Share

Chapter 8

" I REALLY like you ever since, Camilla."

Kamuntikan pa siyang mabilaukan sa sinabing iyon ng binata. Sinuri  niya ito ng maigi kung seryoso ba ito o ginu-goodtime lang siya. Nabanaag niya sa itsura nito ang pagiging sinsero sa mga sinasabi. Oo,alam niyang mga bata pa lang sila ay nagpaparamdam na sa kaniya ito at kinukulit siya, hindi niya akalaing hanggang sa paglaki nila ay tototohanin pala nito ang mga sinabi. Muli niya itong pinukpok sa bumbunan dahil wala siyang alam na puwedeng isagot dito.

" Aray! Bakit na naman?" Muling d***g nito hawak ang bahaging nasaktan.

" Puro ka kalokohan,eh! Ngayon pa nga lang ulit tayo nagkita pambobola na agad ang nasa isip mo!"

Ramdam niya ang pamumula ng kaniyang pisngi.

" Bakit mo ba iniisip na niloloko kita? Wala ka bang confident sa sarili mo? You are the type of a woman who is taken seriously and cared for," seryoso pa rin nitong pahayag.

Hindi niya man aminin ay nadulot iyon ng  kilig  sa kaniyang puso.

" Ganon? As in dito talaga? Habang kumakain ako liligawan mo ako,ganon?"

Mahinang pagtawa naman ang maririnig sa binata. Humalukipkip ito at mataman siyang tinitigan.

" Saka bakit ako? Marami naman diyang iba mas maganda 'yung nababagay sa'yo na gwapo  at mayaman."

Sa totoo lang kasi pakiramdam niya ay hindi talaga siya nababagay rito. Ibang-iba na kasi ito kaysa dati. Sa taglay nitong yaman ay mistula siyang isang pulubi. Lalong lumapad ang pagkakangiti nito.

" So, gwapo talaga ako? E'di bagay pala talaga tayo,maganda ka gwapo naman ako!" 

" Ah, ewan ko sa'yo,tara na nga tapos na ako kumain! Pakiramdam ko nabusog na ako sa mga pambobola mo."

Agad siyang tumayo sa upuan at mabilis na naglakad. Sa ngayon ay ayaw niyang seryosohin ang mga sinabing iyon ng binata dahil wala pa sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Masyado siyang nakapokus sa mga pangarap niya kaya wala siyang panahon sa mga ganoong kalandian. Agad na nagbayad sa counter ang binata at mabilis na humabol sa kaniya.

" Camilla, wait!" sigaw nito sa kaniya.

Nilingon niya ito saglit at muling tinalukuran. Nagulat na lang siya ng hawakan nito ang kaniyang kamay. Pinilit niya itong tanggalin ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito.

" Gusto mo ba ng icecream?" tanong nito habang nakatanaw sa kabilang kalsada kung saan may nagtitinda ng icecream.

Wala  siyang nagawa ng hilahin na siya nito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawang magalit sa ginawa nitong paghawak sa kaniyang kamay.

" Manong,bigyan niyo po kami ng dalawang chocolate flavor."

Napatitig siya sa binata habang hinihintay nito ang icecream na binili. Saka lang nito binitawan ang kaniyang kamay ng iabot sa kaniya ang icecream. Naupo sila sa isang okupadong upuan.

" Hoy!  Hindi ka ba nagugutom? Hindi ka man lang kumain."

"Makita lang kita, busog na ako." Saad nito habang hinihimas ang tiyan "Diet pill ka ba,Camilla? Kasi pag nakikita kita pakiramdam ko busog na ako,eh."

Umalingawngaw sa pagitan nila ang malakas na tawanan. Tawang-tawa siya sa ka-kornihan nito.

***

Kasalukuyang nasa harapan ng  computer si Damon ng makatanggap ng text mula kay Athena. Sinasabi nito na sunduin ang kaibigan mamayang hapon. Napabuntunghininga siya ng mabasa iyon,agad siyang nagreply dito at sinang-ayunan na lang  ang nobya.  Ayaw niya nang kontrahin pa ang nobya sa lahat ng gusto nitong mangyari,nagdulot kasi sa kaniya ng trauma ang pagtatangka  nito sa sariling buhay.

Abala man para sa kaniya ang mga nais nitong mangyari,tulad ng pagsundo kay Camilla tuwing hapon pagkagaling sa klase,pakikipag date dito three times a day at pagbibigay dito ng bulaklak at chocolates.

" I think this is too much. Kung hindi lang kita mahal,eh," bulong niya sa sarili. 

Sinipat niya ang wristwatch, may isang oras pa siya para tapusin ang ginagawa. Muli niyang hinarap ang computer at ipinagpatuloy ang ginagawa. Abala siya sa pagmonitor ng daily funds  ng kumpanya. Napangiti siya ng mapansing mas  nagiging maayos ang takbo ng kumpanya umaayon sa lahat ng mga pangarap niya.

Mabilis na lumipas ang oras muli niyang sinipat ang wristwach. Agad siyang tumayo sa swivel chair at mabilis na inayos ang sarili. Nagbihis muna siya bago nilisan ang opisina.

Nang makarating sa gate ng campus ay napansin niya ang mangilan-ngilang estudyante ang pauwi na,hinanap ng mga mata niya ang nobya at si Camilla. Sa tingin naman niya ay maaga pa siya ng ilang minuto. 

Agad niyang namataan si Camilla ngunit hindi nito kasama ang nobya. May kasama itong matangkad at gwapong lalaki na sa tingin niya ay kaklase ng dalaga. Napansin niya ang mga ngiti nito na tila masayang nakikipag-usap sa kasamang binata.

" Tss. Marunong din pala siyang ngumiti?" aniya pa sa sarili.

Agad siyang bumaba ng kotse upang magpakita rito. Nagulat pa ito ng salubungin niya,napansin niya agad ang pag iba ng expression sa mukha nito.

" Anong ginagawa mo rito?" may himig na inis na tanong ng dalaga  sa kaniya.

Agad niyang tinaas ang cellphone at pinakita ang text ni Athena. Nilapit pa nito ang mukha para basahin ang mensahe at agad itong napasimangot.

" Sige na sakay na,ihahatid na kita," sambit niya habang palinga-linga sa paligid inaasahang makikita ang nobya.

" Wait,Camilla? Akala ko ba ako ang  maghahatid sa'yo?"

Dinig niya pang tanong ng lalaking kasama nito. Bakas dito ang lungkot at pagkadismaya.

" Sige na, Mico bukas na lang ulit."

Agad na umandar ang kapilyuhan niya at inilahad ang kamay sa lalaki para magpakilala.

" Hey, dude,i'm Damon boyfriend ako ni Camilla."

Napatingin agad sa kaniya si Camilla na napaawang ang bibig.

" Bo-boyfriend?" di makapaniwalang tanong ni Mico.

" Yup?" tugon niya rito.

Nagpapalit-palit ang tingin nito sa kaniya at kay Camilla na tila hindi makapaniwala sa narinig.Pinilit niyang itago ang ngiti at pilit na pinaseryoso ang mukha. 

" Tara na nga!" inis na sambit sa kaniya ng dalaga.

Agad itong pumasok sa kotse niya ngunit sa backseat ito pumwesto.

" Sige, dude nice meeting you," aniya pa sa lalaki.

Nang makapasok siya sa kotse ay naabutan niyang sambakol ang mukha ni Camilla. Pasipol-sipol pa siya habang tinitignan ito sa rear view mirror. 

" Sino 'yun,boyfriend mo?"  nangingiting tanong niya.

" Hindi!" asik nito sa kaniya.

" Ha? Naku sayang naman balak ko pa naman sana kayong pag-awayin," natatawang turan niya.

Tumawa ng pagak  ang dalaga at napailing-iling na lang.

" Matindi na talaga sayad mo sa ulo! Alam mo hindi ko talaga alam kung ano nagustuhan sa'yo ng kaibigan ko," inis pang turan nito.

" Dahil gwapo ako!" mabilis niyang sagot.

Napahalakhak ng malakas si Camilla sa tinuran niya.

" FYI lang Mr. Demon Villaruiz, hindi lang looks ang dapat na gawing basehan! Dapat inalam niya man lang ang background ng mental health mo! Kasi tingin ko mukang malala ka na!" Mataray nitong wika.

" Pero gwapo ako!" muli niyang sambit.

Nakita niyang may dinukot ito sa bag ang cellphone nito at isang headset na agad sinalpak sa tenga nito. Muling umandar ang kapilyuhan niya,binuksan niya ang music sa kotse at nagpatugtog din ng malakas. Sinasabayan pa niya ang pagkanta ng singer na ' Bon Jovi' sa kantang 'It's My Life' habang sumasayaw. Lalong lumarawan ang inis sa mukha ni Camilla.

" Hoy! Ano ka ba naman? Baka mabangga tayo ang lakas pa ng tugtog mo, may pasayaw-sayaw ka pa diyan!"inis na saway nito sa kaniya.

Hininaan niya ang tugtog dahil nakikita niyang pikon na pikon na ito sa kaniya. Mahirap na at baka makatikim na naman siya ng counter punch ala ' pakman  ' mula dito.

Nang makarating sa  gate ng mansion ay agad itong bumaba at ibinagsak ang pinto ng kotse. Napangiwi pa siya sa lakas ng pagbagsak nito sa pinto. Natatawa niya na lang na sinundan ng tingin ang papalayong dalaga.

Tinawagan niya  ang nobya upang ipaalam dito na naihatid niya na si Camilla.

" Hon, hinatid ko na ang kaibigan mo,asan ka ba? Hindi kita nakita kanina."

"  Hinatid mo ba ng maayos, Hon?"

May diin ang naging bawat salita nito.

" Oo naman, Hon, wala kahit anong galos."

Sus,ikaw talaga. Tumawag kasi sa akin nagsusumbong. Hon nmn, eh,kaya 'di kayo nagkakasundo."

Maktol pa ng nasa kabilang linya.

" Ang bilis naman nakapagsumbong sa'yo ng kaibigan mo, by the way nasaan ka  ba?"

Nandito pa ko sa room,marami pa akong tinatapos, eh."

" Sunduin kita mamaya?" malambing niyang tugon sa kausap.

Alam mo namang hindi puwede 'di ba?

" Asus! Tinatanggihan mo na ako,ah! Hindi mo na ba namimis ang makulong sa mga bisig ko?"  pabiro niyang sabi.

Narinig pa niya ang mahinang hagikhik ng nobya.

Sige na,bye na. Ingat sa pagdadrive,ah. Love you, Hon."

" I love you more." 

Nang maputol ang linya ay napabuntong-hininga na lang siya. Hindi na talaga sila malaya ng nobya at nalulungkot siya ng sobra dahil doon. Hindi kasi siya sanay ng hindi ito nakikita. Namimis niya na ang malambing na girlfriend na dati-rati ay araw-araw niyang nasisilayan. Bago pa sumabog ang dibdib sa lungkot ay nagpasya na siyang paandarin ang sasakyan. Kailangan niya munang dumaan sa kanila para tuluyang bumalik sa opisina. Bago umuwi ay naisipan niya muna na mag grocery na dati-rati ay  Mommy niya ang gumagawa nung mga panahong maayos pa ang pag-iisip ng nito. Ngunit ngayon ay malabo na at baka mapuno ng alak ang bahay nila pag binigyam niya ito ng pera.

Sa ngayon ay siya na ang tumatayong ilaw at haligi ng kanilang tahanan. Noong una ay nahirapan talaga siya ngunit ng malaunan ay nasanay na lang din siya. Kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay kahit dumaan ito sa matinding unos.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status