Share

Love Of Tomorrow
Love Of Tomorrow
Author: Roviiie

Prologue

Love Of Tomorrow

     "MAGNANAKAW!"

Wala atang kapitbahay ang hindi kinamumuhian ang binatang si Lutcho dahil sa kasalanang nagawa nito.

Usap-usapan lang naman sa buong bayan ang ginawa nitong panloloob sa pamilya Francisco at sinibat ang mga mamahaling mga gamit saka ibinenta.

     "Ate! Ayokong makulong dito.. nanghihinang saad nang binata.

Puro galos ang buong katawan nito at nangingitim ang kaliwang mata.

Naiyak na lamang si Maxine dahil sa itsura ng kanyang kapatid. Hindi n'ya na alam kung ano ang gagawin n'ya upang mailabas ang kapatid sa kulungan.

Mayaman ang pamilya Francisco, tiyak na hindi nito papalampasin na makalabas ang kanyang kapatid. Malamang ay sila rin ang nag utos na bugbugin ang kanyang kapatid habang nakapiit sa kulungan.

     "Kung hindi lang sana ako nawalan ng trabaho. Baka wala ka sa ganitong sitwasyon, Lutcho."

Tuluyan ng bumigat ang kalooban ni Maxine. Mahirap lamang sila. Ang mga magulang n'ya ay wala ring trabaho at ang kanyang tatay ay nakaratay pa sa ospital.

     "Uuwi muna ako. Gagawa ako nang paraan, Lutcho." Saad ng dalaga at agad na pinahid ang kanyang luha na naglandas na sa kanyang magkabilaang pisngi.

Tanging tango lamang ang naging tugon ng binata at matapos no'n ay dali-daling lumabas ang dalaga dahil hindi n'ya na kayang makita ang sitwasyon ng kanyang kapatid.

Paano na lang ang mga anak ni Lutcho? Sino ang bubuhay sa kanila gayong matagal na ring patay ang ina ng mga bata.

Lutang ang isip ng dalaga habang naglalakad pauwi. Ni pisong duling ay walang makikita sa kanyang bulsa. Ni hindi na nga s'ya nakapag almusal dahil mas pinili n'yang ibigay na lamang sa kanyang mga pamangkin ang kakarampot na tinapay.

Ilang pagbuntong hininga na rin ang nagawa n'ya dahil sa mga problema na kanilang kinakaharap. Magtatatlong buwan na simula nang mawalan s'ya ng trabaho, kasunod no'n ay natanggal naman si Lutcho sa pinapasukan nito kaya nagawa nitong nakawan ang pamilya Francisco upang maoperahan ang kanilang ama.

Pakiwari n'ya'y pinaparusahan sila ng langit. Para bang pasan n'ya ang buong mundo. Bente-singko anyos pa lamang s'ya ngunit halos malubog na s'ya sa mga problema.

Nang makarating si Maxine sa tapat ng kanilang bahay ay napahinto s'ya nang makita ang isang magarang sasakyan. May iilan rin sa mga kapitbahay ang naroon at mukhang gusto na namang sumagap ng tsismis.

"Naku, buti naman at dumating ka na Maxine! Nandyan sa loob ng bahay n'yo ang pamilya Francisco!" Ani ng isa sa mga kapitbahay nila kaya dali-dali s'yang pumasok sa loob.

Napaisip ang dalaga kung bakit sila narito, iuurong na kaya nang pamilya Francisco ang kaso laban sa kapatid?

Nadatnan n'yang masinsinang nakikipag-usap ang pamilya Francisco sa kanyang ina. Nahinto lamang ang mga ito ng mapansin s'ya.

     "Maxine, anak!" Ani ng kanyang ina na si Maribeth.

     "Magandang umaga ho." Nakayuko n'yang binati ang kanilang mga panauhin bago naupo sa tabi ng kanyang ina. "Ma, bakit ho sila nandito?" Bulong n'yang tanong sa ina kaya ngumiti naman ito.

     "May paraan pa para makalabas si Lutcho sa kulungan, anak!" Mababakas ang kasiyahan sa boses ng ginang habang s'ya naman ay bahagyang nakaramdam ng kakaiba.

     "You heard it right, Maxine. Tulad nga ng sinabi ng ina mo, there will be a possibility na makalaya ang kapatid mong si Lutcho- kung susundin mo ang bagay na gusto naming mangyari." Nakataas pa ang kaliwang kilay ni Donya Sylvia habang nakatingin sa dalaga na may halong inis at pandidiri.

Napaamang naman ng dalaga sa narinig. Ibig sabihin ay may kapalit ang paglaya ng kanyang kapatid at nakasalalay lamang iyon sa kanya.

     "A-Ano ho ba ang dapat kong gawin?" Tanong ng dalaga at kasabay no'n ay ang pag ngiti ni Lawrence.

Ang nag iisang anak ng mag-asawang Sylvia at Ramon Francisco.

     "Papakasalan mo lamang ako, Maxine. Paniguradong makakalaya ang kapatid mo! Bukod pa do'n ay isasama ko na din s'ya sa opisina at bibigyan nang maayos na trabaho upang hindi na kayo mamoblema pa sa pinansyal." Paliwanag ng binata at mababakas ang kasiyahan sa tono ng pananalita nito.

Pasimpleng napayukom ng kamao ang dalaga. Napatingin s'ya sa kanyang ina at tanging ngiti at tango ang sumalubong sa kanya.

Para bang may bumaon na tinik sa kanyang dibdib at hindi n'ya magawang makahinga ng maayos.

     "Anak, hindi mo naman gustong maghirap tayo ng ganito hindi ba? Isa pa, ito na ang pagkakataon upang tuluyang makalabas ang ama mo sa ospital!" Bulong ni Maribeth sa dalaga kaya agad na nag init ang mga mata ni Maxine dahil sa narinig.

Nasasaktan s'ya sapagkat hindi man lang nito iniisip ang mararamdaman n'ya.

     "Bueno, aalis na muna kami. Pag isipan n'yong mabuti ang inalok namin. Bibigyan namin kayo nang tatlong araw upang makapagdesisyon." Malamig na saad ni Donya Sylvia at agad na tumayo.

Taas noo nitong nilagpasan ang mag-ina at sumunod rin naman ang asawa at anak nito sa kanya.

Naiwang tulala ang dalaga at may kung ano pang sinasabi ang ina n'ya ngunit wala na s'yang maintindihan pa.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nazzhli-hannaj Hazhymezikiah Allives-Fine
Aguii...Yan Ang mahirap...pero Sabi nga matutunan din Ang love in the long ran way ..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status