang sagot niya sa'kin.

My Dad let me cry. Hinahagod niya nang marahan ang buhok ko habang ang isa na nakabenda ay nasa likuran ko naman. 

"It's better if you will face him. There's nothing you need to feel afraid or ashamed of, Elyana. Your Mom and I won't let him just get away with this. Your lawyer called us today and sent us the divorce paper for you and Finn to sign. After that, you're free from him. I know that's what you like too and I agree with that decision of yours," ani Dad habang nakayakap pa rin ako sa kan'ya.

Pinamadali ko talaga ang divorce papers na 'yon. Wala ng mahabang hiring o judge na kailangan. Hindi na namin kailangan magharap ulit matapos naming pumirma pero nang mga sandaling 'yon ay tila wala akong lakas na harapin siya. 

Parang naubos ang tapang ko noong binulaga ko sila. Tama si Dad, wala akong dapat na ikatakot at ikahiya. Wala naman akong ginawa na kahiya-hiya. Hindi ako ang nagloko at hindi ako ang may kalaguyo. 

Nakumbinsi niya akong sumama sa loob ng restaurant. Hindi makatingin nang diretso sa akin si Finn. Iwas na siya nang iwas. May nakita rin akong pasa sa gilid ng mata niya at maging ang labi niya ay tila pumutok din at mayroon pang band-aid.

Binigyan ko ng makahulugang tingin si Dad nang makita ko ang itsura ni Finn. Wala akong naramdamang awa at parang gusto ko pa nga siyang sabuyan ng malamig na tubig nang sandaling 'yon. Hindi na kami nagpaliguy-ligoy nang makalapit. Mom handed the piece of paper na kailangang pirmahan naming dalawa ni Finn at ako ang unang lumagda. Nang turn na niya ay napansin kong nanginginig ang kamay niya. Hindi ko alam kung dahil natatakot siya kay Dad o ano. Naroon ang mga magulang niya sa harap namin at gaya niya ay hindi sila makatingin sa akin. 

Some photos are scattered on the table. Mga kopya ng ipinadala ko sa lawyer ko kahapon. Medyo mangiyak-ngiyak ang Mommy ni Finn habang nakaupo sa tabi ng kaniyang anak and I couldn't bare to see her like that dahil naging mabuti naman siya sa aking mother-in-law sa loob ng limang taon. Ang ama lang talaga ni Finn ang ilag ako dahil napaka-strict at perfectionist niyang tao at habang pinagmamasdan ko siya that moment, I found the proud look on his face na nakaiirita. 

Proud ba siyang nag-cheat ang anak niya? Sabagay, gawain niya rin 'yon dahil ilang beses din siyang nahuli ng asawa niya. Pinatawad lang din ilang ulit at inuulit pa rin. 

I'm not stupid to just let Finn act of cheating to slide. Sabi nga nila, a cheater will always be a cheater kaya huwag na natin bigyan ng chance.

"Can we talk about this first? Just the two of us, Elyana." Nagulat ako nang ibaba ni Finn ang ballpen na hawak niya at itanong ang mga 'to.

His parents raised their heads at binalingan nila ang kanilang anak. Magkaiba ang nakita kong emosyon sa mga mukha nila. Sa mother niya, hope, habang sa ama niya naman ay tila pinipigilan niya si Finn sa suhestiyon nito. Napabaling din ako sa mga magulang ko to check their reactions. Ang nakita ko lang ay blanko at tila ba sinasabi ng mga mata nila na nakatingin din sa akin na ako ang bahala at kung anong pasya ko ay kanilang irerespeto.  

Ibinalik ko ang tingin kay Finn at huminga nang malalim. Wala namang ibang tao sa restaurant na iyon. Kami lang anim. Mukhang natatakot na mapahiya sila kapag nageskandalo ako. As if naman na gagawin ko. Sapat na ang sinapak siya ni Dad para sa akin.

"I only have a few questions, Finn. Answer it and we will decide after based on your answer. Let our parents hear your answer and please answer it with honesty," usal ko kahit na kinakabahan nang husto sa maari kong makuhang sagot.

"I will," matipid niyang sagot and he looked straight into my eyes.

"O-Okay—for how long you've been cheating on me?" Una kong katanungan. May clue na ako kung gaano na katagal. Almost 6 months na mula nang napansin ko ang pagbabago niya. 

"A-A year and a half." Halos mabingi ako nang marinig ang sagot niya. Mas matagal pa pala sa alam ko. Napahawak ako sa lamesa dahil biglang nanlambot nang tuhod ko and my Dad step right next to me para alalayan ako.

"I'm okay, Dad," usal ko kahit halata namang hindi and for the final question na nais kong malaman, "What is the reason, Finn?" 

Alam kong nakuha naman na niya nang malinaw ang tanong ko. Di ko na dapat pang i-elaborate. I just need his answer on that para alam ko kung saan ako nagkulang at nagkamali. If he has a reasons, kung marami man, tatanggapin ko pero isang dahilan lang ang ibinigay niya at kung ano 'yon—

"Because you couldn't give me a child—"

Hindi na niya natapos ang sagot niya. Mom slapped him on the cheek. Sasampalin pa sana siya ni Mom, pero hinarangan ng ama ni Finn ang braso niya at doon tumama imbes na sa mukha.

"Signed this paper! You doesn't deserve my daughter!" nanggagalaiting sigaw ng nanay ko kay Finn. 

Ako naman, parang huminto ang mundo ko. Naririnig kong nagkakagulo sila pero ako, parang tuod lang na nakatayo at pinanood ang nangyayari. I could hear them loud and clear too. Hindi lang ako makagalaw at tila ba nanonood lang ako ng eksena sa pelikula. Ang kaibahan nga lang ay live scene at ang bida ay ako.

Bida nga kaya? Baka kontrabida sa buhay ni Finn at sa babae niya. I just want him to sign the divorce paper. I want to leave him for good. Ayoko na siyang makita kahit kailan.

Habang nagkakagulo pa rin sila, bigla na lamang nandilim ang paningin ko and the next thing I knew, lahat na blanko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status