Share

Kabanata 4.2

Maxine's POV

"Lawrence?" Tawag ko rito nang makapasok ako sa kanyang maliit na opisina.

Narito kasi s'ya sa pangatlong palapag at dito ginagawa ang iilan n'ya pang trabaho na dapat ay sa opisina n'ya ginagawa.

Agad naman itong napatingin sa akin at bahagya pang inayos ang salamin nito. Nakasuot lamang ito ng isang plain white t-shirt at isang simpleng kulay asul na plants.

"Maxine?" Aniya at umayos ng upo sa kanyang swivel chair. "Come in."

Agad naman akong pumasok at lumapit sa kanya. Inilapag nito ang hawak na papel at sign pen.

"Pwede ko bang dalawin sina mama at papa ngayon? Matagal-tagal na rin kasi noong huli ko silang nakita.." malumanay kong saad at bahagya lamang itong ngumiti.

"Of course, sino ba naman ako para pigilan kang dalawin sila?" Tugon pa nito kaya bahagya akong napangiti.

Noong makauwi kasi ito ay parang mainit ang ulo kaya hindi ko muna s'ya kinausap. Baka mamaya ay ako pa ang pag-initan n'ya.

"Pwede naman kitang ihatid matapos kong pirmahan ang mga papele
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status