Share

Chapter 6: Divorce Granted

IT WAS THE MOST TIRING and longest week of my life. Hindi pa rin ako tinantanan ni Finn kahit na nagkaharap na kami.  Hindi ako baliw para kalimutan na lang ng ginawa niya sa akin. Hindi ako gaya ng kawawang Mommy niya na ilang ulit nang niloko pero hindi pa rin hiniwalayan ang asawa. 

Finn doesn't deserve a second chance and I don't  feel his sincerity whenever he tries to ask for forgiveness. Tiyak akong ang Daddy niya lang ang nag-uudyok sa kaniyang makipag-ayos sa akin for the sake of their reputation at sa assets na pwedeng mawala sa kanila.

That manipulative man is thinking he could use me as one of his puppets. Kita naman sa anak niyang hindi makatanggi sa utos niya na kahit nag-asawa na ay pinakikialam niya pa ang desisyon nito kaya kapag opisyal na kaming hiwalay ni Finn ay matutuwa akong he's no longer my in-law. Mabuti sana kung bago pa lamang ang relasyon nila ni Diane, baka mapatawad ko pa siya at iurong ko ang diborsyo, pero hello—isa't kalahating taon na nila akong niloloko!

Ang nakakainis pa, dahil hindi ko siya mapagbigyan, he tried to turn the table. Sinubukan nilang iliko ang katotohanan. They told the attorney review ang petition for divorce na gawa-gawa ko lang ang lahat dahil pera ang habol kong makuha sa asawa ko na those pictures we showed as evidence na may kalaguyo siya ay peke at edited. Binalak pa nilang palabasin na ako ang nagkulang at ako ang may kasalanan kung bakit siya naghanap ng iba para protektahan ang pangalan nila. 

Kalat na sa kompanya nila ang ginawa ni Finn at kahapon lang ay sinabi sa akin ng isa sa malapit na empleyado sa akin na the company has a new policy regarding sa private issues sa kompanya. 

Natatawa na lang ako dahil huli na sila ng aksyon. Amoy na amoy na silang mag-ama ng lahat hindi lang nila alam. Nakikita naman na kasi, ano pang gusto nilang itago?

Dahil sa mga pambabaligtad nila, I needed to contact the private investigator to show the camera he used and the original copies of pictures he took. Mabuti na lang at hindi niya binura. He knew it will happen he said kaya handa siya at maraming salamat sa kaniya. 

Kung tutuusin, hindi naman na dapat umabot sa ganito kung pinirmahan lang sana agad. Malaya na sana niyang nakakasama ang Diane ng buhay niya at hindi kami naaabala pareho.

Today is the day, malalaman na namin ang resulta. We were asked to come to the attorney's office para sabay naming marinig. Sabay kami halos ng lawyer ko na dumating. He's my Dad's trusted lawyer as well. May edad na ngunit mahusay. I have my own lawyer na naging kaibigan ko rito sa England. Kilala siya ni Finn at medyo close sila kaya naman Dad suggested na iyong kilala na lamang niya ang hayaan kong maghandle. Naintindihan naman ng lawyer ko ang sitwasyon.

Sumakay lang ako ng taxi dahil wala akong sasakyan, wala na rin naman akong balak na bumili rito sa England dahil aalis na rin naman ako at babalik ng Pilipinas pagkatapos nitong problema ko.

Pumasok na kami sa loob ng building at mukhang ako lang ang kinakabahan. Ang nakaiinis dito sa UK, dito mismo sa England, adultery is not considered a crime anymore. Inalis na sa listahan ng mga krimen ang pakikipaglandian sa iba while married to someone. Ang unfair para sa akin, pero it can be used as reason to petition a divorce. Kaya malakas ang loob ng ama ni Finn na ilang beses din ginawa ang pagloloko sa kawawang asawa niya.

Ang totoo niyan, malapit ako sa Mommy ni Finn. Mabait siyang ina at mapagmahal. Marami rin akong natutunan sa kaniya at kung mayroon sa pamilya nila na masasabi kong matino sa, ang Mom niya lang. Nakalulungkot lang isipin na hinahayaan niya lang ang asawa niya na manipulahin siya. I don't know the history behind it dahil ayaw pag-usap ni Finn na paksa iyon and everytime na mababanggit ko ay iniiwasan lang ako nito na para bang natatakot siya.

I found that very strange. Parang may misteryo sa loob ng pamilya nila na silang tatlo lang may alam.  

Sa kaiisip ko ng kung ano-ano ay hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng pinto ng pakay naming opisina. Kami pa lamang ng lawyer ko ang dumating. Wala pa si Attorney at wala pa rin si Finn.

Pinaupo kami ng sekretarya and she asked us to wait. Maaga pa naman, kami lang itong excited. 

Dumating si Attorney after a few minutes, pero wala pang Finn na nagpapakita sa amin. 

"Did Mr.Willems call?" tanong ng Attorney sa secretary niya dahil nagtataka na siya na wala pa ito.

"No, Ma'am." Narinig kong sagot sa kaniya ng babae.

After more than half an hour, finally dumating na rin siya, but there's something I noticed—may cut sa gilid ng labi niya. 

Bigla akong nag-alala. Gusto ko sanang itanong kung anong nangyari pero natigilan ako nang pumasok sa pinto ang Dad niya kasunod ng asawa nito. 

Full force ang mga Willems when it's just me here alone and my lawyer. Umuwi ka kasi ang mga magulang ko, bumalik na sila sa Turkey, but they made sure na updated sila sa mga nangyayari sa akin.

Nakapagtataka na wala pa ang lawyer nila. Either na late lang like them o hindi na pupunta. I could sense something is going on.

I saw Finn looking at me with a dark expression on his eyes. Mukha siyang batang kagagaling lang sa mahaba-habang sermon. Ang ama niya nang lumingon sa akin ay masamang tingin naman ang ipinukol and his Mom gave me a look that I found so confusing, na parang masaya siya ang at the same time nakikisimpatya sa akin.

Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip at magtanong sa sarili kung masaya ba siya ngayon for me. Wala naman kasi kaming problema ng Mommy ni Finn at noong time na she found out her husband cheated again, I'm the one she called to tell the news. Pinuntahan ko pa siya noon to comfort her. She's one of the nicest women I know and I felt sad na napalilibutan siya ng mga cheater, from her husband and now his beloved son followed his Dad's footsteps. 

That was also the last she cried on me. Parang iniwasan na niya ako pagkatapos nang araw na 'yon and I know who made her do it. Hindi ko tuloy napigilan ang pagbuntong-hininga. Naaawa ako sa kaniya, she seems helpless. Halata namang nagpapanggap lang silang mag-asawa na wala silang problema. I know enough para masabi kong they're faking it.

Naupo na silang tatlo. Magkakaharap lang kami, pare-parehong nakaupo sa mahabang sofa na kasya ang lima katao. Mayroon lamang center table na namamagitan sa amin habang ang Attorney ay nasa kaniyang swivel chair nakaupo.

"Are we still waiting for someone or we could start now?" tanong ni Attorney nang mapansin din na wala ang mga lawyer ng kabilang kampo.

"We could start now." Hindi si Finn ang sumagot kahit sa kaniya nakatingin ang nagtanong dahil ang Dad ni Finn ang nagsalitang iyon.

"Okay then, let's start," anang Attorney at kinuha ang envelope nasa ibabaw ng lamesa at tumayo mula sa pagkakaupo. Lumipat siya ng upuan malapit sa amin at doon siya sa pang-isahan.

She started reading it, lahat kami ay tahimik lang na nakinig. Sa nagsasalita ako nakatingin, ngunit ramdam ko ang matatalim na pagbaling sa akin.

Naiilang ako ngunit ipinagkibit-balikat ko na lang. Just silently praying the day will go smoothly at matapos na rin ang lahat ng ito.

She read the entire content na nasa hawak niyang printed result ng ginawa niyang pag-aanalisa sa petition kong diborsiyo, with the help of the evidence of Finn's unfaithfulness, binigay na niya ang kaniyang hatol dito.

Umalis kami ng lawyer ko sa building na may ngiti sa aming mga labi. Sa sobrang galak niya nga ay siya na ang unang nagsabi sa mga magulang ko ng resulta. Naunang lumabas sina Finn at hinayaan muna namin ang ilang minuto bago sumunod sa kanila dahil galit na galit na lumabas ang Dad ni Finn ng opisina.

We both signed the divorce papers and after almost a week of grieving ang heartaches, tila ba nabuhayan ako ng loob. Nakalaya mula sa kanila at para bang binigyan ako ng panibagong buhay. 

Napakagaan lang sa pakiramdam. Naiisip ko tuloy bigla kung lahat kaya ng mga kababaihan na nakaranas ng gaya ng nangyari sa akin ay nakaramdam din ng ganitong tuwa. Siguro oo, kung ikaw sa sarili mo alam mong wala kang ginagawang masama at naging faithful ka naman as a wife to a man tapos nagawa ka pang lokohin. Napaka-unfair pero fair na putilin na ang ties dahil mas mahihirapan lang naman kapag pinatagal pa.

If you know your worth, dapat lang kumawala. A faithful woman doesn't deserve a cheating husband. She deserves more, a great man, respectful and not someone who will try to manipulate her like she doesn't have a will to decide for herself. 

I'm just so glad I'm finally free from Finn. Not only from him, from his Dad as well.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status