Share

Chapter 4

NANLAKI ang mata ni Damon ng makitang papasugod sa kaniya si Camilla habang hawak ang hinubad na sandals nito at ihahampas sa kaniya.Hindi niya inaasahan ang gagawing iyon ng babae. Gusto niya lang itong asarin,si Athena naman  talaga ang ka-meet niya.  Alam niya kasi na pagdating sa ganoon bagay ay namumula ang dalaga sa galit. At naku-cute-an siya sa dalaga pag ganoon na ang asal nito.

" Hoy,teka masakit iyan!" bulalas niya. Ngunit huli na nahampas na siya nito sa braso ng malakas kaya namilipit siya sa sakit.

Hahampasin pa sana siya  ulit nito pero nakatakbo na siya at naiwasan ang muling atake nito.

" Hey! Stop it,i'm just kidding!" hiyaw  niya habang patuloy na umiiwas sa hampas ni Camilla

Habol pa rin siya ni Camilla,natigil lang sila nang sumigaw si Athena.

" Hey! Ano'ng ginagawa niyo'ng dalawa? Nag-aaway na naman ba kayo?!" sigaw nito sa dalawa. 

Agad na lumapit si Damon sa nobya na bumubunghalit ng tawa.

" Hon,pikon talaga 'yang friend mo,ang init ng ulo,kaya walang lovelife,eh!"

" Iniinis mo  na naman ba si Camilla? Sana pala hindi kita pinapunta rito,eh! Nakakainis ka,Hon!"

" P-pinapunta mo siya rito?"  di makapaniwalang tanong ni Camilla.

" Oo,bes,eh. Sorry,ah,now ko lang na sabi." Tinapik ang nobyo na hindi pa rin humihinto sa kakatawa. "Hon,stop laughing!"

Nakita niya na lalong bumakas ang inis nito sa mukha. Agad na sinuot nito ang sandals na suot at inayos ang sarili. 

" Okay,uuwi na ako,nawala ako sa mood!" inis nitong turan.

" What?! Kararating lang natin uuwi ka na?" 

" It's okay,Hon para walang istorbo sa atin," agad na sabi niya ngunit siniko siya ng nobya.

Sinamaan siya ng tingin ni Camilla. Sambakol pa rin ang mukha nito.

" Sige na,bes. Marami pa akong kailangang ayusin,eh," tugon ni Camilla.

" Ako na stress sa inyo,ah. Hindi na kayo nagkasundo. Sige kita na lang tayo sa bahay," pagsang-ayon na lang nito.

Hindi na sumagot si Camilla at  iniwan na sila nito. Lumuwang naman ang ngiti niya dahil doon.

" Ikaw kasi,eh! Bakit ba inis na inis na naman sa'yo 'yung tao? By the way,what can you say about her new look? Ako nag-ayos sa kaniya," saad nito habang sinusundan ang papalayong dalaga.

" New look? Saan?Parang wala namang nagbago,lalo lang lumala. Napaka bayolente talaga ng kaibigan mo!" sambit niya habang himas ang braso

Agad siyang tinampal ng nobya.

" It's your fault naman,eh!"

" Siya nga pala ano ba 'yung gusto mo'ng sabihin sa akin at agad mo akong pinapunta rito?"

Napansin niya agad ang biglaang lungkot sa mukha ng nobya. Napatitig sa kaniya ito at inaya siya na maghanap ng makakainan para makapag-usap ng maayos. Um-order muna siya ng kakainin bago umupo sa tabi ng nobya na tila malalim ang iniisip.

" My problema ba, hon?" untag niya rito.

" Si Mommy kasi,nagdududa na may relasyon tayo." 

" Edi sabihin na natin sa kanila."

" No! She told me,if she prove na mayroon tayong relasyon ipapadala niya ako sa Amerika!" mabilis nitong tugon.

Napabuntung-hininga siya sa sinabi ng dalaga.

" Actually,she talk to me also," aniya.

" What did she say?" 

" To stay away from you,and if i did'nt do it, she will pull me out of the company," mahina niyang sabi na hindi makatingin ng diretso sa nobya.

" A-anong gagawin natin?" tanong nito,bakas sa mukha ang matinding pag-aalala.

Hindi agad siya nakasagot. Kailangan niya ang company para maitaguyod ang pamilya niya. Lalo na sa kapatid niyang may disorder. Ngunit ayaw niya rin naman na mawala si Athena.

" We have no choice but to keep remain silent about our relation,hanggang sa kaya na nating panindigan,sa ngayon kasi,ayoko munang galitin sina Mommy. I do'nt want you to loose the company,napakalaking tulong noon para sa pamilya mo," untag nito sa pananahimik niya.

Ginagap niya ang kamay ng nobya bilang pagsang-ayon dito. Tama ito ayaw niya ring mawala sa kanila ang company.  Buong buhay nila ay namuhay sila ng marangya at ayaw niyang mabago iyon lalo't may  Ina at kapatid siyang umaasa sa kaniya.

***

" OH anak,kumain ka na nga muna,mamaya na iyang cellphone,sino ba ka text mo at di mo ginagalaw ang pagkain mo?"  

" Nag-aalala ako kay Athena,eh. Hanggang ngayon hindi pa umuuwi," tugon niya habang abala pa rin sa cellphone.

" At bakit ka naman nag-aalala? At kelan pa?" takang tanong ng Ina.

" Baka kasi dumating si Tita,maabutan na wala pa siya rito." 

" Oh,eh,ano naman? " muling usisa pa nito. " Ginagawa  mo namang bata si Athena."

" Eh,kasi nga,Ma-"

Hindi niya na naituloy ang sasabihin pa sana.Hindi niya direktang maipaliwanag dito ang kasalukuyang sitwasyon ng kaibigan. Nagkamot na lang siya ng ulo bilang tugon dito.

Sana pala kanina ay pinaalalahanan niya ito na huwag magtagal na kasama ang binata. Naunahan kasi siya ng inis kay Damon kaya pinili niyang mag walk-out. Napaangat siya ng ulo ng umalingawngaw sa sala ang boses ni Mrs. Romualdez. Tinatawag nito ang pangalan ni Athena. Tumayo silang mag-ina para puntahan ang matanda. Naabutan nila itong namumula sa galit,agad na gumapang ang kaba sa kaniyang dibdib.

" Misis,wala pa ho si Athena," sagot ng Mama niya.

" Yeah,and i think 'till now she is with Damon,am i right, Camilla?" Matiim itong tumingin sa kaniya.

" Po? Ahm,tita kasi-"

Naputol ang sasabihin sana niya ng biglang dumating si Athena.

" Mom! What's happening? Sa labas pa lang naririnig ko na 'yung boses mo," puna nito sa Ina.

" And where have you been? Are you with Damon,right?!"  Sa halip ay galit na tanong nito.

" Of course not! I- I'm with my friends to hang-out," pagsisinungaling ni Athena.

" Sinungaling!" singhal nito at biglang ibinagsak sa lamesita ang mga pictures na kanina pa pala hawak. " Can you explain this?"

Natigagal silang dalawa ng mapagmasdan ang pictures na kuha nina Athena at Damon kanina habang magkasama.

" What is this,Mom? Are you stalking me?" 

Bakas sa mukha ni  Athena ang kaba at pamumutla.

" I already warned you,Athena! I told you to stay away from him! Pero hindi ka nakinig!"

" Mom,naman friends lang kami ni Damon dati pa,remember? At saka hindi lang naman kami ang magkasama that time,m-may iba pa kaming kasama riyan. Maybe hindi nakita ng taong inutusan mo para kunan kami." Patuloy na pagsisinungaling nito.

" Sa tingin mo ba maniniwala ako sa'yo?Anyway i called your Dad kanina. Pinapaayos ko na ang magiging kasal mo sa anak ni Mr.Chan. And as soon as possible pupunta ka na sa Amerika!"

Gulat na gulat sila sa narinig. Lalo na si Athena na lalong namutla. Napaawang ang bibig nito sa labis na pagkagulat. Ang tinutukoy nitong Mr.Chua ay ang anak ng business partner nila sa hongkong.

" Mom,no! What are you saying?" sindak na tanong nito. " Bakit ako magpapakasal sa hindi ko kilala?I really can't believe this! Pinapangunahan niyo na ang buhay ko!" mangiyak-ngiyak na hiyaw nito. 

Gusto na sanang tumalikod ni Camilla dahil nagiging mainit na ang usapan ng mag-ina. Ngunit natulos siya sa pagkakatayo,sobrang nabigla siya sa narinig. Masyado pang bata ang kaibigan para maikasal,at hindi lingid sa kaniya kung gaano nito kamahal ang nobyo.

" Magtigil ka! Wala kang mapapala kay Damon,matutulad ka rin lang sa Mommy niya na naging miserable ang buhay!" 

Hindi agad  nakaimik si Athena. Wala itong tigil sa pag-iyak. Gusto niya sanang lapitan ang kaibigan ngunit pinigilan siya ng Ina at inaya ng umalis.

" And then,tatanggalin ko na rin sa company ang salot na Damon na iyan! Kasalanan 'to ng Dad mo,eh,kung noon pa nakinig siya sa akin,wala na sanang magiging problema." 

" Mom, please don't do that! Bakit ba ayaw mong maniwala na hindi ko siya boyfriend?!" 

" At paano mo ipapaliwanag sa akin ang mga pictures na iyan,ha?!"

Pinulot nito ang mga pictures at inihagis sa anak.

Hindi nakaimik si Athena,isa-isang pinulot ang mga pictures at tinitigan.Naging malikot ang mga mata nito na tila nag-iisip ng idadahilan sa Ina.

" Halika na anak,hayaan na natin sila," bulong sa kaniya ng Ina.

Tatalikod na sana siya para iwan ang mag-ina.

" S-si Camilla." 

Agad na sagot ni Athena na nagpalingon sa kanilang dalawang mag-ina. Nakatingin sa kaniya si Athena na tila humihingi ng saklolo at sumang-ayon na lang sa mga sasabihin nito.

" Damon ask me a favor.Gusto niya kasing sorpresahin si Camilla for their anniversary, and he ask some advise," dire-diretsong sabi nito habang nakatitig pa rin sa kaniya.

Nagpalipat-lipat ng tingin ang dalaga sa tatlo na nakatunghay sa kaniya. Lalo na ang Nanay niya na halatang nabigla rin.

" A-anak,anniversary? Para saan?"

" For their one year relation," salo ni Athena sa tanong ng Nanay niya.

Lalo siyang naloka sa narinig. Lumapit si Athena sa kaniya,makahulugan ang mga tingin nito.

" Sorry,bes,ah? Alam ko hiniling mo na ilihim natin ang relasyon mo kay Damon,kasi ayaw mo'ng madisappoint ang Mama mo."

Hinawakan nito ng mahigpit ang kaniyang kamay. Naumid siya at hindi agad nakapagsalita.

" Please," anas ni Athena sa kaniya.

" Is that true, Camilla?"  tanong ni Mrs. Romualdez.

" Anak,totoo ba 'yun?" tanong ng Nanay niya.

Gusto niyang himatayin sa eksenang iyon. Lalo't nakita niya ang dalawang matanda na naghihintay sa maaring isagot niya. Muli niyang naramdaman ang pagpisil ni Athena sa mga kamay niya at nangungusap na mga mata nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status