Share

Chapter 3

EXCITED si Camilla ng araw na 'yun,abala siya sa pag-aayos ng mga kailangan niyang mga papel para sa pagbabalik niya sa pag-aaral. Ilang buwan rin kasi siyang nahinto dahil sa sakit niya. Kasalukuyan siyang nasa garden ng mansion habang pasipol-sipol.

Nasa 3rd year na siya ng kursong Hotel and Restaurant Management. Balak niya pagkagraduate niya ay maghahanap agad siya ng trabaho dito sa Pilipinas para makakuha ng experience at balang araw ay makapagtrabaho na rin sa ibang bansa. Gusto niyang kumita ng malaki para mapatayuan ng sariling bahay ang Ina at patigilin na rin sa pagiging mayordoma ang Ina na bata pa lang siya ay naninilbihan na sa pamilya Romualdez. Ulila na rin kasi siya sa Ama,bata pa lamang siya ay namatay na ito at ang Ina na ang nagtaguyod ng pagpapalaki sa kaniya.

Pasipol-sipol pa siya ng maulinigan niya ang pagtatalo ni Athena at ng Mommy nito.

" Ano ba'ng problema kay Damon? Family friend natin sila 'di ba?" nagmamaktol na wika ni Athena.

Kasalukuyan na silang nasa garden nakamasid lang siya sa dalawa. Kita niya ang galit sa mukha ng Mommy ni  Athena.

" Noon 'yun,not now and never!" asik nito. " Gusto ko iwasan mo ang lalaking 'yun,ayokong mabahiran ng pamilya nila ang pamilya natin,naintindihan mo ba?!"

" Why? Is there's something wrong with them?I need an explanation kung bakit ayaw mo akong palapitin kay Damon. Is it because of his father?" naiiyak na nitong turan.

" So, is it true that you and Damon are  dating?" Sa halip ay muling tanong nito sa kaniya. " Sabihin mo nga sa akin,boyfriend mo ba ang lalaking 'yun?"

Hindi agad nakasagot si Athena,sa totoo lang kasi ay walang alam ang mga magulang nito sa relasyon ng dalawa. Iniiwasan kasi ni Athena na madisappoint ang mga magulang nito sa maaga nitong pakikipag boyfriend. Napatingin sa kaniya si Athena,bakas sa mukha nito ang kaba. Yumuko siya na kunwari ay may binabasa.

" Answer me,Athena! Is it true?" mulung tanong ni Mrs. Romualdez.

" M-magkaibigan lang kami,Mom," pagsisinungaling ng dalaga.

" Are you sure? E,ano 'yung mga naririnig ko na may nakakakita sa inyo na sinusundo ka niya sa school niyo?"

" Sagutin niyo muna ang tanong ko,bakit ba ayaw niyo kay Damon at pinapaiwas mo ako sa kaniya? Dahil ba ito sa Daddy niya? Ano namang kinalaman niya roon?" 

" Hindi mo ba nakikita ang pamilya nila? Nasa matinding kahihiyan sila ngayon,kung ano ang ugali ng puno ganundin ang bunga!"

Napatango-tango naman si Camilla bilang pagsang-ayon sa sinabi ng matanda.

" Tama 'yun,tita,tama 'yun," bulong pa niya sa sarili.

" And if you won't listen i will tell this to your Dad! At ipapadala ka namin sa Amerika para doon na mag-aral!"

" No,Mom! Ayoko sa Amerika!"

agad na tutol ng dalaga.

" Then you have to listen!" sagot ng matanda at tumalikod na ito para iwan sila.

Nanghihinang napaupo si Athena sa tabi ni Camilla. Bakas dito ang matinding kalungkutan.

" Bakit ba ganun na lang ang galit nila kay Damon? Wala naman ginagawang masama 'yung tao sa kanila,ah!" nakasimangot ang mukha na sambit nito.

" Seryoso ka,bes? Hindi mo talaga alam kung bakit?" nang-ookray na tugon niya rito. 

" Mahal ako ni Damon at 'yun ang importante,sabi niya pakakasalan niya ako!" inis nitong tinuran.

Nasamid  naman si Camilla sa iniinom na orange juice ng marinig ang sinabi ng kaibigan. 

" Kasal? Sus ngayon pa nga lang napakababaero na,paano na lang pag kinasal na kayo? Baka iwan ka rin niya gaya ng ginawa ng Daddy niya sa kanila! Puwede ba gumising ka nga sa kalokohan mo!" bulalas niya sa kaibigan.

Sa totoo lang ay gusto niya na itong batukan para matauhan sa pantasya nito. 

" I know hindi 'yun gagawin sa'kin ni Damon,i feel it! Saka normal lang naman sa mga lalaki ang paminsan-minsan na makipag fling sa ibang girls,at the end sa'kin din siya uuwi at ako ang pakakasalan niya," buong kumpiyansa na sagot sa kaniya nito.

Napaawang ang mga labi niya sa gulat dahil sa sinabi ng kaibigan. Normal lang? Okay lang dito na makipag landian sa iba ang boyriend nito? Pailing-iling nalang siya, kahit kelan naman ay hindi siya nanalo rito pag si Damon na ang pinag-uusapan.

" Basta bes,support mo na lang ako 'no? I love him so much,siya na yata ang buhay ko,eh." 

" Ayoko lang naman kasi na masaktan ka.Ngayon pa nga lang nasasaktan ka na,paano pa pag kayo ang nagkatuluyan? At saka ayaw sa kaniya ng mga parents mo,susuwayin mo ba sila?"

" That's why i have to hide our relation,nagawa nga namin ng two years eh."

" Hanggang kailan naman?" 

" Hanggang kaya ko na siyang ipaglaban!" 

Tuluyan na siyang hindi nakaimik. Mukhang desidido naman na ito na ituloy pa ang relasyon sa lalaki at sino siya para pigilan ito? Kahit ano namang sabihin niya ay hindi ito nakikinig,mukhang bulag na talaga ito sa pag-ibig. Kahit sariling mga magulang ay handang suwayin masunod lamang ang pag-ibig para sa binata.

Kinabukasan ay abala siya sa paghahanda ng sarili para asikasuhin   ang mga papel na kakailanganin para sa school. Sasamahan siya ni Athena dahil nagyaya rin itong mamasyal sila  mall. 

Ngunit napasimangot si Athena ng makita ang ayos niya. 

" Ano ba iyan,bes? Bakit ganyan ang suot mo? Nasaan na ba 'yung binigay ko sa'yong damit na gusto kong isuot mo pag aalis tayo? Para ka namang magkakargador sa palengke niyan,eh!" Naiinis na sita nito sa kaniya.

Ang tinutukoy nitong damit ay ang maikling maong shorts na tinernuhan ng maluwag na  long sleeve  na polo. Katulad ng suot ng kaibigan. Litaw ang kaputian nito sa maikling maong shorts at spaghetti strap na tinernuhan ng oversized na longsleeve polo. Samantalang siya ay nakasuot ng maong pants at maluwag na t-shirt lang. Nakapusod pa ang kulot niyang buhok.

" Saka 'yang buhok mo,ilugay mo naman,bes! Remember,you're not a kid anymore,mag ayos ka naman paminsan-minsan," nanggagalaiti pang sabi nito.

" Saan ba ako pupunta sa school at mall lang naman?Saka ano'ng mali sa ayos ko,ganito naman talaga ako manamit," nakangiwi ang mukha niyang turan dito.

" No! Basta isuot mo 'yung binigay ko,saka maglipstik ka,para kang bangkay sa itsura mo!"

" Ayoko nga,bes!" Mariin naman niyang tutol. 

Hindi  na bago kay Camilla ang pagtatalo nila na iyon ng kaibigan pagdating sa pananamit. Kung si Athena ay sosyal at magaling magdala ng damit kabaligtaran naman sa kaniya. Worst dresser ang tawag  pa ni Athena sa kaniya.

Para kasi sa kaniya ay ayos na ang pantalon at maluwag na tshirt kaya madalas siyang mapagkamalang tomboy sa school nila. 

Hindi niya maipinta ang mukha habang naghihintay kay Athena. Pumasok kasi ang dalaga sa department store habang siya ay naghihintay. Pakiramdam niya ay pinamumulahan siya ng pisngi kapag nakikita niyang may napapatingin sa kaniya. Pamaya-maya,mula sa likuran ay isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan niya. Nang lingunin niya ay umasim agad ang mukha niya.

" Sabi ko na nga ba,ikaw 'yan,eh!" bulalas ng lalaki sa kaniya.

Ano'ng ginagawa ng tukmol na 'to dito?" aniya sa sarili.

Ngiting-ngiti si Damon habang pinagmamasdan siya na tila hindi makapaniwala sa nakikitang itsura niya. Napilit kasi siya ni Athena na isuot ang damit na binigay nito sa kaniya. Ngunit nangako siyang ito na ang una at huli. Nilagyan din siya ng kaunting lipstik g kaibigan Naka-ponytail ang kulot niyang buhok na bumagay sa bilugan niyang mukha. Litaw din ang mahabang biyas niya dahil sa short na suot. 

" Ano'ng nginingiti-ngiti mo? Gusto mo tsinelasin ko 'yang mukha mo?" inis niyang tinuran sa nakangising binata.

Lalo lang siya naasiwa sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya. Pakiramdam niya,anumang oras ay bubunghalit na ito ng tawa.

Gusto niya tuloy pagsisihan ang ginawang pagpayag sa gusto ng kaibigan.

" Bakit ba ganyan ang ayos mo,Camilla?"tila may pagtataka sa mukha nito na nakasilay pa ang mga ngiti sa labi. " Naging babae ka yata ngayon?" tila may pang aasar pa na dagdag nito.

Naramdaman niyang pinamulahan siya ng pisngi ngunit hindi siya nagpahalata.

" Eh,ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito,naligaw ka yata? Naka suit ka pa,hindi dito ang office niyo!" Sa halip ay puna niya sa binata.

Tumikhim muna 'to bago nagsalita.

"Actually,meron ako'ng ka date ngayon," tila pagmamalaki pa nitong sabi.

Nangunot ang noo niya at nagpanting ang tenga.

" Ano? May ka-date ka?!  At sino  naman ang malas na babae  ang nabola mo,ah?!" bulalas pa niya.

" 'Loko 'to,ah? Hindi niya ba alam na kasama ko si Athena? Huh,huli ka balbon!" aniya pa sa sarili.

" And why should i tell you? Sumbong mo pa ako,eh!"

Aba at proud pa ang loko,oh!"

Sa inis niya ay hinubad niya ang sandals at akmang ihahampas kay Damon. Tuluyan ng umakyat ang dugo niya sa ulo dahil sa tila ginagawa na nitong bisyo ang panloloko kay Athena.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status