Share

Kabanata 1.2

Maxine's POV

AGAD akong tumayo ngunit marahas ako nitong hinila pababa dahilan upang muli na naman akong mapaupo sa kahoy na upuan.

     "Maxine, handa kitang pautangin. Basta ba'y katawan mo ang ibabayad mo hanggang sa magsawa ako sayo!" Nagawa pa nitong humalakhak kaya naman ay masamang tingin ang ipinukol ko rito.

Agad itong pumunta sa aking harapan at inilapag sa mesa ang libo-libo n'yang pera.

     "Mataas pa naman ang respeto ko sa inyo, dahil kaibigan ka ng ama ko. Ngunit, hindi ko alam na ganito ka pala-"

     "Lalaki lang ako hija. May pangangailangan rin sa katawan at isa pa ay hindi ako santo! Lumapit ka sa akin upang humingi ng tulong kaya ang kapalit ay ang katawan mo." Nakangising saad nito. "Sabihin mo, magkano ba ang kailangan mo?"

Napakuyom na lamang ako ng aking kamao at marahas na tumayo. Malamig ko itong tiningnan.

     "Hindi bale na lang ho." Tugon ko rito ngunit pagak lamang itong natawa.

     "Mapagmataas!" Komento nito ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.

Agad akong lumabas sa bahay nito at dali-daling nagtatatakbo palayo. Hindi ko maisip ang sarili kong nakikipagtalik sa isang matanda o kung kanino man.

Tsk. H'wag na h'wag s'yang makalapit-lapit sa amin lalo na sa mga pamangkin ko at baka kung ano pa ang gawin n'ya!

Agad akong umuwi sa bahay na kumakalam pa ang sikmura. Naabutan ko ang dalawang pamangkin ko na natutulog lamang sa sahig na sinapinan nang manipis na kumot.

Marahan kong hinalikan kanilang mga noo upang hindi sila magising at saglit kong pinagmasdan ang inosente nilang mga mukha.

Bakit ba kailangan ng dalawang ito ang maranasan ang hirap?

Napahinto ako nang makarinig ng mahinang kalabog. Awtomatikong napakunot ang aking noo ng masundan ang ingay na iyon ng impit na mga ungol.

Dahan-dahan akong tumayo at tinungo ang tapat ng kwarto nila inay. Saglit ko pang pinakinggan ang mga ungol at nanlaki ang mga mata kong makumpirma na boses nga iyon ni inay!

Kung gayon, sino ng lalaking kasama n'ya?!

May naririnig pa akong kakaibang ingay. Mas lumalakas ang ingay nilang dalawa kaya patakbo akong pumasok sa aking kuwarto!

Lumipas ang mahigit isang oras ay narinig ko ang boses ni inay sa labas ng kanilang kuwarto na tila ba masaya. Nagawa pa nitong magpasalamat kaya libo-libong emosyon ang nadarama ko sa aking dibdib!

Sumilip ako sa bintana upang makita kung sino nga ba ang lalaking kalantari n'ya at doon ko nakitang ang ninong Ignacio ko pa man din ito.

Pakiramdam ko ay niloko ako ng mahabang panahon. Paano si papa?

Napakuyom na lamang ang aking kamao sa isiping pinagtaksilan ng magaling kong nanay ang tatay kong nakaratay pa sa ospital!

Ang taas pa naman ng tingin ko sa nanay ko- ipinagmamalaki ko pa s'ya sa mga kakilala ko dahil ang akala ko ay hindi s'ya tulad ng ibang babae na kayang lokohin ang asawa.

Mali pala ako.

Gusto kong magwala! Gusto kong ilabas ang lahat ng galit na nararamdaman nang puso ko sa mga oras na ito.

Agad na naglandas ang aking mga luha at napatingin sa litrato ng aking ama sa dingding nang aking kwarto.

Ano na lang ang sasabihin ni papa kapag nalaman ang bagay na ito? Tsk.

Takip-silim na at narinig ko si mama na tinatawag ang dalawa kong pamangkin kaya naisipan kong lumabas na rin ng kwarto.

Tamad ko itong tiningnan at mukhang nagulat pa ito ng makita ako na galing sa mismong kwarto ko.

     "Oh, Maxine? Kanina ka pa ba nakauwi? Bakit hindi ko namalayan?" Nagtataka nitong tanong ngunit hindi ko s'ya kinibo at nilampasan lamang.

Sa tuwing titingin ako sa mga mata n'ya ay mas naaalala ko lang ang mga ginawa n'ya kasama ang lalaking naging traydor sa aking ama.

Inis kong kinuha ang baso at padabog na kumuha ng tubig. Matapos ay agad kong inubos ang tubig na aking kinuha at nilingon s'ya na naghahanda nang pagkain sa hapagkainan. 

     "Nagpunta rito ang ninong mo.. sayang lang at hindi kayo nagkita." Nakangiting saad nito kaya napairap na lang ako sa kawalan. "Mabuti nga at may dala s'yang mga pagkain. Tingnan mo, pati gatas nitong mga pamangkin mo ay sinagot na rin n'ya!" Dagdag pa nito kaya inis akong napabuntong hininga.

Pakiramdam ko ay kumukulo ang dugo ko. Ano na lang ang sasabihin ni papa kapag nalaman n'ya 'to? Nakakahiya sila.

Lumingon pa sa direksyon ko si mama. Marahil ay nagtataka s'ya kung bakit hindi ako nagsasalita. Nanatili lamang akong nakasandal sa pader habang pinagmamasdan s'ya kasama ang mga anak ni Lutcho.

     "Oh, bakit hindi ka naman nakibo d'yan? Ano may desisyon ka na ba sa alok ng mga Francisco?"

Hindi pa rin ako kumibo at tamad na naglakad palapit sa kinaroroonan nila.

     "Kung ako sayo ay tanggapin mo na ang kasal na inaalok sayo ni Lawrence. Makakalaya pa ang kapatid mo at mabibigyan nang magandang trabaho at mailalabas pa nila sa ospital ang tatay mo." Ani nito kaya mas lalong tumindi ang nararamdaman kong inis.

     "Kung talagang gusto nilang tumulong- gagawin nila iyon kahit na walang kapalit." Malamig kong saad at napahinto naman ito.

Tumingin ito sa akin bago muling nagsalita.

     "H'wag ka namang makasarili, Maxine. Isipin mo rin ang sitwasyon natin dito! Sa tingin mo ba ay papayag ang mga 'yon na walang magiging kapalit sa pagtulong at paglaya ng kapatid mo kung sakali? Mag-isip ka naman!"

Sinong makasarili? Ako? Ako pa?

     "Ngayon ay naging makasarili pa ako? Iyong tatlong taon kong paghihirap sa Maynila- makasarili pa ba ang matatawag do'n ma? H'wag mo naman akong itulad sayo!" Inis kong saad at agad na nangunot ang noo nito dahil sa narinig.

May halong pagtataka sa mga mata nito at mukhang hindi inaasahan ang kanyang narinig.

     "Anong pinagsasasabi mo ha?!" Galit nitong tanong at hindi pa nakuntento ay marahas na inilapag ang hawak n'yang sandok sa lamesa. 

     "Hindi ba at totoo naman? Sarili mo lang ang iniisip mo ma-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang agad na dumapo ang palad nito sa aking pisngi.

     "Ang kapal ng mukha mo! Anak lang kita! Binuhay kita! Pinalamon kita pagkatapos ay ano?! Wawalanghiyain mo lang ko ha, Maxine?!" Nanggagalaiti ito sa galit.

Sabay sabay pang nag iyakan ang mga bata dahil sa takot dahil napakalakas ng boses ni mama.

     "Wala ka talagang modo! Wala ka na ngang silbi!"

     "Kailan mo pa niloloko si papa?" Walang kagatol-gatol kong tanong at para bang binuhusan ito ng malamig na tubig dahil sa kanyang narinig.

Bahagya itong napaatras habang nakaawang ang kanyang mga bibig at hindi inaasahan ang narinig mula sa akin.

     "Ano 'ma? Kailan mo pa niloloko si papa?!" Galit kong tanong.

Agad na nangilid ang aking mga luha. Hindi ko na kaya pang itago ang galit na nararamdaman ko sa aking puso! Hindi ko kayang magpanggap na maayos lang ang lahat at mas lalong hindi ko kayang magbulagbulagan sa mga kasinungalingan!

     "H'wag mo akong pinagbibintangan, Maxine!" Depensa nito kaya bahagya akong natawa.

Natatawa ako dahil nakukuha pa nitong magsinungaling! Nakakatawang isipin na s'ya rin pala ang sisira sa amin.

     "Hindi kita pinagbibintangan ma! Narinig kita! Narinig ko kayong dalawa ni ninong Ignacio riyan sa kuwarto n'yo ni papa!" Sigaw ko at agad na tumulo ang luha sa kanyang mga mata. "Paano mo nagagawang lokohin si papa ma?"

Puro iyakan na lamang ang aking naririnig. Maging s'ya ay hindi makapagsalita. Nakakabaliw isipin. Paano ko pa haharapin si papa? Paano ako magpapanggap na walang alam?

     "S-Sasabihin ko 'to kay papa! Sasabihin ko 'to sa kanya!" Sigaw ko at agad nitong hinawakan ang kamay ko.

     "Maxine, h'wag! Ayokong malaman ng papa mo 'to! Hayaan mong ako na ang magsabi sa kanya sa tamang panahon! Hindi ngayon, Maxine! Hindi ngayon!"

Agad kong iwinaksi ang kamay nito. Napaupo na lamang ako dahil pakiramdam ko ay tuluyan na akong nawalan ng lakas.

Paulit-ulit kong pinapahid ang luha sa aking mga mata ngunit wala silang katapusan. Para silang tubig na nanggagaling sa gripo na hindi kayang pigilan.

     "Kailan? Kailan mo planong sabihin kay papa 'to? Hindi ka ba naaawa kay papa ma? Hindi ka man lang ba nakonsenya?"

Pakiramdam ko ay tatakasan ako nang bait. Pakiramdam ko ay masisiraan na ako anumang oras!

     "Sasabihin ko.. kailangan ko lang ng sapat na panahon! Akala mo ba ay madali lang sa akin ang lahat ng ito?!"

Sinipat ko si mama na nakasalampak na rin sa sahig habang yakap si Lucy at Lena. Marahas akong napakamot sa aking ulo at muli na namang pumatak ang aking luha.

     "Ma, bakit mo ba nagawa 'to? Bakit ba pinasok mo pa 'tong gulo na 'to?" Nanghihina kong tanong at isinandal ang aking ulo sa pader.

     "Hahayaan kong magalit ka sa akin, Maxine. Pero sana ay h'wag na h'wag mong kagagalitan si Ignacio- biktima lang s'ya." Saad nito.

Mas lalo akong nanlumo sa aking narinig. Hanggang dulo ay handa n'yang protektahan ang lalaking sumira sa amin. May paraan ba para hindi ako makaramdam ng galit? Sa tingin ko kasi ay wala!

     "Kahit ano pang sabihin mo ma, kasama mo s'ya sa pagsira ng pamilya natin! Kasama s'ya sa galit at poot na nararamdaman nang puso ko!" May hinanakit kong saad at napapikit na lamang si mama.

     "Anak, h'wag mong kagagalitan ang sarili mong ama. H'wag na h'wag, Maxine." saad nito kaya agad akong nalito sa kanyang sinabi.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nazzhli-hannaj Hazhymezikiah Allives-Fine
Hala . yon lang...ama mo pla Maxine
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status