Share

Chapter 10

" DO'NT mess with me, dude!  Masyado ka pang totoy to compete with me. Look at you,matangkad ka lang pero totoy ka pa rin,hindi mo kayang ipaglaban si Camilla."

Nalukot ang mukha ni Camilla gusto niya na 'tong hambalusin ng tubo.

" You're wrong,i'm matured enough to protect her. Mahal ko si Camilla at gagawin ko ang lahat para sa kaniya. At ikaw? Obvious naman na  playboy ka and i dont want her to be one of your toy,paiiyakin mo lang siya!"

Ibig niyang matawa sa sinabing iyon ni Mico alam na alam talaga nito na playboy ang kaharap.

" Ah, ah,ah? Mali ka," hirit pa rin ni Damon habang kinukumpas ang mga  daliri. " Huwag mong maliitin ang damdamin ng isang playboy,pag nagmahal kami seryoso,tagos sa puso!" dagdag pa nito habang tinatapik ang sariling dibdib.

Hindi agad nakaimik si Mico, nakatitig pa rin kay Damon na halatang napipikon na. Maya-maya ay nagulat pa ito ng pingutin niya ang lalaki.

" Halika na puro ka talaga kalokohan!" sambit niya habang hawak pa rin ang tenga nito.

" Aray,aray!" d***g ni Damon habang nagkakanda kuba dahil sa ginawa niya.

Hinila niya na si Damon  papunta sa kotse habang hawak pa rin ang tenga ng lalaki.

"  May nalalaman ka pang tagos sa puso,ha? Ano tagos  na ba ang sakit?"

" Take your hands off, nagbibiro lang naman ako!" 

" Ah, puro ka na lang biro! Lahat na lang dinadaan mo sa biro, sige pasok sa kotse!"

Naiwang namumulagat ang mata ni Mico na tila hindi makapaniwala sa ginawa niya sa lalaki. Hindi niya na alam kung tatagal pa siya sa ganoong set-up nila ng binata. Masyado itong mapang alaska na kahit si Mico ay hindi nito pinaligtas. Ni minsan ay hindi pa niya ito nakitang nagseryoso sa buhay. Ano na lang kaya ang magiging kapalaran ng matalik na kaibigan pag ito ang nakatuluyan?

Isang normal na umaga iyon para kay Camilla. Gumising siya ng maaga at inayos ang sarili para pumasok. Nang maigayak ang sarili ay nagpasya ng lumabas. At tulad ng inaasahan,napasimangot si Athena ng makita ang suot niya. Pero nasanay na rin siya, palagi namang ganun ito pinag-iinitan ang kaniyang OOTD.

" Good morning, Best!" bati pa niya rito.

Ngumiti lang ito at napansin niya ang lungkot sa mukha nito. 

" Bakit pang biernes santo 'yang mukha mo may nangyari ba?"

" I miss him," anito na nanatiling nakayuko habang tinutusok-tusok lang ng tinidor ang bacon na nasa plato.

Napaismid siya alam niya kasi na si Damon ang tinutukoy nito. Hindi niya na naisipan pang ikwento dito ang nangyari kahapon, alam niyang wala rin namang mababago sa sitwasyon niya. Ang panalangin niya lang ay sana bumagal ang oras at huwag nang dumating ang hapon. Matagal niya ng kakilala si Damon, mga bata pa lang sila ay nakikita niya na ito na palaging kasama ni Athena  sa school lalo na't pag nagkakaroon ng malaking event sa mansion. Dati pa ay kilala na itong ultimate crush ng campus at dakilang playboy. Nang makagraduate high school ay pumunta na nga ito ng Amerika para doon na ipagpatuloy ang pag-aaral.

" Hayy! I can't take this anymore, i really miss him. Kaya Best, mamaya,ha, sa dating tagpuan."

Siya naman ang biglang tumamlay dahil ibig sabihin mahaba-habang oras niya makakasama ang binata. Hindi niya naman magawang magreklamo.

" Okay," tipid niyang tugon dito.

" Camilla, anak may naghahanap sa'yo sa labas." 

Bungad ng Ina  sa kaniya nang pumasok ito sa dining room.

" Sa akin po, sino?"

Nagtataka niyang tanong dahil wala siyang ibang maisip na tao na pwedeng maghanap sa kaniya.

" Mico raw,eh? Sino ba 'yun anak nobyo mo?"

Nagtaka siya kung paano nito nalaman ang kanilang bahay.

" Ma, naman,eh, boyfriend agad? Hindi po."

"  Okay lang naman anak kahit maging boyfriend mo 'yun. Gwapo naman,eh, saka mukhang mayaman," humahagikhik na tugon ng kaniyang Mama.

" Ma, naman, eh. Ayoko pang magboyfriend. Teka paano  nga palaz niya nalaman na dito ako nakatira?" 

"  I told him, nagkita kasi kami kahapon sa school, then he ask me kung saan ka nakatira."

" Aba'y mabait at magalang na bata anak, kaya pag 'yun ang naging boyfriend mo approved sa akin."

Umikot ang mata ni Camilla at nagpasya  na lang na puntahan ang binata na naghihintay sa sala. Naabutan niya itong nasa sala at inililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Nang makita siya nito ay agad itong napangiti sa kaniya. 

" Anong ginagawa mo dito?"

" Obvious ba? Eh, 'di sinusundo ka," nakangiti pa ring turan nito.

Bumati ito kay Athena na nakasunod na rin pala sa kaniya pati na rin ang Mama niya.

" So, mauna na ko sa inyo,ah, ayokong makaistorbo sa inyo,eh," nanunuksong wika ni Athena.

Pinandilatan niya ng mata ang kaibigan.

" Nanliligaw ka ba sa anak ko, iho?" usisa ng Mama niya.

" Ma? Ano bang klaseng tanong iyan? Nakakahiya!" saway niya sa kaniyang  Nanay.

" Yes po, Tita!" mabilis na tugon ng binata. " Actually, kaya po ako nandito ay  para personal  po na magpaalam na ligawan ko ang anak niyo, kung okay lang po sana?" 

" Oo naman, basta ba 'wag niyo pababayaan ang pag-aaral niyo,ah?"

Hindi naman siya  makapaniwala sa tinuran ng Ina.

" Oo agad? Grabe ka, Ma. Akala ko pa naman strict parent ka."

" Talaga po? Thank's po, Tita. Promise po priorities pa rin po namin ang study," masayang wika ni Mico na abot tenga ang ngiti.

" Hoy, Mico, naniwala ka naman?"

" Curious lang ako, ano ba nagustuhan mo sa anak ko,masyado ka kasing  gwapo para kay Camilla ko,eh," nangingiting usisa pa rin ng kaniyang Ina.

" Sige,Ma! Ipagsigawan mo pa na hindi talaga ako maganda!"

Natawa si Mico dahil doon. Ngunit hinila niya na ito sa braso at baka kung saan pa mapunta ang usapan.

" Bakit mo pa kasi ako sinundo dito kung ano-ano tuloy ang pinagsasabi niya sa'yo," nagmamaktol niyang winika.

" Part nga ito ng panliligaw ko 'di ba? Saka hindi kasi ako mapakali sa nangyari kahapon,ano mo ba talaga si Damon? Hindi mo naman siya boyfriend 'di ba? Bakit kailangang  sunduin ka niya sa school?" bigla ay seryosong usisa nito.

" Huwag mo na lang pansinin 'yun si Damon,basta sinabi ko na sa'yo na hindi ko siya boyfriend,tapos!" 

Pinagbuksan muna siya ng pinto ng kotse ng binata bago ito muling nag-usisa.

" Manliligaw?"

" Hindi rin."

" Eh, ano nga?"

" Kulit mo, Mico,ah?" naiirita na niyang sagot. Hindi niya kasi pwedeng sabihin dito kung bakit ginagawa iyon ni Damon.

" Sorry. Nagseselos lang kasi ako,eh. I don't know but, i think when it comes to you, nagiging possessive ako. Gusto ko sa akin ka lang, Camilla," malamlam ang mga matang wika nito.

Napatitig siya sa gwapong mukha ng binata. Imbis na mainis siya ay nagdulot iyon ng kilig sa kaniya. Nakakasiguro na siya na talagang marupok siya sa mga ganoong bagay.

" Hoy, Mico,ah! Hindi kita boyfriend, huwag ka ngang OA diyan!" kunwa ay mataray niyang sambit.

Napangiti ng mapakla si Mico, bakas sa mukha ang lungkot.

" Yeah, i know sorry ulit."

Pagkasabi nun ay pinaandar na nito ang kotse. Lihim naman siyang napapangiti sa mga ginagawa nito,feeling niya ang haba ng kaniyang buhok. Sa totoo lang ay ngayon lang kasi siya nakaranas ng special treatment mula sa isang lalaki. Mula pa noon kasi ay wala pang nagbabalak na manligaw sa kaniya. Hindi naman siya pangit katunayan ay ngtataglay siya ng maamong mukha.  Maganda ang  hubog ng kaniyang katawan na natatakpan ng maluluwag niyang pananamit. Marahil ay sa kaniyang pagiging boyish looks at strong personality kaya wala nagtatangkang manligaw sa kaniya. Hindi katulad ni Athena na maraming manliligaw dahil bukod sa mayaman at maganda ay sweet at charming ito. Ngunit tila kay Damon lang ito nahumaling.

Tahimik lang silang naglalakad ni Mico ng makarating ng school. Hinatid muna siya nito sa room bago ito tuluyang pumunta sa sariling room. Hatid niya ito ng tanaw,bagsak ang balikat nito habang papalayo.

Nang makaupo  ay agad naman siyang nilapitan ni Rochelle. Nagtaka siya dahil tapos na ang report nila at sa pagkakaalam niya ay wala pang bagong activity na pinapagawa ang prof.nila.

" Hey? Who's that cute guy na naghatid sa'yo?" Kapansin-pansin ang kilig nito sa mukha

" Ha? Si Mico ba?"

" So, Mico pala ang name niya?" Ngumiti ito ng matamis. " Manliligaw mo?"

" Ahm, h-hindi rin?" pagsisinungaling pa niya.

" Good! Kasi i like him!" 

Hindi sinasadyang napataas ang isang kilay niya sa sinabi nito.

" Madalas ko kasi siyang nakikita, i think new student siya rito. He's really cute."

Napangiti siya ng hilaw sa kaharap.

" Puwede mo ba akong ipakilala sa kaniya?" 

" Ah,o-oo naman," alanganin niyang sagot.

" Alright! E, bakit ka nga pala niya laging hinahatid at sundo dito?"

" Ang dami namang tanong ng babaeng 'to!" aniya sa sarili.

Ah, kasi ako lang ang kilala niya rito, at oo new student nga siya. Type mo talaga 'yung mokong na 'yun?"

" Grabe ka naman sa mokong," natatawa nitong sabi.

" I want to know him better, ano nga palang course niya?" 

Kapansin-pansin ang excitement sa mukha ni Rochelle na bahagyang ikinairita niya. Pero naisip niya na ayos na 'yun para hindi na mangulit ang binata pa sa kaniya. Sigurado naman siyang magugustuhan din ito ng binata. Maganda si Rochelle. Gaya ni Athena charming din ito. Sosyal at makinis ang maputi nitong balat. 

" Hmm. Siya na lang kaya ang tanungin mo? Tutal ipapakilala naman kita sa kaniya, 'di ba?"

" Hmm,sabagay! So, hindi mo siya type?" 

Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling.

" Good! So, sino ang boyfriend mo? Yung guy ba na palagi ring sumusundo sa'yo sa gate?"

Namilog ang mga mata niya. Pati pala  iyon ay nakikita rin nito. Sa lawak ng campus ay pati 'yun ay nagawa pa nitong makita?

" Ganun pala ang mga type mo,ah, badboy image? Actually, gwapo  siya, ang lakas ng appeal, pero mas type ko ang nice guy  looks na tulad ni Mico," kinikilig pa nitong sambit.

" Hindi ko rin boyfriend ang lokong 'yun, okay?"

Hindi niya naitago ang inis sa boses ngunit tila hindi iyon napansin ng kaharap. 

" T-talagang type mo si Mico?" tanong pa niya. Ayaw niya rin naman ipaalam  na pinopormahan siya ng binata dahil baka isipin nito na ang cheap pala ng tipo nitong babae.

" Yes!  And i think naman magugustuhan niya rin ako, what do you think?" 

Natawa na lang siya sa tanong nito. Naputol lang ang pag-uusap nila ng dumating ang prof. nila.

" Sige, later na lang,ah? Mayang breaktime i'll go with you,okay?"

Napatango na lang siya sa tinuran nito. Napabuntung-hininga siya nang maisip na sa wakas ay wala nang mangungulit pa sa kaniya. Ayaw man niyang aminin ay nakaramdam siya ng lungkot sa naisip. Hindi niya rin masabi sa sarili kung nagugustuhan niya na ba ito o dahil natutuwa lang siya sa pinapakita at pinaparamdam nito na espesyal siya para sa binata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status