Maxine's POV Napabalikwas ako nang bangon at habol pa ang aking hininga. Napahawak ako sa aking dibdib at bahagya pang napaatras nang makita si Lawrence na nasa kaliwang bahagi at mukhang kanina pa ako pinapanuod. "Are you okay? Do you feel better now?" Tanong nito at halatang nag-aalala. Napatingin ako sa bukas na bintana at madilim na sa labas! "A-ano kasi-""Naku, Lawrence! Ito naman kasing si Maxine! Napakasipag!" Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaupo pala sa sulok si donya Sylvia. Hindi ko ito napansin at agad naman itong ngumisi nang lumapit sa amin ni Lawrence. "Ano ba talaga ang nangyari?" Seryosong tanong ni Lawrence kaya muli akong napatingin kay donya Sylvia na nasa likuran lamang ni Lawrence ilang metro lamang ang kanyang layo. Dahan-dahan itong naglakad at rinig na rinig ko pa ang takong ng kanyang suot na sapatos. "Paano naman kasi Lawrence, naisipan nitong si Maxine na maglinis at tumulong sa mga katulong. Ang kaso nga lang, napunta s'ya roon sa kwarto n
Maxine's POV "Lawrence?" Tawag ko rito nang makapasok ako sa kanyang maliit na opisina. Narito kasi s'ya sa pangatlong palapag at dito ginagawa ang iilan n'ya pang trabaho na dapat ay sa opisina n'ya ginagawa. Agad naman itong napatingin sa akin at bahagya pang inayos ang salamin nito. Nakasuot lamang ito ng isang plain white t-shirt at isang simpleng kulay asul na plants. "Maxine?" Aniya at umayos ng upo sa kanyang swivel chair. "Come in."Agad naman akong pumasok at lumapit sa kanya. Inilapag nito ang hawak na papel at sign pen. "Pwede ko bang dalawin sina mama at papa ngayon? Matagal-tagal na rin kasi noong huli ko silang nakita.." malumanay kong saad at bahagya lamang itong ngumiti. "Of course, sino ba naman ako para pigilan kang dalawin sila?" Tugon pa nito kaya bahagya akong napangiti. Noong makauwi kasi ito ay parang mainit ang ulo kaya hindi ko muna s'ya kinausap. Baka mamaya ay ako pa ang pag-initan n'ya. "Pwede naman kitang ihatid matapos kong pirmahan ang mga papele
Maxine's POV "Ano bang pinagsasasabi mo, Arnolfo?! Baka nakakalimutan mong ikaw ang dahilan nang lahat ng ito!" Sigaw ni mama habang nanlalaki ang mga sa galit. Tumingin sa gawi ko si papa at kitang-kita ko kung paano dahan-dahang tumulo ang mga luha nito pababa sa kanyang pisngi. Pakiramdam ko ay unti-unting dinudurog ang puso ko sa mga oras na ito. Ang makitang nasasaktan s'ya ay mas labis na sakit ang nararamdaman ko. "Matagal ko nang alam, Maribeth.." ani nito habang tulala lamang sa kawalan. "Matagal ko nang alam na hindi ko anak sina Maxine at Lutcho!" Napaawang ang aking mga laki sa gulat at kasabay no'n ay ang tuluyang pagtakas ng mga luha sa aking mga mata. Nanigas naman si mama sa kinaroroonan nito at para bang sinampal sa napakalaking katotohanan."H-Hindi sila nanggaling sa akin 'di ba?.." dagdag pa ni papa at mas lalo akong nadurog nang pumiyok na nang tuluyan ang boses nito. "Baog ako, Maribeth! At iyon ang dahilan kung bakit pumunta ako sa Maynila upang ipakonsulta
Maxine's POV Matapos ang tatlong araw ay nakabalik na si donya Sylvia. Mukhang nag enjoy ito sa Maynila at marami rin itong dalang mga mamahaling gamit na sa tingin ko ay kahit ibenta ko pa ang kaluluwa ko sa diyablo ay hindi ko pa rin mabibili. Nanatili lang rin si Lawrence rito sa bahay dahil nais n'yang makausap namin si donya Sylvia sa plano n'yang pakikipaghiwalay sa akin. Kagabi ay sa ibang kwarto rin s'ya natulog. Siguro ay inumpisahan n'ya nang umiwas sa akin. Baka kasi bigla pang magbago ang isip n'ya at tuluyan na akong makulong sa sitwasyon na 'to. "Where's Maxine, Lawrence?" Natataranta akong lumayo sa bintana at dumiretso sa banyo. Nakarinig ako nang pagkatok sa pinto ng kwarto at narinig ko pa ang pagbukas ng pinto. Kunwari naman ay kanina pa ako nasa banyo at nakita ko si donya Sylvia at Lawrence na mukhang hinihintay ako. "M-May.. may kailangan po ba kayo?" Tanong ko kay donya Sylvia at napatingin naman ako kay Lawrence. "Well, I just want to inform you na may
Maxine's POV Nag umpisa na ang party. Marami rin ang taong dumalo at lahat naman iyon ay kakilala at kalapit ni donya Sylvia at senior Ramon. Marami rin ang nagpapapansin kay Lawrence na ibang mga dalaga rito ngunit wala itong pakialam at tahimik lang na nasa tabi ko. Agad akong napatakip sa aking bibig nang mapahikab ako. Ang totoo ay hindi ako nag e-enjoy rito. Panay lamang ang tingin ko sa ibang tao dahil bukod kay donya Sylvia at Lawrence ay wala na akong iba pang kakilala rito. Napahinto ako nang hawakan ni Lawrence ang aking kamay. Nang lingunin ko ito ay agad s'yang ngumiti at walang sabi-sabing hinalikan ako sa aking labi. "Can I have this dance?" Tanong nito at halatang masaya. Napatingin ako kay donya Sylvia na nasa malapit lamang at mukhang kanina pa kami pinapanuod. Kaagad akong ngumiti at marahang tumango. Alam kong sa mga oras na ito ay puro sama ng loob ang nararamdaman nang mahal na si donya Sylvia. Baka nga ilang mura at pagsusumpa na ang ginawa n'ya sa akin.
Maxine's POV Maaga akong nagising at agad akong bumaba upang kumuha ng maiinom ngunit pag siniswerte nga naman ako ay si donya Sylvia pa ang nakasalubong ko sa mga oras na ito. Nakasuot pa ito ng pantulog at agad na tumaas ang kilay nito ng makasalubong ako. "Ang agang basura naman nito." Inis na saad nito at agad na kumuha ng tsaa. Hindi ako umimik dahil ayoko s'yang patulan sa mga oras na ito. Hangga't hindi n'ya ako sasaktan ay wala akong dapat gawin. "Sabihin mo nga, Maxine?" Saad nito at inihinto ang kanyang ginagawa at agad na tumingin sa direksyon ko. "What did you do to my son? Matinding pang gagayuma ba ang ginawa mo kaya pati ako ay kinakalaban n'ya na?" Mahina ang boses nito ngunit may pagbabanta. Inilapag ko ang basong hawak ko at tumingin nang diretso sa kanyang mga mata. Bakit parang kasalanan ko pa ngayon? Hindi ba at s'ya naman ang may gusto nito? "Donya Sylvia, bakit parang mali ko pa?" Saad ko at inirapan pa ako nito. "Hindi ba pwedeng nakikita lang ni Lawrenc
Maxine's POV Hindi ako kaagad nakagalaw sa aking kinatatayuan nang bigla na lamang tumakbo papalapit sina Joy at manang Jocelyn sa bagong panauhin rito sa mansyon. "Magandang araw ma'am!" Magkasabay na bati nina Joy at Manang Jocelyn. "Naku, ma'am Irene! Ako na ho ang magpapasok nito sa loob!" Dagdag pa ni manang Jocelyn at tinutukoy ay ang mga gamit nito na nasa loob ng kanyang magarang kotse. "And why?" Nakataas kilay nitong tanong habang nakapameywang pa. "I want her to to take care of my things at hindi kayo! So please, get out of my sight dahil ang papangit n'yo!" Sigaw nito at halos umusok na ang ilong sa inis. "Ma'am, kuwan kasi.. s'ya si ma'am Maxine! Iyong napangasawa ni sir Lawrence!" Nakangiti namang saad ni Joy rito. Tinitigan ako ng babae at ngumisi. Agad nitong hinawi ang dalawa na nakaharang sa daraanan n'ya at dahan-dahang naglakad papalapit sa kinaroroonan ko. "So, ikaw pala ang napangasawa ni Lawrence?" Wika nito habang may ngisi sa labi at nakataas ang isang k
Maxine's POV Matapos kong malaman ang mga ginawa ni Lutcho ay agad kong kinausap sina mama at papa. Sa tingin ko ay napatawad na nila ang isa't-isa dahil maayos naman silang nag-uusap. "Siguro nga ay kasalanan ko din. Kung hindi ako naging pabayang ina- baka hindi gagawin ni Lutcho ang mga bagay na iyon." Nanlulumong saad ni mama at yumuko na lamang ito. Agad naman s'yang dinaluhan ni papa at agad itong tinapik sa kanyang likuran. "Maribeth, h'wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi natin ginustong umabot tayo sa ganitong sitwasyon." Pag-aalo naman ni papa kaya napabuga na lamang ako nang hangin mula sa aking bibig. Hindi ko inakalang aabot kami sa ganitong punto. Ang maging miserable ang pamilya ay masakit sa kalooban ko. "Paano kung.. dalhin na lang muna natin si Lutcho kung saan pinapagaling ang mga adik sa droga? Hindi ba at may rehabilitation center sa Mandaluyong?" Saad ko pa at napahinto naman ang aking mga magulang dahil sa narinig. "Paano naman ang mga bata, Maxine? Wal