Maxine's POV Matapos kong malaman ang mga ginawa ni Lutcho ay agad kong kinausap sina mama at papa. Sa tingin ko ay napatawad na nila ang isa't-isa dahil maayos naman silang nag-uusap. "Siguro nga ay kasalanan ko din. Kung hindi ako naging pabayang ina- baka hindi gagawin ni Lutcho ang mga bagay na iyon." Nanlulumong saad ni mama at yumuko na lamang ito. Agad naman s'yang dinaluhan ni papa at agad itong tinapik sa kanyang likuran. "Maribeth, h'wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi natin ginustong umabot tayo sa ganitong sitwasyon." Pag-aalo naman ni papa kaya napabuga na lamang ako nang hangin mula sa aking bibig. Hindi ko inakalang aabot kami sa ganitong punto. Ang maging miserable ang pamilya ay masakit sa kalooban ko. "Paano kung.. dalhin na lang muna natin si Lutcho kung saan pinapagaling ang mga adik sa droga? Hindi ba at may rehabilitation center sa Mandaluyong?" Saad ko pa at napahinto naman ang aking mga magulang dahil sa narinig. "Paano naman ang mga bata, Maxine? Wal
Maxine's POV Masamang tingin ang natanggap ko kay Manny at dali-dali na lamang itong umalis. Agad naman s'yang sinundan ni donya Sylvia at nakita ko naman ang palihim na pag ngisi ni Irene. "What?" Nakataas kilay nitong tanong sa akin nang mahuli ko ang lihim nitong pag ngisi. "Ikaw ang may gawa no'n, hindi ba?" Seryoso kong saad at agad namang umarko ang kilay nito. "Are you out of your mind, Maxine? At talagang sa akin mo pa isinisisi ang pagiging palpak mo?" Hindi nito makapaniwalang sabi sa akin. Walang pasabi itong umalis at agad akong iniwan roon. Hindi maaalis sa akin ang itsura ni Manny at kamuntik pa itong mamatay nang dahil lamang sa maning nakahalo sa inihanda ko. Malakas pa rin ang kutob kong may kinalaman si Irene kung bakit bigla na lamang nagkaroon ng mani sa salad na ginawa ko. Maingat at sinigurado kong walang mani sa pagkain iyon, isa pa.. s'ya lang ang nadatnan ko sa kusina matapos kong makapagpalit nang damit. Bumuntong hininga na lamang ako bago pumunta sa
Maxine's POV Ilang segundo akong napatitig sa puting kisame at pilit na inaalala ang huling nangyari sa akin. Hindi ba at nasa swimming pool ako? Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdamang mabuti ang aking sarili. Pakiramdam ko ay namamaga ang mukha ko at kahit papaano ay naibsan ang sakit nang puson ko. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ngunit pinanatili ko munang nakapikit ang aking mga mata. Baka kasi si donya Sylvia lamang ang makita ko. "Goddamn it! I don't want to hear your goddamn explanation, Irene!"Agad akong napamulat at doon ay nakita ko si Lawrence na masamang nakatingin kay Irene. Kitang-kita ko naman kung paano manginig ang katawan ni Irene at bahagya pang napaatras at nag unahang maglandas ang kanyang mga luha. "Hindi namin sinadyang malunod s'ya, Lawrence-""Puwede bang tumigil na kayong dalawa?! Pinagtitinginan na tayo nang ibang tao sa labas!" Saad naman ni donya Sylvia na kakapasok lamang rito sa kuwarto. "M-Maxine?" Napahinto ang mga ito at agad na n
Maxine's POV Lumipas ang ilan pang mga araw at naging tahimik naman ang buhay ko. Mas minabuti kong magkulong na lamang sa kuwarto upang hindi makita sina Irene at donya Sylvia dahil baka kung ano na namang gawin nila sa akin. Hindi naging madali ang sitwasyon ko lalo pa at maselan ang pagbubuntis ko ngayon. Panay rin ang suka ko sa umaga at ayaw na ayaw kong nakakaamoy nang kahit na anong pabango dahil mas nagiging dahilan iyon upang mas lalo akong makaramdam ng pagsusuka. Lawrence: I'm here at the office, see you honey! I love you. Inilapag ko ang selpon na hawak ko nang mabasa ko ang text message sa akin ni Lawrence. Tamad kong ipinikit ang aking mga mata at pinakiramdamang mabuti ang aking sarili. Paminsan-minsan ay kumikirot pa din ang aking puson ngunit nawawala rin naman agad. Nahihirapan rin akong matulog nang maayos sa gabi at para bang may puwesto akong gustong gawin ngunit hindi ko makuha. "Maxine? Are you awake?"Awtomatikong napamulat ang aking mga mata nang marinig
Maxine's POV Nakatitig lamang ako sa salamin nang makita ang aking sarili. Halos hindi ako makapaniwala na ganito pala ang itsura ko kapag mayroong make-up. Nakakulot ang mahaba kong buhok habang suot ang kulay asul na lace long dress na binili ni Irene. Siyempre, flat shoes lamang ang aking gamit dahil baka madulas pa ako kapag high heels ang aking suot. "You're so beautiful, hija!" Komento ni donya Sylvia nang makita ako. Saglit akong napakurap at napapahiyang ngumiti sa harap nito. "C'mon, nariyan na ang mga bisita!" Aniya at inalalayan ako nito sa aking paglalakad. Parang kailan lang ay halos kamuhian namin ang isa't-isa. Ngunit, tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Wala atang araw na hindi ako nito inaalagaan. "Ma? Papa?" Masaya kong saad nang makita ko sila. Nakuha ko naman ang atensyon nilang dalawa at kaagad na lumapit sa akin. Marahan akong niyakap ni mama at matapos ay pinakatitigan ako nang mabuti. "Naku, ang ganda mo anak!" Masaya nitong saad kaya natawa na lamang
Maxine's POV "What was that, Lawrence? Totoo ba ang sinabi ni Liezel?" Mahinang bulong ni donya Sylvia. "Mom, please.. asikasuhin mo na lang ang mga bisita." Tipid na sagot naman nito kaya agad na akong nagmadaling umalis. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin ngunit hindi na ako nag abalang lumingon pa. Para bang tinatambol nang husto ang dibdib ko sa mga oras na ito. "Maxine! Maxine!" Rinig kong sigaw ni Lawrence nang makapasok ako sa mansyon at akmang aakyat na sa hagdan ngunit agad akong napigilan nito at naramdaman ko na lang ang maagan na paghawak nito sa aking palapulsuhan. "Bitawan mo ako, Lawrence." May diin sa aking pagkakasabi habang seryosong nakatingin sa kanya. Nakita ko pa ang paglunok nito at ilang beses na pagkurap. Agad naman n'ya akong binitawan at inis na napahilamos sa kanyang mukha. Nakita ko pa kung paano mamula ang kanyang ilong ngunit hindi ko na inintindi iyon at akmang tatalikod nang magsalita na naman ito. "Don't tell me na naniniwala ka sa baliw n
Maxine's POVDalawang araw na ang lumipas simula noong hindi kami nakapag-usap ni Lawrence ng maayos. Maaga kasi ito kung umalis sa mansyon at gabing-gabi na kung umuwi. Tumatawag naman ito ngunit pakiramdam ko ay may tampo pa rin sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Siguro ay dahil ito sa pagbubuntis ko kaya masyadong apektado ang emosyon ko. Mabuti na lang at madalas ko ng makausap si Irene at paminsan-minsan ay inaaliw ako nito. Si donya Sylvia naman ay naging abala rin dahil nga sa away nilang mag-asawa na ayaw kong himasukan pa. "Maxine? Ayos ka lang ba anak?" Tanong ni mama nang mailapag nito sa harapan ko ang buko juice. Ito kasi ang madalas kong hanap-hanapin nitong mga nagdaang araw kaya kapag pumupunta ako rito ay talaga bumibili si papa ng marami. "Ayos lang ho ako, mama. Iniisip ko lang po si.. L-Lawrence." Bahagya akong ngumiti at agad na ininom ang buko juice na gustong-gusto ko. Nakita ko ang bahagyang pagngiti ni mama sa akin at agad na tumabi sa
Maxine's POV Lumipas ang mga araw at palagi ko na ring nakakasama si Andrei. Tulad na lang ng monthly check-up ko ngayon kaya naman hindi ako masyadong nahirapan. "Ma'am Maxine, ako na ho ang magdadala nito." Turo nito sa aking bag na hawak at maging sa bottled water na binili ko kanina. Kakatapos lang ng ultrasound ko at mabuti na lang ay healthy si baby. Normal nama raw ang heartbeat nito kahit na paminsan-minsan ay kumikirot ang puson ko nang bahagya. "Ah, hindi na. Iinumin ko rin kasi itong tubig." Saad ko pa at muling ipinukol ang atensyon sa hallway na aming dinaraanan. Nasa kompanya na ngayon si Lawrence. Maaga na kasi itong pumapasok dahil nagkaaberya raw sa kanilang kompanya. Maging si donya Sylvia ay bihira ko na lang makasama sa mansyon dahil madalas rin itong wala. Napahinto ako sa aking paglalakad nang makita ang isang pamilyar na tao. Nakangisi lamang ito sa akin habang nakataas ang kanyang isang kilay. Nakabalandra rin ang naglalakihan nitong dibdib kaya naman mag