Share

Chapter 6

HINDI malaman ni Camilla kung umaarte lang ba si Damon sa mga tinuturan nito. Seryoso ang lalaki habang nagsasalita. Nakilala niya kasi ito bilang alaskador at hambog kaya naman naninibago siya sa ikinikilos nito.

" I don't want to ruin her life for me."

Muli ay narinig niya'ng sambit pa nito. Totoo nga kaya ang sinabi nito na nagbago na siya?

" Sa totoo lang matagal naman na kami ng kaibigan mo. Since highschool pa lang naging kami na, this time,i  think it's over."

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot sa tinuran nito. Mukang balak na nga nitong hiwalayan si Athena,paano na ang kaibigan? Tiyak na masasaktan ito ng sobra. 

" But don't get me wrong,Camilla. I love your bestfriend so much, but i have to accept na hindi kami ang itinakda," malungkot at seryoso pa ring turan nito.

Napatango-tango naman siya bilang pag sang-ayon dito. Mukhang ibang Damon na yata ang kaharap niya ngayon. Sabagay,sa sinapit ng pamilya nito,kailangan na nitong magseryoso sa buhay dahil ito na lang ang inaasahan ng pamilya

" Isa pa, life is short, enjoy it. Hindi natin kailangan magpatali sa  iisang tao lang, tikim din naman ng ibang putahe," nangingiti na nitong wika.

Napamulagat naman siya dahil doon,bigla ay nagpanting ang tenga niya.

" Nakakasawa naman kasi pag isa lang,eh. Si Athena ang tipo ng ulam na masarap balik-balikan,parang adobo. Pero syempre, may time nakakasawa rin."

Halos manginig ang kalamnan niya sa sinabi nito,puro talaga ito kalokohan. Patuloy lang ito sa pagsasalita,habang naniningkit ang mata niya sa inis. Kinumpara pa ang kaibigan sa ulam na adobo.

" Tingin mo Camilla? Tama ako 'di ba?"

Tanong pa nito sa kaniya at nilingon siya na nakangisi ngunit kamao niya ang sumalubong dito. Sapul ito sa mata kaya naghuhumiyaw ito sa sakit.

" Aray ko! Bakit mo ako sinuntok sa mata?!" Hiyaw nito dahilan para pagtinginan sila ng mga taong naroon. Sapo nito ang sariling mata.

" Nagbago pala,ha? Puro ka talaga kalokohan!" sambit niya habang pinapagpag ang mga kamay.

Dinukot nya ang cellphone sa bag at tinawagan si Athena.

" Nagbibiro lang  naman ako,eh! Masyado ka kasing seryoso,"pangangatwiran pa nito.

Hindi niya 'to pinansin at inirapan lang ang lalaki. 

" Hello,Besty! Hindi na ko tatagal na kasama 'tong boyfriend mo,ah,pupunta na ako diyan!" May himig na inis na wika sa kaibigan.

Pagkapatay ng cellphone ay agad na niya'ng iniwan si Damon na sumunod naman sa kaniya.

" Hey,wait! 'Yun na ba 'yung date natin,hindi man lang ba tayo kakain?"

Nang makarating sila sa resthouse ay nagulat naman si Athena sa itsura ng boyfriend. Pinigilan naman ni Camilla ang matawa dahil sa bilog na black-eye ni Damon sa mata. Ngayon niya lang ito napagmasdan dahil sa labis na inis kanina.

" Hon,bakit ganiyan itsura mo? Sino may gawa niyan?" gulat na tanong ni Athena.

" Who do you think?"sagot ni Damon.

Napabuntung-hininga naman si Athena na tila alam na kung sino ang gumawa 'nun sa nobyo.

" Besty?" tawag nito kay Camilla.

Pasipol-sipol naman  si Camilla na parang walang narinig.

" Hayy! Ano na naman ba pinag-awayan niyo?Puwede ba 'wag na muna kayong dumagdag sa mga problema ko?!" inis na reklamo ni Athena.

Hindi naman nakaimik ang dalawa na parang mga maaamong tupa. 

" Ang dami ko na ngang iniisip,dumadagdag pa 'yang pag-aaway niyo!" naiiyak pa nitong wika.

Hinila naman siya ni Damon at niyakap. 

" Hon, hindi mo naman dapat problemahin lahat,eh. Pumayag na tayo sa gusto ng parents mo."

Kumalas si Athena sa pagkakayakap,hindi makapaniwala sa sinabi ng nobyo. Tahimik lang siya'ng nakamasid sa pag-uusap ng dalawa.

" What are you saying? You let me to marry with other man? No way!"

Kaya ayoko ng lovelife,eh. Masyadong komplikado," aniya sa sarili.

" Hon,it's over. Siguro naman pag nag break tayo hindi ka na nila  ipapakasal sa iba. We have to accept the fact that we're not meant to each other," paliwanag ng lalaki.

" Bakit ba parang gustong-gusto mo na maghiwalay tayo? May iba na ba?" pang-uusisa ni Athena na nangingilid ang luha.

" This is not about other woman,it's about our family. Ayokong suwayin mo sila ng dahil lang sa akin,isa pa ayoko pang mandamay ng ibang tao para lang sa problema natin."

" Asus,gusto mo lang tumikim ng ibang putahe,eh," singit niya sa dalawa.

Napatingin naman sa kaniya ang dalawa na parehong naka kunot ang noo. Nagkunwari pa siyang may kinakalikot sa hawak na cellphone. 

" So,sumusuko ka na? Igi-give-up na lang natin,ganon?" galit na tanong  ni Athena. 

" Do we have a choice?" 

" Yes we have! Kaya nga magpe-pretend kayo ni Camilla 'di ba?" 

" Shit! Until when? Sa tingin mo ba mapapaniwala natin sila habang-buhay? May hangganan din ang lahat at malalaman din nila,lalo lang magiging malala ang sitwasyon natin,so please stop this nonsense!" galit na ring wika ni Damon.

Tuluyan ng napaiyak si Athena na tila nawalan na ito ng pag-asa para makumbinsi ang nobyo.

" I'm really sorry pero wala talaga akong ibang maisip na paraan," malungkot na wika ng binata. Bagsak ang balikat nitong pinagmamasdan lang si Athena na umiiyak.

" Let's just wait the right time for us, pag kaya na natin ipaglaban ang isa't-isa,then saka na lang natin ituloy. For now let's just end this relationship for our peace of mind."

" Weh? Peace of mind? Baka naman chance to mingle in other girls," sarkastikong hirit na naman niya.

Muli ay napatingin sa kaniya ang dalawa.

" Bakit parang biglang uminit? Makalabas nga muna para makapagpahangin," kunwa ay wika niya.

Iniwanan niya na lang ang dalawa,bakit pa ba siya makikigulo problema na nila 'yun. Pakiramdam niya ng mga oras na 'yun ay malaya na siya sa isang malaking responsibilidad. Ngunit kahit nasa labas na siya ay  dinig niya pa rin ang pagtatalo ng dalawa. Ngunit maya-maya ay lumabas na rin si Athena,mabilis ang naging paghakbang nito papalayo sa kanila. Nakita pa niya'ng humabol si Damon dito.

" Hon, where are you going?" tanong ng lalaki habang humahabol.

" Huwag mo kong sundan,stay away from me!" 

Narinig pa niya'ng sigaw ng kaibigan.Sinundan niya na lang ng tingin ang dalawa habang papalayo. Napailing-iling na lang siya. Tingin niya kasi ay hindi nito matanggap ang pakikipaghiwalay ng binata. Magkahalong inis at awa ang nararamdaman niya para rito.

" Hayy,Besty para ka namang mauubusan ng lalaki,move-on,oy!"

Ilang oras pa ang lumipas ay hindi pa rin nakakabalik ang dalawa. Papadilim na ay wala pa rin ang mga ito. Nakaramdam na rin siya ng gutom, hindi pa nga pala siya kumakain ng tanghalian. Ang plano kasi nila  ni Athena ay kakain sila ng binata sa restaurant bilang bahagi ng pagpapanggap nila. Ngunit dahil sa nangyari sa kanila kanina ay hindi na ito naituloy. Mabuti na lang kahit papaano ay may natira pang stock na pagkain sa resthouse. Malayo na rin kasi ito sa lugar kung saan may tindahan. Sa 'di kalayuan naman ay naroon ang beach kung saan madalas silang maligo ni Athena nung mga bata pa sila.

Habang kumakain siya ng cup noodles  at biscuit  ay hindi niya maiwasang maisip ang dalawa,asan na kaya ang mga ito? Maya-maya ay nakarinig na siya ng kaluskos sa labas at alam niyang ang dalawa na iyon. Nagulat pa siya ng makita ang dalawa  na basang basa. Naligo sila sa dagat?

" God's sake, Athena! How could you? Magpapakamatay ka ba?" bulalas ni Damon.

Natutop niya ang bibig nang marinig ang sinabi ni Damon. Muntik pa niya'ng mabitawan ang hawak na cup noodles dahil sa pagkabigla. 

Nanatiling walang imik si Athena at tila natutulala. Nilamukos naman ni Damon ang sariling mukha tanda ng pagkainis.  Bakas dito ang labis na pagkagulat dahil sa ginawa ng nobya.Matagal muna itong nakatitig sa dalaga bago nagsalita.

" Okay, sige panalo ka na. Pumapayag na ako sa gusto mo," mahina at matamlay na saad ni Damon.

Unti-unting napatingin dito ang nobya. Umaliwalas ang mukha nito.

" Ta-talaga? You mean,you're not breaking up with me at papayag ka na magpanggap kayo ni Camilla?" paniniguro ng dalaga.

Marahang tumango ang binata at hinawakan ang kamay ng nobya. Kung tama siya ng pagkakaintindi ay nagtangkang magpakamatay ng kaibigan ng makipaghiwalay ang nobyo. At sa tingin niya ay sinubukan nitong lunurin ang sarili,mabuti at agad nitong nasundan ng binata at nailigtas. Gusto niya'ng lapitan ang kaibigan at kurutin sa singit dahil sa ginawa nito. Wala siya'ng kamalay-malay na habang nagpapakabusog siya ay tinatapos na pala ng kaibigan ang sarili nitong buhay.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ng kaibigan.Malayong-malayo kasi sa personalidad nito.Masayahing tao si Athena,mula pa pagkabata. Ito ang nagturo sa kaniya kung paano maging matatag sa buhay. Ito rin ang nagpapaalala sa kaniya dati na masarap at masaya ang mabuhay nung mga panahong nawawalan siya ng pag-asa dahil sa sakit niya. Hindi niya akalaing pag-ibig lang pala ang sisira rito. Doon niya napatunayan kung gaano nito  kamahal si Damon.

Habang nasa biyahe sila pauwi lulan ng kotse ng binata ay hindi siya umiimik,habang si Athena naman ay bumalik ang sigla nito. Sa lahat ng girlfriend ito pa ang excited ipaglapit ang dalawa para magpanggap,gumagawa pa ito ng plano para sa date nila.

" Ay, lukaret na babae 'to. Ito na kaya ang side effect ng pagiging operada niya?"

Kapansin-pansin na rin ang makikitang pag sang-ayon ni Damon,marahil ay na-trauma ito sa suicide attempt ng nobya.  Lihim siyang natuwa  dahil alam niya'ng mahal talaga nito si Athena.

" Sa inyo lang talaga ako may tiwala kasi alam kong hindi kayo maiinlove sa isa't-isa," humahagikhik na wika pa ni Athena.

" Hon, 'wag kang pakakasiguro,hindi natin alam baka may tinatagong rupok pala 'yang kaibigan mo," pagbibirong turan ni Damon.

Mula sa backseat ay agad 'tong binatukan ni Camilla.

" Si*raulo!" inis niya'ng tinuran. 

Napahawak naman si Damon sa ulo at humalakhak.

" Magdrive ka na nga lang diyan,baka mabangga pa tayo sa kalokohan mo,eh!" masungit na sambit niya.

Napansin pa niya ang paghilig ni Athena sa mga balikat ng nobyo. Napangiti na lang din siya dahil masaya na ang kaibigan. Akala niya ay kilala niya na ito ng buong-buo,ngunit hindi pala. Ano'ng meron kay Damon na espesyal at handa nitong tapusin ang sariling buhay alang-alang sa lalaki? Bukod sa mayabang at playboy. Aaminin niya gwapo ito,matangkad,moreno at may matikas na pangangatawan. Makakapal ang kilay nito at may nangungusap na mga mata. Long  hairstyle ito na laging nakapony-tail na dumagdag sa pagiging hot nito,para sa iba ngunit hindi sa kaniya. 

" Okay, we're here!" bulalas ni Damon ng ihinto ang kotse sa harap ng gate ng mansion nina Athena.

Naputol ang pag iisip niya dahil doon. Hndi na bumaba ng kotse si Damon dahil na rin sa pag iingat. Mabuti at  tinted ang salamin ng kotse nito kaya hindi nakikita ang taong nasa loob. Nauna na rin siya'ng pumasok sa loob bago sumunod na rin si Athena sa kaniya.

" Besty!" narinig pa niyang tawag nito sa kaniya.

Nilingon niya ito at huminto sa paglalakad.

" Napapansin ko,ah,kanina ka pa walang imik?"

" Malamang,shock pa rin ako dahil sa ginawa mo," sarkastiko niyang sagot dito.

" Don't tell to anyone,secret lang natin 'yun," kiming sagot nito. " Kahit ako hindi makapaniwalang nagawa ko 'yun,basta ang alam ko lang,i can't imagine my life without him!" 

" Loka-loka ka talaga! Huwag mo na uulitin 'yun,ah? Huwag ka masyadong magpakabaliw sa kaniya,lalaki lang 'yun!" inis niyang turan dito.

"Well. It depends on the situation," pagbibiro nitong sabi.

Napaawang ang bibig niya sa tinuran nito, nagawa pa kasi nitong magbiro,mukhang nababaliw na yata ang kaibigan  na tila ginagawa na lang biro ang sariling buhay. Naiwan siya'ng sunod ito ng tingin habang papalayo. Natatawa na lang siya ng pagak dahil sa pagkadismaya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status