Share

Kabanata 1.3

Maxine's POV

NAPAAWANG ang aking labi sa aking narinig at pinilit ang aking sarili na intindihin ang kanyang sinabi.

     "Si.. si Ignacio ang tunay mong ama, Maxine. Hindi si Arnolfo."

Pakiramdam ko ay nabingi ako sa mga oras na 'to. Para bang paulit ulit na ibinubulong sa aking tenga ang sinabi sa akin ni mama.

Paanong.. paanong s'ya ang tunay kong ama?

Sa muling pagkakataon ay muli na namang naglandas ang aking mga luha. Pinilit kong tumawa.., ngunit hindi naging sapat iyon upang maiayos ko ang aking sarili.

     "Mama, naman! T-Tama na! H'wag ka nang magsinungaling, please." Pagmamakaawa ko rito ngunit marahas itong umiling.

     "Maxine, Maxine anak.. totoo ang sinasabi ko- si Ignacio ang tunay na tatay n'yo-"

     "N-N'yo? S'ya ang tatay namin ni Lutcho?!" Halos hindi ako makapaniwala at marahan itong tumango bilang pagkumpirma.

Napahilamos ako sa aking mukha at pilit na isinisiksik sa aking utak ang mga bagay na nalaman ko ngayon.

     "Minahal mo ba talaga si papa, ma? Mahal mo ba talaga s'ya?!" Galit kong tanong at marahan itong tumango.

     "Minahal ko s'ya! pinilit kong tanggapin s'ya sa puso ko ng buo, Maxine! Pero kahit anong gawin ko- paulit-ulit na bumabalik sa akin si Ignacio! Dito sa puso ko!" Paliwanag nito at mas lalong tumindi ang iyakan nina Lucy at Lena.

     "Ma! Kasal kayo ni papa! Kaya dapat lang na maging tapat ka sa kanya-"

     "Ikinasal kami ni Arnolfo dahil sa kasunduan ng mga magulang namin! Pero si Ignacio ang nobyo ko noon! Si Ignacio ang mahal ko." Sigaw nito kaya bahagya akong napatikom.

     "H-Hindi ko alam, hindi ko alam na mag kaibigan pala silang dalawa. Binalak na naming magtanan noon ni Ignacio pero bigla na lang kaming hinarang ng lolo mo! Sikat noon ang pamilya ni Arnolfo sa baryo at kahit papaano ay nakakaangat sila sa buhay." Pag amin pa nito ngunit wala na akong lakas pa ng loob na sumagot.

     "Noong makasal kami ni Arnolfo ay iyon din ang panahon na kinailangan n'yang pumunta sa Maynila. Naiwan lamang ako noon sa bahay na ito- nawala si Ignacio. Noong naayos na ni Arnolfo ang lahat ay saka lamang s'ya bumalik. Araw-araw ay umaasa akong muling magpakita si Ignacio ngunit bigo ako. Hanggang sa tinanggap ko na lamang ang katotohanan, na hanggang doon na lamang kami. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana. Nagbalik s'ya! Bumalik s'ya- doon ko nalaman na magkakilala pala silang dalawa! Noon ay mas madalas s'yang dumalaw- hanggang.. naging marupok ako at ibinigay ko ang sarili ko sa taong mahal ko-"

Naikuyom ko ang aking kamao dahil talagang harap-harapan nilang niloko si papa!

     "Maxine, maniwala ka, pinigilan ko ngunit hindi ko talaga kaya! Nabuntis ako- at ikaw nga ang bunga. Hindi ko na muling nakita pa si Ignacio matapos no'n. Nalaman kong nangibang bansa na pala ito at mukhang malabo nang bumalik pa. Itinago ko sa kanya ang lahat- lalo na ang tungkol sayo! Matapos ang dalawang taon ay nagulat ako, muli na naman kaming ipinagtagpo nang tadhana ni Ignacio at doon ay muli ko na namang ibinigay ang aking sarili. Naging makasarili na naman ako! At nagbunga na naman ang pagtataksil ko kay Arnolfo.." walang katapusan ang mga luha nito na patuloy na naglalandas sa kanyang mga pisngi.

Sobrang bigat ng kalooban ko. Mahal kami ni papa, napakalaking sampal sa kanya na malamang anak pala kami sa ibang lalaki-

"Kaya hayaan mong ako na ang magsabi sa papa ng lahat ng bagay na ito, Maxine-"

Pinilit kong tumingin sa aking ina ng diretso. Galit ako sa dahil sa mga ginawa n'yang pangloloko.

     "Kahit ano pa pong sabihin mo- sasabihin ko pa rin kay papa ang lahat ng nalalaman ko!" Matigas kong saad at napailing na lamang ito at mahigpit na niyakap ang dalawang bata.

Buong magdamag ay hindi ako nakatulog. Namamaga pa ang aking mga mata dahil sa walang katapusang iyakan na nakaganap.

     "Totoo ba talagang magpapakasal ka sa Lawrence Francisco na iyon?" Nakakunot noong tanong sa akin ni Lutcho.

Puno na naman ng mga sugat ang buong mukha nito. Halatang pinapahirapan s'ya dito nang husto. Maging ang mga daliri nito ay may benda pa.

Napakurap ako bago magsalita upang sagutin ang kanyang tanong.

     "Oo, walang-wala na kasi tayong malapitan. I-Isinugod rin si L-Lucy at Lena kanina sa ospital." Malungkot kong saad at mababakas ang pag aalala nito para sa kanyang anak.

     "A-Ano?! B-Bakit? Ano bang nangyari?" Sunod sunod nitong tanong kaya saglit akong napapikit at bumuntong hininga.

Muli kong inimulat ang aking mga mata at matamang tumitig sa kanya.

     "Dengue." Sagot ko at para bang hindi pa ito makapaniwala.

     "Ano bang nangyayari sa pamilya natin! Puro problema na lang ang dumadating! Makaranas lang tayo ng kaonting ginhawa ay napakalaking problema naman pagkatapos! Una si papa! Sunod naman si Lucy at Lena!" Napahampas ang ito sa lamesa ngunit hinayaan ko lamang dahil ramdam ko ang pag-aalala nito sa kanyang anak.

Maalaga at mabait na ama si Lutcho. Nang mamatay ang kinakasama nito ay tumutok na lamang s'ya sa dalawa nilang anak.

     "Tinawagan na ni m-mama ang pamilya Francisco upang ibalita ang desisyon ko. Isa pa, humingi na rin s'ya ng tulong para kay Lucy at Lena."

Pinipilit kong itago ang totoo kong emosyon dahil ayoko s'yang tuluyang mag alala.

     "Paano ka? Alam naman nating hindi mo gusto ang Lawrence na iyon! Baka mamaya n'yan ay ano pang gawin no'n sayo kapag naikasal na kayo!" Saad nito ngunit nanatili na lamang akong tahimik.

Wala na rin namang iba pang paraan. Awang-awa na ako sa sarili ko dahil bakit ako ang kinakailangang magsakripisyo.

Kahit naman tanggihan ko ang alok ng mga Francisco ay gigipitin rin nila kami- papahirapan hanggang sa makuha nila ang mga bagay na gusto nila.

     "Maxine!"

Napahinto ako at agad na napalingon sa lalaking kararating lamang. Amoy na amoy ang mamahalin nitong pabango at walang maipipintas sa maganda at plantsadong suot nito.

     "L-Lawrence.." tanging nasambit ko at nagawa pa nitong ngumiti sa amin.

May kasama itong isang lalaki na sa tingin ko ay ang personal nilang abogado. Lumapit rin sa amin ang isang pulis na may mataas na ranggo.

     "Lutcho Mercedes! Malaya ka na! Inurong na ng mga Francisco ang demanda laban sayo!"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Lutcho at palihim na napakuyom ang aking kamao.

     "Maayos na ang kalagayan ng anak mo, Lutcho! Nakalabas na rin sa ospital ang ama n'yo." Pagbabalita ni Lawrence kaya bahagya akong nagulat dahil napakabilis na lamang ng lahat.

Hinawakan nito ang aking kamay. Gusto ko mang bawiin ngunit mahigpit ang pagkakahawak n'ya roon.

     "Let's go, kailangan mo ng magsukat nang wedding gown para sa kasal natin." Dagdag pa nito kaya tuluyan na lamang akong tumayo.

Hawak pa rin nito ang aking kamay at binitawan lamang nito ng mag da-drive na s'ya ng sasakyan.

     "Sooner or later magiging isang Francisco ka na rin. Masaya ka ba, Maxine? Ako kasi.., sobrang saya." Ani nito at may kakaiba sa kanyang mga ngiti.

Napakabilis ng tibok sa aking dibdib. Alam kong habang buhay kong pagsisisihan ang pangyayari na ito ngunit wala na akong magagawa pa.

Nakalabas ng ospital ang aking ama, maging si Lutcho ay nakalaya na. Si Lucy at Lena naman ay nagpapagaling na, iba talaga ang nagagawa kapag mayaman kang tao. Walang imposible ang lahat ng bagay kapag madami kang pera.

Alam kong matagal na akong gusto ni Lawrence, ngunit salungat naman doon ang aking nararamdaman para sa kanya at sa tingin ko ay hindi na iyon magbabago pa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status