Share

Chapter 9

ABALA si Camilla sa harap ng kaniyang laptop,kailangan niyang matapos ang research para sa kanilang report. Ito kasi ang kauna-unahan nilang activity sa huling taon ng kolehiyo. Ganado siya ng mga oras  na iyon ng biglang bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto at iniluwa 'nun si Athena.

" Hi, Besty,how's your day?" bungad na bati nito sa kaniya.

" Eto, okay lang medyo busy," sagot niya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa laptop.

" Maya na iyan,tara meryenda na muna tayo."

" Busog pa ko,eh,ikaw na lang kailangan ko 'tong tapusin para may mai-present ako sa mga ka group ko bukas."

" Later na lang iyan,maaga pa naman. Nagpagawa ako ng sandwich kay yaya saka  need  din natin pag-usapan 'yung nangyari kanina."

" Best, 'wag mo sirain mood ko. Saka kailangan ba talaga na sunduin niya ko sa school kanina?" kunot ang noong tanong niya rito.

" Oo naman part 'yun ng pagpe-pretend niyo," kaswal na sagot nito.

Nakasimangot siyang napatingin dito. Pakiramdam niya ay wala na talaga siyang kalayaan para sa sarili. Ano nga ba itong pinasok niya? Hindi niya na magawang magreklamo,mahirap na. May swimming pool pa naman sila sa labas baka maisipan pa nitong lunurin ang sarili. Isa pa,kahit noon ay wala siyang narinig na reklamo dito nung mga panahong kailangan niya ang tulong nito.

Nagpasya na lang siyang ihinto ang ginagawa mawawala kasi siya sa pokus habang merong nangungulit sa kaniya.

" Kaya pala kanina nasalubong ko si Mico,dedma Best! Saka para siyang balisa at malungkot," nangingiti nitong tinuran.

Nasa garden sila ng mansion habang nagmemeryenda. Napatigil pa siya sa pagkagat ng sandwich ng marinig ang sinabi ng kaibigan.

" Alam mo bang nagtapat siya sa akin? Gusto niya raw ako," tila nahihiya niyang sabi.

Nanlalaki naman ang mata ni Athena at napapatili pa.

" Oh my God,talaga ba?! Patay na patay pa rin pala sa'yo 'yung tao until now?"

Hindi napigilan ni Camilla ang mapangiti sa hindi malamang dahilan. Sa pagkakaalam niya dati siya lang ang malapit na kaibigan ng lalaki. Payatot kasi ito na mistulang lampa kaya madalas itong ma-bully. Ngunit may isang beses na sinapak niya ang isa sa nambully rito at 'yun na nga ang pagkakataong hindi na siya nilubayan ng lalaki at nangakong balang araw ay liligawan siya. Dati pa lang ay humahanga na siya sa taglay nitong katalinuhan,palagi itong nangunguna pagdating sa academic exellence.

" Pero alam mo ang laki talaga ng pinagbago niya,ibang-iba na siya keysa dati. Anyway,  may chance ba?"nanunukso nitong tanong

Nangunot ang noo niya sa tinuran nito dahil sa totoo lang ay wala pa sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Para sa kaniya ay may tamang oras para sa mga ganoong bagay.

" Hindi 'no, istorbo lang ang love life sa studies ko,ayoko ng kumplikadong sitwasyon sa ngayon."

" Sus! Ang KJ mo naman,ikaw din bahala ka baka maunahan ka pa ng iba,maraming magaganda at mayayamang tulad niya sa campus." 

" Bahala siya! Saka kung talagang gusto niya ako at seryoso siya sa akin maghihintay siya!" mataray naman niyang tugon.

Napatili naman si Athena dahil doon. Kilig na kilig ito.

" So, inamin mo na rin na gusto mo siya! Yuhoo,magkaka lovelife na ang bestfriend ko!"

" Hoy,wala akong sinabing ganun,ah! 'Wag ka nga maingay diyan,baka marinig tayo ni mama!"

 Sa ngayon para sa kaniya ay masyado pang maaga para sabihing gusto niya ang lalaki. Hindi niya rin alam kung ano ang kaniyang nararamdaman. Pero masaya talaga siya na muling makita ang dating kaklase. Hindi niya rin alam kung paano ipapaliwanag dito na nagpapanggap lang sila ni Damon bilang magkasintahan. 

" So,guys let's make sure we're doing  our best para sa presentation natin mamaya,ah?" anang  isang classmate ni Camilla na tumatayong lider ng group nila na si Rochelle.

Kasalukuyan silang nasa canteen ng school para pag-usapan ang gagawain nilang report presentation.

" Sure! Don't worry Rochelle. Kagabi pa lang nagpractice na ako para diyan," hirit naman ng isang babae na si Anika.

" Good. By the way, Camilla thank's for this,ah? Next time tutulungan ka na namin para sa research. Nagkataon lang kasi na may inasikaso kami kahapon."

Napag-usapan nila na bilang pasasalamat sa effort niya ay ang mga classmates na lang niya ang bahala sa presentation na pabor naman sa kaniya. Ito ang kauna-unahang activity nila kaya kailangan maganda ang kalalabasan.

" Well go ahead na,kita na lang tayo maya,sis," paalam sa kaniya ni Rochelle.

" Ah, sige. Aayusin ko lang 'to para mamaya ready na ang lahat," aniya pa habang nakatutok ang mata sa screen.

Nang makaalis ang mga classmates ay napansin niya ang pag-upo ng isang lalaki sa kaniyang harapan. Hindi niya ito magawang tignan dahil busy siya. Nang tumikhim ito saka lang naagaw nito ang atensyon niya. 

" Oh, mico ikaw pala,kanina ka pa ba diyan?" tanong niya habang ibinalik muli ang mata sa screen ng laptop.

Ramdam niya  na kahit hindi na siya nakatingin ay mataman pa rin itong nakatitig sa kaniya.

" Oo,kanina pa. Sobrang busy mo,ah?" 

Napansin niya ang matamlay nitong boses. Napatingin siya rito. Malamlam ang mga matang nakatitig pa rin ito sa kaniya.

" Oo,eh,kailangan na kasi 'to mamaya," aniya na muling ibinalik ang tingin sa laptop.

Ramdam niya ang pag-init ng kaniyang pisngi dahil nasa tapat lang siya nito kaya kahit hindi siya nakatingin ay  alam niyang pinagmamasdan siya nito. Na conscious siya bigla kaya nawala siya sa pokus. Naalala niya agad ang itsura niya bago umalis ng bahay. Tinanghali siya ng gising kaya hindi niya na nagawang ayusin pa  ang sarili dahil sa sobrang pagmamadali. Pagkaligo ay agad niya ng pinusod ang buhok ni kahit konting pulbos ay wala siyang nailagay.

" Hindi mo pa ginagalaw ang food mo,kumain ka muna kaya," may pag-aalala sa boses na sambit pa nito.

Napatingin siya rito na tila nahihiya.

" Mamaya na kailangan na kasi ito,eh."

 Kumilos ang binata at kinuha nito ang pagkain niya. Naglagay ito ng kapirasong kanin at ulam at isusubo sana sa kaniya.

" Anong ginagawa mo?" natatawa niyang tanong dito.

" Baka malipasan ka ng gutom,lunch hour na inuuna mo pa iyan. Susubuan na lang kita,sige na ahh!"

Kinuha niya ang kutsara at siya na ang sumubo para sa sarili.

" Ayan,okay na ba,ha? Happy?" 

Sa totoo lang ay bahagya siyang kinilig sa pinakita nitong pag-aalala. Ngumiti ito sa kaniya  kaya lumitaw ang dimple nito sa pisngi. Kuhang-kuha ang dimple ni Rico Yan, ngunit pansin niya pa rin ang lungkot nito sa mga mata. 

" M-may boyfriend ka na pala?"

 Maya-maya ay dinig niyang tanong nito. Hindi siya agad nakasagot tila naumid siya.

" Ganun pala ang mga tipo mo mga lalaking bad boy image?" Tumawa ito ng mapakla.

" Saka mukhang mayaman din siya,no? Siya nga pala paano kayo nagkakilala at kelan pa naging kayo,matagal na ba?" sunod-sunod na tanong sa kaniya ng binata.

" Are you happy with him? I mean, paano ka niya napasagot?" 

Bakas sa mukha ng lalaki ang selos at paghihirap ng kalooban. Gusto niyang matawa ngunit pinigilan niya ang sarili. Tinitigan niya lang ito. Kinikilig talaga siya sa pinapakita nitong pagseselos. 

" Please answer me, Camilla, i just want to know kung anong nagustuhan mo sa kaniya, why him?" naghihinanakit na tanong pa nito.

" Bakit ba ang dami mong tanong?"

" I just want to know, and yes nagseselos ako," anito pa na tila nahihiya.

" Bakit ka nagseselos boyfriend ba kita?" nangingiti naman niyang tanong. Gusto niya munang paglaruan ang nararamdaman ng lalaking kaharap.

"  Because i love you eversince, Camilla!" mabilis na tugon nito na titig na titig sa kaniyang mga mata.

" Sus, mga bata pa tayo 'nun baka naman nabibigla ka lang," tugon niya at muling ipinagpatuloy ang pagkain.

Ayaw niya ng seryosohin ang sinasabi nito ngunit sa kailaliman ng puso niya ay kinikilig siya. Ngayon niya lang nalaman na sa kabila ng katapangan niya ay nagiging marupok siya pagdating sa mga ganoong bagay.

" Seryoso ako sa'yo,i swear!" giit pa nito." But i think this is going nowhere, may boyfriend ka na. Feeling ko lahat ng pangarap ko nawala ng parang bula." Tumawa pa ito ng mapakla.

Saka lang siya napahalakhak ng malakas.

" Seryoso ka pangarap mo 'ko? Itong itsura ko?" tinuro ang sarili.

" Bakit? Para sa akin maganda ka,isa pa hindi lang ganda mo ang nagustuhan ko pati ang personality mo. You are a brave and interesting person for me," seryosong turan nito na inilapit pa ang mukha sa kaniya.

" And i hate myself for  let you owned by other man. Naging mabagal ako, sana pala nagmadali akong hanapin ka."

" Ang cute mo pa lang magselos?" 

Napasimangot ang binata sa walang tigil niyang pagtawa. Pamaya-maya ay sumeryoso na siya. Kinuha niya na ang laptop at tinuloy na ang ginagawa. Palihim niyang sinusulyapan ang lalaki na animo pinagbagsakan ng langit at lupa at napapabuntong-hininga pa.

" Hindi ko siya boyfriend," aniya na hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop.

Agad na napaangat ang tingin ng binata sa kaniya.

" A-anong sabi mo?"

" Sabi ko hindi ko siya boyfriend,paulit-ulit?" naiirita niyang sagot.

Nakita niya ang pagkagulat at kalituhan sa mukha ng lalaki. Muli itong nagtanong ngunit hindi na siya sumagot kaya naman inagaw ng binata ang laptop mula sa kaniya.

" Akin na  yan,kulit mo,ah!" kunwa ay inis niyang turan.

" Hindi ko 'to ibabalik hangga't hindi mo nililinaw ang sinabi mo kanina!"

" Ay? Ano bang malabo sa sinabi ko,ha? May iba pa bang ibig sabihin 'yung sinabi ko?Anong language ba ang gusto mo gamitin ko,spanish? Chinese?"

" Hindi mo siya boyfriend?" paniniyak  ng lalaki.

" Oo nga kulit mo,ah! Ibalik mo na sa akin yan!"

Agad namang binalik ni Mico ang laptop sa kaniya. Abot-tenga na ang ngiti nito at kapansin-pansin na rin ang sigla sa  kilos nito. Nanahimik na ito at hindi na siya ginambala pa,ni hindi na ito nagtanong para humingi na paliwanag sa kaniya. Kinuha rin nito ang tira niyang pagkain at walang alinlangang inubos.

Hala siya! Wala man lang kaselan-selan,oh?!"

Habang nasa klase siya ay hindi niya maiwasan ang mapangiti ng lihim. Ni hindi niya na nagawa pang mapakinggan ng maayos ang report presentation ng mga classmates niya. Bago sila maghiwalay nito ay nagbilin na ang binata na ito ang maghahatid sa kaniya pauwi. Inaalala niya na baka sunduin na naman siya ni Damon at hiniling  na sana ay nakalimutan na nito ang tungkol doon. Ngunit nabigo siya paglabas niya ng gate ay natanawan niya na si Damon. Nakasandig ito sa sariling kotse  at nakapahalukipkip na matamang nakatingin sa kanila ni Mico. Muli na namang nasira ang mood niya lalo at papalapit ito sa kanila. Nakangisi ito na para bang may naiisip na namang kalokohan.

" Hi Babe,tara na?" nakangiti pang turan ni Damon.

Tinignan niya ito ng masama at napailing-iling na lang. Hinarap niya si Mico at nagpaalam. Tatalikod na sana ng hinila siya ng binata at hinarap nito si Damon.

" Ako maghahatid sa kaniya pare, ngayon, bukas at sa susunod na araw. At ikaw?  From now on, i want you to stay away from her," seryosong turan  ni Mico. 

Nanlaki ang mata niya sa ginawang iyon ni Mico. Napatitig naman si Damon sa binata na kapansin-pansin ang pagkawala bigla ng ngiti nito sa mga labi.

" At kung ayoko? May magagawa ka?" seryosong sagot ni Damon na hinarap na rin ang binata.

  

Lalo lang inilapit ni Mico ang mukha kay Damon.

" Hindi mo siya girlfriend pare. Nililigawan ko na siya at ako lang dapat ang maghahatid sundo sa kaniya,"  giit pa ni Mico.

Muling napangisi si Damon na tila nang-aasar.

" Are you serious? Eh, paano yan,nililigawan ko na rin siya? So, may the best man win?"

Hindi nakapagsalita si Mico titig na titig  ito kay Damon na tila sinusuri kung seryoso ba ang lalaki sa sinabi. Ganundin naman si Damon na seryoso na ring nakatitig  dito. Tila sila mga boksingerong hinahanda para sa laban. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status