Share

Chapter 82

Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta.

" Saan ka pupunta, iha?"

" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko."

" Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda.

" Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."

" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?"

" Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status