Share

Chapter 2

NAPATIIM-bagang si Damon ng maabutan ang Ina sa sala. Umiinom na naman kasi ito at mukhang lasing na naman. 

" Mom! Umiinom ka na naman?" inis niyang tanong.

Lumapit siya rito at pilit na inagaw ang baso na hawak ng Ina,ngunit maagap ito kaya nabigo siyang makuha ito.

" Oh,common,Iho,puwede ba 'wag mo akong pakialaman?" asik nito sa kaniya.

" God's sake! Ano ka ba naman,hanggang kelan mo ba balak lulunurin ang sarili mo sa alak?"

" Hangga't gusto ko may reklamo? At saka hindi naman ako humihingi sa'yo ng pambili,ah!" muling asik  nito sa kaniya. Namumula na rin ang pisngi nito tanda ng kalasingan

Napapailing siya'ng napatingin sa paligid. Nagkalat ang ilang bote ng alak at upos ng sigarilyo. Naiinis siyang muling napatingin sa Ina,ngunit nakaramdam ng labis na awa. Malaki na kasi ang ipinayat nito. Ang dating masigla at laging nakapostura ay malaki na ang ipinagbago mula ng iwan ito ng kanilang Ama.  Napabalitang sumama ito sa  ibang babae na mas bata  at  labis na dinibdib iyon ng Mommy niya.

" Manang!" malakas niyang sigaw.

Agad na lumapit ang isang may katandaan ng babae na siyang katulong sa bahay na iyon.

" Manang,ano ka ba naman?Bakit ang kalat ng paligid? At saka hindi ba sinabi ko sa'yo,huwag mo'ng bibigyan si Mommy ng pambili ng alak?" naiirita niyang sabi.

" Eh,kasi naman sir nagagalit,eh. Nagwawala pag hindi binibigyan. Sino ba naman ako para tumanggi,eh,katulong lang naman ako dito sa bahay,sorry,sir," paliwanag pa nito.

Wala na siyang nagawa,muli niyang binalingan ang Ina na nakayukyuk na sa sofa dahil sa labis na kalasingn.

" Sige,ho. Pakilinis na lang po iyong mga kalat," tanging nasambit niya.

Agad namang sumunod ang katulong. Saglit niya munang iniwan ang Ina at umakyat sa second floor ng bahay nila upang tignan ang kapatid. Nasalubong niya ang personal maid ng kapatid.

" Tulog na ba si Eliza?"

" Opo sir,kanina lang."

Binuksan niya ang pinto ng kuwarto para silipin ang kapatid. Mahimbing na ang tulog nito.  Sa edad na 16 ay bed ridden ang kapatid ,noong baby  pa ito ay na diagnose itong my cerebral palsy at development delay. Malamang isa rin 'yun sa mga dahilan kung bakit nagpasyang iwan sila ng kaniyang Ama. Naaawang pinagmasdan niya ang kapatid,wala na silang Ama at mukhang pati ang Mommy niya ay mawawala na rin dahil mukhang sumuko na ito sa buhay.

Kahit paano ay may maganda namang iniwan ang Daddy niya sa kanila. Siya ang humalili dito bilang  shareholder ng company ng mga Romualdez. Kaya naman kailangan niyang maging matatag at magsikap sa buhay para sa kaniyang kapatid at Ina. Muli niyang binalikan ang Ina na nakatulog na pala sa sofa. Inalalayan niya ang Ina kasama ang isang katulong para dalhin ito sa sarili nitong silid. 

Ibinagsak niya ang pagod na katawan sa kaniyang malambot na kama. Muling sumagi sa isip niya ang ginawang meeting nila sa company. Napaismid siya ng maalala na para lang siyang hangin na  hindi nakikita ng mga ito. Na tila  ba  isa siyang taong may sakit na nakakahawa na kailangang iwasan. Marahil  ay dahil sa ginawang malaking eskandalo ng kaniyang  Ama sa company. Ang pakikipag relasyon nito sa general secretary ng company ay nagbilad sa kahihiyan ng naturang kompanya.  Hindi rin maaalis sa isip niya ang ginawang pakikipag-usap  ng owner ng company na si Mrs. Romualdes. 

Can we talk,Mr. Villaruiz?" seryoso at maawtoridad na sambit ni Mrs. Romualdez.

Alumpihit siyang lumapit sa matanda na sa tingin niya ay gusto siyang lamunin ng buhay.

" I heard a news about you and my daughter  Athena are officially dating,is it true?" tila galit na tanong nito.

Hindi pa siya nakakasagot ay sumingit na ito.

" I warning you,Mr. Villaruiz,stay away from my daughter! Or else i will pull you out   in this company as a shareholders,understood?!" pagbabanta pa nito.

Natulos siya sa pagkakatayo at hindi nakaimik sa banta ng matanda.

" Ayokong mabahiran ng pamilya niyo ang pamilya namin. Sa malaking kahihiyang dinala ng Ama mo,be thankful at kahit papaano may natira pa kaming konting awa at tinanggap ka pa namin dito! And don't make me lose my patience!"

Napabuntong-hininga siya sa alaalang iyon. Bakit ba tila ang kasalanan ng Ama ay naging kasalanan na rin ng anak? 

Mahigit dalawang taon niya ng girlfriend si Athena. Matanda siya rito ng dalawang taon,at kasalukuyan pa itong nag-aaral. Habang siya naman ay nasa company ng mga magulang nito nagtatrabaho. At nang mawala ang Ama ay siya na ang naging kapalit nito bilang shareholders ng company. Para sa kaniya ay maswerte siya dahil sa kabila ng pagiging babaero niya ay tinanggap pa rin siya nito ng buong-buo. Kahit sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang pamilya ay nanatili pa rin ito sa kaniya. 

Mahal niya si Athena,ito ang nakikita niyang babae na makakasama habang buhay. Ngunit paano pa mangyayari iyon kung tutol ang mismong mga magulang nito?

Nasorpresa siya kinabukasan ng bisitahin siya nito sa mismong bahay nila. 

" Ano'ng ginagawa mo rito,hon? Teka okay ka na ba?" gulat na tanong niya ng bigla itong pumasok sa kuwarto niya.

Sa tagal na nilang magkarelasyon ay sanay ng maglabas-masok si Athena sa kanilang bahay.

" E,namimis kita,eh! Nakakainis ka,nakauwi na ako lahat-lahat ni hindi ka man lang dumalaw!" may  pagtatampong turan ng dalaga.

" Dadalawin na sana kita,eh,naunahan mo lang ako. Siya nga pala, ayos ka na ba talaga,hon? I mean,okay lang na magkikilos ka? may pag-aalalang tanong niya.

" Bakit ayaw mo ba kasi may bantay ka na naman sa mga kalokohan mo?" 

" Asus! Hon,ah,nahawa ka na sa bestfriend mo. Marunong ka na ring magsungit." 

Pinisil nito ang pisngi ng nobya at siniil ng halik sa labi na ginantihan naman agad ng mainit na halik ng dalaga.

" Hon,i'm worried," sabi niya ng maghiwalay ang mga labi nila.

" Worried for what?"

" Sa ginawa mong desisyon. What if kung magkaroon ka ng kumplikasyon dahil sa ginawa mo'ng pagdonate?"

Sumandal ang nobya sa malapad niyang dibdib na tila naglalambing. Kinuha nito ang dalawang braso niya at iniyakap sa mismong katawan nito.

" Don't worry,hon. We're safe naman sabi ng doctor. Nothing will happen."

" Bakit naman kasi ikaw pa,eh. Marami namang puwedeng magdonate diyan."

Humarap ito sa kaniya at nagsalita.

" Hon, 'di ba,we already talk about it? She's like a sister to me,hindi ko kaya na   nakikitang naghihirap siya habang ako walang magawa." 

" Hindi ko lang maiwasang hindi mag-alala,hon." 

Ginawaran niya ng halik ang tungki ng ilong ng nobya.

" I love you,hon,there's nothing to worry about," bulong ng nobya at hinalikan siya nito sa kaniyang mga labi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status